Inis na inalis niya ang kamay ni Aries sa balikat niya. Hindi na siya nakapagtimpi. Ipinakita na niya ang tunay niyang nararamdaman. “Ano ba?!” Asik niya rito. “You want to go home?” Balewala lang na sabi nito. “Come, let’s go home.” Hinawakan siya nito sa siko at inakay papunta sa pinagparadahan ng kotse nito. “Bitiwan mo nga ako!” Iwinasiwas niya ang braso para makawala dito pero hindi siya nito binitawan. “Kaya kong umuwi ng mag-isa. I don’t need your help.” He didn’t say anything. He just looked at her. His face was devoid of any emotion. Then, he just continued to walk again to his car. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Pero aaminin niya, kahit talagang naiinis siya rito dahil parang nakalimutan siya nito ng gabing iyon ay hindi niya pa rin magawang magalit dito n

