bc

A Home In Your Heart

book_age0+
222
FOLLOW
1.8K
READ
family
second chance
arrogant
CEO
single mother
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..."

Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga mapupunta. Malaman-laman na lang niyang ang lalaking inaway niya dahil sa di-sinasadyang pagkakahawak nito sa kanyang dibdib ay ang boss pa ng naturang kompanyang nagnanais kumuha sa kanyang serbisyo! Ang hindi pa maganda, na-love at first sight pa yata siya sa lalakeng kamukha ng pinapantasya niyang si Judge Leo Kang ng Master Chef Korea! Paano na?

chap-preview
Free preview
Chapter One
“TAKBO! Dali na…!” Kulang na lang na pumadyak si Kayna de Rivera sa harap ng pinto ng apartment na inuupahan niya kasama ang ever-loyal alalay na si Dalya. “’Pag na-late ako, baka sipain na tayo dito. Ang dami nating bayaran this coming month.” “’Andiyan na, ate!” halos tumitili na ding sagot nito na tangay-tangay ang kanyang two inches strappy sandals na nakalimutan niyang isama sa kanyang back pack. Naaalala lang niya iyon nang mapansing bukas pa ang zipper ng bag at wala sa kalumpunan ng mga isinuksok niya doon. Nasarapan kasi siya ng tulog palibhasa napuyat sa ginawang pagsasaayos ng final plan sa ipapasa niyang interior design ng ire-renovate na corporate office ng isang distributing and manufacturing company na nakabase sa pusod ng Laoag City, Ilocos Norte. Naghihingalo na ang kanyang savings kaya kailangan niyang masungkit ang naturang kontrata kung ayaw niyang sa kangkungan sila pulutin ni Dalya. Halos hablutin na niya ang sandals pagkaabot pa lang sa kanya ni Dalya. Takbo siya sa garahe. Dalya hot on her heels. Pinaikot ang itim na Honda XRM 125 na motor niya paharap sa gate. Pinindot agad ang starter pagkasuksok ng susi kasabay ng pagpihit sa accelerator. Saka niya hinarap ang kikay na alalay na may dalawang pony tail na parang sungay, mukha na hiniram sa bida ng Diary ng Panget with matching three big pimples in triad form at makulay na mga kasuotan. “I-off mo lahat ang mga ilaw at kung anu-ano pa’ng nakasaksak maliban sa ref, ha? At huwag mo’ng damihan ng luto. Sa labas na ako kakain ng lunch mamaya. ‘Yong gripo, tignan mo kung tumutulo. At higit sa lahat, huwag na huwag ka’ng magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Got it?” “Opo sa lahat, ate.” “Good girl.” Agad na siyang sumampa na muling pinihit ang accelerator para mapainit pa nang husto ang makina nu’n. Inabot ang helmet at isinuot. Agad namang binuksan ni Dalya ang gate. “Ingat sa biyahe, ate.” “Thank you. Ikaw din. Pero huwag ka’ng kakain na naman masyado, ha? Ang taba mo na. Mamaya hindi ka na kumasya sa pinto. So, stick with your diet,” bilin pa niya ulit. Sunod-sunod itong tumango.   A little later, kasama na rin siya sa hugos ng mga sasakyan sa lansangan pahantong sa siyudad ng Laoag City. Sa bayan ng San Nicolas lang siya, unang barangay pa kaya it only take several minutes pasugod sa naturang siyudad. Pero this time, kailangan niya nang maaga-aga’ng makarating kaysa sa napag-usapang oras for allowances sakaling may aberya pa. Masakit na sa balat ang sikat ng araw. Pero masarap sa pandama ang may kalamigang dapyo ng hangin. Napapabuntong-hininga siya. Namalayan na lang niya na unti-unting naging usad-pagong ang mga sinusundang sasakyan. Huminto din siya sabay sulyap sa relo. Twenty-eight minutes na lang before her meeting.     Sumingit-singit na tuloy siya lalo nang magsipagbabaan na ang mga tao mula sa mga jeepney. Tuluyan na ring nagsihintuan ang mga sasakyan. Ang dahilan: may bumalandra’ng container van sa gitna ng bungad ng Gilbert Bridge sukat para epektibong mapigil ang mga sasakyang may tatlo pataas ang gulong papunta ng Laoag City. “Talk about bad timing!” gigil na naibulalas niya kasabay ng paghahaba ng leeg niya para tignan kung saan pa siya puwedeng lumusot.     Hindi siya dapat ma-late. “SOMETHING’S wrong?” Nag-angat ng ulo si Tristan del Mar mula sa binabasang files sa laptop na nasa kandungan niya and peered on his personal driver nang muli itong pumasok sa loob mula sa pagtanaw-tanaw kanina para alamin kung ano ang nangyayari. “Sir, may aksidente daw po sa mismong bungad ng tulay. May natumba po’ng malaking container van na humarang sa gitna,” sagot naman kaagad ni Kadio. “I see.” Sinulyapan ang relo. Nadoble ang kunot-noo. Travelling from Baguio City to Laoag City was exhausting lalo kung kailangan mo’ng maghabol ng oras. May dinaluhan siya’ng business conference doon. Madaling araw na sila nakabiyahe ni Kadio pabalik. At ngayon, dumagdag pa ang aksidente na kumakain na rin ng oras niya kung kailan may importante’ng briefing pa siya sa mga staff sa gagawing product testing and demonstration sa isang Japanese international firm na gusto’ng mag-angkat ng mga produkto nila. “Damn it!” Frustrated na napahinga siya nang malalim at isinara ang laptop. Inayos iyon sa case bago sumandal sa headrest at pumikit. Inaantok pa rin siya. Gusto’ng sumakit ang ulo niya. “Kuya, please naman, o. Padaan sandali. Buhay ko ang nakataya sa pagmamadali ko’ng ito kaya pakitabi naman ang tricycle niyo. Kunti lang,” dinig niyang sabi ng isang boses-babae. Napamulat siya sabay lingon sa pinagmumulan ng tinig. Kitang-kita niya ang isang babae’ng naka-motor helmet na nakikiusap pa rin sa isang tricycle driver na mukhang tigasin. “Sige na po kasi. Heto, o, pang-boundary mo. Basta itabi niyo ang tricycle at nang maidaan ko na ‘yong motor,” pilit pa rin nito. There was a look of desperation in her stance at waring anumang sandali ay hahalikan nito ang talampakan ng lalake paalpasin lang nito. Something tagged in his heartstring. Hindi na siya nagdadalawang-isip na lumabas ng Montero at lumapit sa mga ito. “Pare, let the lady pass. Nakikiusap na nga sa’yo nang maayos, may boundary pa’ng ibinigay. Sa tingin mo, you are being fair now?” salubong ang kilay na saad niya kasabay ng alerto’ng tingin sa maaaring maging kilos ng lalake’ng astig. “Ano’ng—“ Napaharap sa kanya ang lalake. Para pala’ng goons sa pelikula pero mas matangkad siya rito ng apat na pulgada siguro. Isang tingin sa kanya, tila nanganino ito nang mapansing naka-amerikana pa siya. “Sori po, boss. Ito kasing si Miss. Nakikiusap nga, tila naman nag-uutos,” akusa nito. “Huwag ka nang magpalusot. Nakita ko ang nangyari at nadinig ko din ang pakiusap niya sa iyo.” Gumalaw ang bagang niya. “Ngayon, hahayaan mo siyang makaalpas o sa kulungin ka pulutin?” brusko’ng tanong niya rito sukat para bigla itong mapakurap. “H-huwag naman, boss.” Tuluyan na tuloy ito’ng nabahag ang buntot na dali-daling tumalikod at itinabi ang tricycle nito. Alanganin namang napatingin sa kanya ang babae. “T-thank you,” nautal pa’ng saad nito kasabay ng pilit na ngiti’ng namutawi sa mga labi nito bago iniiwas ang mga mata. Nasorpresa pa siya nang parang may nagising na kung ano sa kalooban niya sa simpleng ngiti na iyon. Tumango siya rito. “Okey lang.” She's beautiful. I just can't put it kung saan ko nakita ang mga matang iyon. “S-salamat ulit,” anito bago agad-agad nang tumalikod.     Pinanuod niya ang muli nitong pagpapaandar sa motor nito. Tila pa ito gigil nang masulyapan sandali ang relo bago dali-dali na din nito’ng pinausad ang sinasakyan paalpas sa tabi ng tricycle. Something clicked on him by then. “Sandali!” pigil niya rito. Bigla tuloy ito’ng napapreno sa harap niya, nakasulat sa mukha ang pagtatanong. Pero hindi na siya nag-aabalang sumagot na kaagad tumalikod at dali-daling binuksan ang pinto ng itim na Chevrolet SUV. “Kadio, sumunod ka na lang sa office mamaya,” aniya sa driver sabay hablot sa laptop bag at isinukbit.  Muling ipininid ang pinto. Dali-dali na din siyang naglakad pabalik sa naghihintay na babae at walang babalang sumampa sa likod nito. “All right. Let’s go!” “T-TEKA…Teka lang, mister, ha?” lingon niya. Tila gusto’ng maloka si Kayna sa hindi niya inaasahang takbo ng pangyayari. The man rescued her from a bully tricycle driver, for that, she was thankful to him. Pero ano at mukhang ito naman yata ngayon ang magpapasakit sa ulo niya? “Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya na nailayo kaagad ang sarili dito. Amoy na amoy niya ang clean aftershave na humahalo sa natural male scent nito. Tuloy, may nagusot sa balahibo niya. Napalunok siya nang palihim. Kunot-noo’ng sinalubong nito ang mga mata niya. “Isn’t it obvious? Nakikisakay. With that container van na mukhang aabutin ng siyam-siyam bago maalis, I can’t afford to waste time. For that, it calls for a drastic measure. I’ll give you full tank. Just get me to my destination in time.” Hindi makapaniwalang pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ha, ha, ha. Wow, may ganu’n? Oh, my God, extinct na nga yata ang lahi ng mga gentleman. In it are men who think so much of themselves!” deklara niya.     Dismayado siya. Ang tingin niya kanina rito ay knight in shining armor, albeit, naka-amerikana, may motibo din pala. Akalain mo iyon? Nagpasalamat naman siya, hindi man lang ba marunong makiusap din ang mama na ito gayong ito naman ang humihingi ng pabor?     Tumaas ang makapal na kilay nito. Okey, aaminin niya na guwapo ito. He reminded her of Judge Leo Kang ng Master Chef Korea. Kilig siya sa isang iyon lalo kung ngumiti na at mag-twinkle ang singkitin nitong mga mata. And speaking of the eyes, mas deep set ang mga mata ng kaharap niya kaya mas mukhang mysterious. Gusto niyang ma-insecure sa mga pilik-mata nitong makapal na nga, nakaluhod pa!     “Ayaw mo?” May paghamon sa boses nito. Lalong tumiim ang tingin nito sa kanya.     Agad-agad tuloy siyang nagbaling ng mga mata. Kung possible siguro’ng sa kanya tumama ang power punch ni Manny Pacquiao, iyon ang tila lumindol sa dibdib niya. Nag-init ang kanyang mukha. May excitement na nga’ng kumunyapit doon, nagsayaw-sayaw na din ang kanyang puso sa loob ng rib cage niya!     Something forbidding ricocheted in her mind and threatened some ugly memories to resurface kaya dagli na siyang umayos.     “A-all right. Marunong din naman ako’ng tumanaw ng utang na loob. Come on then. Hold both of your ears. May hinahabol din ako, baka akala mo. Wala ako’ng panahong makipagbangayan. Just hope that your demand won’t affect mine at ha-hunting-in kita para panagutin. Clear?”     Pero hindi na niya hinintay ang pagpayag nito na pinihit ang accelerator sukat para biglang umusad ang motor.     “H-hey…!” Sa pagkabigla naman ng lalake, bigla ito’ng kumunyapit nang walang babala sa baywang niya. Sukat doo’y bigla din siyang napatili. Baywang nga ang nahawakan ng isang kamay nito pero ang isa ay hindi. Salpak na salpak iyon sa kanang dibdib niya! Gumewang-gewang tuloy ang motor nang nasa gitna na sila ng tulay para maalis niya agad ang kamay nito doon. Kaso sa nangyari, lalo lang itong kumapit doon!     Lumitaw ang mga litid sa leeg niya na sumigaw na. “Impakto ka! Alisin mo ‘yang kamay mo. Boobs ko iyan!” aniya na napabilis ang pagpapatakbo nang wala sa oras.     “S-s**t! I-I’m sorry. I’m sorry. Hindi ko sinasadya!” Tila hindi naman malaman ng lalake kung saan kakapit dahil talagang binitiwan na siya. Natataranta pa itong napaisod ng kunti at inilagay ang laptop sa pagitan nilang dalawa. “I’m sorry, okey?” may diin nang ulit nito.     “Whatever! Huwag mo ako’ng hawakan!” asar na asar ding sikmat niya. She roared the motor all the more para mapabilis nang mapababa niya ang kumag. She makes a beeline to one side of the Sinking Bell Tower at iprineno nang wala ding babala ang motor.     Sukat sa ginawa niya, ngumudngod ang mukha nito sa gitna ng likod ng leeg niya kasabay ng pagyakap nito sa kanya! Her feathers not only ruffled now kundi may nagliliparan na.     “D-damn it!” Napamura na tuloy ito lalo pa at naisalya niya patalikod. “What are you doing? We might end up dead with the way you drive.”     Sinalubong niya ang mga mata nitong nanalim. “Wala ako’ng pakialam. Keep your hands off me and get down kung ayaw mo’ng dalhin kita sa presinto at idemanda ng s****l harassment. Now!”     “But—“     “Just get down!” Pumadyak pa ang isang paa niya to make her point and gave the man a murderous look. Sa pula ng mukha niya ngayon, aatakehin na siya pero hindi siya bibigay.     Wala tuloy itong nagawa kundi sundin ang nais niya. Magsasalita pa sana ito pero agad-agad na niyang pinaharurot palayo ang motor. “HOW in the hell did that happened?” Parang hindi makapaniwalang naibulalas ni Tristan na naisunod ang tingin sa babaeng animo hinahabol ng sampung tikbalang sa tulin ng patakbo. Sa bilis ng pangyayari kanina, hindi niya matandaan kung paano nila natawid nang gayon na lamang ang Gilbert Bridge considering na mahaba din naman iyon. And now, he was standing amidst the shadow of the Sinking Bell Tower, isa sa mga ipinagmamalaking tourist spot ng Laoag City. Para siyang nawawala. Napakamot siya sa batok mayamaya. Nang maalala ang nahawakan, pilyong napatawa siya. “Kiligin ba? Whew!” aniya sa sarili na kaagad nang pinara ang dumaang tricycle. Hindi pa man but he felt that he will going to have a rewarding day in no time. Napapaisip nga lang siya kung may tsansa pa na mag-krus pang muli ang landas nila ng babae. And if it does, he will going to do something to make up to her, he decided.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG

read
394.0K
bc

NINONG III

read
423.9K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
599.5K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
656.2K
bc

A Night With My Professor

read
540.1K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
80.2K
bc

The Ex-wife

read
237.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook