MIKA Madidischarge na ako bukas at nang masettle na ni mommy ang account namin dito ay pinauwi ko na siya, syempre walang mag aalaga sa mga kapatid ko. Nangako naman akong aalagaan ko ang sarili ko para hindi na siya mag alala. Kabilin bilinan ng doctor na bawal muna ako sobrang mapagod, so no intense training for 2 weeks para makarecover muna ang katawan ko. Medyo namayat ako ng kaunti kaya naman itong babaeng nasa harap ko ay dinalhan ako ng isang katutak na pagkain. "Captain, tagal naman ng 2 weeks. Gusto ko na makipag one on one sayo." "Soon, tiis ka muna. Di ko masasabing mananalo na ako sa next pero I'll do better." "Promise?" "Promise." Pinagbalat naman niya ako ng apple at inislice na din ito. Maganda din yung ganito kasi libre at madaming foods tho medyo malaki naman yung b

