Pinagmamasdan lang ni Bryant si Nadiah habang lumalapit ito sa saradong kabaong ng ama para maglagay doon ng puting rosas. Wala namang pinahihintulutang tumingin sa mga labi ng yumaong senador dahil sa nakakagimbal ang itsura nito. Sumabog kasi ang utak nito.
Sa mga nakaraang araw pa nagbabantay ang team niya kay Nadiah. Mahigpit talaga ang naging seguridad nila rito para lang ligtas itong makauwi sa Pinas. Nang makarating agad sila sa bansa, agad naman siyang nagpahanap ng lokal na hotel para pansamantalang matuluyan nito, at para na rin sa seguridad nito. At first, hindi ito sumang-ayon sa pagtira sa hotel buti nalang at kalaunan ay nakumbinsi niya ito.
Inasahan nga niya na mag breakdown ito sa pagkamatay ng ama, ngunit ni isang beses simula ng malaman nito ang balita ay hindi ito umiyak.
Habang naglalakad nga ito papunta sa kabaong ng ama nito ay hindi mo talaga ito makikitaan ng emosyon. Daig pa nga si Nadiah sa mga taong uma-attend sa lamay na kung umiyak ang mga ito ay wagas.
Nagmamasid lang kasi si Bryant sa mga tao sa paligid habang napapasandal siya sa isang puno.
"Alam mo ba kung anong dapat nating gawin." ani Taylor mula sa likuran niya.
Bahagya namang napalingon sa kanya si Bryant. At tila tensyonado ang mukha ng kasamahan na napatingin kay Nadiah. Alam kasi niyang silent type itong si Taylor, pero deadly. Mataas din ang karanasan nito sa sniper training. He was also one of the best SEAL sniper before.
"Alam ko ba yan at magugustohan ko ba yan..." ani Bryant at pinilit niyang magmukhang kalmado. "Those are two very different things."
Ngayon na wala na si senador Cordero, si Nadiah nalang ang tanging pag-asa nila upang madakip si Guevarra.
She'd created the sketches for them. Lahat ng goons na namukhaan niya ay naiguhit talaga niya ng malinaw. Lalong-lalo na yong bukambibig niya palagi na si Jun. Perfect witness ngang maituturing itong si Nadiah.
However, it was the picture of Jun Gonzalvo that intrigued Bryant and his team the most. Inosente raw kasi ito, claim pa ni Nadiah. Sa katunayan daw ito pa nga ang bugbog-sarado sa mga tauhan ni Guevarra.
Ang ipinagtaka lang nila ay kung bakit hindi ito kasama sa lista ng mga nawawalang tao sa database. And as far as they were concerned, Jun Gonzalvo didn't exist.
"Sa tingin mo ba pag iinteresan pa kaya siya ni Guevarra?" tanong sa kanya ni Taylor.
"Sa tingin ko nga." Pakiramdam kasi niya na mas nanganganib ngayon ang buhay ni Nadiah.
Kailangan lang talaga nitong pumunta sa lamay. Siyempre ama nito ang nakahimlay. Besides, it was a high-profile funeral, with government officials spilling out for their photo ops. Secure rin naman ang area kasi maraming nakakalat na mga pulis at agents.
Hindi naman nakalampas sa paningin niya ang dalawang lalaking naka black suits, kasama ng mga ito ang isang babaeng nakaitim na lumalapit kay Nadiah.
"Alam mo na ba ang mga dapat mong gawin?"
Napahinto si Bryant. Alam kasi niya kung anong tinutukoy ni Taylor. Siya kasi ang prime candidate para protektahan si Nadiah, bukod na roon ang kanilang nakaraan.
"Yes." His voice dropped to a growl. "I'll do what needs to be done." Lalo ng ayaw niyang mapunta sa ibang agents ang assignment na ito. Kahit pa kay Taylor. Mas lalong ayaw nga niyang mapunta ito kay Taylor.
Kinailangan kasing bantay-sarado si Nadiah twenty-four seven. Kaya dapat siya mismo ang gagawa sa assignment na to. Walang iba kundi siya lang.
Dahan-dahan naman siyang lumalapit sa dalaga, alam niyang hindi siya mamumukhaan ng mga nakilamay kasi nakasuot siya ng itim na sunglasses.
Ngunit bago pa man siya makarating sa kinaroroon ni Nadiah ay lumingon ito sa nakaparada na itim na limo. Bumukas ang pinto niyon. Nakita niya na iginiya ito ng babaeng kasama ng mga naka black suits na lalaki sa nasabing sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ni Bryant nang makilala niya ang babae na ang sekretarya pala iyon ni senador Cordero na si Susana Paner. The fact that his team had questioned her for hours, but she'd seemed clueless about the true nature of the senator's activities.
"Hindi ako makapaniwalang wala na siya." hagulgol pa ng sekretarya. "Hindi ito dapat nangyari. May marami pa naman sana siyang pinaplano."
May biglang lumapit sa kanilang lalaki na naka sunglasses din. Mukhang kilala rin niya ito. Tama, ang assistant iyon ng senador na si Benjamin Taruc na sobrang nenerbyos nang interbyuhin nila ito.
Napalingon naman sa direksyon niya si Taruc at mukhang namataan siya. Nakita niyang napalunok ito saka iniyuko agad nito ang ulo.
Halatang kabado.
Kung makakita lang sila ng info na magagamit nila rito, yong maugnay ito sa ilegal na kalakalan ng senador, humanda ka talaga Benjamin Taruc. Hindi ka na talaga makakalusot sakin.
"Kailangan ng makauwi ni Nadiah sa bahay nila." ani Benjamin kay Susana. "Doon nalang kayo sa bahay nila magpatuloy sa pag-uusap."
"Oo, tama ka." anito at napalingon ito ng huling beses sa kabaong ng senador. "Tila nanaginip lang yata ako."
"Condolence po, Miss Nadiah." nakayukong pahayag ng assistant na si Benjamin.
"Hindi ko rin akalain na ganito ang mangyayari." sagot naman dito ni Nadiah.
Talagang nasurprisa ang lahat sa ginawa ng senador. Hindi nga lubos maisip ni Bryant kung bakit nagawa iyon ng senador. Baka naman naisip nito na kung patay na ito ay matatapos na rin ang lahat sa pagitan nila ni Guevarra.
"I'm truly sorry." segunda pa ni Benjamin at niyakap nito si Nadiah.
Napatiim-bagang si Bryant sa nakita niya. Potek! Feeling close ang putragis na ito ah. Subukan lang niyang yakapin ulit si Nadiah at makakatikim na talaga siya.
"I need some...some air..." tila naghahabol ng hininga si Susana sa kakaiyak. "Hindi ko kayang makitang ganito ang senador."
The woman's body trembled, and Bryant wondered if her knees were about to give away. Buti na lang at to the rescue agad si Benjamin dito nang muntik ng mahimatay ang sekretarya. Mabilis kasing nasalo ito ni Benjamin.
"Ako na ang bahala kay Susana." Benjamin offered Nadiah a firm nod. "Magkita nalang tayo sa bahay niyo." anito na napatango rin kay Bryant.
Napangisi naman dito si Bryant saka unti-unti siyang napahakbang kay Nadiah. "Wag kang mag-alala bro, dahil sisiguraduhin ko na makakarating siya sa bahay nila na safe and sound."
Nagsialisan na rin ang mga taong nakiramay sa lamay ng senador. Napalingon naman siya kay Nadiah at nakita niyang wala talagang emosyon sa mukha nito. Gusto pa naman sana niyang e-comfort ito kung ito ay nagdadalamhati. Ngunit parang mailap ito sa kanya.
Nagpaalam na sa kanila sina Benjamin at Susana. Subalit nang makalabas na ang mga ito sa chapel ay nag breakdown naman ang sekretarya.
"Hindi ko magagawa yan." paanas na turan ni Nadiah sa kanya. "Everyone is staring at me, waiting for me to cry, pero hindi ko kayang umiyak." Nanghihinayang naman itong napatingin sa kanya. "What's wrong with me?"
"Walang mali sayo." At wala rin siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Yong mga reporters? Gusto lang nilang makakuha ng clip na umiiyak si Nadiah para may ma caption sila na picture sa ibabalita nila.
Better not to cry at all than to weep when you didn't feel any emotion.
Nang mapalingon ulit siya kay Nadiah, napansin niya ang panginginig sa mga labi nito. Mukhang hindi na nga niya ito matiis. "Halika...lumapit ka sakin." sabi niya sa dalaga.
Ngunit napatitig lang ito sa kanya. Hanggang sa bigla nalang pumatak ang ulan sa labas.
Agad naman na hinubad ni Bryant ang kanyang jacket at ipinatong ito sa ulo ni Nadiah. "Gusto kong sumama ka sakin."
Subalit hindi man lang gumalaw si Nadiah. "Hindi ka dapat nandito." napapailing na saad nito. "Doon ka nalang sana sa punong kinasasandalan mo kanina..o hindi ka nalang sana pumunta pa rito sa lamay ni dad."
Ano bang nangyari rito? Ba't bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin? Hindi naman ito masungit kanina nong sabay pa silang pumunta rito. Pati tuloy ulan ay sumabay sa pagsusungit nito kasi bigla nalang bumuhos.
"Miss Cordero?" tawag rito ng limo driver. Medyo may katandaan na ito at nagpapaulan pa ito. Mukhang concern na concern kasi ito kay Nadiah. Nakita naman niyang totoong concern nga ang ipinapakita nito sa dalaga, hindi yong nagpapanggap lang tulad nong ibang mga nakiramay.
"Hindi po siya sasabay sa inyo." sabi ni Bryant sa limo driver. "Kailangan pa nating mag-usap, Nadiah." baling niya sa dalaga.
Napatango ito. Napansin naman niya ang pamamasa sa mga mata nito. Kung hindi siya nagkakamali mukhang napaluha nga ito.
Napabaling ngayon ang dalaga sa limo driver. "Salamat po, Manong Carding, pero kay Mr. Quirino po ako sasabay sa pag-uwi ng bahay."
Tila nag atubili naman ang driver. "Sigurado po kayo, Miss Nadiah?" napatingin ang driver kay Bryant na parang may paghihinala.
And after a moment of hesitation, napatango rin dito si Nadiah. "Opo." tas napatikhim ito. "Salamat po sa serbisyo niyo ngayong araw...napakabait niyo po sakin, manong."
Malungkot namang napangiti sa kanya ang driver. "Dahil napakabuti mo rin sakin, Miss Nadiah." Yumukod na ito sa dalaga at humarap sa kanya. "Alagaan niyo po siya, sir." sabi nito sa kanya saka ito tuluyang umalis.
Gagawin ko talaga yan, manong.
Pagkaalis ng driver ay agad naman na hinila ni Bryant si Nadiah papalayo sa kabaong ng ama nito. "I'm not leaving in the town yet," sabi niya rito. "Sa katunayan nga, doon muna ako mamalagi kina Jordan pansamantala."
Namilog ang mga mata nito. "Bakit?"
"Dahil gusto kong makasama ka."
Bahagya naman itong napanganga sa gulat. "Pero--Ano?"
Boom!
Kasabay ng malakas na pagsabog sa limo na sasakyan sana ni Nadiah pauwi ay ang pagtilapon nila sa ere pasalampak sa malaking punong-kahoy doon.
Tangina!
"Nadiah!" napamulagat siyang napatitig sa dalaga habang nakasangga ang katawan niya rito.
Buti nalang at ayos lang ang kalagayan nito. Agad naman siya nitong itinulak saka ito tumayo. Ngunit nakita niyang dumudugo ang noo nito. At nanlaki nalang ang mga mata nito ng hawakan nito ang kanyang noo na duguan. "Oh My God." sabi nito at napatingin ito sa sumabog na sasakyan. "Si manong..."
Subalit wala na silang magagawa pa sa kaawa-awang driver. Hindi na nagsalita pa si Bryant, bagkos ay kinabig niya si Nadiah at niyakap.
Nandoon lang pala si Taylor. At nasaksihan din nito ang nangyari. Kaya ito na ang tumawag ng back-up at paramedics. Nakita naman niya na may mga na injured na sibilyan sa paligid, iyon yong mga taong nanatili pa sa lamay.
Ngunit sa mga sandaling iyon, si Nadiah muna ang priority niya. May mga ilang awtoridad naman na tumugon agad sa mga na injured na sibilyan. Ang importante na mailayo niya si Nadiah sa lugar na iyon dahil alam niya na ang dalaga talaga ang target sa pagsabog. Kaya't mabilis niya na binuhat ito na parang isang sakong bigas.
"Bryant! Ibaba mo ako! Kailangan natin silang tulungan! Ibaba mo na ako, ngayon na!" angil nito at malakas itong napapahampas sa likuran niya.
Pero hindi niya ininda ang mga hampas nito sa kanya at ang pagsisigaw nito. Basta nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. With one arm, he yanked open the truck's passenger-side door, and with the other, he pushed her inside.
Kahit nasa loob na ng truck si Nadiah, sinubukan pa rin nitong bumaba.
"Wag." matigas na babala niya rito. Galit na rin siya sa katigasan ng ulo nito. Eh muntik na nga itong mamatay. Hindi maaring nakatunganga nalang siya roon at pabayaan si Nadiah na mamamatay. "Sa tingin mo para kanino kaya ang bomba na yon? Kay manong driver...o sayo?"
Namumutla si Nadiah saka ito napapailing. "Pero...yong mga tao...nasaktan din sila."
She'd always had that soft spot. A weakness that just might get her killed one day.
Pero hindi ngayon. "Diyan ka lang sa loob ng truck." Pabagsak niyang isinara ang pintuan ng passenger seat saka siya sumakay sa driver's side.
Five seconds later, pinaharurot na niya ang truck. Wala ng salitang lumabas sa bibig niya basta nagmamaneho lang siya.
"Baka aksidente lang yong nangyari kanina." basag niya sa katahimikan nila.
Mukhang in-denial namang sumagot ang dalaga. "I don't think so."
Firetrucks wailed behind them. Bryant glanced in his rear view mirror and saw the dark clouds of smoke up into the air. Ngunit minabuti niyang ibalik ang tuon sa daan.
"But...it's safe now." Tila wala sa sariling pahayag nito. "It's supposed to be safe."
From the corner of his eye, he saw her hands clench in her lap. Her voice came soft, confused. "Sabi mo..sabi mo na kung makakabalik na ako ng Pilipinas ay magiging ligtas na ako."
"I'm sorry. Nagkakamali ako."
*****