MIKA
Nagpeprepare na ako ng dadalhin kong gamit para sa tryout ng national team. Magtatryout kaming 5 at sana naman makapasok kaming lahat.
"Ye sabay ka na samin papuntang gym. Manonood ako kaya pupunta si Jovs dito." paanyaya ni Rad.
I smiled ng pilit. Hindi ko naman pwedeng hindi pansinin si Rad habang buhay. Namimiss ko na din talaga siya sa totoo lang. Since nung magkasagutan kami ay hindi pa rin kami okay hanggang ngayon kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Ang mga braso ko ay nasa may leeg niya at ang noo ko ay nakalapat sa balikat niya.
Anak ng tokwa bigla na lang akong naiyak at niyakap siya ng mas mahigpit.
"Baby tams, anong problema?"
"Miss na miss na kita. I'm sorry." at suminghot singhot pa ako, nakakahiya, para akong bata.
"Bakit ka nagsosorry?" haharap pa sana siya pero hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Sa pakikipagsagutan sayo tungkol sa taong di naman karapat dapat pag awayan."
"Okay na, matagal na yun, kalimutan mo na." tinap naman niya ang braso ko kaya kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya.
Hinawakan naman niya ang dalawa kong pisngi at pinahiran ang mga luhang patuloy na pumapatak.
"Sorry din. Please stop crying, I don't want to see you cry baby." napapikit na lang ako ng mariin at lalong bumuhos ang luha ko sa pagtawag niyang baby sa akin.
Napakaliit na bagay pero napakalaki ng epekto sa puso ko.
"I'm sorry Rad." at hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko kaya niyakap naman niya ako at hinagod ang likod ko.
"Stop saying sorry, okay na yun." saad niya at humalik sa noo ko.
Ghad, is this the sweet Rad? Napatingin naman ako sa kanya at tinampal niya ang noo ko, I still like the bully Rad anywaysss.
"Maghilamos ka, halatang umiyak ka. Tutuksuhin ka nanaman ng mga kaibigan mo." saad niya at tinulak ako papunta sa banyo.
Sakto namang pagkatapos ko maghilamos ay dumating si Jovs. As usual, sa labas lang ako nakatingin at hindi sa mga kamay nilang magkahawak.
Nang makarating kami sa gym ay ang daming tao, madaming magtatryout kaya medyo kinakabahan ako, gusto ko pa din naman marepresent yung bansa.
"Huy anong mukha yan? Para kang di matae eh." saad ni Ara nang makalapit siya sa akin.
"Kinakabahan ako." sagot ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.
"2017 finals mvp, kalma." biro niya.
"Pwede ba? Tsamba lang yun." sagot ko sa kanya.
Tinawag na kami ni coach at hinati sa ilang grupo. More on 3v3 tapos shooting drills parang pre-draft workout mga pinapagawa sa amin. Bago kami tuluyang matapos ay may 5v5 pa at free throw shooting. May tryout pa bukas pero hindi naman required, parang kung gusto mo lang bumawi kung sa tingin mong pangit ang performance mo ngayon.
Noon, ako yung chinicheer niya. I miss those "Go baby tams!" "Go Reyes!" kaso ngayon iba na. "Go baby!" "Mahal ko yan!" durog na puso ko, para ng pamintang durog.
After ng training namin ay nag aya naman silang kumain sa Jollibee, wala bang bago? Sa may dulo ako umupo malayo sa lovers dahil tao po ako nasasaktan pa din. Katapat ko si Ara, kaya dinadaldal niya pa ako.
"Pst. Sakit?" tanong niya.
"Asshole." I mouthed.
Tinawanan lang ako ni Ara kaya hindi ko na din ito pinansin. Katawa tawa ba yung nangyari sa akin? I mean oo kasalanan ko kasi hindi ako umamin, pero hindi naman dahilan yun para pagkatuwaan ako. Madaling tawanan, pero kung siya nasa sitwasyon baka di na siya makatawa.
"Ye, mag overnight kami sa Batangas nila Jovs at Aby, sama ka?" tanong ni Rad ng makarating kami sa dorm.
Ayoko po, torture.
"Pass ako Rad, attend pa ako ulit ng tryout bukas, feeling ko kulang pa eh." sagot ko sa kanya.
"Pasalubong gusto mo?"
"Syempre naman." natatawa kong sagot sa kanya. Hihindian ko ba naman yun?
"Sige mag ayos na din ako ng gamit ko."
Nagtext naman ako sa tropa na pumunta sila dito mamaya, chill night. Magdala sila ng pagkain at kung gusto nila ay magdala na din sila ng inumin.
Nang bumusina naman si Jovs ay bumaba na din agad si Rad. Mapapanganga ka na lang talaga sa suot niya. Jusko ang dyosa.
"Bakit hindi sumama si Den?" tanong ko dahil umaalis naman yun kahit di kasama si Ara.
"May aasikasuhin daw siya bukas, sa monday pa ng morning balik namin." sagot niya.
Hinatid ko naman siya hanggang sa may pinto at kinawayan si Jovs at Aby. Bago sila tuluyang umalis ay kinatok ko ang bintana ni Jovs.
"Ingat kayo ha." paalala ko.
"Oo naman." nakangiti niyang sagot sa akin kaya ginulo ko na ang buhok niya.
"Baby tams, maglinis ka jan ha." paalala ni Rad.
"Wow, akala mo naman naglilinis siya. Ako kaya lagi naglilinis."
"Joke lang. Byeee!" at kumaway na ito sa akin.
Naglinis na nga muna ako ng bahay, nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung aabutan nilang magulo diba. Maigi na lang nga at nagdala na sila ng pagkain at syempre hindi mawawala ang inumin, mga uhaw talaga.
"Para sa mga pusong sawi!" sigaw agad ni Ria nang mabuksan ang inumin.
"Ah joke ako lang pala broken hearted!" dagdag niya pa at uminom na agad.
"Mamaya tumba ka na jan." sabi ni Ara na ngayon ay hawak ang kamay ni Den. Putulin ko kaya kamay nitong dalawang to? Wala man lang konsiderasyon eh.
"San pala nagpunta si Chel?" tanong ni Ria.
"Gusto mo ba talaga malaman?" tanong din ni Den kay Ria.
Tumahimik na lang siya, tatanong tanong ayaw naman pala malaman kung nasaan ang mahal niya.
"Joke lang moving on na ako." natatawa niyang sagot.
"Oh? Congrats. May isa dito na mukhang mapapako sa katangahan eh." sabat ni Ara kaya itong Ria naman tanong ng tanong.
Dinivert na lang ni Bea ang usapan, galing naman my friend, ayoko din kasi pag usapan. Kaya ko nga sila niyaya para hindi ako malungkot.
"Pag ba mahal mo dapat ipaglaban na agad?" tanong ni Ria.
"Oo, ipaglaban mo ng patayan." sagot ni Den.
"Kahit may mahal ng iba?" dagdag ni Ara.
"Ofcourse, take your seat na. Learn when to raise that white flag." sagot ni Bea.
"Eh anong dapat gawin sa mga torpe?" Ara
"Torpe ba talaga? O manhid yung isa?" sagot ko.
"Manhid ba talaga o hindi naman nagparamdam?" bawi ni Den.
Napainom na lang ako ng tubig sa sinabi ni Den, sabi ko nga hindi ko pinaramdam masyado eh. Kasalanan ko kung bakit hawak siya ng iba ngayon. Kasalanan ko.
Nagkwentuhan pa sila at nang umiiyak na si Ria dahil sa kalasingan na din ay nagpasya na silang ihatid muna ito. Si Bea ang nagdrive dahil hindi naman siya uminom, sumama naman si Ara at Den kaya naiwan akong mag isa dito sa dorm.
Naupo naman ako sa single sofa at nag twitter gamit ang bago kong phone. Kung sino man nag pauso ng twitter ang sarap saktan. Nagtweet lang naman si Jovs. Ako naman si tanga binasa pa ang usapan nila.
@xJovsx08
Lucky I'm inlove with this annoying yet adorable woman @rchl03
|
Mas annoying ka baby
|
Mahal mo naman ayieee ❤️
|
Sino nagsabi? Patayin ko
|
Ayy grabe siya oh ☹️
|
Di kita mahal. Mahal na mahal lang. Ayieee. Kilig yan lol. Balik ka na dito!
|
Teka! Kalma! Uutusan mo ako tapos papabalikin agad?! May pakpak ba ako ha?!
|
Ah basta bilisan mo. Miss na kita agad.
|
Wala pa akong 5 minutes nakakaalis. Tigilan mo nga ako
|
Sweet mo sobraaaa! With full of sarcasm yan haha. I love you
|
Yieee. I love you too baby. Wait lang!
It was really painful to see your special someone happy with somebody else. It should have been me, it should have been us kung hindi lang ako natakot.
Bigla namang nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito without looking kung sino ang tumawag.
"Saan na kayo?" bungad ko.
"Andito pa sa batangas." akala ko si Bea yung tumawag, si Rad pala.
"Napatawag ka?"
"Kakamustahin lang kita."
"I'm perfectly fine Rad." tho it was a lie. I'm broken.
"Sige na kinamusta lang kita. Bye baby tams. Good night." saad niya at pinatay na ang tawag.
Good night my queen. Good night to you who stole my heart. Can you give it back to me? It hurts na eh. Sobra.
"Okay lang umiyak Ye." napalingon naman ako at nakita si Ara.
"Kanina ka pa ba jan?" tanong ko.
"Slight . Nauna na ako kasi baka duguan ka na namin makita, may binili lang si Bea at Den. Come here buddy. You really don't have to pretend na kaya mo eh."
Niyakap ko naman siya at umiyak na sa balikat niya. Hanggang kailan ba ako iiyak?
"Akala ko gusto ko lang. Akala ko mahal ko lang. Gago. Hulog na hulog na pala ako ng hindi ko alam."
"Shhh. Ano ka ba, makakamove on ka din. Kung makaiyak ka kala mo naman siya na huling babae sa mundo."
"Eh siya gusto ko bakit ba."
"Siya nga gusto mo, wala ka namang ginawa para makuha mo." sagot niya at tinampal ako sa noo.
Naupo na muna ako sa sofa. Life sucks my friend. May pinakita naman sa aking IG post si Ara.
bionic_ilongga My life. My everything. Grabe yung pangliligaw na ginawa mo sakin baby makuha lang ako. Joke! To more adventures with you milabs. I love you #Gonzaquis
Damn.
Kinuha ko na lang ang baso na may lamang tubig at ininom ito ang tapang s**t.
"Hala hindi tubig yan!" rinig ko pang sabi ni Ara bago ako tuluyang nawala sa ulirat.
*****
ARA
Tinignan naman ako ni Mika at unti unting lumapit sa akin. Don't tell me na totoo yung sinabi ni Den.
Unti unti naman niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at pilit akong sinusubukan halikan.
"Salawahan!" rinig kong sigaw ni Den at tumawa.
"Tulungan niyo naman ako dito." saad ko habang pinipigilan si Mika. Ang lakas niya.
At dahil ang kulit ni Mika at ayaw akong tulungan ng dalawang baliw ay sinuntok ko ito kaya nakatulog ang loko. Weak.
"Hala ka ate, black eye."
"Baliw ka." sabi ni Den at tinuktukan ako.
"Kayo eh, ayaw niyo ako tulungan." sagot ko.
Inakay naman muna ni Bea sa kwarto nito atsaka bumalik sa may sofa.
"Ayoko ng makitang malungkot si Mika." sabi ko.
"Siya lang naman ang makakatulong sa sarili niya."
"So what to do?"
"Wag na lang natin iwan muna mag isa si Mika. She needs a friend eh." sagot ko.
Nagtungo na si Den sa kwarto ni Rad dahil nagpaalam naman din kami na gagamitin ang kwarto niya, si Bea naman ay sa kwarto ni Mika.
Sumilip muna ako sa kwarto ni Mika. Nakaharap sa akin si Bea at sinabing umiiyak daw si Mika kahit natutulog.
Napabuntong hininga na lang ako. Makakita lang ako ng taong worth it para sayo Ye, ako na mismo gagawa ng paraan para sa inyo.
Sa ilalim naman ng kama ni Mika ay may nakita akong crumpled paper. Akala ko basura pero mukhang sulat nanaman niya.
To you who stole my heart,
I was a fool for not telling you
now I'm still wondering,
if you might have love me too.
I love you but it's a little late
I guess we are never meant.
I fell for you even if I shouldn't,
I wanted to stop it but I couldn't.
I don't know how it start
but you slowly stole my heart.
Now can you please give it back?
Before my heart truly c***k.
Hindi ko na maintindihan yung ibang nakasulat pero isa lang ang alam ko. Sobra siyang nasasaktan. I'll help you buddy.