RACHEL
"Oh bakit ka nakabusangot dyan?" tanong ko kay Mika na nakapangalumbaba sa may sofa.
Kakauwi ko lang galing sa coffee shop, syempre hinatid ako ni Jovs. We decided na hindi maganda kung sa iisang bahay lang kami titira kaya naman hindi ako lumipat ng dorm. May tiwala naman daw siya kay Mika dahil bestfriend niya ito at hindi daw ako ang tipo ni Mika.
"Naiinis ako." sagot niya kaya ginulo ko ang buhok niya.
"Anong problema?"
"Kilala mo ba si Gretchen Ho?"
"Oo. Yung ex ni Robi Domingo."
They broke up recently this year, ang sad nga eh. Ang cute pa naman nila together.
"Yung host ng pbb?" tanong niya kaya tumango ako. "Talaga? Nasabi nga ni Bea na kakagaling lang daw sa break up." dagdag niya.
"Bakit? Type mo?" tanong ko at nataasan ko siya ng isang kilay.
"No way, ayoko ng singkit." sagot nito.
"Ah kaya pala love na love mo si Den." natatawa kong biro kaya natawa na lang din siya. Lagot ako kay Den nito.
Naupo naman ako sa single couch at tinanong kung anong problema niya. Yun nga, si Gretchen Ho inagawan daw siya ng sapatos. Gustong gusto niya daw yung sapatos na yun kaso nga last pair na at dun pinakamura kaya naman nagmamaktol siya.
"Cmon baby tams, magpapakastress ka dahil lang dun? Magkakaroon pa naman ng stock yan, tiwala lang." sabi ko sa kanya at kinurot ang pisngi niya.
"Kamusta na si Mimi?" tanong niya dahil pinaiwan ni Lala si Mimi.
"Okay naman daw, pero next week iuuwi ko na si Mimi dito." nakangiti kong tugon at mukha namang naexcite itong isang 'to.
"Stress reliever yes!"
"Baliw. Matutulog na ako."
May ginagawa pa daw siya kaya hindi pa siya matutulog, napakasipag namang bata.
Nang makahiga ako ay tumunog naman ang phone ko at nakitang nagtext ang mahal ko.
From: Baby J ❤️
Just got home Baby. Imma sleep na. Love you
Goodnight baby. Love you too matutulog na din ako. See you tomorrow
It might sound corny pero it gives me butterflies whenever she calls me baby, I feel very love.
Patulog na sana ako nang may biglang tumawag sa phone ko, nakita ko namang si Jovs yun kaya napakunot ang noo ko saglit, kala ko matutulog na siya.
"Hello baby." bungad niya.
"Oh? Problema mo?"
"Ang sungit mo. Alam mo ba yun ha? Napaka."
"Bakit nga?!" inis kong tanong.
"Wow mood swings ha? Gusto ko lang naman marinig boses mo bago ako matulog." malambing niyang sabi awwww.
"Sorry na. Pero ayoko, aabutin nanaman tayo ng 4 am. I need sleep baby." sagot ko dahil pag mga ganitong naglalambing siya ay inaabot kami ng kung anong oras.
"Hahaha! Oo na sige na! I love you baby. Wag mo ko isipin para makatulog ako ha? Hahaha!"
"Ang feeler mo Jovelyn. Good night! I love you too!"
Pinatay ko na ang tawag dahil maaga pa ako sa school bukas and I really need some sleep. Papikit na ako nang may tumawag ulit kaya iritable kong sinagot ito.
"Ano?!"
"Aww sorry, nagising ba kita?"
Tinignan ko kung sinong tumatawag at si Mika pala iyon.
"Sorry Ye. Bakit ka tumawag?" tanong ko.
"Uhm... kasi ano... Uhmmm good night? Hehe." naimagine ko na naka-kamot batok nanaman siya.
"Pwede ka namang kumatok tumawag ka pa, sayang load." sagot ko.
"Nakahiga na ako eh, naisipan ko lang mag good night. Sige na matulog ka na. Good night Rad." sabi niya dahilan para mapangiti ako.
"Good night baby tams." sagot ko at pinatay na din niya ang tawag pagkasabi niya ng bye.
-----
"Baby! The 5 of us made it!" masayang balita ni Jovs over the phone.
"Talaga? Congrats sa inyo. Libre naman." sagot ko.
"Team Captain namin si Mika, si Gretch co-captain."
"Si Mika? Talaga ba? Para ngang walang ginagawa yun sa training niyo eh." saad ko kaya natawa si Jovs.
"Magaling magmotivate yun si Mika saka siya pinaka compose under pressure. Minsan nga siya na nagsasalita pag huddle namin tuwing kinakabahan ako eh." pagbida ni Jovs kay Mika.
"Oh edi ang galing naman pala talaga nung labanos na yun. Manlibre kamo siya."
Narinig ko namang sinabi ni Jovs iyon kay Mika, nagkantyawan na silang magkakaibigan.
"Baby, tapos na break ko. See you later." pagpapaalam ko dito.
Nagcompose muna ako ng message para kay Mika.
To: Mika Labanos
Congrats baby tams. So proud of you. Libre na yan oh!
Tinago ko naman na ang phone ko at bumalik na sa work. Akala ko si Mika yung taong hindi nagsasalita pag huddle kasi ang tahimik niyang tao pag kami lang, I guess natural leader siya na hindi lang napapansin.
*****
MIKA
Laking gulat ko nang tinawag ako ni coach as captain kaya naman ay hiyang hiya ako pumunta sa harap ng mga kateammates ko.
"Uhm guys kaya natin 'to. Sipag lang sa training and more bondings para mas solid. Laban Pilipinas!" yun na lang ang sinabi ko dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Nice meeting you captain." sabay alok ni singkit ng kamay niya.
"Hope we can work this out co captain." nakipagshakehands naman ako sa kanya.
"Ayieee. Bagay kayo." biglang sabi ni Ther.
"Hala oo nga. Bagay na bagay." pag gatong ni Ara.
"Tigilan niyo ako ha." banta ko kila Bea na magsasalita pa sana.
Lumapit naman sa akin si Jovs at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
"So proud of you buddy. Sa lahat ng tao dito, ako pinaka proud sayo. Ever since nung gradeschool pa tayo I know na malayo mararating mo. Idol talaga kita." saad niya habang nakayakap sa akin.
"Ang drama mo pero thank you sa pagpilit sakin sa team. Wala ako dito kung di rin ako nagtryout." sagot ko.
"Pero bagay nga kayo ni Gretch ayieee." pang aasar niya kaya tinuktukan ko siya.
"Isa ka pa."
Lumabas na kami ng gym at ang mga kumag nagyayaya na ilibre ko sila, napakagaling naman oh.
"Thank you capt!" sabi ni Gretch.
"Dapat dalawa tayo. Diba guys?" di pwedeng ako lang gumastos, damay damay na 'to.
"Tara KKB na lang!" sigaw bigla ni Gretch.
"Agree ako jan!" pag sang ayon ko.
"Narinig niyo yun ha? KKB, Kaptain Ko magBabayad."
At dahil sa sinabi ni Gretch ay naghiyawan naman ang mga kumag, pagdating sa libre ang bibilis. Umakbay naman sa akin si Gretchen kaya sinamaan ko siya ng tingin pero inihilamos niya ang palad niya sa kamay ko.
"Wag kana sumimangot, di bagay sayo. Nababawasan yung cuteness mo." tama ba yung narinig ko?
"Hati na tayo sa bayad." dagdag niya pa.
"Salamat, wala na akong pera. Akala ko sa buy one take one na burger ang ending natin."
Napailing naman siya at hindi inalis ang pagkakaakbay sa akin, damang dama niya pag akbay sa akin eh.
"Yieee hephep!" sigaw ni Ara
Nagtawanan muna ang mga kateam ko bago sumagot, mukhang nagkaintindihan sila.
"Ho-Rey!"
"May tandem na agad tayo." natatawang saad ni singkit.
"Ewan ko sa inyo." sagot ko at tinanggal ang kamay niyang nakaakbay.
Kumain kami sa mumurahin lang, aba hindi laging pasko. Nang matapos kami kumain ay tinawag ako ni singkit at pumunta sa may kotse niya saka iniabot ang isang paper bag sa akin.
"Hey, eto yung pair ng shoes na nakita natin and may nakita akong same price so binili ko na din kasi I saw frustration in your eyes nung nakaraan na nauna ako sayo dun sa shoes." napakunot ang noo ko saglit, ako kaya yung nauna dun.
"Inagawan mo kaya ako." pagmamaktol ko na ikinatawa niya, she really looks cute pag nawawala yung mata niya everytime na tumatawa siya.
"Oo na, sayo na 'to. Bayaran mo na lang sa next training natin." nakangiti niyang sinabi.
"Totoo?! Thank you." sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.
Matagal ko kasing pinag ipunan ang sapatos na ito. 2 buwan ko din tinipid ang sarili ko para dito.
"I pressume you are a fan of Kobe?"
"Since gradeschool, mamba mentality to." sabay tap ko sa chest ko na ikinatawa niya.
"Rivals pala tayo, I'm rooting for celtics na eh." kwento niya.
"Uyy ang bilis ah! Lambingan agad?" pang aasar ni Ara kaya inirapan ko na lang siya.
Nagpaalam na kami sa iba naming teammates at sinundo na namin ni Jovs si Rad sa coffee shop. Maaga ang out ni Rad ngayon dahil maaga siyang nakapag duty. Naghi muna ako kay Mam at sinabing bawi na lang ako, maigi na lang at naiintindihan niya ang pagiging student-athlete ko.
Syempre yung dalawa, holding hands nanaman, ayieeee badtrip. Nagstay pa si Jovs sa dorm kaya nagpaalam akong aakyat na muna ako dahil ayoko silang makitang sobrang sweet.
Alas dos na nang matapos ako sa homeworks ko, hirap ng buhay na ganto. Narinig ko naman ang pagkatok sa pintuan ko.
"Rad, bakit?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto.
"Di mo ko nireplyan kanina eh." at nagpout pa siya kaya pinisil ko ang pisngi niya.
"Sorry, busy kanina eh."
"Anyway, congrats baby tams." saad niya at yumakap sa akin kaya niyakap ko siya pabalik.
How can I ever move on my queen kung ganito ka na sa akin? My ghaad.
Niyakap ko siya nang mas mahigpit, sobrang miss na miss ko na pagiging clingy niya sa akin pati yung pangtitrip niya.
"Thank you Rad."
"Libre naman." tinusok tusok pa niya ang tagiliran ko.
"Sure, kung kelan ka pwede." sabay ginulo ko ang buhok niya.
"Matutulog na din ako. Good night captain." at nginitian niya ako ng pagkatamis tamis.
Ilang beses ba dapat akong mafall sayo Rad? Kainis.
"Good night mahal ko." sagot ko pero bulong lang yung huli. Bawal eh.
Bago ako tuluyang matulog ay narinig ko pang tumunog ang phone ko kaya't tinignan ko kung sino ang nagtext.
From: 09xxxxxxxxx
Captain! Gretch to. Nakasalubong ko si coach kanina and pinapasabi niya na may training tayo sa singapore next month. Iready na daw yung papers plus ayusin na ang school related things. Ayun lang! Good night ☺️
Sinave ko naman ang number niya for future interactions.
To: Gretchen Ho
Thanks for the info singkit!
Aww s**t wrong emoji!
HAHAHA! Akala ko nilalandi mo na ako eh
Uyy grabe! Hindi ako malandi
Ah oo kasi nga pala torpe ka! HAHAHAHA.
Ang sama! Block na kita! Good night
Good night captain ❤️
Check your twitter pala.
Natawa na lang ako sa sinend niya dahil dun sa emoji, loko loko din eh. Nagtwitter naman ako saglit gaya nga ng sabi niya.
@G_retch3 Be ready sa Ho Reyes tandem guys! It's deadly Yey for HoRey! #LabanPilipinas @mikareyrey
Napailing na lang ako, wow panindigan daw ba ang HoRey. Madami akong natanggap na notifications. Mukhang tumpulan nanaman ako ng asaran bukas sa tropa.
Yey for HoRey? Natawa na lang ako.
Kalokohan.