Chapter Seven

2153 Words
RALION needed to be confined in the hospital for additional two days. Sa kakaayaw kasi nito’ng kumain, nanghina ito na siyang dahilan ng pagkahimatay nito. But he was eating again soon after na magising ito a day earlier at siya ang nagpakain. Nandoon din si Tristan, assisting her. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na para silang isang pamilya sa lagay na iyon. Tristan, the father. She, the mother. And Ralion, their child. Habang pinapanuod niya ito sa pagpupunas kay Ralion, parang nais magsikip ang dibdib niya nang maalala ang batang iniwan niya noon kay Yaya Meding. Siguro, kung buhay pa ito hanggang ngayon, gaya na rin siguro ito ni Ralion. Malaki na, busog sa pagmamahal niya. Or if he was dead already, she prayed so hard to let him know na mahal niya ito. Whatever the consequences that make her bore him, hindi iyon isang hadlang not to accept him fully. He was a part of her. Wala itong naging kasalanan sa nangyari. “Hey, okey ka lang ba?” biglang agaw ni Tristan sa pansin niya, nag-aalala. Nahamig niya tuloy nang wala sa oras ang sarili sabay tango. “Sure. Huwag mo ako’ng pansinin.” Pinilit niyang ngumiti na muling kumutsara ng kanin at isinubo iyon kay Ralion. “Eat up, sweety. Uuwi na tayo mamaya. Happy?” Umungol ito. Bigla tuloy silang nagkatinginan ni Tristan. Pati si Tita Telly ay napalapit kaagad. “W-what is it?” nag-aalalang tanong nito. “He…he tried to talk, Mom. Oh, God! I can’t believe it!” bigla’ng naibulalas naman ni Tristan. The way his emotions crisscrossing his face was enough para mamasa ang mga mata ni Kayna. She felt the need to hug him. To share the happiness she also felt with him. But she looked away knowing na wala siyang karapatan na gawin iyon. Lily cradled his heart. He belongs to her. She masked the hurt with a cheery face and fastened her fake smile again. Nang makakuha siya ng tiyempo’ng sumaglit sa CR/bathroom, kinailangan niya ng kung ilang ulit na paghinga ng paloob at palabas para payapain ang sarili habang nakasandig sa dingding at nakatingala sa bubong. Pero nang uuwi na sila, saka naman sumulpot si Lily. May dala-dala itong basket ng prutas para kay Ralion at flower arrangement naman para kay Tita Telly. As usual, she looked every bit of a model again na kahit yata sako ng semento ang idamit dito kayang-kaya pa ring dalhin and show it like the biggest hit of a dress of the century. Ang kunswelo na lang niya, hindi siya mapagkakamalang housemaid nito kahit magtabi sila dahil maayos din siyang magdamit. And yes, mas makinis at mas may buhay ang kutis niya kumpara rito dahil parang takot pa yatang masikatan ng araw with her pale looking skin. At bago pa man pumasok si Tristan sa kotse, yumapos muna ito rito at naghalikan sakanilang harapan. She averted her eyes in an instant. But Tita Telly seemed to sense what she felt dahil bigla nitong diniinan ang busina ng sasakyan bago lumabas sa passenger side sa unahan and demanded na magpalit sila ng puwesto. “Come on, hija. Ako na diyan. Old women like me should not suppose to seat in front kung aantok-antok lang pagkatapos. Pag maganda at bata pa na gaya mo, they can run away with it. Pag matanda na, it’s a disaster,” pamimilit nito. “Naku, huwag na po. I’m okey here. Ako na lang po ang bahalang umalalay kay Ralion,” tanggi niya kahit ang totoo parang nais niya itong yakapin at bigyan ng medalya sa tuwa rito. “Kayo nga po diyan. Saan niyo naman napupulot ang ideya na iyan?” “It declared by the Miriam Defensor-Santiago in me.” Bigla itong humagikgik ng pilya. “I love her. Such strong and hard-headed woman. Sige na, hija. Dito ka na. Para ako’ng nakukulob dito sa harap. It makes me uneasy.” Noon naman lumapit si Tristan. “O, ano’ng problema?”anitong sumilip sa gawi niya. Tumingin sa kanya si Tita Telly as if daring her para siya ang kusang sumagot sa anak nito. Napakibit-balikat na lang siya na inayos sandali ang pagkakasandig ni Ralion bago siya lumabas sa kabilang pinto. “Bye, sweetheart. Be safe. Give me a ring pagdating niyo doon,ha?” bilin na naman ni Lily na ngumuso ulit at hinintay na tukain iyon ni Tristan. Napapasimangot siyang pumasok na lang at binutingting ang cellphone. Sangkatutak na bilin kay Dalya ang nai-type na niya doon bago niya napansing pumasok na rin si Tristan sa driver’s seat. Wala siyang kaimik-imik na ikinabit na rin ang seatbelt at inihanda ang sarili sa biyahe. Maging si Tita Telly ay nasulyapan niyang umayos din ng upo at nagsimulang umidlip, Ralion on her embrace. Isinalpak na rin niya ang earphone at pinanindigang huwag pansinin ang katabi na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "HEY, wala ka bang balak na kausapin ako? Ang tigas ng pang-i-snob ng isa diyan, ah.” Sa kalagitnaan ng biyahe ay pukaw ni Tristan kay Kayna.  Sinulyapan sa rearview mirror ang mga nasa likuran, tulog na tulog sina Mommy Telly at Ralion. “Well…?” Pero mukhang hindi yata siya nadinig kaya bigla niyang dinukwang ang nakasalpak na earphone nito. “W-what the—“ “Right. You hear me now,” aniya na ngumiti rito. “Ini-snob mo ako.” A looked of surprise written on her face. “Ini-snob? What do you mean? May ginawa ka bang mali para gawin ko iyon sa iyo?” Tumango siya. “I forgot our date. For that, I’m sorry. But promise, I will make it up to you.” “Huuaa…stop right there. Alam ko’ng nagbibiro ka lang nang sabihin mo iyon kaya wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi ko din iyon sineryoso.” That’s when she looked away. “Ang ipinangako ko, gagawin ko,” may diin tuloy na nasabi niya. Para itong nagulat na napabaling ulit ng tingin sa kanya. “Y-you…you can’t.” She stammered bago nito nahamig marahil ang sarili at inulit ulit ang sinabi nito in a more forceful voice.  “I do.” Napaharap na tuloy ito sa kanya. “Come on. I know, I don’t have to say this but I have to. Keep your eyes only to Miss Valderama and don’t let it go from there. Masakit ang masaktan at mabigo. Lalo na kung lahat ibinigay mo—pag-ibig, pagpapahalaga, sarili at puso. And I believe, she gave it all. Her actuations spoke volumes. And being a woman myself, I understand it.” Nakipagtitigan ito sa kanya. Kung hindi lamang siya nagda-drive, he might do the same till he could understand and figure her out. He’s been trying to keep himself away from her. She was a mysterious woman, did she? And mysterious woman can break his heart into pieces if he was not fast enough na lumayo sa mga ganoon. He already learned it the hard way. He came to know Lily as what she is. Point blank. Halatain at madaling hulaan. But this woman here, parang balon na kinakailangang puntahan ang ilalim para malaman kung ano ang tunay na mayroon doon maliban sa tubig. And something told him that he needed to try. Hindi lamang niya alam kung saan siya kumukuha ng tatag ng dibdib kung bakit sumusugod na naman siya. “May pinaghuhugutan ka?” Napapormal ito bigla na umayos ng upo sabay halukipkip. “Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo.” Hindi siya muna umimik na sandaling sumulyap ulit dito. With just her profile, mahirap hulaan kung ano ang iniisip nito. But the way she sat there with a rigid composure tells another story. Napabuntong-hininga siya. “I once burned, too,” tahimik na amin niya. “I love her. She was my life. Way back then, sa kanya umiinog ang buhay ko. We still both in college pero hindi naging hadlang iyon para pakasalan ko siya. Dapat nga, mgkakaanak na kami. But it turned out na hindi akin ang bata.” Doon gumalaw ang mga bagang niya nang tumigil siya sandali sa pagsasalita. Sa bawat pagkakataong naaalala niya ang parte’ng iyon ng mapait na nakalipas, hindi niya maiwasan ang muling magalit at masaktan.  While acceptance already came to him a long time ago, hindi niya iyon basta-basta nakakalimutan. Life itself can write down too much detail in one’s life story, which at times, the most painful part lingers longer than the happiest ones. Isang tingin nga lang niya ito ngayon dito, alam niyang nakikinig na sa kanyang sinasabi. Kaya nagpatuloy siya. “My wife bores someone’s child. Bestfriend ko pa mandin. Wala ako’ng kaalam-alam doon dahil sa buong panahon na nakilala ko si Diane, she was an ideal girlfriend and all. But she was actually in love with my bestfriend. Mas nauna silang nagkakilala bago kami. And John was only became my bestfriend during our freshman in college. It just happened that in terms of financial standing and family connections, angat na angat ako kaysa kay John. So, she clung to me like her life saver and kept her relationship with him a secret. Ang masakit pa roon, kasapakat pa niya si John sa panloloko sa akin. All because of money. “Two months before our wedding was set, Diane flies to the US in guise of visiting her sister para personal na din itong maimbitahan sa kasal namin. Pero ang totoo, kasama niya si John. They gone to Las Vegas and secretly married there. In the meantime, natuloy din ang kasal namin. Two weeks after our wedding, John came in armed with their wedding papers and demanded na kukunin ang mag-ina niya. See? Natuklasan niyang buntis si Diane nang dalawang buwan na pala. Stupid of me, akala ko lang tumataba siya kaya umuumbok din ang tiyan.” Doon siya tumawa nang pagak. “John found his real father in the States, a millionaire rancher in Montana.  That’s where he got his balls to come forward and tell the f*****g truth!” NAPASINGHAP si Kayna sa emosyong buong-buo na umalpas sa mukha ng lalake. Napalunok siya. Their story seemed to intertwined with just one cause: betrayal by their loved ones. Siya, sariling pamilya. Ito, sariling asawa at kaibigan. Buhay nga naman. Hindi na siya nakatiis nang walang babalang nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang nasa dibdib nito.  “J-just stop, Tristan. Just do. All of those was happened in the past now. You survived. And in the end, you find love again, isn’t it?” “I was devastated and my life was almost ruined,” pagpapatuloy nito na waring hindi siya nagsalita. “I was into drugs and booze. And everything just then was just a lost cause. Ang masakit doon, kailangan munang mawala si Daddy para ma-realize ko na maikli lang ang buhay para hayaang sa wala rin mapupunta ang buhay ko. I have to fight tooth and nail for it.” “It’s a choice you have to make. The only choice. Like I do,” tahimik na saad niya matapos punasan ang mukha. Biglang napabaling ng tingin sa kanya si Tristan. “What do you mean?” Siya naman ang napatitig dito. The way he looked at her seemed to tell na kahit siguro sasabihin niyang siya ang pasimuno ng digmaang pandaigdig, he still going to understand her. And he gave her his trust by just telling his dark past upfront. Why not her, too? Napalunok siyang muli na ibinaling sa labas ng bintana ang tingin. Nasa Burgos na sila, isa pang bayan iyon sa Ilocos Norte na unti-unting nakikilala dahil sa malawak nang pataniman doon ng dragon fruit at ang windmills na dati lang ay nasa Bangui, isa pang bayan na katabi lang din bago ang Pagudpud. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magkuwento. Wala na siyang itinago. Ni hindi ito umiimik. Nakikinig lang sa lahat ng detalyeng lumabas sa bibig niya. Salitan ang sulyap nito sa daan at sa kanya. “At kahit hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakapa sa dibdib ko ang pagpapatawad sa aking mga magulang. They cause me enough trouble to lasts a lifetime. If…” Nanginig na ang boses niya. “If only I did not lose my child in the process, maybe I could kahit hindi na sila hihingi ng tawad. I just willingly gave it to them without asking something in return. Mahal ko ang batang iyon sa kabila ng lahat.” But when she tried to look at Tristan, those dark, unreadable tensions on his features gave her goosebumps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD