Chapter 31: By your side

2002 Words
MIKA Nasa gym kami ngayon para sa NT practice. Nireduce na din ng coach namin sa FEU ang trainings namin at ginawa na lang tuwing MWF para na din mag give way sa national team. If ever naman masasagasaan ang training namin ay siya na din ang nagsabi na mas unahin ang bayan. "Yey for HoRey!" pang aasar sa akin ni Ara, sabi na nga ba. "Tigilan mo nga ako." inis kong sabi sa kanya. "Bagay nga kasi kayo!" pag iinsist niya. "Oh ano naman kung bagay?" kunot noo kong sabi. "Kayo na lang. Yieee." at nagtaas baba pa ang kilay nito. Inirapan ko na lang siya at nag patuloy na sa ginagawa ko. Malapit na pala ang Valentine's day, busy nanaman ang mga friends ko. I heard Ria is doing fine at may dinidate from UST, si Bea naman dinedeadma pa rin ni Jia pa minsan, wow ako lang pala walang lovelife. "Pst. One on one?" alok ni singkit. "Tara!" Sa kanya ang bola, at dahil na din nung nakaraang match up namin ay may hint na ako paano depensahan ang singkit na ito. 1) Never go for a steal dahil maiiwan ka lang. 2) Keep your eyes on the ball at wag titingin sa kanya, nakakadistract yung ngiti niya. 3) Wag tumingin sa mata, nawawala iyon, malilinlang ka. 4) Wag masyadong dumikit, she really has a lot of tricks under her sleeve. 5) Wala ata akong chance manalo. Nagdrive siya papasok at dinikitan ako, sabay step back. "1-0" nakangiti niyang saad. I drive, umikot at nagshoot pero nasupalpal nanaman ako ng ate niyo, paano nangyari yun. Umabot na sa 4 ang score niya at ako ay wala pang naishoot kaya itong singkit tinatawanan ako, well then let's get physical. Dahil wide ang defense niya, lumayo muna ako ng konti para sa spacing. Ayoko na magsettle sa jumpshot dahil lagi naman niyang naboblock kaya naman nag drive hard ako papunta sa paint area at saka nag layup sa kaliwa dahil sa may kanan niya ako binabantayan. Pumalakpak naman si Gretch kaya napansin kong pumalakpak din ang mga kateam ko, problema nila? "First time may makascore kay Gretch sa one on one!" sigaw ni Ther. "Ayieeee." kantyaw naman nila Ara kaya binato ko yung bola sa gawi nila. "Wow, totoo. Ikaw unang nakashoot against me sa one on one." "Hala.. tsamba?" nahihiya kong sagot sa kanya. "Oh bat ka namumula?" sabay pitik niya sa tenga ko kaya agad ko itong tinakpan. "Uuy hindi ah." "Hephep!" sigaw ni Ara. "HoRey!" Kailan ba titigil ang mga loko lokong to? Bumalik na kami ni Gretch sa ginagawa namin hanggang sa mapagod kami ng tuluyan. 21-5 ang score, nakakahiya. Pag tingin naman namin ay wala na ang mga kasama namin maliban kay Ther. "Nauna na sila, busyng busy daw kayo eh." natatawang saad ni Ther. "Di ko namalayan yung oras. Nag enjoy ako kalaro si captain." nakangiting sagot ni singkit. "Magkatuluyan kayo niyan ha." biro ni Ther. "Ha! No way!" sagot ko kaya tumawa si Gretch. "Tandem lang kami nito." sabay akbay niya sa akin. "Ewan ko sainyo." Tinanggal ko na ang kamay ni singkit sa balikat ko at nagtungo na ng shower room. Hindi na ako sumabay sa kanila pauwi dahil out of the way na din. Ang malas lang biglang umulan ng malakas at wala akong dalang payong. Nakakahiya naman kung magpapasundo ako kaya tinakbo ko na lang hanggang makauwi ako ng dorm. "Oh bakit basang basa ka?" tanong sa akin ni Rad. "Nagjogging ako, buong Manila." sarkastiko kong sagot kaya binatukan niya ako. "Aray! Malamang umulan wala akong payong." "Bakit hindi ka nagpasundo?! Paano kung magkasakit ka nyan ha?" Lumapit naman siya dala ang isang tuwalya at pinunasan ang mukha ko pati ang buhok ko. Medyo nagkatitigan pa kami, kikiligin na ba ako sa concern niya? Binato naman niya sa akin ang tuwalya at maligo na daw ako baka daw magkasakit ako, sige pwede na akong kiligin. Nagpatuyo muna ako ng buhok bago matulog. ***** RACHEL Sa pagkakaalam ko maaga ang pasok ni Mika ngayon, pero wala pang pagkain sa lamesa. Hindi naman siya umaalis nang hindi ako nilulutuan kaya chineck ko siya sa kwarto niya. "Ye" pag gising ko sa kanya. Medyo nangangatal siya kaya naman ay chineck ko ang temperature niya, medyo mainit siya kaya kinuha ko ang thermometer para makasigurado. "Ayan paulan pa." may lagnat ang bruha. "S-sorry." Napabuntong hininga na lang ako. Bumili muna ako ng noodles at niluto ito para mainitan siya saka ginising muli si Mika para pakainin. "No need na Rad, kaya ko naman." sabi niya nang susubuan ko na siya. "No. Let me do this." matigas kong sabi. Hindi naman na siya nagreklamo at after kumain ay pinainom ko na siya ng gamot. Hinintay ko muna siyang makatulog bago ako pumasok. To: Baby J ❤️ Baby, may sakit si Mika. Pasabi na lang sa coach niyo, nagpaulan kasi kagabi eh. Okaaay. Daanan ko na lang siya sa dorm niyo mamayang lunch para sa food niya. Nag 1 on 1 pa kasi sila ni Gretch kagabi, hindi na nakasabay sa amin.  Sige  Galingan mo pag aalaga sa best friend mo  I had the same routine for today kaya nang makauwi ako ay agad kong chineck si Mika. "Rad? Ikaw na ba yan? Pahingi naman isa pang kumot." Kumuha naman ako ng isa pang kumot only to find out na nakajacket siya, at tatlo na ang kumot niya. Nang hawakan ko naman siya ay halos mapaso na ako sa sobrang init niya. Bumaba ako para kumuha ng bimpo at malamig na tubig. "A-ako n-na." "Ano ba Ye? Wag ka ng makulit."  Pinipilit niya kasing siya na ang magpupunas sa sarili niya. Parang timang eh. Pupunasan ko na sana ang mukha niya nang pigilan niya ang kamay ko.  "Rad kaya ko na, magpahinga ka na." tinampal ko naman ang noo niya. "Ano bang pinoproblema mo? Masama bang tulungan kita ha? Sa lahat ng ginawa mo para sakin maliit na bagay lang 'to, so please. Just let me." Binatawan naman na niya ang kamay ko kaya pinunasan ko na siya. Nangangatal pa rin siya kaya naman sinara ko ang bintana ng kwarto niya. Naupo na lang ako sa may gilid niya habang hinihintay siya makatulog. "Rad..." Napatingin ako sa kanya ngunit nakapikit naman ito. Muli naman niyang binigkas ang pangalan ko kaya tinapik ko ng mahina ang mukha niya. "Ye, anong problema?" "Malamig." Humiga na lang ako sa tabi niya, at pinaunan siya sa braso ko, nakakapaso siya. "Better?" tanong ko. "The best." sagot niya at yumakap sa akin. Agad naman din ata siyang nakatulog dahil humihilik na siya ng mahina, ang cute lang. ----- "Rachel, dadalhin na namin si Mika sa hospital." sabi ni Ara nang sagutin ko ang tawag niya. "What?! Anong nangyari?!" "Pumunta sa training, tapos nagcollapse. Basta sunod ka nalang." 3 araw na ang lagnat ni Mika, ano bang naisipan nun at nagtraining pa? Kahit naman team captain siya, tao pa din siya. Di naman siya si superman eh. Siraulo talaga yung babaeng yun. Humabol naman ako after ng shift ko at sinabi nilang nadengue daw. Jusko, saan ba nagsususuot ang babaeng to. Tulog naman si Mika nang makarating ako kaya naman ay hinayaan ko na lang itong magpahinga. Ipinaalam ko na rin kay tita Bhaby ang nangyari kay Mika at bukas na bukas raw ay luluwas siya. "Sino magbabantay ngayon?" tanong ni Ria. "Pass ako, may paperworks akong naiwan sa dorm eh." sabi ni Ara. "Ako rin." sagot ni Den. "Ako na lang." Napalingon naman kami sa nagsalita, napakunot ang noo ko. Bakit? Close ba sila ni Mika para siya ang magbantay? "Gretch wag na, kami na lang ni Rachel magbabantay." sabi ni Jovs. "Okay lang naman sa akin. Wala naman akong pasok bukas." "Salamat Gretch, ako na bahala dito." sabi pa ni Jovs. Lumapit naman si Gretchen kay Mika at ginising ito. Hindi ba niya nakitang nagpapahinga yung tao? Sabagay, sobrang liit ng mata kaya hindi na nakita.  "Captain, ano na? Nakipag one on one ka lang sakin nadengue ka na." natatawa pa nitong sabi. "Di na ako uulit." sagot ni Mika. "Sayo nga lang ako nachachallenge makipag one on one eh. Pagaling ka na agad, 1-0 na tayo ha. Tandaan mo yan." ginulo naman niya ang buhok ni Mika. "Yes boss." "Balik na lang ako bukas, dinaan ko lang 'tong fruits. Balita ko food is life ka din eh." nagtawanan naman sila. "Salamat. Ingat." nakangiting sabi ni Mika. Nagulat naman ako nang humalik siya sa noo ni Mika. Is she really that friendly o may gusto siya kay Mika? "Bye Gretch." sabay sabay nilang sabi. Nagpaalam na din ang iba naming kaibigan at kami na lang ni Jovs ang naiwan dito. Si Mika naman ay knockout na din agad, mukhang drain na drain na siya. "Anong sabi ni tita Bhaby?" "Bukas na daw siya luluwas." "Bakit di pa agad nagpacheck si Mika?" "Ewan ko ba sa taong yan. Sinabihan ko na yan magpacheck up, kaso wala eh, ang tigas ng ulo." Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dalawin kami ng antok. ***** MIKA Nang magising ako ay isang di magandang view ang naabutan ko. Si Rad na nakahilig ang ulo kay Jovs at magkahawak kamay pa. Ayieeee. Mukha namang nagising na din si Jovs kaya humingi ako ng tubig dito. Tinanong ko kung anong oras na at alas sais pa lang ng umaga. Nagpatulong ako umupo dahil ayoko na matulog muna ulit. May kumatok naman. "Good morning captain." bati ni Gretch nang makapasok siya. "Early bird ah." sabi ni Jovs. "Kamusta?" tanong ni Gretch sa akin. "Buhay pa po." natatawa kong sagot. Napatingin naman ako kay Rad na nakasandal pa sa may cabinet, ginising naman ito ni Jovs dahil nga may pasok pa sila. Pagkalabas naman nung dalawa ay nakipagtitigan sakin tong singkit na 'to. Problema niya? "I saw how you look at her." at nginisian niya ako kaya napaiwas ako ng tingin. "Oh? Tapos?" "You like her, don't you?" "Ang chismosa mo." Umupo naman siya sa may dulo ng kama at kumuha ng isang orange. Yung dala niya, siya din kakain, ang galing diba. "I'm not, sinabi ko lang naman yung napansin ko. That's how Robi looked at me before kaya alam ko." and there, she smiled with pain. "Ano ba nangyari sainyo?" tanong ko. "Time, wala kaming time para sa isa't isa, ayun lang. It was a mutual decision naman but masakit pa din." "Time, big word ah haha. Ako naman I never told her, well I was about to tell her kaso naunahan ako ni Jovs hehe." "Oh eh bakit hindi mo sinabi? Porket may ibang nauna back out na agad?" "Basta long story." Dumating naman si Mommy kaya pinakilala ko sa kanya si Gretch, agad naman nitong hinanap kung nasaan si Rad. Nasa puso ko po mommy. Pero syempre hindi ko sinabi yun, makurot pa ako ni mommy. Nang bandang lunch na ay dumating naman si Rad kaya napangiti na lang din ako. "Hi tita." bati niya kay mommy. "Kanina pa kita hanap, miss ka na ni Mika." at dahil sa sinabi ni mommy ay tumawa naman itong katabi kong singkit. Sarap tuktukan. "Mommy!!!!" Dumating naman ang lunch ko kaya kinuha na ito ni Rad. "Rachel, ako na magpapakain kay Mika." sabi ni Gretch at kinuha ang food tray. "Ako na." pagbawi ni Rad. "Maupo ka na lang muna." "Ako na sabi." Nagbabawian lang sila ng food tray kaya napailing na lang ako, heto namang si mommy ayaw umawat tumatawa lang. "Baka matapon, si mommy na lang please." "Ikaw kasi eh." sabi ni Rad. "Ikaw kaya." sagot ni Gretch. "Para kayong mga bata jan, mahiya nga kayo kay mommy." "Sorry po." sabay nilang sabi. Tinanong ko si Rad kung wala ba siyang pasok sa coffee shop ang sabi daw ni mam ay alagaan ako para sa kanya, si mam talaga.  Alas otso na din ng gabi nang umuwi si Gretch at sinamahan naman ni Rad si mommy dito sa hospital. Masarap na ang tulog ni mommy sa may couch at si Rad naman ay nakaupo sa chair malapit sa bed ko, baka sumakit ang likod niya kaya ginising ko na siya. "Rad, dito ka na sa tabi ko matulog. Kasya naman tayo eh." "Ayoko, baka mapaano ka." "I'll feel better pag katabi kita." sagot ko at ngumiti. "Much better kay Gretch?" Natawa naman ako sa tanong niya. Saan naman galing yung idea niyang iyon? Pinalapit ko naman siya sa akin at niyakap siya. "Much better would be an understatement Rad of how I feel when I'm with you." It's because I feel like I'm in heaven whenever I'm with you. Tho seeing you with somebody else hurts like hell. I know I'm being selfish sa ginagawa ko, pero just this once. After nito I'll stop myself na mahulog pa lalo sa kanya. Hindi na siya sumagot bagkus ay pinaunan niya na ako sa braso niya at niyakap ko naman siya. I found my place in heaven by your side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD