KAYNA doesn’t know kung ano ang gagawin para maapula ang pag-iinit ng pisngi. Pulang-pula na nga iyon ngayon considering na may kaputian siya. Nakatayo siya sa harap ng salamin na parang tanga habang tinutunghayan ang sariling repleksiyon sa loob ng ladies room ng sadya niyang building. Hindi maalis-alis sa isipan ang mukha ng lalake at ang nangyari habang nasa daan sila. Really, hindi araw-araw na may hahawak nang ganu’n sa dibdib niya na parang starfish na nakasalpak sa coral reef sabihin nang hindi iyon sinasadya. Nakakahiya. Buti sana kung—
“S-stop it!” impit na naitili niya. Pero nagtuloy pa rin sa isipan ang tinutungo ng isip niya: Buti sana kung wala siyang naramdamang kakaiba sa nagyari paukol sa lalake! She shake her head vigorously. “Focus now. Focus now,” pagkausap niya sa sarili. Pero nang masulyapan na naman ang relo, hindi na niya kailangang pilitin ang sarili. Eight minutes na lang para makahabol pa siya sa meeting niya.
Naghalukay siya sa loob ng back pack at inilabas ang suklay. Inayos ang buhok at iginapos iyon into a pony tail. Isinunod na ginuhitan ng lipstick ang labi. Di na siya nag-aabala pang mag-make up sa pulang iyon ng mukha niya. Pressed powder na lang ang inilagay saka siya nagwisik ng pabango. Isinuot niya ang kanyang strappy sandals saka siya umikot-ikot para matignan kung maayos na lahat. Nang makuntento’y pinagtitiklop na kaagad ang mga pinagbihisan, gathered some tools of her trade along with her design at lumabas na pabalik muli sa parking area. Inihabilin ang motor at back pack sa guwardiya saka patakbo nang tinungo ang elevator.
Paglabas niya sa ikalimang palapag, gayon na lamang ang gulat niya nang sa kanyang pagliko bigla siyang bumangga sa pader.
Pero hindi pala.
“What the—“
“Hey. Watch up!” Nagsalita ang pader na sumalo kaagad sa kanya nang payakap para huwag siyang matumba.
Siya nama’y on instinct ding napayakap dito sukat para mabitiwan ang mga hawak-hawak at magliparan ang mga iyon sa paligid. Sa nangyari, pamilyar na amoy kaagad ang sumalubong sa kanyang ilong kaya nanlaki kaagad ang kanyang mga mata.
Not again! But it was the same man, indeed. Napaungol siya na kaagad bumitaw dito. Para siyang hipon na pumasag-pasag pa nang tila pa yata napipilitang bitiwan siya. Buti kung hindi na naman sumisikdo-sikdo ang nasa dibdib niya na pinaghirapan pa naman niyang pahintuin kanina. Her fine hair now stood on end when a tingling sensation caught her and it ricocheted into her bone morrow. Kung hindi ba naman…
“I-ikaw na naman!” Nagpapatay-malisya siya na iniiwas ang mga mata. Kung makatitig ang mokong na ito, may kung ano’ng hinahalukay sa kanyang damdamin. Kanina pa iyon. Kanina pa. At iyon na naman ang ginagawa nito sa kanya ngayon. Huwag lang siyang mataranta, aakto siya na wala lang iyon sa kanya. “Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” Umirap pa siya bago ang paupo’ng pagpulot sa mga nagkalat na gamit at papel. But all her senses were tuned in. Kung sosobrahan niyang magsalita, walang ligtas sa kanya kahit ang tunog ng nahulog na karayom. Kahit sa gitna ng pagkabog ng dibdib niya, malamang ay madidinig niya iyon.
“Ahm… Excuse me.”
As expected, napapitlag pa siya nang madinig ang mala-disc jockey na boses nito. “W-whom you are talking to?” Luminga pa siya sa paligid bago tumutok ang kanyang mga mata ditto. Aw, Kayna, get a grip, girl. You can’t be stammered all the while. Really.
Pero hindi niya naman masisisi nang buong-buo ang sarili. Guwapo nga, eh. Judge Leo Kang might be a god and sent her someone looking like him. Pero hindi niya papayagan ang sariling kiligin dito nang harap-harapan. Hindi puwede. Sa dami ng tao sa mundo, si Dalya lang ang nakakaalam na dead na dead siya kay Judge Leo. At napupuyat siya minsan para lang mapanood ito sa Channel M kung saan ipinapalabas ang Master Chef Korea. And that’s the end of it.
Pero nang ngumiti na, napahugot siya ng paghinga. She automatically felt the itched to feel how those five o’clock shadows of beard in his chin tickled her hand. The feel of it. He was in a designer’s long sleeves polo now that fit nicely in his broad shoulders. Pero sa bawat pagkilos nito ay nababatak iyon. Along with a dark jeans that complemented it, wrapping his legs all in the right places.
Malamang nagpalit din kanina na gaya niya, naisip niya.
All in all, they bespoke of a man who could charm a thousand kisses from silly girls everywhere and make them fall in love along the way. Pupusta siyang mai-insecure ang lahat ng mga lalake’ng naging cover na ng Men’s Health. That body said so.
“May iba pa ba?” Lalong lumuwang ang ngiti nito. “Stand up. Ako na lang ang mamumulot sa mga iyan.” And he pointedly gave her the reason why by way of his eyes that glinted with mischief right now.
Namula kaagad ang mukha niya nang mahinuha niya ang ipinapakahulugan nito. Her face was only a feet and a half away in front of his crotch area. And she unconsciously ogled him all along!
Oh, my gulay ! Isilya-elektrika na ninyo ako! Dagli na siyang napatayo lalo pa at marami na palang empleyado sa paligid na nagbibigay ng galang sa lalake at kuryusidad naman ang ipinupukol sa kanya.
Awtomatiko ang pagsalo ng kanyang kamay nang iabot nito ang sariling laptop, a high end one, patunay na ang nipis nu’n at gaan. Hindi siya halos makapiyok habang nakamata na lang siyang pinanuod ang ginagawa nito. Ganuon din ang kanyang ginawa kahit nang isa-isa nito’ng pinag-aaralan ang blue print ng ipapasa niyang plano.
“Hmm…” Napatango-tango ito. “So, you are an interior designer, Miss de Rivera? These are good.” Nakatayo na ito sa harap niya.
“K-kilala mo ako?” She found her voice, at last. “Hindi ko yata maalala’ng nagpakilala ako sa iyo.”
He c****d an eyebrow and gently tapped the blue print downward. “Here,” turo nito sa pangalan niya. “Unless hindi ikaw ang nakasulat diyan as what this design implied.”
Oh, my God, her meeting! “Here,” agad na abot niya sa laptop nito at dagling in-snatch sa kamay nito ang hawak-hawak. “Thank you but I have to go.”
“Good luck!” pahabol nito.
Pero kumekendeng na lang siyang lumayo rito habang inii-scan ang bawat madaanang pinto hanggang sa makita niya ang sadya.
TRISTAN sighed with relief as he watched the Japanese convoys drove away. Siya na lang ang nag-iisang naiwan sa harap ng building na kasama sa mga naghatid sa mga ito. Naging mabunga ang transactions ng kompanya nila patunay na ang hawak niya ngayong kontrata. All signed and sealed. Salamat sa kamatis, bawang at mais na siyang pinuntirya ng mga ito. Sa kanila aangkat directly lalo na nang mapatunayan kung gaano ka-istrikto ang standard ng paghe-handle at pagpoproseso nila sa mga ito, which by the way, earned them the ISO certification, too. Taas-suweldo na naman ang katapat nu’n sa kanyang mga empleyado. They deserved it, after all.
Tumunog ang cellphone na hawak niya. “’Insan, ano’ng atin?” bati niya.
Si Noel ang tumatawag, pinsan niya sa mother’s side at siyang tumatayong financial officer ng kompanya. Hindi sila dating close pero nang makapalagayang-loob niya ito nang husto after sometime, they become close buddies.
“Kinukulit ako ng interior designer na maganda dito sa office ko.” Nadinig niya ang pagtawa nito nang pilyo. Malandi. Ganu’n iyon kapag may nagustuhang chicks. “So I ask again: You finally want a relaxing office, would you? I like her designs. They are cool. I go for it.”
“Sure. The recent one is so somber that it looks as though uulan anumang oras. I’m tired of it.”
“All right, you have a new one maybe after a month. Hindi naman major renovation ang gagawin nang husto ayon na rin sa plano. But it is still some kind of a major touch up. Pansamantala, mag-camp out muna tayo sa warehouse total may mga makeshift offices na doon.”
“And tell them that we have something to celebrate on by weekend at Fort Ilocandia. ‘Insan, the contract is in the bag!”
“Oh, s**t! Are you kidding me? No!”
“Yes!” Tawang-tawa na siya. By then, something sink in. “Sandali. Iyon bang sinasabi mo’ng interior designer ay siya ring nakabundulan ko sa hallway?”
“Huh!”
Inilarawan niya ito. “And she was one hell of a motorcycle driver, too.”
“Wow! She’s that hot, huh! Sayang, nahuli na siyang dumating. Kung maaga-aga lang, napormahan ko pa iyon. Not after I am already engaged,” reaksyon nito. “‘Andun na sa office mo, ‘Insan. Kasama ‘yong sekretarya mo. Tell me, kursunada mo, ‘no?”
Lalo siyang natawa. “I’m coming. Ikulong mo muna at baka makawala na naman. May utang pa ako roon.”
NAPAKUNOT-NOO si Kayna nang may mahagip ang kanyang mga mata. Lumapit siya kaagad at inabot ang photo frame na parang malaking golf ball ang hitsura na nakapatong sa cabinet sa likod ng executive table. May golf championship trophy pang katabi. Mukhang new addition ang mga iyon.
Sa ilang ulit na rin niyang pagbalik-balik doon at parating natataon kapag wala ang boss ng kompanya, halos alam na niya ang mga nakapatong doon. The knick knacks as well as some finishing touches in his office were minimal. Walang family portrait o kahit ano na nagsasabi ng tungkol sa pamilya nito. Masculine ang appeal. ‘Yon nga lang, malungkot ang ambiance. Buti sana kung hindi nasobrahan sa black and gray ang color scheme, may mga mettalics pieces pa.
Magkagayunman, nalaman niyang iyon na daw ang existing color scheme doon kasama na ang buong offices nang ukupahin ng Northern Star Corporation two years ago. Kaya ayon na siya. Dadalawa lang ang keywords na ibinigay sa kanya to deal it with for its transformation: vibrant and relaxing.
Pinasadahan ang mga nasa larawan. Five males, all handsome at magkakaakbay, pulos nakangiti at—
Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Agad ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya.
“Gale,” tawag niya sa sekretarya ng CEO. First name basis na sila simula nang ito ang nag-ikot sa kanya sa buong opisina para alamin ang detalye ng dapat gawin doon. Ito rin ang humaharap sa kanya sa bawat pagpunta niya roon habang nasa proseso siya ng pagplo-plot ng aakmang design scheme doon. Minsan ay si Mr. Noel Fariñas, ang pinsan daw ng boss doon at siyang finance officer. Ito rin ang pinagpasahan niya ng final plan ng renovation. “Sino ito?” turo niya sa isa sa mga lalake doon. Nasa gitna ng lima.
“’Ay, iyan ang boss dito, friend. Meet the chief executive officer, owner and president ng Northern Star Corporation, Mr. Tristan del Mar, a self-made man, only in his mid-30’s and the most eligible but elusive bachelor in this side of the Philippines, I dare add. ‘Yon nga lang, kahit gaano iyan kaguwapo, ayoko’ng mag-ambisyon. Hindi ko keri. Sa estado niyang iyan, women might be in his mercy. Linya-linya. Tabon lang ang peg ng mga kagaya ko’ng purita.”
“Huwag mo nga’ng ibaba ang sarili mo, ‘uy,” kastigo niya rito.
Napahawak siya sa kanyang pisngi na kaagad ibinalik ang photo frame. Talk about bad timing and first impressions. Paano kung naasar sa kanya ang lalake at aayawan siyang gagawa sa renovation job doon? Paano din siya haharap dito nang hindi makaramdam ng hiya sa pagkakahawak nito sa dibdib niya? Kahit hindi nito iyon sinasadya, ganoon pa rin ang epekto nu’n sa kanya. Naiisip pa lang niya iyon, parang nais umikot ang ulo niya.
May kumatok. Pagbaling niya, nasalubong ng kanyang mga mata ang lalake’ng sinigawan niya kaninang umaga para bumaba na ng motor. Nakatingin na din ito sa kanya. Poker face.
Asiwa na bigla siyang nagbaba ng tingin at hindi malaman kung paano aakto ngayong nakaharap niya itong muli.
Noon naman nagsalita si Gale. “Good morning ulit, Sir. You’ll meet Miss Kayna de Rivera, finally. Siya po ang interior designer ng offices natin. Nasa kay Sir Noel ang kopya. Gusto niyong kunin ko muna para mapag-aralan niyo, Sir?”
“No need, Gale. I have it with me,” entra naman ni Noel. “So, magkakilala na kayo?” Namimilyo ang ngiti’ng baling nito kay Tristan kasabay ng pag-aabot sa blue copy na isinumite niya rito.
“We’re just formally introduced just now. Nice to meet you, Miss de Rivera,” anito’ng iniabot sa kanya ang kanang kamay.
Gusto niyang mapabuntong-hininga. May pagdadalawang-isip pa’ng inabot ang kamay nito. “L-likewise, Sir. Thank you.”
Iniwasan niya ulit na mapatitig dito nang matagal.
“Gale, coffee, please. Make it two for me and for the lady here at nanlalamig na ang mga kamay,” utos nito.
Napalatak si Noel doon habang ngingiti-ngiti namang bigla ang sekretarya. Subalit napahagikgik din nang hindi nakatiis.
”Yes, sir.”
“I’ll come with you, Gale. Ipagtimpla mo din ako ng kape.” Si Noel.
Oh, my God! Bigla niya tuloy nahablot ang kamay niya na hawak pa rin nito. “H-huwag na, Gale. I’m alright. Just the airconditioned. M-medyo malamig lang.” She tried to salvage her dignity.
“But just enough for a hot coffee, don’t you think? So, I insist.” Ngumiti na ito sa kanya bago muling binalingan si Gale. “Sige na.”
Sa nangyari, na-imagine niyang tila tumalon ang nasa rib cage niya. Kung di ba naman adik! Pero kailangan niyang umayos. Hindi tamang ganoon na lang ang reaksiyon niya at baka tuluyang masimot ang laman ng pitaka niya kapag hindi nito binigyan ng final approval ang proyekto doon.
Inayos ang reaksyon ng mukha at saka pinilit ang sariling ngumiti. Nilalabanan ang pagkaasiwa sa harap nito. ”If you say so, sir. Thank’s.” There, no more stammer. Mas mukha na siyang propesyunal. “If you please, kindly peruse more of the designs. I entertain any adjustments and suggestions.
“Vibrant and relaxing, iyan po ang keyword where the designs revolved which specified by your office. It was stamp through the use of environment-friendly materials. Even the color scheme is based on nature elements but to make it softer and easy to the eyes, various shades of green was the dominant colors. Therefore, you should expect that stronger colors are played through different accent pieces. ‘Yon po’ng mga finishing touches.
“There are many outstanding materials around Ilocos kaya makakaasa din po kayo na karamihan po ng gagamitin ay dito na manggagaling. So I hope to create something that is closer to home—warm, homey, welcoming—vibrant and relax, all in one, conducive to employees’ productivity and to clients’ comfortability. I may be a little assuming but I dare say it that the word ‘stress’ will go straight to the dust bin.”
Napatango-tango ang lalake. “You are so sure about it. No offense meant.”
“I believe on it, sir. That’s what emboldened me. And much more,” diin niya sa huling pangungusap. May pahiwatig na ayaw niya nang i-explain kung ano pa iyon.
Napatingin sa kanya nang ilang sandali. Finally, he signaled her to join him on his desk. Tamang nakaupo na sila nang magkaharap sa mesa nito nang siya namang pasok ni Gale at tahimik na ibinigay sa kanila ang kape bago ulit lumabas.
“Tell me more,” anang lalake pagkatapos makapagpasalamat sa sekretarya nito at makahigop ng kape. “There’s some kind of garden here.”
“And water feature, too,” ayon niya dito. Masarap ang usok ng kape, brewed. May pang-akit iyon subalit pinilit niyang ignorahin. Baka lalo lang siyang nenerbiyosin doon. Ayaw niyang mawala sa kanyang palad ang oportunidad na iyon.
“Office works can give different levels of pressures that resulted to stress and something more in between. So, I believe that adding garden and water features can help lessen the impact. This is also a way of saying that this company really, really cared about its employees’ well-being. The sounds of water splashing through have a calming effect.
“That also goes with the garden. Pero hindi ‘yong sobrang malalaki kasi edited po ang ilalagay na mga plants. Bukod sa loob ng offices, may lighting scheme din po siya. There are plants that will be highlighted to give a dramatic effect and there are those that will be lighted in a subtle way na parang mysterious ang dating. Furthermore—“
“Can you give some allowances of transforming this water and garden features you have here into an alfresco romantic dining for two? I might sneak here with a date when everybody is gone. Is that possible?” putol nito sa kanyang sinasabi.
Tila may nagpreno.
Ha? May girlfriend na?
May nagkukot agad sa loob ng dibdib niya. Kahit hindi nito tuwirang sinabi, ganuon na rin ang epekto nu’n. Gusto niyang sumimangot. Unfair ang langit. Kaka-meet pa lang niya ang nagdadala sa imahe ni Judge Leo, may nagmamay-ari na agad-agad.
Saklap, huh!
Pero nagpatuloy siya at inignora ang disappointment na nararamdaman. Ano’ng malay niya kung may asawa na din ito at mga anak? Hindi iyon malayo kung ikokonsidera ang edad nito. Sa mukha nito, magiging babae agad-agad si Piolo Pascual at babalik naman sa pagkalalake si BB Gandanghari to give him a run for his money.
Ngumiti siya nang tabingi. “Opo, sir. That’s right!” Tumango-tango pa siya. Huwag na lang kaya niya itutuloy ang garden at water feature?
Kumislap ang mga mata nito. “Here. Simulan mo na ang renovation dito the soonest possible time. Mas maaga, mas mabuti. And when it is finish, expect a romantic evening date with me.” At iniwan na lang siya at sukat.
Napanganga na lang siya na sinundan ito ng tanaw.