Chapter 26: Decisions

1833 Words
MIKA Dalawang linggo mula ng gabing magkasagutan kami ni Rad ay hindi na nga niya ako pinakialaman, kahit pa naaabutan niya kami ni Gale minsan sa tanghali sa dorm ay wala na siyang violent reactions. I felt kinda guilty dahil sa nangyari, halos dalawang linggo na din kaming hindi nagkikibuan sa dorm, namimiss ko siya kahit ang lapit lapit niya sa akin. Here we are, kakatapos lang ng shift namin. Gusto ko siyang alukin ng libreng sakay sa likod ko kaso dumating si Jovs. Lagi naman na niya sinusundo si Rad dito kaya wala na akong silbi. "Ye, tara na." paanyaya ni Jovs nang makaupo si Rad sa shotgun seat. Nagkatinginan pa kami saglit ni Rad, ako na din ang unang umiwas dahil para iyong magnet na hinihila lang ako lalo sa kanya. "Una na kayo. May dadaanan pa ako. Ingat! Ingatan mo yang hilaw na german na yan." nakangiti kong bilin sa kanya. Nauumay na ako sa nakikita ko pag isinasabay nila ako, nakakasawang saktan ang sarili kaya hindi na muna ako sasabay. Wala naman talaga akong dadaanan, isa lang naman iyong napakagandang palusot. Napadaan ako sa isang bar at nakitang nakaupo si Ria sa labas nito kaya naman nilapitan ko siya. "Ri." pagtawag ko sa kanya. Nag angat naman siya ng mukha at nakita kong umiiyak na ito. "Ate Ye." tumayo siya at niyakap ako. "Ang laki mong tao tapos iiyak ka dito, nakakabading Ri." biro ko sa kanya, baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. "Ate, mahal na mahal ko." saad niya. Ako din Ri, mahal na mahal ko. Kasabay ng pagtangis ni Ria ay ang paulit ulit na pagkadurog ng puso ko sa katotohanang may nag mamay ari na sa puso ni Rad. Hindi si Ria, at lalong hindi ako. Niyakap ko si Ria pabalik, alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Ginawa niya lahat pero kulang pa din, hindi siya ang nanalo sa puso ni Rad. "Ria" saad naman ni Bea na patakbong lumabas ng bar kaya agad akong nagpahid ng luha. "Ate Ye." dagdag niya at saka nakiyakap. "Ano ba to? Reunion? Kakakita lang natin kanina ah." pabiro kong sabi pero itong isa iyak pa din ng iyak. "Ate ang sakit sakit." saad ni Ria. I know my friend, I know. I feel you. "Ang masaktan ay kaakibat na ng pagmamahal. Pag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan." sabi ko sabay pat sa ulo nito habang nagpupunas na siya ng luha. "You guys are way soooooooo emotional. You take girls seriously that's why you end up being hurt." litanya ni Bea. "Takot ka kasi masaktan." at inismiran ko siya, alam ko na yang mga ganyang galawan Bea, it's either takot ka or once ka ng nasaktan. Sumenyas naman ito na parang nagzip siya ng mouth niya at nagtaas ng dalawang kamay. Hinagod hagod ko naman ang likod ni Ria dahil humahagulgol na siya. Nakakaawa naman tong batang to. "Kung makaiyak ka kala mo naman naging kayo." pang aalaska ko sa kanya. "Apply cold water to the burn area." natatawang ani ni Bea. "Hanap ka na lang bago, move on na. Wala na eh, taken na ang puso niya." malungkot kong sabi kay Ria. Hinatid na namin ni Bea si Ria sa dorm nito. Nagulat naman ako sa tanong ni Bea nang makabalik kami sa sasakyan niya. "Why are you so coward?" tanong nito. "I wasn't. Nahuli lang ako." "Nope, hindi pa naman sila ah." "May mga bagay na mas mahalaga kaysa pag ibig Bea. Ikaw ba? Bakit ka naging ganyan?" tanong ko. Napabuntong hininga na lang ito at inalok ako kung gusto ko daw ba magkape at dahil mukhang mahaba habang usapan ito ay pumayag naman ako kaya dinala niya ako sa pinakamalapit na coffee shop. Umorder kami ng hot coffee at naupo sa may sulok. "This is Jho." saad niya at inabot ang isang picture kung saan naroon siya at yung sinasabi niya. "Bestfriend ko and first love." dagdag niya at humigop sa kape niya. Suddenly, the ever cheerful BDL ay nakitaan ko ng lungkot. Hawak hawak niya ang picture nila at bigla na lang tumulo ang mga luha niya kaya inabot ko ang panyo ko. "Eversince highschool kami, magbestfriends na kami. Nagtago ako sa salitang yun. I was afraid of losing her kung malalaman niya ang gender preference ko so tinago ko. 3rd yr highschool ko narealize na inlove ako sa bestfriend ko. All those time na magkaholding hands kami which is totally normal for us before ay nag iba para sa akin." "So what happened next? Nainlove kayo tapos natakot siya tapos nasaktan ka? Kaya ka ba naging *ehem* friendly *ehem*?" biro kong tanong para gumaan naman. "Nope. Masaya naman ako mahalin siya from afar. I really am contented sa kung anong meron kami. Until I saw her boyfriend cheating on her, nagdecide ako na sabihin sa kanya. She didn't want to believe me, syempre she really love that asshole so inisip niya na sinisiraan ko lang yung guy. I took one step backward and told myself na hayaan ko na lang muna, she'll eventually know in time naman the truth eh. Masakit makitang nainlove siya sa iba tapos sinasaktan lang siya." Nakikinig lang ako kay Bea nang makita kong tumatawag si Rad kaya sumenyas ako ng saglit lang kay Bea at sinagot ang tawag. "H-hello?" bungad ko sa kanya, medyo kinakabahan ako baka magbeastmode ang ate niyo. "Nasaan ka na?" malumanay niyang tanong, himala. "Uhm nagkakape lang." "Sinong kasama mo?" "Si Bea De Leon at mga chicks niya." biro ko kaya sinamaan ako ni Bea ng tingin. "Umuwi ka na, anong oras na. Isipin mo naman kasama mo sa bahay." sabi niya at pinatay na agad ang tawag. Napangiti na lang ako kahit papaano ay nag aalala siya sa akin. Napatingin ako sa orasan at nakitang 1:30 na pala ng umaga. "Tuloy mo na, pinapauwi na ako ni boss." kamot batok kong sabi kay Bea. "You really do love her huh?" nakangising sabi niya. "I really do and I wish I could have told her." pinilit kong ngumiti. "Me too." Napatingin naman ako sa kanya, her eyes speak. Sobrang affected pa rin siya sa nangyari. "They broke up, and she told me na tama ako. She asked for forgiveness, I'm not really mad naman talaga kasi naiintindihan ko yung situation niya. So okay na kami ulit. It was really fun having her around, the best days of my life actually. Graduation came, sabi nung speaker..." Go for the things that makes you happy, it will be worth it. "It hit me so I told myself, I'll tell her pagkauwi niya from their family vacation sa Maldives." she paused at kwinento ang nangyari the night before umuwi si Jho sa Pinas. "Beh, anong pasalubong gusto mo?" tanong ni Jho. "Just you. You are already enough." sagot ni Bea. "Stop with the flowery words beh." "I'm just telling the truth." "I miss you already beh, can't wait to see you tomorrow! Sunduin mo ba ako sa airport?" tanong ni Jho na may himig ng pagkasabik. "Sige, give me the number ng driver niyo para makasabay ako." tugon ni Bea. "Inaantok na ako beh, ano pala yung gusto mong sabihin?" "Bukas na, gusto ko sa personal. Hehe, magsleep ka na beh." "Okaaay. See you tomorrow Beatriz! I love you beh." saad ni Jho na nagpangiti kay Bea. "I love you more Beh." sagot nito at pinatay na ang tawag. "Mahal na mahal na mahal kita Jho." dagdag nito. "It was a night to remember for me, she often tells me that she hates me. It was the first time she told me she loves me." napangiti naman si Bea sa naalala. "I didn't even know na it would also be the last. She never came back. They didn't make it home. There was a crazy man who throw a grenade in their place. I wasn't able to tell her how much I like her, I wasn't able to tell her how I really feel about her, how much I really want her to be mine and how much I love her." umiyak na din siya ng sobra.  Lumipat ako ng upuan at hinagod ang likod niya, napatingin ako sa relo ko at nakitang Alas dos na. Chineck ko naman ang phone ko at may 3 missed calls na plus 5 text messages mula kay Rad. "It hurts losing someone you really love kaya I chose to not get emotionally attach anymore pero Jia came like a truck rushing and broke the walls I built." "Wag ka matakot mag mahal, masarap yun sa feeling pero eto lang, kung magmamahal ka ulit, siguraduhin mong malaya na yang puso mo." sabi ko at ginulo na ang buhok niya. "Ikaw din, wag ka matakot sabihin sa kanya." sabi niya at nginitian ako ng nakakaloko. "Huli na, mutual na yung feelings nila." sagot ko. Niyaya ko na siya umuwi at sa dorm na daw siya magpapalipas ng gabi. Uuwi na lang daw siya ng maaga. Binasa ko naman ang text ni Rad. From: Queeny Nasaan ka na? Reyes sumagot ka nag aalala ako. Wag ka ng magcellphone kung hindi ka marunong sumagot ng tawag! Ye! Nasaan ka na ba?! Uwi ka na please. Hindi na ako nagreply at magpapaliwanag na lang ako mamaya. Pagkadating ko naman sa dorm ay naabutan ko siyang nakatulog na sa sofa. Pinauna ko na si Bea sa kwarto ko. Hindi ko malaman kung dapat bang gisingin ko siya o ano. Sa huli ay binuhat ko na lang siya hanggang sa kwarto niya at dahan dahan siya binaba sa kama niya. Tulog mantika naman itong taong to eh. Inayos ko ang buhok niya at kinumutan ito. Sana alagaan ka niya ng tama. Humalik na ako sa noo niya at nagtungo na sa kwarto ko. Ang napakagaling kong kaibigan ay sinakop na ang kama ko, nakakahiya naman sa nagbabayad ng renta sa dorm kaya kumuha na lang ako ng unan at kumot at sa salas na natulog. ----- Free cut ako for today kaya late na ako nagising. 10 am na din kaya naman ay hindi na ako nag luto dahil wala naman akong gana kumain at paniguradong nakaalis na si Rad. Nagpunta naman si Gale ng di ko inaasahan, maigi nalang at nakapaligo na ako nang dumating siya, mga 11 na din iyon. "Bakit di ka pumasok today?" tanong niya. "Free cut kami." sagot ko. I was really trying my best to divert my attention kay Gale. Gaya nga ng sabi ko, okay naman siya kung aalisin yung kaharutan niyang taglay. She sat on my lap at inilingkis ang mga kamay niya sa batok ko. Hindi ko na siya pinipigilan sa gusto niya, nagpapalandi na lang din ako. Hinawakan naman niya ang mukha ko at tinignan ako mata sa mata, kaso wala man lang akong naramdamang sparks, wala ni katiting. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, I had my first kiss anyway, in a very unromantic way kaya naman hindi ko na din siya pipigilan.  Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa taas at napatingin ako agad sa gawing iyon, nandun pa pala si Rad. Hindi niya ako binati o kung ano. Hindi ko na lang din siya kinibo. "Gale date tayo mamaya?" wala sa loob kong paanyaya kay Gale. "Sure" sagot nito at humalik sa magkabilang pisngi ko. Lumabas naman si Rad at nakita ko sa may bintana na sinundo siya ni Jovs. She's happy.  Pipiliin ko na lang din maging masaya, I'll try to work things out with Gale. Hope this could help me from moving on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD