Chapter 4

1338 Words
Nakatitig sa mga kamay niya  si senador Abner Cordero habang nakahawak siya ng baril. Hindi sana niya ito tatapusin ng ganito. Hindi dapat sa isang katulad niya. May malaking plano pa kasi siya sa buhay niya. Easy money. Perfect life. So much power. And everything was falling apart. Tumunog ngayon ang telepono na nasa ibabaw ng kanyang desk. Private line niya ito. Napatiim-bagang siyang sinagot niya ang awditibo. "C-cordero." biglang pagnginig sa boses niya, and he hated it. Hindi siya dapat matakot sa mga ito. Dapat sila ang matakot sa kanya. Noon, Oo. Hanggang sa makilala niya si Danilo Guevarra. Then he'd learned a whole new meaning of fear. "Patay na ang anak mo." mahinang sabi ng nasa kabilang linya, pero deadly ang pagkakasabi nito. Si Danilo. Napakuyom naman sa kanyang kamao ang senador. "Hindi niyo dapat dinamay ang anak ko dito." aniya at napatitig siya sa baril. "Alam kong buhay pa siya." Nasabihan na kasi siya sa kanyang intel na ligtas na si Nadiah. "Sa tingin mo ba titigil na ako dahil diyan?" malakas itong napahalakhak sa kabilang linya. "Hahanapin ko pa rin ang anak mo. Makukuha ko naman kung anong gusto ko." Oo, alam niyang hindi talaga titigil sina Danilo at mga tauhan nito na hanapin ang anak niya. Hindi talaga. At sa mga sandaling iyon pinagpawisan na talaga siya ng todo. "Nakipagdeal na nga ako sayo, di ba? The weapons were transferred. We're clear." Mas lalo lang itong napahalakhak. "No, we're not. But we will be, once I get back the evidence you've been stashing." Saglit namang napapigil siya ng hininga. "Sa tingin mo ba hindi ko alam yan? Na may inutusan kang mga polpol na agents para sagipin ang anak mo." "Anak ko siya kaya dapat lang na iligtas ko siya mula sa kahayopan mo." Naisip naman niya ang anak nang sampung taon pa lamang ito. Palagi itong sumalubong sa kanya ng yakap sa tuwing umuuwi siya sa bahay nila, at lagi nitong sinasabi na I love you, Daddy. Pero sinira lang niya ang buhay nilang mag-ina. Kaya sa pagkakataong ito babawi siya sa anak niya. Hindi na siya papayag na mapapahamak pa ito. "I want the evidence." sabi ni Guevarra. Sinubukan na niyang maging maingat noon. Isinulat pa nga niya ang mga pangalan at petsa sa mga naging naka transaksyon niya. He'd gotten recordings and created a safety net for himself. Pero ngayon napatanto niyang hindi na talaga siya ligtas mula kay Guevarra. "Makukuha ko rin ang ebidensya mo." A deadly promise from his caller. "I'll get you, and I'll get your daughter." pagbabanta nito hanggang sa naputol ang kabilang linya. Napapalunok naman ng ilang beses ang senador. Maayos lang naman sana ang lahat sa pagitan nila ni Guevarra, hanggang sa...naging sakim siya sa pera. It had seemed so easy from each deal. Hindi nga nahihirapan ang mga itong magpasok at magbenta ng mga ilegal na armas sa bansa dahil sa kapangyarihan niya. Dapat lang naman na makakatikim siya ng bonus payment dahil sa ginawa niya sa mga ito, di ba? But when Guevarra started making his demands, Abner had threatened to use the evidence he had against the arms dealer. Alam niyang kasalanan nga niya iyon. Abner now realized what a fool he'd been. Hindi nga siya pwedeng kumontra sa taong tinatawag nila na 'El Delubio'. Dahil delubyo nga ang hatid nito sa buhay niya. Mismong anak niya ay ginamit pa sa katarantaduhan ng gago. Napapikit siya ng mga mata. Naging panatag siya sa mga oras na yon dahil alam niyang ligtas na ang anak niyang si Nadiah. Pero ang tanong, hanggang kailan ito ligtas? I'll get you, sabi sa kanya ni Guevarra. Batid niyang hindi basta-basta nalang matatapos itong bangungot niya. Alam niyang sooner or later, malalaman din ng taga media ang mga pinaggagawa niya. At lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala rin. I'll get your daughter. Nadiah was his regret. Ipinasok niya ang anak sa gulong ito, at ni wala man lang itong alam sa mga pinaggagawa niya. At kung mapapahamak man ito ay kasalanan ulit niya. Gaya nalang sa ina nito. Wala pa naman siyang nalalaman na may nakapagpigil na ni Guevarra sa mga gawain nito. Kahit nangako pa sa kanya si Bryant Quirino na poprotektahan nito ang anak niya. Hindi kasi ordinaryong kalaban si 'El Delubio'. And even when the public turned on him, Abner knew he'd still be hunted by Guevarra. Wala na siyang pagpipilian pa, at wala na rin siyang kawala. Kung mahuhuli man siya ni Guevarra, alam niyang matinding torture ang kahahantungan niya sa mga kamay ni 'El Delubio' araw-araw, hanggang sa unti-unti siyang mamamatay. Hindi! Ayaw niyang mamatay ng ganon. Mas mabuti pang... "Patawad, Nadiah..." ----- Napapigil ng hininga si Nadiah habang lumalanding ang sinasakyan nilang private plane sa isang airstrip na hindi niya matukoy kung saan. Her hands were clenched tight in her lap, and she didn't make a sound. Nagsimula na siyang matakot pero pilit pa rin niyang kinokontrol ang kanyang emosyon. Nakikita kasi niyang walang bakas na takot sa mga mukha ng kanyang mga kasamahan sa eroplano. Ang piloto nila ay yong nagngangalang Cindy. Astig talaga ito na babae at parang well-rounded ito. Smooth lang naman ang byahe nila sa himpapawid at thankful nga siya roon. "Nasa Pilipinas na ulit tayo." ani Bryant sa tabi niya at tila sumilay ang matipid nitong ngiti. Pinahid naman niya sa jeans niya ang mga palad niyang pinagpawisan. "Ibig ba nitong sabihin ay ligtas na talaga ako?" tanong niya rito. In fairness kasi hindi talaga siya pinabayaan ng lalaki nong nasa Malaysia pa sila. "Ibig sabihin..." anito sabay lapit sa kanya para tanggalin ang kanyang seat belt. "Ibig sabihin na babalik na sa normal ang buhay mo." Inilapit naman ni Bryant ang mukha nito sa mukha niya. Eh hanggang ngayon iyan pa rin ang mukha na hinding-hindi niya malilimotan. Just like the old saying goes "First love never dies or never forgotten." Sa mga nakalipas na taong magkawalay sila, isa lang naman ang nakikita niyang pagbabago dito, at iyon ay ang pagiging mas matikas nito ngayon. Dahil kahit saang anggulo tingnan ay gwapo pa rin ito. Right then, his lips were only inches away. Had she really kissed him hours before? Tila panagip lang ata yon. Subalit biglang sumagi ulit sa isip niya si Jun at ang pag-iwan niya rito sa loob ng gusali. Inuusig na naman siya ng konsensya niya. Paano nalang kung namatay talaga ito sa sunog? Then Bryant had pulled away from her. Again. Apparently, it was same story, same verse before. Si Bryant Quirino ay hindi na talaga interesado sa kanya. Who cares? Hindi lang naman ito ang lalaki sa mundo. Huminto na ang eroplano at bumukas na ang pintuan nito. Yong nagngangalang Taylor ang unang lumabas sabay angat sa hawak nitong rifle. Siya naman ay sinenyasan ni Bryant na sumunod sa pagbaba sa eroplano at nakasunod lang naman sa kanya sa likod ang lalaki. Sa pagbaba niya, nakita niyang may dalawang itim na SUVs na naghihintay sa kanila. Pinasakay naman siya agad ni Bryant sa unang naka park na SUV saka mabilis nitong isinara ang pinto pagkapasok niya. As soon as Bryant and Taylor were also inside, the SUV started moving. Ibinigay naman ng driver nila ang isang celphone kay Bryant. "Mission accomplished." anito sa kausap sa kabilang linya habang nakatitig sa kanya. Sino naman kaya ang tumawag? "This is Alpha Boss checking in." pakilala pa nito sa kausap sa cellphone. "Package delivered safely." Hanodaw? Package? Eh hindi naman siya isang package. Tao siya at hindi bagay. Nag-iwas na lamang siya ng tingin dito upang hindi mahalata ang pagkainis niya sa sinabi ng lalaki. "Sir?" untag nito na parang kinukumpirma nito ang sinasabi ng kausap. "Yes, sir. I understand." And the call was ended. "Nadiah..." hinagip ni Bryant ang kanang kamay niya. "I'm sorry." biglang sabi nito. Na curious siya kaya pinagkatitigan niya ito. "For what?" Ang gwapong mukha ni Bryant ay tila may bakas na kalungkutan at tila nagpapahiwatig ito ng masamang balita. "Senator Cordero is dead." *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD