MIKA
Napadaan ako sa salamin at nakitang may black eye na ako. Sinong gumawa nito?!
Agad kong pinuntahan si Ara sa kabilang kwarto dahil siya ang huli kong kasama.
"Hoy Victonara!"
"Hmm?" sagot niya at yumakap pa ng mas mahigpit kay Den.
"Hoy! Ikaw ba may gawa nito?!" saka ko siya kinurot kaya bumangon na ito.
Bigla naman siyang tumawa, alam kong katawa tawa talaga itsura ko, ikaw ba naman may black eye eh. Siraulo.
"Ikaw kasi! Gusto mo akong halikan kagabi!" sagot nito.
"Yuck. Kilabutan ka nga."
"Oo. Yuck talaga kaya nagkaganyan ka."
"Sus. Alam ko namang gusto mo. Kunyari ka pa." sagot ko sa kanya.
Tumayo naman si Den at parehas tinampal ang noo namin pero nakailag ako, maliit siya eh di naman niya abot.
"To you who stole my heart." sa pagkakarinig ko nun ay agad kong tinignan ng masama si Ara.
"Asan na yung papel na yun?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Secret." sagot nito.
Napatingin na lang ako sa orasan at nakitang anong oras na pala, 7 am na at 8 am ang second tryout. Ayoko pa naman nalelate sa mga ganitong bagay. Dali dali ko na din ginising si Bea at naligo na din ako. Sila naman ay nagquick shower lang.
8:15 na nang makarating kami sa gym. Sila coach at Ria pa lang ang naroroon. So kaming 4 lang ang magtatryout ulit?
"I see dedication in you guys." nakangiting sabi ni coach at pinasa na ang bola sa amin.
"Now we'll start our drills." sabi ng assistant coach.
Agad naman kaming nagstretching muna, iwas injury. Light drills na lang pinagawa samin ni coach. May dumating pa na dalawang magtatryout.
"Ther!" Bati ni Bea sa isang dumating.
"Hi coach." bati naman nung isa pang kasama nung Ther.
"Coach. Kilala niyo naman yung kasama ko diba?" sabi nung Ther.
"Ofcourse who wouldn't? Famous kaya yan si Gretchen Ho. Kamusta injury mo?" natatawang sabi ni coach. Famous? Di ko nga kilala.
Hindi ko siya namumukhaan, hindi naman kasi ako nanonood ng uaap noon, so basically, wala akong kilalang mga players.
"Okay na coach. Makakabawi na sa Season 80." tumingin naman sa akin yung babaeng chinita at inismiran ako. Problema niya?
"Okay mag stretching na kayo konting drills tapos 3v3 kayo." saad ni coach.
Nagpatuloy kami sa drills habang hinihintay yung dalawa. Nagstart na din kami agad ng half court 3v3 , Ako, Ara at Ria laban kay Bea at dun sa dalawa.
Sa akin naman tumapat itong cute na Chinita. Tumawa pa ito dahilan para mawala yung mga mata niya. Sarap palakihin nung mata eh.
"Finals mvp right?" tanong niya.
"Ayokong tinatawag akong ganun." sagot ko habang binabantayan siya.
"Feeling ko nga tsamba mo lang yun eh." aba't niyabangan ako.
"Pasalamat ka injured ako, baka hindi ka champion ngayon." dagdag niya at ngumisi.
Medyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Baka naman puro yabang lang ang taong to. Nang ipapasa sa kanya ang bola ay inagaw ko ito, nagdrive papasok saka nag behind the back assist kay Ara.
"Malakas ka na niyan?" natatawa niyang tanong. Sinusubukan ata ng taong to ang pasensya ko.
"Di magandang nakikipagbugbugan uyy." dagdag niya.
"Wag mo pansinin yung black eye ko, gunggong lang yung kaibigan ko." sagot ko.
Hiningi niya ang bola kay Ther at nagdribble sa harap ko. Nginisian niya ako kaya't nag attempt ako mag steal kaso naiwan ako at nakascore siya.
"Palag naman." saad niya, daldal.
"Wag mo ko inisin." yun lang sagot ko sa kanya.
Nang ipasa naman sakin ni Ria ang bola ay dinikitan ako ng singkit para sa depensa. Maganda ang depensa niya, akala ko nakalusot na ako at nang magshoot ako ay nasupalpal niya.
"Bwisit." kunot noo kong saad.
"Madami ka pang kakaining bigas, mvp." sabi niya.
I tried na bantayan siya pero lagi siyang nakakalagpas sa akin. Nakakafrustrate ha. Lahat ng tira ko sablay o di kaya naman ay nablock niya, maliban na lang kung matatakbuhan ko ang chinitang to kaso mo naman wow, ang bilis tumakbo.
"Okay that's it. Ipapatawag ko na lang kayo pag may line up na tayo. Maybe Friday this week so see you then."
"Thank you coach." sabay sabay naming saad.
"Hey" saad ng babaeng chinita.
"Oh problema mo?" masungit kong tanong sa kanya.
"I'll see you in the finals?" paghahamon niya.
"Meet me there singkit. I'll be waiting." sagot ko at inismiran siya.
Lumapit naman ako kay Bea para itanong kung sino yung Ho na yun. Aba't ang sinabi sakin kakagaling lang daw sa break up. Tinanong ko ba yung lovelife? Di ba pwedeng as a player yung tanong ko?
"Seryoso sino ba yun?" tanong ko.
"Ate Gretch! Halika nga dito!" saad ni Bea palabas na kasi kami ng gym, agad ko naman siyang kinurot sa ginawa niya.
"Bakit?" tanong ni singkit.
"Mika Reyes nga pala. Ate Ye, Gretchen Ho." pagpapakilala ni Bea loko baka mag isip ng kung ano si singkit.
"Sabi ko sino, di ko sinabing ipakilala mo." bulong ko kay Bea.
"Idol! Lunch? Sama kayo ni Ther sa amin." pag aya ni Ara dito. Luh, close?
"Close kayo?" bulong kong tanong dito at umiling naman siya.
"Gretchen Ho yan, idol ko. MVP ng palarong pambansa nung 4th year na tayo. Crush namin ni Den yan." sagot niya.
Aba, relationship goals? Parehas ng crush? Napairap na lang ako. Pag crush yayayain na agad sa lunch?
"Ther, lunch daw. Pwede ka ba?" tanong ni singkit.
"May pupuntahan ako Gretch, sorry."
"Sama ka na ate, minsan lang oh." pagpilit ni Bea.
"Libre mo ba?" tanong ni singkit.
"Libre ni Mika." nakangiting sagot ni Ara. Magrereklamo pa sana ako kaso tinapakan niya ang paa ko.
"Sakay na kayo. Ate Gretch sa harap ka na." sabi ni Bea.
"Ther sama muna ako sa kanila, ingat ka ha."
At dahil malalaki kaming tao maliban kay Den, ang sikip namin sa likod. Napakagaling naman, ang sakit sa tuhod. Nang makarating naman kami sa Yakimix ay pilit na itinatabi sakin ni Ara si Gretchen.
"Thank you ha. Susulitin ko na 'tong libre mo." sabay tumawa nanaman siya kaya nawala nanaman ang mata niya.
Napakunot na lang ang noo ko at napatingin sa wallet ko, goodbye my money.
"Enjoyin mo na habang kayo pa ang defending champs, babawi kami." banta nito.
"Takot ako he he." sagot ko na punong puno ng sarcasm at inirapan siya.
"Matakot ka talaga, di mo naman ako kaya." at talagang iniinis niya ako.
"Di ka din pala puro hangin noh?"
"May ibubuga naman eh. Finals MVP nga wala man lang nagawa sa akin." at inismiran niya ako.
Nanggigigil na ako sa chinitang to, binabawi ko na yung sinabi ko kanina na cute siya. Sobrang yabang, kaasar.
Daldal pa siya ng daldal pero hindi ko na siya pinansin kasi baka mamaya masakal ko na siya sa sobrang inis ko sa kanya. Masama gising ko baka di ko siya matantsa.
Nagkukwentuhan na lang sila at ako naman hawak ko lang ang phone ko nng biglang tumawag si Rad. Napangiti naman ako.
"Hello?"
"Ye, kamusta tryout?" agad naman nawala ang ngiti ko, si Jovs pala.
"6 lang kami. Dumagdag si Ther saka si Gretchen."
"Gretchen? Gretchen Ho?"
"o-HO. Gusto mo ba makausap? Ito oh."
Binigay ko naman ang phone ko kay Gretchen. I think kilala naman nila ang isa't isa. Last season lang naman nag sat out si Gretchen dahil sa injury niya.
Nagpaalam na si Jovs nang ibalik sakin ni Gretch ang phone dahil gising na daw ang prinsesa niya. Ayieeeee Kilig ako lol. Prinsesa mo? Reyna ko yan.
Pagkatingin ko naman kay Gretch ay may hawak na siyang papel, mukhang pamilyar kaya naman sinilip ko at hindi nga ako nagkamali.
To you who stole my heart.
Agad ko namang kinuha iyon sa kanya at tinignan naman niya ako ng may lungkot sa mga mata niya.
"Kay Ara yan, nahulog yan sa bag niya." sabi niya.
"Ako sumulat nito."
"Still in pain?" tanong niya.
"Wala kang pake." sagot ko at nag abot na ng bayad kanila Ara na nangongolekta na.
"Ang sungit mo." saad niya.
Hindi ko na siya pinansin at nanahimik na lang. Isa isa na kaming hinatid ni Bea. Napabuntong hininga na lang ako nang makauwi sa bahay. Miss ko na si Rad.
Nag quick shower na muna ako at nagtungo sa coffee shop. Madaming tao kaya pagod na pagod ako pag uwi.
Pagod na nga ang puso ko, pati katawan ko bugbog na.
Nagluto naman ako ng kalahating takal ng bigas dahil nagugutom ako.
"Isang platitong kanin para sa taong natakot umamin! Woohoo!" sigaw ko patungkol sa sarili ko.
-----
Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Bumungad naman sa akin ang napakaganda niyang mukha.
"Anong nangyari sa mata mo?" tanong ni Rad.
"Nasuntok ni Ara, nakainom kasi ako." sagot ko at bumangon na.
"Iharap mo sakin yung labi na yun nang masuntok ko din siya." natawa naman ako.
"Chill lang, okay na, yelo lang katapat niyan." sagot ko.
"May dala kaming breakfast ni baby, sabay sabay na tayo kumain." paunlak niya.
Yieee baby..... aray ko po.
Tahimik lang akong kumakain habang pinapanood silang maglambingan. I need help. Tawag na kaya ako sa 911?
How do you fix a broken heart? Mamamatay na po ata ako sa sobrang sakit.
Tumayo na din ako agad nang matapos at kumilos na para pumasok. Sa school naman ay narinig ko ang mga bulung-bulungan nila na pinagpalit daw ako ni Rad kay Jovs, malandi daw dahil may Ria, ako at Jovs. Ayoko naman maging masama ang tingin nila kay Rad at Jovs kaya tumigil ako sa paglalakad at nilingon sila.
"Naiinggit ba kayo kay Rachel dahil yung idol niyo girlfriend niya na ngayon? Wala siyang masamang ginawa, binigyan niya ng chance pareho. Isa pa--"
"May chance pareho kasi malandi siya." sabi ng isa kaya halos magdikit na ang kilay ko.
"Pinagloloko lang kayo niyan, fame whore."
"She's famous bago ko pa siya nakilala, stop spreading rumors." sagot ko at nagpatuloy na sa pag lalakad.
Pinagtitinginan ako ng tao marahil ay dahil sa black eye ko, ang laking perwisyo ng naidulot niya sa buhay ko, bwisit siya.
Nang matapos ang training namin ay nagtungo na ako sa binibilhan ko ng sapatos. Hahawakan ko na sana yung sapatos pero kamay ang nahawakan ko. Napatingin ako sa gawi niya at nagsalubong agad ang kilay ko.
"Yes mam?" tanong nung nagtitinda.
"Size 11 po." sagot namin parehas.
"Last pair na po yan mam."
"I'll take it." sabi ni singkit.
"No. Ako nauna dito, I'll take it."
"Nauna ako hawakan yan." sagot niya.
"Nauna naman ako dito."
"Oh? First come first serve ba? Kuya kukunin ko na po."
Nakakainis lang, nagcanvass kasi ako ng Kobe AD at dito ang pinakamurang replica, mas mahal na ng 2 libo sa ibang store.
"Thank you." sabi ni singkit at kinindatan ako.
"Sayo na lang pala oh." sabay abot niya ng kropek. (yung sinasawsaw sa suka.)
"Aanhin ko yan?"
"Isang kropek para sa mga taong torpe." tumawa siya at binato ang kropek sakin.
Nakakainis! Makakabawi din ako sayo chinitang may saltik.