NAGISING si Kayna sa tila komosyon sa paligid. Pagmulat niya tuloy ng mga mata, bigla siyang napabangon nang wala sa oras nang makitang nakapaligid sa kamang kinahihigaan niya sina Tita Delly, isang babaeng nurse, si Noel na katabi ang isa ring babaeng maganda pero morena—his fiancée, no doubt—at si Tristan, na kaagad niya na namang iniwasang tignan.
Napasandal siya sa headboard. “H-have I done something wrong?” she asked in bewilderment. “Natulog lang naman ako, ah.”
Sumenyas sa kanya si Noel. Nang sundan niya ng tingin ang inihimatong nito, napasinghap siya.
May batang tila anghel na natutulog sa tabi niya paharap sa kanya. One look at him and there was peace and contentment in his sleeping stance. At sa sarap ng tulog nito, parang noon lang ito nakaranas matulog.
Napakurap siya nang may kung ano’ng damdamin ang kagyat na lumukob sa kanya.”I…I have no idea. Hindi—“
“Iha,” malumanay na sabad kaagad si Tita Delly. Tumabi ito sa kanya kasabay ng paghuli nito sa kanyang mga palad. “Be still and let him sleep. He needed it that much.” Bumaling ito sa mga nakapaligid. “Please give us a moment.”
Isa-isang lumabas tuloy ang mga ito. Sa gilid ng kanyang mga mata, natanto niyang hinuhuli ni Tristan ang kanyang tingin pero hindi siya nagbaling hanggang sa ipinid nito ang pinto.
Hinarap naman siya ng ginang. “Siya si Ralion, hija. Apo ko. May post-traumatic disorder siya ayon sa mga doctor. ”
Ikinuwento na tuloy nito ang puno’t dulo ng lahat at ang mga sintomas na nagpapahirap dito.
“B-but he’s here. At hindi ko din alam kung paano siya nakarating ditto,” nalilitong saad niya. Pero dinakma na rin ng awa ang puso niya. Kumilos ang isang kamay niya at mabining dumantay iyon sa ulo ng bata.
Humaplos.
Iglap, tila siya nabalik sa panahon na hinahaplos din niya ang ulo ng kanyang anak at kinakausap kahit nasa loob ng incubator. Doon namasa ang kanyang mga mata.
Ralion stirred just then. Bigla niyang nabawi ang kanyang kamay. Pero bumuntong-hininga lang ito ng pagkahaba-haba bago muling bualik sa pagtulog.
“There are miracles that at times, even the keenest of human mind can’t understand, hija. Sakali’t maintindihan man, nangingibabaw doon ang pag-focus sa outcome kaysa kung paano iyon nangyari lalo kung maganda iyon. And this one, maganda para sa akin, hija. Because it tells me concretely that sooner, Ralion will come around and be back to his old self again. I miss his old self, hija. I really do.” Yumakap ito sa kanya. “Thank you, hija.”
Napayakap na rin siya dito.
“But I never did anything.”
Naguguluhan pa rin siya.
“You don’t have to do something. Miracle do happen when we least expected it. I believe God gave you a miracle to bring it here kaya nangyari ito. I’m thankful. Iyon ang mahalaga.”
That should be comforting.
Pero ang hindi okey ay ang kaba na kataka-takang biglang gumuhit sa kanyang dibdib at hindi na mapigil sa pag-usbong.
Napatingin siya ulit kay Ralion. May ngiti ang mga labi nito kahit tulog. Siguro nga’y kailangan niyang gayahin ang way of thinking ni Tita Delly. Para wala na ding magsisulpot na katanungan sa kanyang isipan.
Simple logic.
Pero sa kabilang dako, hindi matanggap ni Tristan ang simpleng lohiko na iyon. He was too stunned to believe it. Patunay na ang wheelchair na nasa tabi ng nakapinid na pinto. It was Ralion’s. How in the world did he get there and even sleep beside Kayna? Hindi makalakad si Ralion at iniwan niya si Kayna kagabi na sarap na sarap sa pagtulog. He just dropped by to make sure she was okey. And now, this?
Siya ang unang nagising nang umagang iyon at ang wheelchair ang una niyang nabungaran paglabas pa lang ng kanyang kuwarto. Kinabahan siya. When he checked things through, he brings the house down nang madiskubreng nawawala si Ralion sa kuwarto nito. Hindi namamalayan iyon ng nurse na nagbabantay dahil nakatulog din. Kadarating naman sina Noel at Bea kasama ang magulang ng huli. Nang malaman ang nangyari, lahat ay naghanap sa loob at labas ng bahay maliban sa inuukopa’ng kuwarto ni Kayna. Pero nang wala pa rin, siya na rin ang naunang pumasok doon.
And behold, both she and Ralion sleep so soundly like mother and son. And the way Ralion clung unto Kayna—God, he wanted to wept right there. They seemed to belong to each other lalo pa at nakaharap din patagilid ang dalaga with her chin on Ralion’s head at ang isang kamay nito’y nakaangkla din sa bata as if protecting him. They might hug each other somewhere in the night.
“You okey, ‘Insan?” lapit ni Noel na tinagtag pa siya.
Gulat tuloy na nagbaling siya dito mula sa pagkakasandal sa tabi ng pinto. “W-what?”
Napailing si Noel. “Ikako kung okey ka lang ba? You are so tense, man. Kaming kararating nga lang, ramdam namin, eh. Iilag-ilag nga kami at baka bigla ka na lang sasabog.” Natawa ito doon. “Kung hindi mo pa napansin, nasa ibaba ang mga magulang ni Audrey. Thought we make some detour here bago kami magko-convoy pabalik ng Laoag City mamaya.”
He stand up straight grudgingly.
“Pasensiya na, ‘Insan. Halika, mapagkape man lang sila at baka ma-badshot ka pa sa mga iyon for that bad impression we just make, babawiin pa sa iyo si Audrey,” biro niya na inakbayan ito, trying to chase the unsettling surprises of the new day.
“Malayo na ‘yan. Ang ihanda mo, ang pam-Boracay na all expense paid for two. I want that as a wedding gift. ‘Di muna kami lalayo for our honeymoon. We’ll save it for our first anniversary as husband and wife.”
Lumayo siya dito and gave his cousin a playful punch on his shoulder. “All right. Walang problema.”
“Just so you know, that’s three months from now. You are my best man.”
“So soon?”
“I’m hoping na sumunod ka na rin, ‘Insan. Hindi ka naman bumabata nang paurong, ‘di nga ba?”
Ngumiti na lang siya nang walang kalatoy-latoy at ‘di na nagkomento.
THE weeks that followed came and went pero pakiramdam ni Kayna, naiwan niya ang sarili sa Pagudpud. Particularly, kina Tristan.
She felt miserable.
Speaking of that man, she never saw him since then. Hindi pa nga nagagawi sa NSC kahit malapit nang matapos ang renovation doon. Pero naisip niyang mas mabuti na nga iyon. Dahil sa tuwing naaalala niya ang painagsaluhan nilang halik sa niyugan doon, natutulala siya. At kapag nangyayari na, para siyang teleponong naka-hang. Pati tuloy si Dalya’y nag-aalala na kaya minsan ay pinatawas na rin siya sa albularyo. Ito pa ang nagtatakbo sa susi ng motor dahil ayaw nitong ipagamit sa kanya. Sa estado nga naman ng isip niya, malamang nga’y maaksidente lamang siya.
She was just thankful that during the course of it, naging maayos ang takbo ng trabaho sa NSC. Maasahan ang mga tao niya. They’ve been there since day one na napasok siya sa aandap-andap na design firm ni Budjie Yulo, isang bakla’ng pinagkatandaan na nang kunti ang mundo ng interior design, na nang wala pa ring mahakot na datung sa trabaho’ng iyon, umeskapo na pa-Dubai para tignan daw kung ano’ng kapalaran mayroon doon. Nakilala nila ito ni Dalya noong bagong lipat sila sa isang apartment na tumutunghay sa Padsan River at Gilbert Bridge. Nang malamang isa rin siyang interior designer at nangangailangan ng trabaho, nag-offer ito kaagad and hire her on the spot. At sa pag-alis nito, ipinamana sa kanya ang design firm pati mga tao’ng kinokontrata nito per project.
Nang lumipat ulit sila sa inuupahan nila ngayon, she converted the sala into her office at ang kanugnog na kusina ay nagmukhang mini-bar with complete marble countertop that creatively shielded the stove and kitchen sink. With most of their kitchen and dining utensils tuck away at minimal na lang ang nakalabas gaya ng coffee maker with matching servers, doon na din ang kainan.
Ngayon nga’y nandoon siya, trying to finish off her breakfast with Dalya watching her like a hawk, so alert on her perched just to make sure na hindi na naman siya lalayas doon na kape lang ang laman ng tiyan.
Finally, she makes an over-acting sound of munching the last remnants of her fern tip salad sabay tihaya sa kamay niya dito.
Napipilitang iniabot ni Dalya sa kanya ang susi ng motor. But not until her lunch was deposited into her backpack.
“Dali na, Dalya. They are delivering my babies today. One of a kind. And I wanted to see it firsthand bago ko iyon ipasasabit.”
Ang tinutukoy niya’y isang klase ng painting na tinawag niyang ‘Ilocos stone painting’. She just chance upon it noong minsang magawi sila sa isang antique shop ni Budjie sa Vigan City para maghanap ng finishing touches. It was made of clay na pinatigas sa apoy kaya mukha nang bato. The details are superb. Pati nga kulay na ginamit doon ay galing sa dagta ng iba’t ibang uri ng kahoy. Gawa daw iyon ng national artist na taga-doon. Iisa lang ang nandoon kaya mahal. Nauwi pa iyon sa nakasabayan nilang collectors na taga-Canada.
Hindi siya naka-get over doon kaya she trace the said national artist. Patay na daw. Natuklasan niyang may dalawa pang natitira pero ipinamana sa apo. But with a big budget like NSC, she have not just one but two of them matapos ang katakot-takot na pakiusap at tawad niya sa may-ari.
Pero pagkarating niya sa NSC, isang sopistikadang babae ang natagpuan niya roon. Sa suot nitong dainty lace dress at flirty flowing pants with matching peep-toe high heeled shoes, parang tumakas ito sa runway ng isang fashion show. May bag pa iyon na parang alligator skin which she casually carried in her hand. She combed her hair back save for a floral printed bandanna that secure it.
She smiled like Anne Curtis nang makita siya.
“Hello there. You are the interior designer, right? I just check in once and I saw you. I like what you did here. By the way, I’m Lily Valderama, Tristan’s fiancée.” Iniabot nito sa kanya ang kamay.
“Oh…” Parang biglang minaso ang puso niya doon. So, he got a girlfriend?! Iglap, gumuho ang imahe ni Judge Leo. Pero ano ang dapat niyang asahan? That kind of man won’t ever have a minute without a girlfriend. Pumagkit ang pekeng ngiti sa mga labi niya, minamaskara ang totoong nararamdaman na inabot ang palad ng babae. “Nice meeting you, Miss Valderama. I’m Kayna de Rivera. And yes, ako nga ho ang interior design dito. Anything I can do for you?”
Pero bago pa ito nakasagot sa tanong niya, nanlaki bigla ang mga mata nito, twinkling in delight and her smile was far more wider na tumili pa ng, “Tristan, darling!” with hands flying in the air.
Before she knew it, kumekendeng na itong lumayo sa kanya para salubungin ang bagong dating.
Hindi niya natiis ang eksena’ng yumakap si Lily nang walang patumangga rito and automatically gave him a kiss on the lips.
Bigla siyang tumalikod. May nginig ang mga paang nagsimula siyang humakbang palayo.
But she was not fast enough. “Kayna, err, miss de Rivera. Sandali!” biglang tawag sa kanya ni Tristan.
She stopped on her midtrack, inhaled deeply, put on her fake smile as bright as the sun, whirled like a princess and c****d her eyebrow like Meryl Streep. “Yes, sir?”
Natigilan sandali ang lalakeng napatitig sa kanya. And in one wild second, parang nais bumigay ang composure niya when she saw that pool of emotions skittered in his eyes. She looked away instantly.
“Ahm…will everything ready in a couple of days? I understand na nasa final stage of finishing na rito.”
“Sure,” tumango siya na parang walang anuman, business mode.
Napakunot-noo ito. Lalong lumapit sa kanya and in almost a whisper, he asked: “And the garden?”
Noon na siya napatitig dito nang tuluyan. Hindi niya maikakailang may ipinahihiwatig ang tingin nito ngayon. But one look at Lily, she turned on accusing look in him and said: “I just needed to rearrange some of the potted flowering plants and bonsai, sir. And before the closing of the day, you have it.” To her horror, pumiyok ang boses niya sa huling pangungusap!
Bigla tuloy siyang napayuko. Agad niyang kinuyom ang nanginginig na mga palad at itinago iyon sa kanyang likuran. Hindi niya dapat nadarama ang mga emosyong iyon. Wala siyang karapatan.
“I…I have to go.”
Pero hindi na niya ito hinintay na tumugon. Agad-agad na siyang tumalikod at muntik pang matalisod nang magkabisala ang strappy sandals niya paglapit sa pinto ng elevator. With his eyes which she knew bore in her, parang kailanman ang lumipas bago bumukas ang pinto ng elevator. And when she was inside, she allowed some tears to fall.
“DARLING…”
“Huh…I’m sorry.” Parang nagising mula sa pagtulog si Tristan na bigla pang napaharap sa lumapit palang si Lily sa kinatatayuan niya. He just realized na mukha na pala siyang engot na tila natulalang nakatingin pa rin sa elevator na pinasukan ni Kayna kanina. “Let’s go,” aniya na hinila na ito sa kamay.
Lily Valderama is an Igorot beauty. Nakilala niya ito noon sa Baguio City kung saan niya pa rin itinuloy ang pag-aaral matapos siyang makalabas ng rehabilitation center. With his father gone, it dawned on him to do his best this time dahil hindi sa lahat ng panahon ay nabibigyan siya ng isa pang pagkakataon to chase his dreams and have his life back. Ayaw niyang sayangin iyon.
And Lily came as natural as Baguio City got the prettiest blooms amidst its cold climate. Naging sila. Maybe six or eight months. Hindi siya sigurado. Dahil it was their mutual decisions not to count the months nor celebrating anniversaries as couples given how things go those days lalo at may kanya-kanya naman silang nais marating. Hindi rin niya maturol kung paano but their relationship just died down.
No break ups.
No heartaches.
No sour grapings.
Then, a couple of weeks ago, nagkita ulit sila nang magawi siya sa Fort Ilocandia kasama si Noel para sa isang conference ng mga local producers. Lily was now a fashion model. She and her team was right near the pool habang sila naman ni Noel ay napadaan doon. She was posing for some summer wear na ilalabas daw sa isang fashion magazine. She asked him if he could stay for the night.
He did.
Romantic candle light for two, champagne and sweet music followed and they ended up in bed. Ganoon lang kabilis na muling tumindig ang dati nilang relasyon.
No break ups, indeed.
But there was that nagging feeling which he cannot shake off since then. Dahil kahit kasama niya ito, ibang babae ang hinahayon ng isip niya. And those times they make love was another story.
He came.
He delivered what Lily wanted.
But he still felt empty and unfulfilled after. While Lily slept beside him with a contented smile on her lips, he lay awake thinking of her.
Kayna…
The way she carried herself.
The way she smiled.
Her lips that seemed to invite kisses when she licked them fleetingly when she was nervous.
The taste of her kiss.
And those memories she evoked right from his past.
Big deal.
Ah, Kayna. What’s with you, Kayna? Who really are you?
PABUNTONG-HININGA na hinila ni Kayna ang pinto ng office ni Tristan. She just put in the final finishing touches—the golf ball shape picture frame and his trophy plus a self-standing painting din na golf-themed.
Malinis na lahat.
At siya na lang ang naiwan doon matapos magpaalam sina Gale at Noel. She even got the check. But the man she hopes was there was nowhere to be seen. Hindi niya nakalimutan ang sinabi nito noon. But really, hindi niya naman iyon talaga inaasahan but deep inside her, she really hope na totohanin nito iyon.
Which is the reason she linger around, she grudgingly admit.
Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim nang tunguhin niya ang terrace garden. All lit up. The way the light scheme came out was more than what she had expected. Maging ang water feature doon, kumikislap na waring may natapong mga bituin doon dahil sa tama ng ilaw habang nagka-cascade pababa.
At ngayong gabi, kay ganda ang imahe ng buwan sa kalangitan. It’s almost full moon. Kahit kukunti lang ang mga visible na mga bituin, para siyang batang excited na nanungaw. And tried one of her antics when she was a child kapag ganoong dumudungaw siya sa gabi at maraming bituin—wish on a star and hoping against hope na magkatotoo iyon.
But she chided herself pagkatapos. Dahil ang lalakeng gusto niya sanang kasama ngayon, nasa kandungan ng iba.
Lumayo na tuloy siya sa railings at malungkot na inapuhap ang switch ng ilaw doon. Ang sama ng loob niya. If only she doesn’t realize too late that she loves him right on that damn elevator!
Dahil ang hindi maganda roon, bulilyaso kaagad ang kanyang pagsinta.