Sa durasyon ng kanilang byahe ni hindi talaga kinausap ni Nadiah si Bryant. Ayaw lang talaga niyang magsalita. Kasi pakiramdam niya na sa bawat buka ng kanyang bibig ay malalasahan niya ang abo.
Patawad, manong Carding. He'd been with her father for over twenty years. Hindi ito dapat mamatay ng ganon...
Napalunok siya, nalalasahan na naman niya ang parang abo.
Napahinto na sa pagmamaneho si Bryant, saka bumaba na ito sa truck. Para naman siyang robot na sumunod dito. Hanggang sa pumasok sila sa lobby ng isang cheap na hotel. Nagbayad kaagad si Bryant sa desk clerk at pumili siya ng isang kwarto na nasa dulo ng hotel.
Pagkapasok nila sa nasabing kwarto ay agad na binuksan ni Bryant ang ilaw doon. Inilibot naman ni Nadiah ang paningin sa kabuuan ng maliit na kwarto at nakita niyang isang kama lang ang naroroon.
Juicecolored! Pang short time talaga ang peg dito.
"You're bleeding."
Nadiah glanced over at the sound of Bryant's voice. Nakita niyang nakatuon lang ang paningin nito sa noo niya. Kaya't agad niyang hinawakan ang kanyang sugat doon na muntik na niyang nakalimutan. "Wag kang mag-alala, galos lang to."
"Masyado ka kasing chill."
What? Was she supposed to be screaming? Breaking down? Hindi naman talaga tipo niya ang mag break down. Right then, all she could think was...
Anong susunod na mangyayari? At paano niya haharapin ito?
"Halika...let's get you cleaned up." anito at iginiya siya nito sa banyo.
Pinalis naman niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Hindi na ako bata, Bryant."
Napakurap-kurap ito. "Wala akong sinabing ganon."
"I can clean up myself." she took slow steps to the bathroom. Took slow, deep breaths - so she wouldn't scream at him. "Stop acting like I'm about to fall apart."
"May nagtangkang pumatay sayo, Nadiah. So a little falling apart is expected."
Nang nasa tapat na siya ng bathroom ay huminto siya para harapin si Bryant. "Why do the expected?"
He stared at her as if he'd never seen her before. "Wala na ang dad mo." Now there was anger punching through his words. "Sumabog yong sasakyan ninyo at nagkapira-piraso. Baka gusto mong sabihin sakin kung bakit cool na cool ka lang?"
Because if she let the wall inside of herself down, even for a second, Nadiah was very afraid that she might start crying non-stop. "Gusto mo rin bang sabihin sakin kung bakit sinamahan mo ako rito?"
"Because you need someone to keep you alive!" anito at hinawakan ang braso niya ng mahigpit. "O baka wala ka ng paki na mabuhay pa rito sa mundo?"
Tinitigan lang niya ito. At napagtanto niyang masakit pala ang makasamang muli si Bryant. Dahil ba sa hindi pa siya naka get over nito? Siguro nga. Hindi naman siya muntik makipagtanan nito noon kung hindi niya ito labis na minahal eh.
She'd waited for him in a bus terminal - mga anim na oras lang naman ang hinintay niya. Pero pumuti nalang ang mga mata niya sa kakahintay dito. At wala talagang Bryant Quirino na dumating. Pinaasa lang siya nito ng wagas. Kaya't hinding-hindi niya malilimotan ang araw na yon.
Kaya nga hindi niya masisi ang sarili kung bakit galit at nawawalan na siya ng tiwala rito. Oo, sinagip nito ang buhay niya nong nakidnap siya sa Malaysia. And she was so grateful with that, pero hanggang doon nalang yon. Nadiah wasn't going to depend on him again. "Kung gusto mo tumawag ka ng mga pulis." sabi niya rito. Gusto na rin sana niyang magpahinga. "They can keep me safe." aniya at pumasok na siya ng banyo.
"Nadiah--" tawag nito, pero binagsakan lang niya ito ng pintuan.
Napatingin naman siya sa salamin pagkapasok. Doon nakita niya ang pamumutla ng kanyang mukha at ang tuyong dugo sa kanyang noo.
She took another breath. Nalasahan na naman kasi niya ang abo sa kanyang bibig. Hanggang kailan pa kaya ito mawawala sa panlasa niya?
Napapikit siya ng mga mata. Kung hindi pa sana siya pinigilan ni Bryant na sumama kay manong Carding, baka siya pa yong susunod na pinaglamayan.
-----
Bryant turned away when he heard the sound of the shower. Hinugot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at dinayal ang numero ng kanyang superior. "What the hell happened?" bungad niya sa kabilang linya nang sagutin ito. "The site should have been safe, it should have--"
"You aren't secure." diretso nitong sagot. Von Mercader was never the type to waste words of emotion. "We need you to get the woman and get out of that motel. Back up is en route."
Not secure? For the moment, they were. "Wala namang nakasunod sakin. Wala ngang--"
"There's a leak in the senator's office." Von said in his perfectly polished voice. "Money talks, and we all know that Gueverra has a ton of money."
Marami nga itong pera dahil sa kaya nitong magbayad ng sinumang ipapatay nito.
"You need to bring her in," mando pa ng kanyang superior. "we're setting a meet up location. Tell her she'll be safe with you. Basta kunin mo lang ang tiwala niya."
Oo, iyan nga ang plano...hanggang sa nagulo ang lamay ng ama nito dahil sa pagsabog. "Kailangan pa ba nating gawin to?" naiinis na turan niya at kamuntik na nga niyang itapon ang kanyang cellphone. Buti nalang at hindi pa natatapos si Nadiah sa pagligo. But just in case, Bryant took a few steps away.
"Hindi naman nagbago ang plano. Alam mo kung gaano ka vital ang case na to sa bureau."
"Ayaw ko kasi siyang mapahamak." Muntikan na nga itong mamatay dahil sa nangyaring pagsabog.
"That's why you're there, Alpha Boss. To come between her anytime...just like you did today."
Yes, in fact, he had the burn marks on his skin to prove it.
"Ang relasyon mo sa kanya ang susi. Alam mo yan. Kunin mo lang ang tiwala niya, para masara na natin ang kaso na ito at masugpo si Guevarra."
But could they keep her alive long enough to do it? Tila panadalian naman siyang nawala sa linya.
"Does she realize what was happening?" pukaw ng kausap niya sa kabilang linya.
"Yes, mukhang narealize nga nito na siya ang target sa pagpatay." Batid niyang napagtanto nga ito ni Nadiah dahil hindi ito isang tanga.
"Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol kay Jun?"
Huminto na ang lagaslas ng shower, hudyat na tapos na nga itong maligo.
Napatiim-bagang siya. "Hindi pa."
"Gawin mo na. Ipaintindi mo talaga sa kanya na gagawin mo ang lahat upang maprotektahan siya. Nang sa ganon makuha natin ang loob niya at makipag cooperate na ito satin."
It wasn't just about protecting her. Alam kasi niya na ang dalaga ang gagamitin ng bureau laban kay Gueverra. They were willing to set her up if it meant getting the job done.
Napabuntong-hininga si Bryant. "When are we moving her?"
"In ten minutes." huling saad nito at naputol na ang linya.
Sampung minuto. Masyado yatang maiksi ang oras para kumbinsihin si Nadiah na siya lang ang tanging mapagkatiwalaan nito upang manatili itong buhay.
*****