Chapter Six

2050 Words
THAT same night somehow, hindi kuntento ang kapalaran sa naging kinalabasan ng buong araw na iyon sa kanila. Habang kilig-kiligan si Dalya sa isang tabi sa pinapanood nitong pelikula ni Sarah Geronimo sa kanyang laptop, siya nama’y pinipilit ang sarili na ma-excite at madama muli ang kilig na dati nang naroon habang nakatutok ang mga mata sa TV. Kasalukuyang ipinapalabas ang Master Chef Korea at naka-focus kay Chef Leo Kang ang camera habang nagbibigay ng komento sa isang master chef aspirant who cooked some kind of a steak. For some reason, it turned out na nagkamali ang paraan ng pagluluto niyon kaya katakot-takot na komento ang ibinigay nito. Napasimangot siya. Meron pa nga ang dating nadarama sa dibdib, it does not died down actually dahil mukha pa rin siyang engot na teenager na bubunto-buntong-hininga kapag ngingiti ang naturang judge/chef sabay ngiti rin at tili nang impit. Pero ang pinoy version nito ang naiisip at agad ngayong umuukilkil. Bigla siyang napatayo nang maramdaman ang unti-unting pagdaklot ng kirot sa puso niya nang maisip din na may nagmamay-ari na rito. Saka naman nakatok ang nakapinid na pinto. Gulat pang napatingin siya roon. Muling naulit ang pagkatok. This time ay tila na ito may hinahabol. And the voice that she thought she won’t hear it again followed. “Kayna, open the damned door!” tila gigil na sabi ni Tristan sa kabilang pinto. Tumingin sa kanya si Dalya. “Ate, may tao. Kailangan ka yata.” Agad niyang pinatay ang TV. Her feistiness kicked in. Taas-kilay na humalukipkip lang siya. Magsawa ang tinamaan ng kulog sa pagkatok. Hindi niya ito pagbubuksan. Nagka-girlfriend lang, pormal na pormal na siyang tinawag ng ‘Miss de Rivera’, nakalimutan pa ang pangako nitong date daw. Ano na kaya ang kailangan ng kumag na iyon at sumugod nang ora-orada? Bago pa niya nasabihan na huwag nitong bubuksan, nakalapit na si Dalya sa pinto at binuksan na rin iyon. Iglap, bigla itong tumili at tumatakbong lumapit sa kanya. Excite na excite. Sa panlalaki ng mga mata nito, puwede nang kumasya ang saucer. “Ate, si Judge Leo, si Judge Leo, nasa pinto!” huli nito sa kamay niya sabay hila. Iimpit-impit ulit na sinabayan iyon ng tili. Pero hinila niya ang kamay at halos padaskol na lumayo. “Dalya, tumigil ka nga. Mamaya, bumbero na ang sumugod dito.”  Saka siya tumalikod. “Sige at inaantok na ako. Feel free to talk with him. Pero kapag lalayas na, huwag mong kalilimutan na i-lock nang maigi ang pinto, ha?” “Kayna, sandali,” pigil ng lalake at walang patumanggang pumasok na. Inabot siya sa unang baitang ng hagdanan. “Hep, hep,” pigil niya nang hahawakan sana siya nito. “Stay there. Kung hindi mo alam, you are trespassing. I wonder, did Miss Valderama give her blessings sa pagpunta mo rito? Just so you know, wala ako’ng ambisyong masabunutan. Bagong rebond kaya ang buhok ko.” Sa pagkabigla niya, bigla na lang itong napatawa. Siya nama’y napahakbang ng dalawang baitang pataas palayo rito. “That’s interesting. Thank you.” Nag-bow ito saka siya kinindatan. His laughed was subsided and chase by a devilish smile. “A-ano ba’ng sinabi ko?” Napapreno siya nang may kumudlit kaagad sa utak niya. Oh, my God. No, no. Not again! But that devilish smile said so. She gave herself away and revealed her true feelings. Nagseselos siya! Nag-init kaagad ang mukha niya. Ah, never siyang aamin nang diretso. Bigla na tuloy siyang tumalikod at ora-orada na ding tumakbo papanhik. Sunod si Tristan. Bago pa siya nakarating sa pinto ng kuwarto niya, naabot na nito ang isang braso niya. Napasinghap siya kaagad nang hinila na din siya at ikinulong sa mga bisig nito. Bago pa niya nalalaman, hinahagkan na siya nito. Parang nagka-out-of- the-body experience pa siya na natigil sa pagpalag and instead gave in to that warm, tingling sensations na kaagad dumaklot sa pandama niya. Lalo na nang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya and linger there, teasing her own tongue, tasting her. Bago pa siya nakatugon sa mapangrahuyong halik nito, muling sumundot ang alaala na iyon. This time, she saw her own self, giving in to the power of the moment. Nagkasalyahan sila bigla. And both staring to each other in disbelief. The way he looked at her, she knew that something happened to him, too. Tumaas-baba ang dibdib ni Tristan, dark passions still in his eyes mirroring her own. Napaatras siya nang ilang hakbang palayo rito. Nanginginig ang mga tuhod niya kaya nangabay siya sa dingding. Parang hindi niya alam ang iisipin na tuluyan na lang din siyang napasandal doon. But when she slowly slid down, Tristan immediately on his heel and held her. “P-please. B-bitiwan mo ako,” sa mahinang boses ay pakiusap niya. “But—“ “Please,” she cut in, fighting for composure. “J-just tell me why you are here and then leave,” buntot niya na hindi tumitingin dito. Napasandal na din ito sa dingding sa tabi niya. Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot. “Nasa ospital si Mommy. She wanted you to come kaya nagpunta ako rito para kaunin ka sana. Ralion…” His voice trailed off. Bigla tuloy siyang napabaling dito. Her heart went out to him when she saw those emotions na kahit isang tingin lang sa mukha nito ay kaagad nang mapansin. He was in pain for that little kid. He felt his deep love for him. It touched her. Muli, nadama niya ang kakaibang pakiramdam na iyon nang maalala ang tagpong iyon sa kuwarto’ng tinulugan niya noong naroon siya sa kanila sa Pagudpud. “I-is…is Ralion okey?” Umiling ito. “Mas lumala pa ang sitwasyon niya. He doesn’t want to eat. Kailangan pang ipilit. In fact, nasa ospital siya ngayon. Ngayon lang. Isinugod namin kanina dahil bigla na lang nawalan ng malay habang ipinapasyal nina Mommy sa mall.” “D-diyos ko!” Naitakip niya ang dalawang palad sa labi. Hindi na siya nag-iisip na kaagad nang nagpasya. “Halika na.” “What?” tila ito nalito na napatingin kaagad sa kanya. “I’m coming with you.” MATAPOS niyang bilinan nang maayos si Dalya, she just grabbed her purse and her ladies sweater at agad na siyang sumakay sa kotse ni Tristan. They travelled in silence. Pagdating sa ospital, nadatnan nilang nagkakagulo sa loob ng kuwarto ni Ralion. Ralion was awake but he was crying so violently again. May nurse at doctor doon. They are trying to calm him down. Si Tita Telly ang agad na nilapitan ni Tristan. Umiiyak ito sa isang sulok din while hugging herself. Siya nama’y tila natuod nang makita ang ayos ng bata. There are tubes connecting through him. His gas mask was dangling on his chin. At pumayat. Hawak pa ng nurse ang dalawang kamay nito habang ang doctor na kasama’y tina-try na iturok ang hawak na syringe. Agad ang sikad ng pagka-ina niya roon. “Doctor, stop that. Nakikita niyo ba ang emosyon sa mata niya? He was afraid. Please just let him go. Just let him go!” At hindi na siya nagdadalawang-isip na lumapit sa mga ito. Walang pakundangan na iniharang ang sarili, protecting him. “Alam ko’ng ginagawa niyo ang nararapat. Pero kung maaari, hayaan niyo muna. Please.” Naiiyak na din siya. Napatingin ang mga ito kay Tristan. Pati siya. Nagkagirian ang kanilang tingin bago ito nagbaling. Tumango ito. “Tatawagin ko na lang po kayo, doc.” Pinanuod niya ang pag-alis ng mga ito bago niya hinarap si Ralion. Awang-awang niyakap niya ito. “Sshhh…it’s okey now. It’s okey now. Huwag ka nang umiyak.” She cradled him. As if he understand, Ralion’s cry slowly ebbing. What shocked everyone in the room was when his shaking hands was slowly but surely snake its way into her back and hugged her, too! Nagulat siya roon na biglang natigilan sa paghimas sa likod nito. Nang ma-realize kung ano ang nangyari, naiyak na siyang niyakap pang lalo ito nang mahigpit. That’s when Tita Telly approached them at umiiyak pa rin na niyakap silang dalawa. Nang lingunin niya si Tristan, waring nagpipigil lang din sa sarili na bigla itong napalabas ng kuwarto. A little later, kumalas si Tita Telly. Noon lang din niya napansin na nakatulog na din pala si Ralion. Inayos naman ni Tita Telly ang unan at doon niya ito unti-unting inihiga. Hinalikan niya ang noo nito bago niya inayos ang kumot. Nagulat pa siya nang pagtayo niya, agad-agad na yumakap sa kanya si Tita Telly. Naiiyak na naman. “Iha, salamat. Kung alam mo lang kung gaano ang paghihirap ng dibdib ko sa nagyayari sa apo ko. It is a relief with you being here. And my God, he responded with you, hija. He did!” “Wala po iyong anuman. Halikayo muna at maupo. Nanginginig po kayo,” aniya na nag-aalalang inalalayan niya ito. “Okey po ba kayo?” Tumango-tango ito nang sunod-sunod. “Emosyonal lang, hija.” She tried to smile amidst her tears. “But I am okey now. Don’t worry.” Noon ulit pumasok si Tristan. He looked at her pointedly. “I’m afraid but I think, dito ka na sa hospital magpalipas ng gabi.” “Okey lang. Wala ka’ng alalahanin,” sagot niya, trying to sound casual kahit ang totoo gusto niya itong lapitan at himasin ang noo nito nang mawala ang animo mga linyang gumuhit doon. Pagod na pagod ang anyo nito. “Hijo, bakit hindi muna kayo bibili ng kahit kape man lang? Sige na, ako nang bahala dito. I needed those caffeines right now,” singit ni Tita Telly. Sa kabila ng nangyari kanina, parang gustong matawa si Kayna sa reaksiyon ni Tristan. Napangiwi ba naman ito saka tila inirapan ang ina bago nito isinentro ulit ang tingin sa kanya at waring nagtatanong kung kakagatin ba niya ang lantarang pambubuyo ng ina nito. Tumayo na lang siya at tahimik na sumama rito palabas at baka kung ano pa ang maaaring gawin ng ginang. Tumingin siya rito nang nasa hallway na sila. “Ako na lang. Minsan na akong nagpunta rito noong ipa-check up ko si Dalya dahil sa lagnat. I know my way around here. May vending machine sila ng kape sa canteen.” Subalit hinuli nito ang isang kamay niya at halos hilahin na siya. “Tara. Gusto ko’ng samahan ka para ako na ang magbubuhat mamaya.” Noon ito ngumiti. Kung tsinito na ito nang nakapormal, mas naging tsinito pa lalo ang mga mata nito ngayong nakangiti na. Pero tila nahihiya naman ang dating ng pagkakapunit ng ngiti sa mga labi nito. Hindi niya tuloy naiwasang magkomento. “Keep smiling like that. Life is too short to keep on frowning. Kung hindi mo pa napapansin, you look younger when you do that. I already gathered that you are in your early 30’s.” Bigla tuloy itong tumigil sa paglalakad. At dahil hawak pa rin nito ang isang kamay niya, pati siya’y tumigil din. “Am I that old?” anito na inayos ang postura ng mukha. He touched his forehead and kneed it a little bago ngumiti ng todo. Hindi na tuloy niya nasagkaan ang sarili na humagikgik na nahampas ito sa braso. Nang itinuloy-tuloy lang ang pagme-make face, pinagkukurot na tuloy niya ito. Nagpakaiwas-iwas naman ang lalake na tumatawa na rin. Pinaghuhuli nito ang dalawang kamay niya hanggang sa mapansin na lang nila kapwa na nakayakap na pala sila sa isa’t isa. Nagkatinginan sila bago bigla ding nagkalasan ng yakap. Lalo pa nang mapansing pinagtitinginan na pala sila ng mga dumadaan sa pasilyo. One male nurse even warned them not to make too much noise. Lumayo pa sila nang kunti sa isa’t isa. Pero pagdating sa pinto ng canteen, tumigil siya sa bungad at sumulyap dito. Nakatingin na din pala ito sa kanya. Nagsalubong tuloy ang kanilang mga mata. That’s when they laughed again na ikinagising ng aantok-antok na food attendant sa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD