Chapter 18: The chicken and the dense

1363 Words
MIKA Busy ako sa pagkain ng koko krunch na may gatas, asensado na ako eh lol, habang nagbibilang naman si Rad ng ipon niya. Pansin ko namang namomroblema siya kaya dinala ko na yung bowl ng cereals at lumapit sa kanya. "Problema mo boss?" "Kulang." frustrated niyang sagot at ibinagsak ang pera niya sa lamesa. "Magkano?" "5K, nakakahiya naman mag advance kay mam ugh." "Worry no more, super Mika got you." sabi ko at ginulo ang buhok niya. Umakyat naman ako sa kwarto ko at kumuha ng 5k. Malaki din ang bonus namin nang magchampion kami at meron pa para sa finals MVP, wala naman akong pagkakagastusan kaya tinabi ko lang iyon. Hindi naman din ako mahilig gumastos. "5k, tadaaah." masigasig ko namang inabot yung pera. "Ayoko." "Utang naman yan, di yan bigay." pangungumbinsi ko. "Babayaran ko to agad." sabi niya kaya tumango na ako. Bigla naman tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Ara kaya sinagot ko na din agad. Nagyayaya siya manood ng sine, sabi ko hanggang 6 pm pa kami ni Rad today, kaya mag last full show na lang kami. Bago kami magpuntang coffee shop ay nagenroll na muna kami ni Rad. Sa kasamaang palad, wala na kaming subjects na magkaklase kami. Iyak na. "Makakahinga ka na nang maluwag." pabiro niyang sabi. "Oo nga eh." at nag exhale pa ako na parang relieve na relieve ako na hindi ko na siya kaklase pero ang totoo niyan ay nalulungkot ako. "Sino na kaya gagawa ng homeworks ko?" natawa naman kami parehas sa tanong niya. "Syempre ikaw na." ginulo ko naman ang buhok niya at inakbayan siya. Yieeee chansing joke. "Gusto mo umangkas?" tanong ko dahil alam niyo na, pag pasan ko siya, pasan ko ang mundo KO. "Tapos aawayin ako ng fan girls mo? Di na uy, maya na lang pag uwi." kinindatan niya pa ako, napangiti na lang ako. Ang lakas ng tama ko sayo. "Oh edi ako na lang pasanin mo." at sumampa ako sa likod niya, muntik pa siyang matumba haha. "Reyes alis jan!" "Ayaw haha." "Ah ayaw mo ha." "Aray!" Kinagat niya yung braso ko, bakat na bakat pa yung ngipin niya. Ang sakit. "Bilisan mo na jan." "Yes boss." Nagtungo na nga kami sa coffee shop at nadatnan nanaman namin si Ria at Bea, tutulong daw sila. Sipag naman my bros. "Can I get your number?" parang lumaki yung tenga ko sa narinig kong sinabi ng customer kay Rad. Pag katingin ko naman sa customer ay grabe, wala namang binatbat sa looks ko kaya hinayaan ko na lang. Napatingin naman ako sa pila, puro mga lalaki ang nakapila at lahat sila nakatitig sa dyosa kong *ehem* kaibigan *ehem*. "Yes sir? Ano po sainyo?" nakangiti kong tanong sa customer at pinaalis si Rad sa may cashier. "Thanks." rinig kong bulong niya, ayaw niya ng may nangungulit sa kanya. "Can I get your number?" tanong niya din sa akin, gusto kong tumawa, kuya di tayo talo. "Magagalit po yung boyfriend ko." sagot ko. "He won't know." at kumindat pa ito sa akin. Naramdaman ko naman ang pagkurot ni Rad sa tagiliran ko at nakita kong matawa tawa na din siya. "Sir, your holding the line na po, maybe some other time." nakangiti kong sabi sa kanya. "Kung di ka kamo crush ni mam baka pinagalitan ka na" bulong ni Rad sa akin. "Minsan lang mantrip eh." "Madaming tao ano ka ba, tignan mo si Bea busy nanaman sa girls niya kakapapicture. Si Ria tagapunas na dun." "Oh himala behave si Ria ngayon." pansin ko lang di na flirty sa iba unlike Bea na super friendly daw. "Baka nag bagong buhay na." I shrug, bilis ah. Baka tinamaan na. Lintik na kupido, si Bea po ang tamaan niyo nang wala ng paiyakin na girls dahil sobrang paasa. Nang matapos ang shift namin ay agad kaming sinundo ni Ara at nagpunta na sa mall para kumain. Gusto ko ng tuktukan si Ria sa sobrang harot kay Rad, hindi na nakakain nang maayos eh. Bumili naman na kami ng ticket at itong si Ara hinatak ako at pinaupo ako sa tabi niya nasa may dulo ako, so siya lang ang katabi ko, ang layo ni Rad sa akin, katabi pa si Ria. Nak ng, suntukan na lang oh. Pero joke, para ko na ding best friend yan si Ria, ganun na din si Bea at Ara dahil madalas kami magkakasama, ewan ko kung anong ginagawa ni Jovs sa buhay niya.  "Oy bat ganyan mukha mo, sabi ni Ara na kaholding hands si Den, una kong masasapak to eh, iniinggit lang ata ako. "Ewan ko sayo." sagot ko at inirapan siya. "Nasabi mo na ba? Balita ko nag-Bulacan kayo ah." "Syempre! Hindi..." "Sabi sayo Love mahina diskarte niyan ni Mika eh, kung hindi ko pa nabasa yung nasa notebook niya hindi aamin yan sa akin." pag sabat ni Den. "Ang hina mo naman. Kailan mo balak sabihin? Pag nabasa niya din sa likod ng notebook mo?" natawa naman ako, hindi na ako nagsusulat ng ganun noh. "Oh paano ba? Yung hindi ko kailangan sabihin directly, slowly but surely ganun." "Ganito" Nagsabi naman siya ng mga dapat kong gawin, sa totoo lang simple lang naman pinapagawa niya kaya sige go na lang. Papunta na kami sa kotse ni Ara, dahil medyo nahuhuli kami eh kita ko ang pag akbay ni Ria kay Rad kaya agad akong lumapit para tanggalin iyon. "Wag kang ganyan, nagseselos labidabs mo, sabay turo ko kay Bea, dahil iyon ang lagi niyang kasama. Pero ako talaga yung nagseselos guys, aminado ako. "Ganyan naman eh" galing naman umakting ni Bea, pero di bagay. "Saka nangingitim ka lalo pag tumatabi ka kay Chel." sabi ni Ara, aww realtalk.  Ginulo naman ni Rad ang buhok ni Ria nang sumimangot ito. Hinatid na din kami ni Ara sa dorm. Nang magising naman ako kinabukasan ay pinagluto ko siya ng banana crepe, maiba naman diba. Pero dumating si Ria at Bea na may dalang pancakes at dahil bigla siyang nagcrave ng pancakes ay ako na lang ang kumain ng crepe na ginawa ko, sayang eh. Hindi ako nagcashier ngayon dahil naka kunot lang ang noo ko, badtrip ako bakit ba. Nawala lang ang badtrip ko nang magpabuhat sa akin si Rad pauwi. Hindi ako nabibigatan, kasi nag eenjoy ako na ganun siya kalapit sa akin. Kinabukasan, iaabot ko na sana yung isang tumpok ng Santan na hinarvest ko kanina nang may dumating na isang bouquet ng roses mula sa isang unknown sender. "Naks, ang ganda talaga, ang dami mong manliligaw boss ah." pang aasar ko kahit ouchie para sa akin. "Maliit na bagay Ye." at kumindat pa siya. "Wag mo ko kindatan." sabi ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin. Nasa may hapag kainan ako at inilagay naman niya sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya, bale nasa may likod ko siya. "Bakit? Nafa-fall ka na?" tanong niya malapit sa tenga ko, at woooh! Nakakakilabot, feeling ko tumaas ang balahibo ko. "A-asa k-ka." natataranta kong sagot. "Talaga ba?" lalo pa siyang lumapit sa akin, tinamaan nanaman ng topak. "H-hindi talaga." "Kiss mo nga ako kung hindi. 5 seconds, walang malisya." napalunok na lang ako ng laway. pwede bang 10 seconds na lang? hahaha! Humalik naman siya sa may likod ng tenga ko at napatayo na lang ako sa kinauupuan ko kaya tumama siya sa may balikat ko, jusko. Bago pa man siya makapagreact ay dumating na si Bea at Ria. Good save. ----- "Ano kamusta?" tanong ni Ara. "Dinadaga ako Ara." sabi ko sa kanya. "Wow, 2017 Finals Mvp, hindi kinakabahan sa laro pero walang sinabi sa babae? Mahina." pang aalaska niya. "Lapitan mo na Ye, abot mo na yung ginawa mong tula." pag udyok ni Den. Muli ko namang binasa ang isinulat ko doon: Rachel, I am no poet but let me say it Your eyes are like fire I want to lock with mine You ain't just any girl, You're the one who makes my world twirl. I am just a nobody who's heart was captured by you whom I want to create a new chapter PS: Your smile is like a missing piece of a puzzle, my day isn't complete without it. Gaano kakorni? Diba? Ayoko na tuloy ituloy. Tinulak tulak naman ako ni Ara papunta kay Rad na may kausap na mga kaklase niya. "Oh Ye, bakit?" tanong niya. "Ah eh Rad ano." kumamot naman ako ng ulo ko. "Ano yan?" sabay kuha niya ng letter. "Ha? E-ewan ko, may nagpapaabot lang. Ibigay ko daw sayo." Mika Aereen Reyes, isa kang tanga. Chance na oh. "Ah thank you pag nakita mo ulit." at nginitian niya ako, nalaglag nanaman ang puso ko. Paalis na sana siya kaya hinawakan ko ang wrist niya. "Ah Rad ano I like..." "Ha?" "I like your shoes." Wow Mika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD