“’MORNING, Mom. How was your night?” Lumapit si Tristan sa ina at hinalikan ang bumbunan nito.
“Fine, hijo. Restful. Ikaw?” Iminosyon naman ni Mommy Tina ang bakanteng upuan sa harap nito.
“As good as it gets,” aniya naman na agad dinampot ang isang baso at nagsalin doon ng freshly squeezed orange juice mula sa crystal pitcher. Bottoms up.
Nasa garden set sila katabi ng infinity pool na tumutunghay sa Pasaleng Bay.
It was another beautiful but chilly February morning pero unti-unti nang hinahabol iyon ng sikat ng araw. In fact, kagagaling lang niya sa pagdya-jogging sa gilid ng dagat. Nagpalit lang siya ng damit na nabasa ng pawis kanina to join her mother for another weekend breakfast which she instigated as a rule na hindi niya puwedeng baliin unless it was an emergency. Sabagay, wala naman siyang angal doon considering na ito na lang din ang natitirang malapit na kapamilya niya. At ang pamangkin din niya.
Speaking of his pamangkin, Ralion was looking ahead but nothing in particular. Sige lang ito sa pagnguya sa isinubong pagkain ni Mommy Tina. Pagnguya lang ang natitira nitong kaalaman matapos itong puntiryahin ng traumatic stress disorder. Bunga iyon ng trahedyang kinasangkutan ng kanyang nakatatandang kapatid at asawa nito na magulang naman ni Ralion.
Masakit sa kanyang tignan ito sa kalagayan na parang binaligtad ang katauhan. Mula sa pagiging bibo, masayahin, mapagmahal, malambing at masunuring bata who is way into his seven years, naging matatakutin na ito, animo wala nang pag-asa, hirap pa sa pagtulog. At kung makatulog naman, nananaginip naman ito ng nakakatakot kaya umiiyak na naman ito buong magdamag. Minsan, tulala na lang at lahat. Hindi na nga nito alam na subuan ang sarili, hindi na rin makalakad.
Now, he was wheelchair-bound and God knows kung gagaling pa ito. Para na itong buhay na patay with his motor skills all shut off save for his chewing ability.
Tumalungko siya sa harap nito. “How are you, kiddo?” His heart went out to him again. Hinaplos-haplos niya ang ulo nito. Kung tao lang ang tadhana, pakikiusapan niya ito na iwan si Ralion kasabay ng pagbabalik nito sa dati ang lahat at muling painugin ang buhay nito sa pagiging kontento at masaya. “You will going to be alright, I know. So please, Ralion, fight for yourself, fight for all of us. We’re still here for you. Mom and I love you so much.” Bumaling siya sa ina. “Mom, you think, it’s about time na ipasuri na natin siya sa psychiatrist? I hate what he was gotten into. Bata pa siya pero matinding pagsubok na kaagad ang nararanasan.” Tumiim ang mga bagang niya.
Mommy Tina pushed aside her breakfast. Nawalan na ito ng ganang kumain. Lumapit ito sa kanila at kapwa sila niyakap. Mabigat ang buntong-hininga nito na sinasalamin ang mabigat ding kalooban.
“S-siguro nga, anak. Pero huwag muna agad-agad. If we do now, it will also give him the record that marks him the rest of his life. Let’s just hope that he’ll come around sooner. Sa ngayon, tignan natin kung ano ang puwede nating magagawa pa.” Sumenyas ito sa babaeng nurse na nag-aalaga kay Ralion. “Pakibihisan muna si Ralion, hija. Ibibisita ko muna siya sa bahay ng dati niyang yaya. Marami siyang kaibigan doon.”
Pabuntong-hininga na nag-give way si Tristan. Isinunod ang nalulungkot at naaawang tingin sa pamangkin bago napapailing na umupo sa upuan.
Saka naman may bumusina.
Napalingon silang mag-ina sa driveway na natatanaw din ng kunti sa kinalalagyan nila save for the flowering pink and white bougainvillea that obscure the view. Lumabas mula sa puting Honda Civic si Noel. Ugali na din nito’ng pumunta sa kanila tuwing weekend. Hindi siguro masyadong busy since last weekend lang din sila ulit nagpangita sa Fort Ilocandia during the company blow-out.
Napakunot-noo siya nang umikot ito pakabila at binuksan ang passenger’s side.
Napatayo na silang mag-ina.
A pair of long and shapely legs in a dainty doll shoes came out first bago tuluyang lumabas ang nagmamay-ari nu’n.
It’s Kayna.
Muli, a feeling of something primal seized him. Something skips a beat, too. But that same feeling gave him that survival instinct which effectively stops him from wandering beyond the fence.
Napapormal siya tuloy. Naalala niya ang sinabi niya rito nang ibigay niya ang go-signal sa gagawing renovation sa office ng NSC. Did he actually ask her for a date, really?
Bago pa niya nasagot ang katanungang iyon, nasa harap na niya ang dalawa.
Kayna de Rivera was a vision of a blooming pale pink rose after a rainshower. Her simplicity was simply breath taking. Naka-shorts lang naman ito ng puti, enough to show off her nice fair legs that stretched as long as the Patapat Viaduct, one of his favorite destination in Ilocos Norte. Malapit lang naman iyon sa beach house nila na naging main house na rin nang mamatay ang daddy niya limang taon na ang nakakaraan. She was coincidentally in a sleeveless pale pink rose, too, with ruffles finishes in its neckline. Walang make-up. Naka-pony tail lang din with some wayward hair dangling on her right ear. Awtomatikong nagbaling siya ng tingin mapasadahan ang mamula-mulang labi nito.
Gusto niyang matawa sa sarili sa ginawang pagrerehistro ng mga bagay tungkol dito. Some women are really mysterious creatures. At ang kaharap niya’y hindi malayong ganoon din. All the more na kailangan niyang sagkaan ang sarili sa mga kagaya nito. Hindi na niya kailangan ulit na mapaso para malaman kung gaano iyon kahapdi. Tama na ang minsan.
“Tita, si Kayna de Rivera,” pagpapakilala ng pinsan niya. “Siya na po ‘yong sinasabi ko sa phone na interior designer which the company hired for the corporate office renovation. In fact, things already rolled in. And the last time na bumisita ako doon, malaki na ang improvement considering na mag-two weeks pa lang ang nakaraan.” Saka nito binalingan ang dalaga. “And Kayna, ito naman si Tita Tina, my favorite aunt in the whole world.”
“Kumusta po?” may kiming sabi nito. “Sir Noel told me na may plano din po daw kayo na i-renovate itong beach house niyo. So maybe, baka daw interesado din po ako. Iyon po ang dahilan kaya isiningit ko na din po’ng sumama sa kanya dito. Just one look around and I instantly like it here.”
HINDI maitatanggi ang katotohanang iyon. Parang sarili niyang tahanan ang lugar na iyon at doon siya nabibilang. Sa sikat ng araw kaalinsabay ng mabining dapyo ng hangin mula sa dagat na nagpapa-indayog sa mga puno ng niyog nang sabay-sabay, parang isang paraiso nang maituturing iyon. Magaling ang nag-landscape doon. Lahat ng mga halamang nandoon ay nasa tamang lugar pero hindi maiisip ninuman na sinadya iyon. Mukhang natural lamang na parang matagal nang nandoon. Kalat ang mga halamang namumulaklak. Malambot sa tingin ang mga damong tinatawag na frog grass. Tour de force ang man-made waterfall na may background ng pinaghalo-halong palms, ornamental plants at apat na uri ng namumulaklak ding birds-of-paradise. Tila iyon tanod na gumuguwardiya sa infinity pool na tumutunghay sa look sa ibaba. All combined to gave her that sense of belonginess kahit noon lang siya nakayapak doon.
Pinilit niyang huwag tumingin sa gawi ni Tristan. Pero sa gilid ng kanyang mga mata, pansin niyang wala itong kangiti-ngiti. He looked so formal. Hindi yata ito natutuwa na nandoon siya. May kumurot sa puso niya. Maliwanag tuloy na binibiro lang siya noon na i-date siya kapag natapos na ang garden at water feature sa NSC.
Naloka pa siya roon. Ilang araw pa ang kailangan niyang padaanin bago siya nakaget-over. Hindi nga lang niya maide-deny sa sarili na attracted siya rito. But the way he looked at her now…
Patay-malisya siyang bumuntong-hininga at nag-focus sa mama ni Tristan.
“Thank you, hija at nagustuhan mo kaagad dito. I love this place, too, kaysa sa siyudad na para kang nakikipagkarerahan na lang palagi to get ahead. Polusyon pa. So I choose this place anytime.”
Gusto niya kaagad ang ginang. “I would do, too, if given the chance.”
Sa sinabi niya, napapakurap pang kapwa bigla napatingin nang mataman sina Noel at Mommy Tina sa kanya bago naglimayon iyon kay Tristan. Noon lang din niya naisip ang impact ng kanyang sinabi.
Gumalaw-galaw ang mga panga ni Tristan.
Oh, my gulay. What have I done? Come on, Kayna. Think something fast!
“Hmmm…I-I mean, kung may tsansa din po na magkaroon po ako ng ganito rin on my own, malayo sa isipan ko ang magnais na tumira din sa siyudad. Ang ganitong lugar ay bagay para sa mga treasured memories na puwede mo’ng ibahagi sa iyong mga apo pagdating ng panahon.” Sinundan niya iyon ng ninenerbyos na ngiti.
Mommy Tina’s eyes twinkled. And she realized na ganoon din ang mga mata ni Tristan.
“Oh, hija. I love how you put it. You are making me looking forward to it. I really do! Tristan,” baling nito sa anak, “isn’t that right?”
Dama niyang napipilitan lang ito nang tugunin nito ang ina. “Whatever you say, Mom.”
“Good. Come on, hija, I will tour you around the house. I wanted you to do some designs for its renovation this soon. And yes, I am hiring you. Excited na ako.
“And Noel, keep this man company for a while. Mukhang binagyo ang itsura nang wala sa oras, eh. Pakisabi na rin kay Nurse Rica to wait for me,” bilin pa nito sa magpinsan at halos sambilatin na siyang inilayo doon.
“WITH too many rooms separated by walls here and there, maybe, we can open up the space a bit. That means po na may mga walls na kailangan nating tibagin, mga rooms na maiiba ang pagkakagamitan at may mga items na kailangang alisin o kaya’y palitan na para po updated. With the water element not far from here at sa magagandang tanawin sa labas, lalakihan din po natin ang mga bintana to make the inside of the house as an extension of what’s outside. That way, you can still appreciate nature’s beauty as it is kahit nasa loob ka lang ng bahay. A relaxing treats after a stressful day.”
“Or a stressful weekdays to a relaxing weekend retreat,” dagdag ni Noel. “I often come here by myself o kaya with Jonna, ‘yong fiancee ko, who also love here. See, parang lahat yata, gusto dito.”
“That reminds me why I choose this place as a retreat nang mamatay ang esposo ko five years ago, hija. This place calm me, gives me sense of peace which by then, healed me. But it never means na hindi ko siya naaalala. Kung noon, I am sad at laging umiiyak, hindi na ngayon. And if I would die, I would die here, not anywhere else.” May conviction pa sa tinig ni Mommy Tina nang sabihin iyon.
Nasa kubo naman sila ngayon na nasa likod ng waterfall which overlooked the coconut groves. Pero hindi simple ang naturang kubo. Mukha kasing oversized daybed iyon na niyungyungan ng Java-inspired na bubong. You would seat with your feet amidst the numerous colorful throw pillows na ini-e-echo ang batik print ng sheer curtains na sumasayaw sa mabining dapyo ng hanging-dagat.
Sa sinabi nito, biglang napatayo si Tristan at kaagad nayapos ang ina. “Mom, huwag ka nga’ng magsalita ng ganyan.”
“Hijo, sa bawat minuto, may sorpresa ang buhay. Ano ang mali kung prangkahan mo ding sasabihin na puwede kang mamatay anumang oras?” palaban na tanong ng ginang.
“I needed you, Mom. Don’t rain on my parade now,” masuyo nitong sabi sa ina. “And there’s Ralion, too, who needed you the most.”
Agad ang pagdaklot niyon sa malambot na bahagi ng pagkatao ni Kayna. Walang kuwestyon ang nakikita niyang pagpapahalaga at pagmamahal kahit sa kilos pa lang ng mag-ina. Iglap, naglandas ang luha sa kanyang pisngi. Nang maramdaman iyon, pero huli na para itago pa niya. Tatlong pares ng mga mata ang nagtatakang nakatingin na sa kanya. Bigla tuloy siyang napatayo at agad-agad bumaba ng kubo.
“Kayna, are you okey?” Si Noel, nag-aalala maging ang boses.
“P-please just let me be,” gumaralgal ang tinig na pakiusap niya na hindi lumilingon sa mga ito bago siya humakbang.
Waring may isip ang mga paa’ng tumakbo pahantong sa pababang dalisdis at sumuot sa gitna ng mga niyog na nasa kasagsagan pa lang ng paglaki hanggang sa humantong siya sa dalampasigan. Doon na niya malayang ibinuhos ang damdamin.
God, it hurts when your family is the cause of all those heartaches you have to endure. And it hurts more when you have to suffer all along and things will show you what you can’t have after.
It should not be that way.
“HERE, take this. It might help.”
“Huh!” Naunang rumegister sa paningin ni Kayna ang pep bottle ng tubig na iniabot sa kanya ni Tristan bago ang daliri nito na nakahawak doon na sinundan ng paglimayon ng tingin sa kamay nito’ng may manipis na balahibong pusa. Napaayos tuloy siya ng upo sa buhanginan na nalililiman ng puno ng niyog at agad na pinunasan ang mukha. Huminga siya ng malalim bago inabot ang ibinigay nito. “T-thank you, sir. ‘Di ka na sana nag-abala pa.” Pinilit ang sarili na ignorahin ang umuukilkil na namang damdamin sa presensiya nito.
“Tristan,” anito na umupo sa tabi niya and looked ahead. “Call me, Tristan.”
“No. You hired me.” Uminom siya ng tubig.
“Bisita ka namin ngayon.” He looked at her and c****d his eyebrow. “Just so you knew, ako muna ang makakasama mo for the remainder of your visit. Everyone including Noel will be gone for some hours. Sinamahan sina Mama para ibisita si Ralion. And since it’s weekend, naka-off din ang mga kasambahay namin. You just got me. Alone.”
Muntik tuloy siyang nabulunan sa sinabi nito. “W-what do you mean alone?”
“Just you and me.”
“Oh…” Napasinghap na siya. So much for being so jumpy nang bigla itong kumilos at sumandal sa puno ng niyog. Akala na niya aakbayan na siya nito. Pero sa ginawa ng lalake, lalo lang itong napadikit sa kanya. And now, they are sharing body heat na pakiramdam naman niya nakadikit siya sa livewire ng kuryente. Nagresulta iyon ng pagtitinikling ng maraming tagak sa dibdib niya. Gusto na niyang pagpawisan nang bigla din itong napalayo sa kanya. “W-what?”
“AH…w-wala.” Parang nalito si Tristan na napatingin sandali kay Kayna. What is that man? Hindi niya mawari kung bakit tila siya tinamaan ng kidlat nang mapadikit siya nang husto sa dalaga. And for one wild second, may kung ano’ng alaala na tumama sa utak niya at umeskapo rin kaagad bago pa niya maturol kung ano iyon. Agad-agad na ‘di siya mapakali. “Come on. Balik na muna tayo sa bahay. Mainit na masyado rito.”
Tumango lang ito at walang imik na tumayo. Waring nakikiramdam lang din. Pinauna na lang niya ito patalunton sa dinaanan nito nang bumaba. Sumunod siya. Pero mali din yata dahil dumispley naman ngayon sa kanya ang mahubog nitong mga hita at binti at pang-upo nito’ng sa bawat pagkembot ay may ginigising sa kanya.
Napatiim-bagang siya. Gumalaw ang kanyang mga panga sa pagpipigil sa sarili. Saka niya naman ito nakita’ng bigla itong natalisod at kasabay ng impit nitong pagtili, sumadsad na ito sa lupa.
“Kayna!” Dali-dali siyang lumapit dito. “Are you okey?” nag-aalalang tanong niya kaagad dito na tinulungang tumayo.
“I-it hurts a bit. Lalo na ang kanang tuhod ko,” napapangiwing sabi nito na kumapit sa kanya habang sapo ng isa nitong palad ang nasaktang tuhod.
May sumirit ulit sa pagdantay ng mga palad nito sa kanya. Hindi siya kaagad nakaalerto nang naging mali ang pagkakabalanse ng kapit sa kanya ni Kayna. Ang nangyari, kapwa sila natumba sa lupa. Mataas na rin ang parte’ng iyon kaya nayakap niya ito nang mahigpit nang gumulong sila nang kung ilang beses hanggang sa mapasadsad sila sa isa pang puno ng niyog.
Noon napadaing si Kayna. Pero natigilan nang mapansin marahil nito na ito ang nasa ibabaw niya at nakayakap pa rin siya rito para protektahan dahil sa nangyari.
Kumibot-kibot ang mga labi nito. Tila na din namagneto’ng nakatingin na sa kanya. Bago pa magsidating ang mga rason sa isipan niya, itinaas niya ang mga labi para halikan ito. Sa una, dampi lang. Nang wala siyang madinig na pagtutol dito, hinagkan niya itong muli. At nang wala pa rin itong katutol-tutol kahit na katiting, hinagkan na niya nang buong-buo.
PAKIRAMDAM ni Kayna, parang dati na siyang hinahagkan ni Tristan. Kaya hinayaan niya ito nang muli siyang hagkan hanggang sa muli nitong inulit iyon nang mas mainit pa sa mga naunang iginawad nito sa kanya.
Napapikit siya. Ang sakit na nararamdaman kanina ay waring naparam at napalitan iyon ng damdaming umaalipin sa pinakasulok-sulukan ng kanyang pagkatao. She opened up more to him. She parted her mouth and let his tounge teased her own.
Ginagad naman niya iyon.
He makes some guttural noises that only fuelled the need that suddenly came out from nowhere.
Her hand funneled into his soft hair when she felt the heat between her thighs as her breast seemed fuller and its tip stood erect in its sensitivity all on its own.
She sighed.
Then, she saw herself undressing on top of him, enjoying the freedom from her clothes that seems to keep her from the fulfillment that she desperately wanted to have it.
Bigla siyang napadilat. Pero ewan niya kung sino ang nagulat sa kanila nang magtama ang kanilang mga mata. Dahil halos pareho lang ang ekspresyon ng kanilang mukha.
Bewilderment that bordered in awe. Subalit mas lamang ang pagkalito roon.
May nginig na napalayo siya rito. Nang tangkain nitong suportahan siya, agad niyang iwinaksi ang kamay nito at iika-ikang lumayo siya rito.
God, something’s happening. Big time. At parang gusto niyang matakot kung ano ang koneksiyon ni Tristan sa nangyari.
Naramdaman niya ang pagkilos nito. “J-just…just go. P-please. Gusto ko munang mapag-isa.”
Pero hindi na niya pala kailangang sabihin pa iyon dahil tumatakbo na si Tristan pabalik sa dalampasigan.
That’s when she cried again and all those heartaches came rushing in like a series of tidal wave.