Itinutok ni Guevarra ang matulis na patalim sa leeg ni Nadiah. "Pinatunayan mo na sakin na sagabal ka talaga sa mga plano ko." "Kung ganon, ba't hindi mo na lang ako pinatay do'n sa Malaysia?" Napakurap si Bryant, hindi niya kasi inasahan ang mga matitigas na salita na lumabas sa bibig ni Nadiah. Hindi rin dapat si Nadiah ang pagtuonan ng galit ni Guevarra, kundi siya. A blade bit into her flesh. A rivulet of blood slid down her pale throat. "Siguro gagawin ko na nga." Sang-ayon pa ni Guevarra sa sinabi ni Nadiah. "Pero alam mo naman na kung gagawin mo 'yon, hindi mo na kailan pa makukuha ang ebidensyang hinahanap mo!" Angil ni Bryant dito. Guevarra looked up at him. "Nagsimula na kasi akong magduda eh, na ang ebidensyang iyon ay hindi talaga nag exist." Anito at linayo na nito ang p

