Tinapos agad ni Nadiah ang pagligo nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. She'd washed away the blood and ash, but the cold water had done nothing to soothe the aches and pains in her body. Habang naliligo siya ibinuhos naman niya ang lahat ng luha na kanya lamang kinimkim simula ng mamatay ang ama niya. Her whole body had trembled as she let her grief and pain pour out of her. Part of Nadiah had just wanted to let the grief take control, but she'd fought that instinct. Inipon niya ang lahat ng lakas upang hindi siya mag breakdown ng basta-basta.
Nang hindi niya makuhang sagutin ang unang tawag ay tumunog ulit ang cellphone niya. Dali-dali naman niyang hinugot ang aparato mula sa bulsa ng kanyang jeans at sinagot ito.
Si Benjamin Taruc pala ang tumatawag. Ang assistant ng father niya. "Benj, makinig ka, Ayos lang ako di--"
Ngunit bigla nalang bumukas ang pintuan ng banyo. Halos mapatalon naman si Nadiah sa gulat. Si Bryant ang nabungaran niya, galit ang mga mata nito. "End the call."
"Nadiah?" untag sa kanya ni Benj sa kabilang linya. "Nasaan ka? Hinanap agad kita matapos ang pagsabog, pero hindi kita makita. Oh God! Nong una akala ko - akala ko na nakasakay ka sa sumabog na limo."
Oo, muntik na nga.
"Hanggang sa may pulis na nakapagsabi sakin na sumakay ka raw sa isang truck." His breath heaved over the line. "Ang sabi nila na binomba raw yong sasakyan, baka naman---"
"Nasa motel ako, Benj. Ano kasi--"
Ngunit bigla nalang inagaw ni Bryant ang phone niya. Saka agad na pinatay nito ang tawag. "GPS tracking. Ang phone mo mismo ang nagsasabi sa kanya kung nasaan tayo ngayon."
His gaze swept over her. Crap, nakatapis lang pala siya ng tuwalya. Kaya't dali-dali niyang kinuha ang mga nakasampay na damit at itinakip ito sa katawan niya. It was a much better shield than the thin towel. "No one is tracking me, okay? Si Benjamin yong tumatawag. Nag-aalala lang siya sakin at gusto niyang masiguro na--"
"May tauhan si Gueverra sa opisina mismo ng dad mo. Someone willing to trade you for a thick cold cash." His eyes blazed hotter, and they were focused right on her legs.
"Iangat mo nga yang mga mata mo." naasiwa niyang sabi rito.
Gosh! Those eyes, when they met hers, flashed with a need she didn't want to acknowledge right then.
"I know how this works." he told her. "And I sure as hell know that we have to move now."
GPS tracking. Oo, alam niyang posible nga yon, pero..."Bakit? Bakit hindi nalang nila ako hayaan?"
Subalit hindi man lang nagsalita si Bryant.
"Tumalikod ka nga, magbibihis lang ako." pagtataray niya rito.
Napataas ito ng kilay pero tumalikod rin naman ito, giving her a view of his broad back. Ibinaba na ni Nadiah ang tuwalya saka mabilis siyang nagsuot ng panty at bra. Her gaze darted to his back and...
Wait, kanina pa kaya ito nakatingin sa salamin? Ngayon lang kasi niya naisip na may salamin pala sa tapat nito. Letsugas! Mukhang wala na yata siyang maitatago pa rito.
"Tapos ka na?" he asked, almost sounding bored. Almost.
Nanginginig naman ang mga kamay niya habang nagbubutones siya sa kanyang blusa. "Done." sagot niya sa wakas. Naiinis naman siya rito dahil mukhang hindi ito naging maginoo sa mga oras na iyon. Sigurado kasi siya na binusohan siya nito sa pamamagitan ng salamin. "Patay na si dad. Bakit gusto rin nila akong patayin?"
Umikot na ito para harapin siya. Tas pinasadahan na naman siya ng tingin nito. Tuloy biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya. "Dahil ikaw ang natatanging witness." anito saka ginagap nito ang kanyang siko at iginiya siya sa sala.
"Witness?" Oo nga pala, dahil sa namumukhaan nga pala niya ang mga goons na dumukot sa kanya sa Malaysia, pero...
"Alam mo bang wala pa talagang saksi na positibong naka identify kay Danilo Guevarra? Kaya nga maituturing namin siya na parang multo. Pero alam ng pamahalaan natin, lalong-lalo na sa mga nakakakilala sa kanya sa Mindanao kung gaano siya ka lupit."
She pulled on her pumps. Eh hindi rin kasi niya matatakbohan ang mga ito. "Well, hindi ko rin naman siya nakita. Ni minsan kasi hindi nagawi roon ang big boss ng mga ungas na goons na dumukot sakin."
Bryant shot her a fast, hard stare. "Iyon ang akala mo, pero nagpupunta siya roon."
Napakurap-kurap siya sa pahayag nito.
"From what we can tell, he spent more time with you than he ever has with anyone else. Nakita mo pa nga ang mukha niya eh. At nagkausap din kayo."
Nagkakamali ito. "No, I didn't." mariing tanggi niya.
"Para sa kaalaman mo. Ang isa mga aliases na ginagamit ni Guevarra ay Jun Gonzalvo."
Ako si Jun Gonzalvo, naalala niya ang pagpapakilala sa kanya ng lalaki.
"Hindi na niya kailangang pigain ka pa sa impormasyong gusto niyang malaman mula sayo, Nadiah. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang magpakilala siya sayo sa ibang pangalan at paamuhin ka."
Tama, naging kaibigan nga niya ito sa loob ng limang araw siyang nabihag.
"You weren't talking to another hostage in that hellhole." Bryant exhaled on a low sigh. "Naniniwala kami sa team ko na ang lalaking sinasabi mo na kasama mong nabihag ay walang iba kundi ang numero unong arms dealer sa Malaysia at dito sa bansa. Mas kilala siya sa tawag na 'El Delubio' kasi malupit siya at walang sinasanto."
Halos tumindig naman ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa sinabi nito.
"That man with you? The one you were so desperate to save? Siya ay walang iba kundi si Danilo Guevarra."
Ohmigosh. "Hindi ko akalain na siya pala yon."
"I need you to trust me." he told her. "Anuman ang mangyari, kailangan mong manatili sa tabi ko, naintindihan mo ba? Baka kasi sa mga oras na to ay na track ka na ni Guevarra. Maari rin niyang gamitin ang kung sinuman upang makuha ka niya ulit."
Napalingon nalang sila pareho sa pinto nang marinig nila ang kalabog sa labas.
Dios ko! Sino kaya yon? Nahintakutan na siya lalo na't iisa lang naman ang pintuan palabas. Bukod don, pawang salamin na ang mga bintana roon.
"I can keep you alive," pangako pa sa kanya ni Bryant. "kung yan talaga ang kailangan kong gawin."
Tama. Nasabi nga pala ng kanyang dad noon na isa itong assassin, pero hindi siya naniwala rito. Kaya iyon din ang rason ng ama kung bakit pilit silang pinaghiwalay nito noon.
Pero sa kabilang banda, sinagip din naman nito ang buhay niya ng pangalawang beses.
"Mga pulis to." narinig nilang sigaw ng isang lalaki mula sa labas. "Miss Cordero, kailangan mong lumabas diyan! Nandito kami para tulungan ka."
Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni Bryant. "Hindi sila mga pulis. Pero parang ganon na rin yon."
Hindi! Bangungot lang to. Naiiling na saad ni Nadiah sa kanyang isip.
"Hindi natin sila mapagkatiwalaan, Nadiah. They'll either kill you or deliver you to Guevarra." Mahina ang boses nito pero may diin. "I'm your best bet. Kamumuhian mo man ako pero--"
Hindi niya magagawa yon. Ni hindi nga niya nagawa ito nong hindi siya siputin ng lalaki. Yon nga ang problema niya eh. Ambilis niyang magpatawad.
"but you know, no matter what you have to face on the other side of that door--"
Sino-sinu nga ba ang nasa labas? Mga pulis ba o mga killer?
"--I'll keep you safe."
"Papasukin ka na namin diyan!" sigaw ng boses na nasa labas. "Nariyan na kami--"
Pumailanlang ang sunod-sunod na putok ng baril. Ngunit hindi niya nagawang sumigaw at sa halip ay mabilis siyang dumapa saka napatutop na lamang siya kanyang bibig.
Bryant jumped for the window. Binasag nito ang salamin na bintana, ikinasa ang baril at...
Tumawa?
Mula sa pagkadapa sa sahig, nakita ni Nadiah na malapad lang na napapangisi ang lalaki. Inasahan nga niyang pagbabarilin nito ang nasa labas pero...
Nagtataka siya kung bakit naglalakad si Bryant papunta sa direksyon ng pintuan at binuksan ito.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang bumungad sa pintuan ang nagngangalang Taylor.
Dali-dali namang tumayo si Nadiah mula sa pagkadapa. "Sila ba yong mga pulis?"
"Hindi mga pulis ang mga gago na to." sabi ng nagngangalang Taylor. "Pero sa tingin ko, mukhang paparating na nga ang mga totoong pulis. At kung ayaw mong ikaw naman ang susunod na paglalamayan ay sumama ka samin."
"Syempre, gusto ko pang mabuhay noh." aniya.
Inilahad naman ni Bryant ang kamay nito sa kanya. "Then you'll come with me."
In order to keep living, she'd do anything that she had to do.
Tinanggap na niya ang kamay ni Bryant saka iginiya siya nito sa naghihintay na SUV sa labas ng hotel.
Tiwala...mukhang maibibigay nga niya ito sa lalaki sa pagkakataong iyon. Dahil wala rin naman siyang pagpipilian eh.
-----
Napatitig si Danilo Guevarra sa telebisyon. Ibinalita na kasi ang nangyaring pagsabog sa lamay ng senador. Nakikita pa nga niya sa likod ng reporter ang maitim na usok mula sa sasakyang sumabog.
"Hindi pa nakikipag-usap ang mga pulis sa taga-media." pahayag nito. "pero sabi ng reliable source natin na ang nasabing sasakyan ay ang gagamitin sana sa pag-uwi ni Miss Nadiah Cordero - ang nag-iisang anak ni late senator."
Haha...napakaduwag mo talaga, Abner. Kawawa ang anak mo.
"May isa namang nasawi sa insidente."
Naging collateral damage kasi ang driver na matagal ng naglilingkod kay Abner. Haha..sorry nalang siya. Hindi rin naman mahalaga ang buhay nito.
"---habang tatlong katao naman ang na injured. Nakaalis na rin sa crime scene ang anak ng senador, at sa mga oras na to, hindi na ito na locate pa ng mga awtoridad."
Nanlaki naman ang mga mata niya sa pahayag ng tagabalita. Dada lang dada ang reporter na iyon pero hindi naman makabuluhan sa kanya ang naging report nito. Kaya minabuti nalang niyang patayin ang TV at tinawag agad niya ang kanang kamay na tauhan.
Napalunok si Lucio Santos habang humarap ito sa kanya. Pinagpawisan na agad ito kahit hindi pa nito alam ang ipag-uutos niya.
"Hindi pa ba ako malinaw sayo?" mahinang untag ni Danilo sa tauhan.
"Malinaw, Sir," tila nanginginig ang boses nito.
"Di ba malinaw ang sinabi ko - na dalhin niyo ulit sakin si Nadiah Cordero na buhay." Napapitlag naman si Lucio sa sinabi niya. "Bakit sa balita ay muntik ng mamatay ang babae?"
Lucio shifted from his right foot to his left. "Narinig ko na...may gusto raw na pumatay nito...at malaki raw ang pabuya pag namatay ito."
Natigilan naman siya sa sinabi nito. "Sino?"
"H-hindi ko po alam. Pero aalamin ko."
"Pwes, alamin mo na!" mando niya rito. "O baka ikaw ang isusunod ko sa hukay ng senador." Hindi talaga siya nagbibiro sa mga banta niya. Alam ni Lucio yan. Matagal na rin kasi itong naglilingkod sa kanya. Mga anim na taon na.
"Kailangang maibalik niyo sakin si Nadiah Cordero ni walang isang galos." Dahil siya lamang ang pwedeng magpaparusa nito. May unfinished business pa kasi sila. Kaya hindi muna ito pwedeng mamatay. He needed her to keep living a bit longer. "At kung malalaman mo na kung sino ang gustong magpapatay sa kanya--" he leaned forward and softly ordered. "--Pahirapan niyo muna ito bago ibaon sa lupa."
Dahil walang sinuman ang makahahadlang sa mga plano ni Danilo Guevarra. Wala.
*****