Chapter 27: Officially Hers

2139 Words
RACHEL Hindi sumabay sa amin si Mika kaya naman ay naghintay ako sa may salas sa kanya dahil nga anong oras na din. Nang mapansin kong ala una na at wala pa siya ay naisipan ko itong tawagan ngunit hindi siya sumagot. Nakailang try pa ako bago niya sagutin ang tawag ko. "H-hello?" bungad niya. "Nasaan ka na?" iniiwasan kong pagtaasan siya ng boses kahit alalang alala na ako, kasi nga bawal ako makialam sa kanya. "Uhm nagkakape lang." "Sinong kasama mo?" umaasa akong hindi si Gale ang kasama niya. "Si Bea De Leon at mga chicks niya." nakahinga naman ako ng maluwag doon, okay lang mangchicks sila basta wag sa Gale na iyon. "Umuwi ka na, anong oras na. Isipin mo naman kasama mo sa bahay." sagot ko bago tuluyang ibaba ang phone ko. Hindi man lang ba niya naalala na may kasama siya sa bahay? Hindi man lang ba niya naisip na baka may naghihintay sa kanya? I was pacing back and forth sa may salas, sabi ko sa kanya umuwi na siya pero alas dos na ay wala pa din siya. To: Mika Labanos  Nasaan ka na? Reyes sumagot ka nag aalala ako. Wag ka ng magcellphone kung hindi ka marunong sumagot ng tawag! Ye! Nasaan ka na ba?! Uwi ka na please. Wala siyang sinagot ni isa sa mga text ko, baka mamaya napaano na siya. Kahit pa sabihin nating malakas siya, babae pa din sila. Napaupo na lang ako sa sofa at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakahintay. Nang magising naman ako ay nasa kwarto na ako, malamang binuhat nanaman niya ako kahit pwedeng pwede naman niya akong gisingin. Tamad na tamad ako ngayong araw kaya mag skip ako sa first class ko. From: Jovs  Good morning milabs! ☺️☺️ School ka na? Wala pa. Tinamad ako pumasok  Ikaw ba? Mamaya pa pasok ko. Want me to fetch you?  Sureeee. Mga 11:30? ☺️ Alright milabs  See you later. Lumabas na ako ng kwarto para maligo at nakitang doon natulog si Mika, anyare? Chineck ko naman ang kwarto niya at naabutan si Bea doon na kakagising lang. "Good morning Bey." bati ko sa kanya. "Good morning din ate. Uhm.... Yung suot mo po." bigla naman siyang nagtakip ng mata. Naka usual sleeping outfit kasi ako haha. Pagtitripan ko pa sana si Bea kaso baka di na bumalik eh, kaya tinakpan ko na lang ng tuwalya ang katawan ko. "San si ate Ye?" tanong niya. "Nasa baba, mukhang sinakop mo yung kama niya kaya dun na siya nakatulog." sagot ko kaya tumingin siya sa may salas. "Hala oo nga." "Anong oras kayo nakauwi?" "2:30 na ate. May pasok pala ako, alis na din po ako." saad niya at bumalik sa kama ni Mika para ayusin to. "Ingat ka Bey." nginitian niya lang ako at nakita kong ginising niya si Mika kaya tuluyan na akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkalabas ko naman ay tulog pa din ang bruha kaya hindi ko na lang pinansin, baka antok pa. Nagstay ako sa kwarto ko hanggang magtext si Jovs na malapit na siya. Sakto namang pagkalabas ko ay nakaupo si Gale sa lap ni Mika at akmang hahalikan ito. Psh, nobody could do it better than me. Di nga mukhang affected si Mika sa ginagawa niya.  Narinig ko namang inaya ni Mika ng date si Gale, is she really trying to piss me off? Pipili na lang ng babae hindi pa kalevel niya. She deserves better. "Good morning Rach, bat ganyan itsura mo?" saad ni Jovs at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. "Yung bestfriend mo, pipili na lang ng babae yung malandi pa." iritable kong sagot. "Matatauhan din yan." natatawang sagot niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko kaya feeling ko nawala na lahat ng inis ko kay Gale. Hinawakan ko naman iyon ng mahigpit, alam ko medyo naging unfair ako kay Ria pero iba kasi kay Jovs, sa kanya ko naramdaman yung sparks talaga and everytime I see her smile, napapangiti na lang din ako. "Kamusta si Ria?" tanong niya bigla. "I told her to stop." sagot ko habang nakatingin sa bintana. "Oww awkward hehe." sagot niya. "Wala eh, you got me." sagot ko at kinindatan siya. Akalain niyong sa kulay niyang iyon ay nakita ko pa siyang namula. Kaya humalik ako sa pisngi nito, feeling ko tuloy naging takure na siya sa pula ng pisngi niya. Hindi pa naman official na kami, but our feelings are mutual naman. I'm happy with her and I, myself can't believe na maiinlove ako sa taong lagi kong kabangayan, idagdag pa na parehas kaming babae but love is for all naman. Well, love wins. ***** M I K A I changed my shift sa coffee shop tutal madami akong vacant inbetween, I spend it na lang sa coffee shop para pag dating ng 10 pm ay pwede na akong mag out. Ayoko na sumabay kay Rad at Jovs talaga. It's been a month simula nang ayain ko si Gale makipag date sakin. Okay naman, she's sweet and thoughtful anyway. Malapit ng matapos ang practice namin nang lumapit naman sa akin si Jovs. "Buddy, help me naman." saad niya. "Saan ba?" tanong ko. "I'm planning to ask her to be my girl na." nakangiti niyang saad. Para naman akong nabagsakan ng langit at lupa sa narinig, I wasn't really moving on pa, parang distraction ko lang si Gale. "Kailan ba?" tanong ko. "Bukas sana since Sabado naman." "Kami na bahala, itetext kita kung saan." ngiti kong sagot sa kanya. This is torture my friends. Mika is the new term for tanga, torpe, and martyr. Bakit ba kasi sa akin pa humingi ng tulong, ang galing. ----- Sa bawat ginagawa ko ay para kong pinupukpok ang sarili kong puso. Parang ako na rin ang nagpataw ng kamatayan sa sarili ko dahil sa ginagawa ko. I cooked for them sa dorm ni Ara, nasabihan pa ako ng kung ano ano ni Den kung tanga daw ba talaga ako o ano. Hindi ko na lang nga pinansin ang mga sinasabi nila, alam ko naman sa sarili ko na ang tanga ko sa ginagawa ko. Inayos ko na yung setup sa isang hill, may isang punong malaki doon. Gabi naman balak ni Jovs magpunta doon kaya hindi magiging mainit. May flowers sa gilid plus a picnic for two na setup. "Kaya pa?" tanong ni Deanna, sa kanya kasi ako nagpasama dahil na din ayaw ako samahan ni Ara sa katangahan ko. Hindi naman pwedeng kay Bea dahil for sure iiyak din si Ria pag nalaman niya. "Kaya pa." ngiti kong pilit, pero double meaning talaga yung sagot ko. Kaya ko pa yung ginagawa ko at kaya ko pa yung torture na ginagawa ko sa sarili ko. Alas sais na kaya lumayo na din kami ni Deanna at hinintay na lang sila makarating. Mula sa malayo ay kitang kita ko kung gaano natuwa si Rad sa surprise ni Jovs. "Tara na ate Ye." paanyaya ni Deanna. "Wait lang Dean, sandali na lang." saad ko. Hinawakan naman ni Jovs ang kamay ni Rad, marahil ay tinanong niya na ito. Mukha namang omoo si Rad dahil niyakap niya ito at binigyan ng halik. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako kaya inabot niya sa akin ang panyo niya.  "Mahal mo?" tanong niya. Nakaupo kami ngayon sa isang mababang pader habang nakatingin sa dalawang taong mahalaga sa akin. Hindi ako sumagot ngunit nginitian ko lang siya. Marahil ay alam niya na ang sagot sa tanong niya. "Bakit hindi mo sabihin?" dagdag niya.  Napaisip ako, bakit nga ba?  Dahil ba sa bestfriend ko? O dahil na din mismo sa kanya? "May magbabago ba kung sasabihin ko sa kanya?" tanong ko. "There are endless of possibilities." sagot niya. "Hindi ako ang bida sa istoryang ito. Hindi ako yung taong kabangayan na mamahalin nung prinsesa. Ako lang yung sidekick s***h bestfriend nung taong iyon na maaring maging takbuhan ng kanyang prinsesa, ngunit kahit kailan..." Tumingin akong muli kay Rad at Jovs, ang sakit sakit pala talaga. "... kahit kailan hindi ako ang taong mamahalin niya. Anino lang ako." tugon ko sa kanya at tumayo na sa kinauupuan ko. Bago ako tuluyang lumayo ay lumingon ako muli sa dalawang taong importante sa akin. "The only thing constant in this world is change, malay mo kayo pala talaga." sagot niya at bumaba na din sa pader. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.  "Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa kanilang dalawa. Kahit gaano kasakit, titiisin ko. Wag lang malayo ang isa sa kanila." ngumiti ako ng pilit. Masaya ako para sa kanila. Ngunit may lungkot akong nararamdaman dahil hindi ako ang bida sa buhay ni Rad. I decided to stop fooling around kaya nagpahatid ako kay Dean sa kanto malapit kila Gale at nilakad na lang and daan papunta sa bahay niya. Nagdoorbell ako at agad naman niya akong pinagbuksan. "Napadaan ka baby?" tanong nito. I really dislike it when she calls me baby. Si Rad lang ang pwedeng tumawag sa akin ng baby, dahil ako ang baby tams niya. "Usap tayo." poker face kong tugon. Hindi na kami pumasok at dito na lang sa may terrace nag usap. "Gale, let's stop this." saad ko, hindi ko siya kayang tignan. "Ang alin Mika?" "Ito.... Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko." nakayuko kong sagot. "What?! So lokohan lang pala ito para sayo?!" bulyaw niya. "I'm sorry." yun na lang ang naisagot ko dahil alam kong mali ako. "Pinaasa mo ako! You acted so sweet! Pafall ka!" saad niya at pinaghahampas ako. "I'm sorry Gale." Nakatanggap ako ng malakas na sampal at napatingin ako sa mata niya na puno na ng galit. "Sino?! Sabihin mo sa akin kung sino!" saad niya ngunit hindi ako sumagot. "Si Rachel ba ha?!" napaiwas na lang ako ng tingin. "Letse! Umalis ka na! Magbabayad sa akin ang babaeng iyon!" saad niya at tinulak na ako palabas ng gate nila. "Gale, I'm really sorry." "She'll pay for this. Lahat na inagaw niya sa akin." saad niya bago tuluyang ibinagsak ang pinto ng pintuan niya. I dialled Bea's number at nakiusap na samahan muna ako saglit. "Oh, what happened to your face?" tanong niya kaya agad kong tinignan ang mukha ko sa side mirror niya. "Nasampal." sagot ko. "The who?" "Gale." She asked me to tell her what happened so binatukan niya ako after marinig ang buong kwento. "Walk what you preach ate! You told me na 'kung magmamahal ka ulit, siguraduhin mong malaya na yang puso mo' so what are you doing?!" sumbat niya sa akin. "I know. I was desperate. I forced myself to like her para makamove on pero wala eh." "It was a total d**k move ate. I really am disappointed in you. San tayo?" "Sorry. Surprise me." sagot ko. Hindi na siya nagsalita at nagmaneho na lang. Dinala niya ako sa oval ng FEU. Nakiusap lang siya sa guard na saglit lang kami at dahil kilala naman siya ay pinayagan na kami. "Shout your heart out here ate." sabi niya at naupo sa lapag. "Wala na akong puso brad. Tinangay na ni Rad." natatawa kong saad at naupo na lang din sa tabi niya. "Wow, rhyme yung brad at Rad." natatawa din niyang sagot. "Ako pa nag ayos ng set up nila kanina. Tinulungan ko si Jovs mapasagot si Rad." nakangiti kong sabi. "Papagawa na po ako ng monument mo." sagot niya at umakbay sa akin. Tumayo naman ako at sumigaw.  "PAKSHEEEEET!" "Ang korni mo." agaw eksena ni Bea. Siraulo to. "ANG TORPE MO MIKA! NAUNAHAN KA TULOY!" Sigaw ni Bea kaya sinamaan ko siya ng tingin. "GAGO KA BEA!" sigaw ko. "MAS GAGO KA ATE! PAG MAHAL MO IPAGLABAN MO!" Hindi ko na napigilan ang umiyak. Ang iyakin ko naman. Naramdaman ko naman ang yakap ni Bea kaya niyakap ko siya pabalik. s**t naman oh. "You're such a crybaby ate. Daig mo pa si Ria." "Grabe ka. Ngayon lang ako halos umiyak." "You'll get over it. Kung makaiyak ka parang naging kayo ah." aba't ibalik daw ba sa akin ang sinabi ko kay Ria. "May karapatan ka masaktan pag nagmahal ka." sagot ko. Binatukan naman niya ako at umakbay na sa akin. "What do I do now that you're gone, no back up plan no second chance and no one else to blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say. " pagkanta niya. I love you.. were the words I couldn't say when I had the chance. Hinatid na niya ako sa dorm. Nagpasalamat ako ng madami sa pagsama niya sa akin. Atleast I still have that one friend who'd listen to me and my antics. Pagpasok ko naman ng dorm ay isang napakagandang sight ang nakita ko. Nasa sofa si Rad na nakasandal sa balikat ni Jovs at magkahawak kamay pa.  AYIIIEEEE... "Ye thank you." sabi ni Rad na lalong dumurog sa puso ko. First blood. HAHAHAH sakit friend. Tagos. "Welcome." pinilit kong ngumiti kahit gusto ko ng maiyak. "Andito naman na si Mika uwi na ko love." wow naman sa love diba.  Tumayo naman si Rad at inilingkis ang braso niya sa leeg ni Jovs at binigyan ito ng isang matamis na halik sa labi. Double kill. Wow andito po ako. Hustisya na lang sa taong single oh. Umakyat na din ako agad pero narinig ko pa ang paalam ni Rad. "Good night baby. Text me pagkauwi mo. I love you." TRIPLE KILL... Pagkasara ko ng pintuan ko ay nag walling na ako. Dahan dahan pa para damang dama ko hanggang sa tuluyan na akong nakaupo sa sahig then I held my knees. Ghad this pain is too much to bare. Can you send someone to hug me? This pain is killing me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD