THERE’S something wrong with their family. Sa una ay hindi niya pansin iyon dahil focus siya sa pag-aaral. And then, nagkasakit nang malubha ang Mommy Naty niya. Nang gumaling naman ito, lagi ito sa labas at kapag nakauwi ay parating nakainom o kaya’y lasing.
Noong una, hindi siya umiimik. Pero nang dumalas, hindi na siya nakatiis at natanong nang diretsahan ang Mommy niya kung ano ang problema. Tila bomba ang sumabog sa harap niya when she learned the truth: Nangangaliwa ang Daddy Jose niya.
Doon na nagsimula’ng mag-iba ang buhay-pamilya nila. Wala na halos araw na hindi nagbabangayan ang kanyang mga magulang. May mga pagkakataong di na din umuuwi ang kanyang Daddy Jose. Naging lasengga ang kanyang Mommy Naty. Hanggang pati siya’y nalilito na sa takbo ng pamilya nila. From there, inayawan na niyang pumasok sa paaralan. Wala namang pakialam sa kanya ang mga magulang. Nagmakaawa na siya’t lahat, nagpatigasan lamang ang mga ito. At siya ang kawawang naiipit sa gitna.
Sa bandang huli, nagrebelde na din siya. Sa gitna ng gabi, tumakas siya papuntang Baguio City, hoping against hope na matagpuan niya roon ang kanyang dating kaklase at kaibigan na si Mitos. Bumalik kasi ang pamilya nito sa Baguio City pagkatapos lang ng graduation nila sa hayskul. Sa una, may komunikasyon sila until it died a natural death a year later.
Ang masaklap, sa lawak din ng Baguio City at dami na ng pinag-ibahan doon the last time na nagawi siya roon, wala siyang napala sa paghahanap dito. Instead, she found a beautiful young woman who befriended her and take her home.
Pero hindi niya akalain na ito din pala ang magpapahamak sa kanya. Palihim nitong nilalagyan ng droga ang iniinom niyang tubig o dili kaya’y pagkain. Dumating iyon sa punto na hinahanap-hanap na din iyon ng bubot pang katawan niya. Kaya minsan, kasa-kasama na rin siya ng grupo nito sa pot session na siyempre pa’y mga anak- mayaman din.
Nagugumon na siya.
Isang araw, niyaya siya nito sa isang party daw ng kaibigan nito. The carrot she dangled: ang droga’ng hinahanap-hanap niya. Marami daw iyon doon.
What does an innocent debutante could do but to go along?
Humantong sila sa isang exclusive condominium. Bukod sa droga, may alak pang kasama. Things went out of hand nang tuluyan siyang tamaan and go out with a lanky boy na noon lang din niya nakilala. Kapwa sila bangag at lasing na nagtungo sa isa pang kuwarto roon. At bago mag-umaga, her virginity was lost and he never saw the lanky boy since then. Lalo pa nang malamang pinagpustahan pala siya.
When she confronted Ali, the beautiful woman she thought was a friend, she admitted in a heated argument na nadala daw ito sa pangde-dare dito kaya nagawa ang nagawa nito sa kanya.
Worst, everything was a sham. Hindi siya tinulungan nang bukal sa loob nito kundi parte rin pala iyon ng dare. It all started nang makita daw siya kasama ang mayayaman pero spoiled brat na mga kaibigan nito sa Burnham Park like a lost kitten. That was the time na lumong-lumo siya nang hindi niya mahanap ang kaibigang babae na si Mitos.
Ayon, pinagtripan siya.
Mula roon, umuwi na lang siya sa kanila na baon ang mapait na sinapit at nagmukmok. Nilabanan ang tawag ng droga sa pamamagitan ng hindi niya paglalabas. Saka niya natuklasang buntis siya. Sa takot niya naman, inilihim niya iyon sa mga magulang kagaya ng paglilihim niya sa nangyari sa kanya sa Baguio City. It was only too late nang bandang huli ay nalaman ng kanyang mga magulang ang pagdadalang-tao niya. Nagalit ang mga ito. Nasampal pa siya ng Daddy Jose niya. Pero natakot din ang mga ito sa kahihiyan at eskandalo na maaaring dulot ng pagkakaroon ng nag-iisa nilang anak ng anak na hindi rin kilala kung sino ang ama.
While her mother put all the blame to her father, his drastic move brings her all the way to Samar. Inilagak siya kay Yaya Meding, ang yaya niya noon pang sanggol siya hanggang noong isang taon lang nang magkasakit ito at kinakailangang magpahinga na sa pagtatrabaho sa kanila.
Doon na rin siya nanganak. Premature baby ang lalakeng anak niya kaya kinakailangan itong ilagay muna sa incubator. He was a beautiful baby, though. Kulot-kulot ang buhok nito at may dimple sa kanang pisngi.
Ang nalaman naman niyang palabas ng mga magulang niya habang nandoon siya: nagbabakasyon siya sa ibang bansa dahil hindi niya maisaulo ang pag-aaral. Sa mundo ng mga mayayaman, hindi iyon pagtatakhan.
Tatlong linggo pagkapanganak niya, dumating ulit ang Daddy Jose niya. This time, ibinalita nito na nanganganib ang buhay ng kanyang ina at kailangang dalhin agad ito sa ibang bansa para magamot. Or else, mamamatay ito kung mapapabayaan. Isasama daw siya muna sa bansa’ng pupuntahan kung saan gagamutin ang Mommy Naty niya.
Noong una, nagmatigas siya. Hindi niya kayang iwan ang kanyang anak sabihin mang bunga iyon ng kamaliang nagawa. Pero napahinuhod din siya sa paliwanag ni Yaya Meding. Kaya kahit labag sa kalooban niya na iwan ito lalo pa’t hindi niya pa puwedeng ilabas ang bata, pikit-matang iniwan muna ito dahil nangako din ang kanyang ama na uuwi siya agad kapag okey na ang Mommy Naty niya. At habang wala siya roon, regular pa ring darating ang sustento para sa kanyang anak.
Sa Los Angeles, California sila nauwi. Ang dalawang buwan, naging apat na buwan. Sa bawat pagkakataon, kung ano-ano na lang ang sakit ng kanyang ina. In fact, halos residente na ito sa isang ospital doon.
Sobra nang miss niya ang anak. Two and a half months nang nailabas sa ospital at dadalawa pa lang ang sulat ni Yaya Meding ang dumating sa kanya kasama ang larawan ng bata na karaniwan ay blurred. Kuha daw iyon ng pamangkin nitong may cellphone nga pero mumurahin kaya ganoon ang dating ng kuha nitong litrato. Sa sumunod pang mga buwan, dumalang nang dumalang ang sulat nito hanggang sa wala na siyang natatanggap.
At para huwag siyang maburyong sa kakaisip ng kung ano-anong mga posibilidad na maaaring nangyari sa kanyang anak, lalo pa at mukhang matatagalan bago gumaling ang ina, nag-enrol na siya muna sa kursong interior design. Noong una ay para lang mayroon siyang magawa. But she got the hang of it.
Pero minsan na pumunta siya ng ospital, nadatnan niyang wala sa room nito ang Mommy Naty niya. Sa sobrang pag-alala, hinanap niya ito. Nakita niya ito kasama si Daddy Jose sa loob ng opisina ng isang doctor. What makes her turned cold was when she overheard the doctor saying na hindi na daw ito papayag pang i-admit ang mommy niya roon considering na gumaling na ito. Minor lang din ang sakit at hindi terminally-ill na gaya ng nais palabasin ng mga ito sa paningin niya. And that he wanted out from the charade.
Right there and then, kinompronta niya ang mga ito. Umamin ang mga ito. Totoong may life-threatening disease ang mommy niya. May tumor ito sa dibdib at nagbabadyang maging breast cancer kung hindi maagapan. Pero iyon lang, they have tricked her para lang maisama siya nang walang aberya sa bansa ni Uncle Sam and make the lie about her being in other countries as truth to save face. At para na rin mailayo siya sa katotohanang may anak siya sa Pilipinas nang walang kinikilalang ama!
Galit na galit siya noon sa kanyang mga magulang. Iyak siya nang iyak noon at taimtim pa siyang nakiusap sa mga magulang na pabalikin na siya ng Pilipinas. Subalit nagmatigas lang ang mga ito. Ikinatwiran pang sa kabutihan daw niya ang ginagawa ng mga ito. She planned to flee. Pero nang maamoy ng kanyang Daddy ang binabalak niya, idineposito nito sa safety vault ng isang bangko ang mga kakailanganin niyang papeles lalo na ang passport, ipina-freeze pa ang laman ng credit card niya. Nagtanda na siya kaya out sa plano niya ang paglalayas dahil sa loob ng apat na buwan, bahay at ospital lang ang naging routine niya. Hindi rin naman siya lumalabas kung hindi lang kailangan kahit noong nag-aaral na siya. But she never stopped from there. Bumaling siya sa internet. Naghanap siya ng mga taga-Borongan, Samar sa f*******:. At nang may makita’ng tagaroon kina Yaya Meding, isa pang masamang balita ang nakuha niya: patay na pala si Yaya Meding dalawa at kalahating buwan pagkaalis niya dahil sa dati na din nitong sakit. At ang anak niya’y nauwi sa bahay-ampunan pero hindi daw alam kung saan iyon!
Doon lalong nag-ugat ang galit niya sa mga magulang. So, she devised a plan. Kung hindi siya makaalis doon agad, kailangan niya ng matitimbulan muna. At kapag handa na siya, saka niya haharapin ang mga hadlang. Lalo na ang kanyang mga magulang!
Sineryoso na niya tuloy ang pag-aaral ng interior design. Bukod sa regular subjects niya, kumuha na din siya ng advance subjects doon para mapaikli ang apat na taon na siyang karaniwang ginugugol sa ganoong kurso. Kamukat-mukat niya, dalawang taon at kalahati na pala siyang nandoon.
And then, it happened that a month bago ang kanyang pagtatapos, nalaman niyang ipapaasawa siya ng kanyang Daddy sa isang matanda pero mayamang business partner nito na isang Amerikano. Isa pang komprontasyon ang nangyari which bare everything kung bakit sila nandoon. Papalubog na ang kabuhayan nila sa Pilipinas pero dahil kay Smith Perry, lumulutang pa rin iyon. He injected the much needed capital at ngayon, siya ang bayad-puri sa pangyayaring iyon!
So, she put some drastic measures on her original plan. This time, kailangan na niya ang matalinong paghawak sa kanyang mga baraha bago na naman makaamoy ang Daddy niya. She put up some fight as a cover up. Nagalit naturally ang Daddy niya kaya lalo iyong nagmatigas to marry her off with the wealthy old man.
From there, she goes along with the flow. In a subtle way, she got her passport nang sabihin niya sa Daddy niya na inaya-aya siya ni Smith sa Switzerland. Mukhang natuwa kaya ito na ang nagkusang ibigay sa kanya iyon. At sa kunting karinyo na halos ikatayo ng mga balahibo niya habang hinahalikan ang matandang lalake, nakaungot siya ng perang pambili sa plane ticket niya. May naitabi din siya sa gagawing pagtakas. Pinalabas na lang niyang pang-shopping niya iyon kasama ang mga kaibigan kahit ang totoo, ni isa, wala.
Sa bandang huli, sa gabi ng kanyang pagtatapos, sumama siya sa matandang Amerikano in a pretext na gusto niyang i-celebrate ang kanyang pagtatapos na kasama ito. Pero pagdating nila sa mansion nito, she got him into a drinking session kung saan niya inihalo ang pampatulog sa whiskey nito. Saka siya tumakas. Nagsigurado pa siya kaya nagpalipat-lipat siya ng sinakyan hanggang sa tuluyang makarating siya sa airport at mahabol ang flight ng eroplano.
An hour later, she was inside the plane bound for the Philippines.
PAGHAHANAP sa kanyang anak ang agad niyang inatupag pagdating sa Pilipinas. Umupa siya ng private detective. Subalit naka-lima na siya at lahat, iisa ang resulta: totoo’ng patay na si Yaya Meding at isang araw lang pagkalibing nito, dinala naman sa bahay-ampunan ang kanyang anak. Walong araw pagkatapos, nasunog naman iyon kasama ang isang bata, limang sanggol at dalawang madre. Isa doon ang madre superyora. Pati mga records doon, naging abo. Iyon ang hangganan ng lead na sinundan ng mga private detective.
That’s when she thought of giving up the search lalo pa at hindi rin siya tinantanan ng mga magulang nang maamoy na nasa bansa na siya. Pero hindi niya pinakinggan ang mga ito kahit nang totoong nagkasakit ang Mommy niya at nalagay sa panganib ang buhay nito. Nag-recurrence ang tumor nito pero sa kaliwang dibdib naman. Pero may poot na sa dibdib niya paukol sa mga ito huwag nang idagdag ang kinahinatnan ng kanyang anak dahil sa kagagawan din ng mga ito.
In the course of it, hinarap naman niya ang sarili. She put up her own design firm. Pero sumemplang. Doon sumulpot si Gabby Magno, isang nagkakapangalan na ring interior designer. He offered her a business partnership. She grabbed with both hands and invested more lalo na nang pumik-ap iyon. And she let him do the managing nang naging boyfriend na din niya ito.
Para lang matuklasan na isa lang din pala itong con-man na pinaghahanap ng mga pulis sa Australia dahil sa iba’t ibang kaso. At nang tumalilis patakas, kasama nitong itinakbo ang pera niya, nasunog pa ang building na kinaroroonan ng design firm.
Sa bandang huli, nagsara na siya nang tuluyan nang matantong peke lahat ang napasok nilang proyekto. Sangkatutak pang bayarin ang iniwan nito sa kanya na halos ikasaid ng natitira pang pera niya sa bangko.
Pagkatapos nu’n, siya naman ang hinanting ng sariling mga magulang kasama ang matandang Amerikano na ipinapaasawa sa kanya and chase her all around Metro Manila.
Ipinalabas pa sa pahayagan ang larawan niya bilang missing persons kasama ang malaking pabuya. Nagpakatago-tago na tuloy siya.
Kasama ang alalay na si Dalya, nakasingit sila papatakas isang gabi papuntang Mindanao kung saan ito taga-roon. Subalit nagkamali sila ng sinakyang bus. Nalaman lang nila iyon nang magtanong ang isa sa dalawang konduktor kung saan ang punta nila. Pero sa layo na ng natakbo ng bus, ayaw na niyang makipagsapalaran ulit kaya sinabi na niyang hanggang terminal na sila.
Kaya ayon, nauwi sila nang wala sa oras sa Laoag City, Ilocos Norte kinaumagahan. Sa pagka-loyal naman ni Dalya sa kanya, hindi na ito nakaisip bumalik pa ng Mindanao. Kaya bale apat na taon na itong nasa poder niya mula nang gabing tumakas sila.
“KAYNA! Kayna! Can you hear me?”
Agad na pinunasan ni Kayna ang mukha nang madinig ang tinig ni Noel. Inayos din ang nagusot na buhok at damit. And fight for composure kasabay ng paghinga ng malalim para payapain ang damdamin. Hindi na iyon magtataka sakali mang mapansin nito ang bakas ng kanyang pag-iyak. Iyon naman ang nangyari nang iwan niya ang mga ito
.
Naulit muli ang pagtawag nito.
“I-I’m here!”
Iika-ikang tinalunton niya ang daan. Nasa pinakamatarik na bahagi na siya nang sumulpot doon si Noel. He looked horrified nang makita ang ayos niya.
“Anong nangyari sa iyo? Are you okey?” Tinulungan na siyang maglakad matapos nitong iangkla ang isang braso niya sa balikat nito.
“Nasaan si Tristan?”
“C-can we just go?” sa halip ay tugon niya. Pumiyok ang boses niya roon.
Natitigilan tuloy na napatunghay sa kanya si Noel. Pero hindi ito umimik hanggang sa makarating sila nang maayos sa kubo at maiupo siya sa pasimano nu’n. Hinuli nito ang kamay niya bago ito tumalungko sa harap niya. “What happened? Sinaktan ka ba ni Tristan?” Kumilos ang mga bagang nito.
Umiling siya. Iniwasan ang mga mata nitong nananalakab kasabay ng pagbawi sa mga kamay niyang hawak nito.
“Nothing like that. Natisod ako. And no, don’t ask me about him again. I…I just can’t explain what happened. It just happened.”
Sa pagkaalala sa nangyari, hindi siya mapakali kung nakaupo lang. Napatayo siya subalit agad din siyang napaupo nang sumigid ang kirot sa tuhod niya.
Napangiwi siya.
Tumayo si Noel kasabay ng buntong-hininga nito. “You think you can manage kung iiwan muna kita rito? Baka bukas na tayo makakauwi. It is unplanned pero nasa Hannah’s Beach Resort si Bea kasama ang mga magulang nito. And they wanted me to join them.” Nobya nito ang tinutukoy. Gale told her na isa daw itong news correspondent ng isang malaganap na TV network. Ang resort namang tinutukoy nito ay isang sikat na beach resort na parang pugad ng mga cartoon characters straight from Disneyland sa dami. “Unless gusto mo’ng sumama din.”
That was an afterthought.
Lalo siyang napailing.
“Noel, er, sir, naa-appreciate ko ang pagmamalasakit niyo pero I think kaya pa ng powers ko ang manatili muna dito kahit isang gabi pa.” Pinilit niyang ngumiti. “I like this place, remember.”
“Sure ka?” Nagdadalawang-isip pa rin ito.
Nagpakatango-tango siya. “Oo. Mabait naman ang Tita Delly mo, so I’ll be okey here. Don’t worry.”
Ngumiti na ito. “All right, then.”
“AHH…!”
Pabagsak na umupo si Tristan matapos ang paulit-ulit niyang pagsigaw in frustration habang nakaharap sa dagat. Malayo-layo na rin siya sa kanila. At pagod na rin siya matapos ang walang habas niyang pagtakbo palayo kanina.
Hanggang ngayon, parang anino pa ring nakasunod sa kanya ang pagsulpot ng isang alaala sa kanyang isipan nang halikan niya ang dalaga. That was so sudden. And the impact seems to threaten those dark pasts which he tried to make peace with to come resurfacing again. He had been in countless relationship in the past pero ni isa sa nga iyon, walang nagpaalala nang ganoon katindi ang kahit anong bahagi ng kanyang nakaraan.
What’s with Kayna then?
Iyon ang hindi niya maturol. Lalong hindi niya maisip kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng masungkit mula sa nakalipas ay ang parte pa kung saan kahit lango siya noon sa alak at droga ay malinaw na nakatatak iyon sa kanyang isipan. Maybe because when he saw that girl dancing like a goddess with her hair carelessly tossed around sa saliw ng hard rock music, she automatically provoke his protective instinct and something deeper na ayaw niyang bigyan ng pangalan. After all, he came from one hell of a relationship that actually destroyed him. At kung hindi pa dahil sa isa pang mas mapait na dahilan—his father’s untimely death—hanggang ngayon, baka kasama pa rin siya sa statistics ng mga drug users na walang magandang patutunguhan ang kinabukasan. Not until they stop using it.
Nilapitan niya ito noon. And get her out of the unruly crowd. Dinala niya ito sa isang kuwarto matapos silang sumayaw at magkanya-kanya ng partner ang mga kasama nila doon. Isang tingin sa kasama niya, mas bangag pa ito sa kanya. Parang si Sisa na ipinagpatuloy ang pagsasayaw lalo at dinig pa rin doon ang tunog ng musika. Muli siyang lumabas at nagtuloy sa mini-kitchen. Gamay na niya roon dahil napapadalas din naman siyang tumatambay doon. Kumuha siya ng maraming ice. Inilagay iyon sa timba sa bathroom bago nilagyan ng tubig. Pampaligo. Iyon ang paraan niya para mahamig ang sarili lalo at tila umiikot din ng kunti ang tingin kaya susuray-suray siya.
Binalikan ang kasama mayamaya. But she was already struggling to shed off everything and now on her last pair of clothing: her lacy panties!
Bago pa niya ito napigilan, nahubad na nito iyon and actually smiled at him like a contented cat na ibinato pa sa paanan niya ang hinubad nito. Saka muling tumayo mula sa pagkakaupo kanina sa kama at mabuway na kumiwal-kiwal ulit pasayaw.
Desire lift him at once—
Bigla na ulit siyang napatayo.
“Damn it!” naisigaw niya muli in frustration. Nagkasunod-sunod lalo ang paghinga niya na naihilamos ang mga palad sa mukha. Nang hindi pa siya makontento, tumatakbo na ulit siyang sumugod sa katubigan and cuss all he could habang sinasabayan ang pagragasa ng mga alon.
UNCONCIOUSLY, dumapo ang isang kamay ni Kayna sa tuhod niya nang maramdamang kumirot iyon nang kunti nang kumilos siya. Tita Delly fussed so much nang malamang natisod siya kaya iika-ika. Ito pa nga ang personal na umasikaso sa kanya at nagbenda pa roon para makasigurado daw na huwag iyon lalala. Hindi niya alam kung nasabi rito ni Noel pero hindi na siya tinanong kung ano ang nangyari lalo at hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa bumabalik si Tristan.
Napabuntong-hininga siya.
Ayaw niyang mag-isip pero ngayong nakahiga na siya at hindi makatulog kahit malalim na ang gabi, humahayon ang isip niya sa nangyari. May mga tanong na isa-isang nabubuo. Pero kahit alugin niya ang utak, wala siyang makapang kasagutan doon.
Saka umingit ang pinto ng kuwarto. Alarmed, pinagbuti niya ang pakiramdam. May malaking figurine ng isang dolphin sa tabi ng bedside table na kasama ng lamp shade. Kung masamang tao ang pumasok nang bulto roon, hindi siya mangingiming ihampas iyon kapag nagkataon.
Pero tila nagdadalawang-isip na pumasok ang bulto. Iminulat niya nang kunti ang mga mata para mabistahan ito. Nang lumakad ito palapit sa paanan niya, nakilala niya ito kaagad. Sa tulong ng anag-ag ng ilaw malapit sa terrace ng kuwarto, Tristan was a mirage of a mysterious man right there. Lalo na at hindi niya naman mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi sapat ang liwanag na nagpipilit lumalagos sa medyo may kakapalang kurtina but enough to identify him.
Bumuntong-hininga ito kasabay ng pagkilos palapit sa kanya. She automatically shut her eyes more at pinilit pagpantayin ang paghinga kahit ang totoo’y dumadagundong na ang kaba sa dibdib niya. Pero alam niyang hindi dala ng takot ang kabang iyon. It was more than that. May antisipasyon pa roon na waring nagpainit sa temperatura sa paligid. At least, iyon ang pakiramdam niya lalo at may kumot siya hanggang baywang.
Pero inayos lang pala nito ang kumot niya nang dahan-dahan hanggang sa pumantay iyon sa itaas ng dibdib niya. He mumbled his goodnight softly at tumalikod na. Nang maipinid nito ang pinto, doon na niya pinakawalan ang paghinga kasunod ng animo paghihinayang na gumuhit sa dibdib niya.
Mag-uumaga na halos nang tuluyan siyang dalawin ng antok. And when she was deep in her slumber, isa pang bulto ang pumasok din sa pinto at tila hindi alam ang ginagawa. But he tried to walked slowly, given up amidst it dahil tila kumikiwal ang paa at lumapit sa kinahihigaan niya on all fours. Nang makasampa sa kama, kuntento na din iyong humiga at tila nangingiti pang inayos ang sarili pasiksik kay Kayna.