Aries was wearing a light blue long sleeves polo that was ruggedly folded up his forearms. It slightly resembled the color of her dress. Para tuloy silang magkaterno ng binata. Dark denim pants pa rin ang suot nitong pang-ibaba but his top made a lot of difference to his appearance. Mas lalo itong gwumapo. Pero kahit pa yata sira-sira o sakong butas-butas ang suotin ng binata ay lalabas pa rin ang kagwapuhan nito. Iba kasi ang appeal nito. Kahit pa kaya kung nakahubad? Pilyang sagot ng isip niya. Napasulyap siya sa binata at dumako ang paningin niya sa labas na bahagi ng braso nito papunta sa kamay. Medyo balbon iyon at kitang-kita niya ang nag-iigtingan na muscles nito habang nagda-drive. Sinundan niya ng tingin ang mga iyon pataas sa dibdib nito ngunit agad na nag-init ang pisngi niya

