The place wasn't exactly what she'd expected. Kung kaya't inilibot ni Nadiah ang paningin sa paligid at napansin niya na meron lamang isang maliit na elevator ang gusaling iyon. When Bryant had said that he was taking her in for a briefing with his team, she'd figured that they go somewhere like a conference room.
Mula kasi sa nakikita niya sa labas ng gusali, mukhang abandonado na ang naturang lugar. Isa pa, mukhang luma na ring pagmasdan ang tatlong palapag na gusali na yari sa purong kahoy.
Ngunit tila kabisado naman yata ni Bryant ang lugar kasi dire-diretso lang itong pumasok sa gusali. At ngayon ay nakasakay na sila sa lumang elevator. Kinalma na lamang ni Nadiah ang sarili upang hindi siya tuluyang magpanic. Pakiramdam kasi niya parang bibigay na ang elevator at anumang minuto ay pupulutin nalang sila roon sa baba. Pero naisip agad niya na hindi ito ang oras na maging mahina siya, na kailangan talaga niyang magpakatatag.
The elevator came to a hard stop, jarring Nadiah and sending her stumbling into Bryant. Whoah! Ni hindi man lang natinag ang damulag, of course, halata naman kasing malakas ito physically di tulad niya.
"I've got you." narinig niyang sabi nito, at napagtanto nalang niya na nakahawak pala ito sa beywang niya.
Iyan nga ang problema niya eh. Being with him - it was just making everything more painful.
She pulled away and saw a muscle flex in his jaw. "I'm fine." Unti-unti namang bumukas ang pintuan ng elevator. "Itong lugar lang ba ang ma afford ng ahensya ninyo?"
"On a short notice, this building was the best we could find in terms of providing us with a low-profile base." sabad ng tinig babae, at nang mapalingon siya nakita niyang papalapit sa kanila si Cindy na nakataas ang isang kilay kay Bryant. "Akala namin na naligaw ka na."
He growled. Was that a response? Nadiah guessed so, because in the next instant, they were all heading down in a narrow hallway. A fast turn, then they entered an office. At pagkapasok na pagkapasok nila sa opisinang iyon, ang una niyang napansin ay ang dalawang naka bukas na laptop at ang mga firearms sa gilid. Tsaka meron ding mga bakanteng upuan doon.
Pasalampak namang umupo si Nadiah sa pinakamalapit na upuang nahagilap niya.
Pakiramdam talaga niya na dumikit na yong abo sa katawan niya kahit pa ilang beses niyang kinuskos ang balat sa pagligo niya. Nadiah rubbed her hands over her arms and caught Bryant's narrow-eyed glance.
Grabe naman itong makatitig sa kanya, parang uwak.
Napatikhim na lamang siya saka nag-iwas siya ng tingin dito. At sa unang pagkakataon, malinaw niyang nakikita ang mukha ng mga kasamahan nitong mga lalaki na walang suot na bonnet. Mukhang tigasing mga hunks nga ang mga ito.
Umupo na ang babaeng kasamahan ng mga ito sa harap ng laptop. Si Cindy. Tama, iyon nga ang pangalan nito pero hindi alam ni Nadiah kung ano ang apelyido nito. Kinalikot nito ang laptop habang nakadungaw naman sa likuran nito ang chinitong kasamahan ng mga ito.
Ang nagngangalang Taylor naman ang nagpinid sa pinto saka malapad itong napapangisi sa kanya. Was that grin supposed to be reassuring? Seems it looked like a smile that a tiger would give the prey he was about to eat.
Naasiwa rin siya sa sobrang katahimikan sa buong kwarto, walang ni isa kasi sa mga ito ang nagsasalita. At napagtanto nalang ni Nadiah na ang mga ito ay pawang nakatingin pala sa kanya. Letsugas na matigas, had she missed something?
"Naintindihan mo na siguro kung bakit may proteksyon ka, right?" Panimula ni Cindy.
Her breath eased out slowly as her gaze swept over them. "Sabihin niyo muna sa akin ang mga pangalan ninyo." Simpleng saad niya pero kailangan talaga niya ng assurance magmula sa mga ito. At nagsisimula ito kung kilala niya ang isa-isa sa mga ito.
"I'm Cindy." mabilis na wika ng babae. "and I...um, believe that you know Bryant very well."
Too well. Okay, hindi na siya magba-blush. Napagdaanan na kaya niya iyon.
"I'm Taylor." ika pa ng matangkad na lalaki. Gwapo rin ito katulad ni Bryant. Walang tulak kabigin ang mga ito.
Napabaling naman si Nadiah sa chinitong lalaki na nakaupo ngayon sa tabi ni Cindy at nakaakbay pa ito sa babae. "Hi, I'm Edrian." anito habang nakakaway sa kanya ang isang kamay nito.
Nakita niyang napakunot-noo si Taylor kay Edrian. Pansin niya na nakatuon lang ang mga mata nito sa kamay ni Edrian na nakaakbay kay Cindy. Hmm...mukhang nag je-jelly ang isang to ah...
"First names only, huh?" di napigilang bulalas niya.
"For now, it's safer that way." saad naman ni Bryant.
Right. Though Nadiah wasn't even sure any of them had given their real names. She put her fingers into her lap, twisting them together. "Paano niyo naman mapipigilan ang taong gustong pumatay sakin?"
Nagkatinginan sina Cindy at Bryant sa isa't isa. Uh-oh...parang ayaw niya sa parteng ito, she knew it even before Bryant said, "Your father...made a deal with the NBI."
Sinalubong naman ni Nadiah ang mga titig sa kanya ni Bryant. "Anong klaseng deal yan?" Kailangan talaga niyang malaman ang mga dark secrets ng ama, kahit gusto man niyang marinig ito o hindi. Ayaw niya na kasing magbulag-bulagan pa sa maitim na sekreto ng ama niya.
"Ang kaligtasan mo, at ang buhay mo, kapalit sa ebidensyang meron ang ama mo laban kay Danilo Guevarra."
Danilo Guevarra. Ang lalaking sinasabi ni Bryant na nagpapanggap daw bilang si Jun Gonzalvo.
"Ano bang koneksyon ni dad kay--" Her voice sounded too weak. My God, Nadiah, hindi ka dapat maging mahina sa pagkakataong ito. "Anong koneksyon ni dad kay Guevarra?"
"Nagbebenta lang naman ito ng mga illegal na armas." Diretsahang saad ng nagngangalang Edrian.
Akala siguro nito na magugulat siya sa pahayag nito, pero hindi. Prente lang naman siyang nakaupo roon. Alam kasi niyang may hidden agenda ang ama bilang isang senador, hindi yon lingid sa kaalaman niya. Pwera nalang kung ano talaga ang ilegal na ginagawa nito.
"Si Senador Cordero ang nakipag transact sa mga deal ni Guevarra at sa mga foreign officials," siwalat pa sa kanya ni Edrian. "Ang ama mo rin ang naghahanap ng mga buyers, at kadalasan sa mga buyers nila ay mga komunista sa kanilang mga bansa."
Oo, batid niya na bilang isang senador ay marami ngang koneksyon ang kanyang ama. Sinabi pa nga nito sa kanya noon, na ang lahat daw na ginagawa nito ay para raw sa ikabubuti ng buong mundo. Ang tanging hindi niya alam ay kung sa anong paraan.
"We're talking about billion of dollars worth of weapons." pagpatuloy pa ni Edrian. "From what we can tell, your father took a nice little finder's fee for every deal he made."
Napalunok tuloy siya sa nalaman niya mula kay Edrian. "Sinasabi mo bang humihingi ng komisyon si dad mula kay Guevarra? Sa bawat armas na maibenta?"
Napatango naman sa kanya si Edrian.
"Mabuting tao si dad," kailangan niyang sabihin iyon. Kasi bilang anak karapatan niyang depensahan ang ama. "Noon. Bago pa mamatay si mommy. Kaya pumasok siya sa pagiging politician ay para makatulong siya sa mga tao."
Kaya nga siguro nagpakamatay ang kanyang ama ay dahil inusig na ito sa kanyang konsensya.
"Gusto ka niyang iligtas, Nadiah." sabad ni Bryant sa wakas. "Kaya pumayag itong e-trade ang ebidensyang hawak nito laban kay Guevarra para lang makauwi ka rito ng ligtas."
"So kaya pala niligtas niyo ako. Dahil nakipag trade sa inyo ang ama ko."
"Hindi naman sa ganon..." sabi ni Taylor na napapakamot sa batok nito. "Kaya nga siguro pinili nalang nitong magpakamatay eh, para siya lang ang may alam."
Napapitlag naman si Nadiah sa sinabi ni Taylor.
"Taylor..." pakli ni Bryant sa kasamahan.
Napakibit-balikat lang si Taylor. "Ang ipinangako lang samin ng ama mo na hangga't maibalik ka namin dito sa Pinas na safe and sound, ibibigay daw niya ang intel na aming kailangan. Subalit...mas pinili niya ang makipag negotiate ulit."
Napapailing lang si Nadiah sa kanyang ulo.
"And because of Guevarra's deals, hundreds of people are buried every single day." sabad pa ni Cindy. "Kailangan natin siyang mapigilan. Kailangan mo kaming tulungan."
"Papano? Nakita ko nga si Guevarra, pero..." Nasabi na kaya niya sa mga ito ang dahilan niya. "Ngayon gusto na niya akong patayin."
"Hindi ako papayag na mamatay ka, Nadiah." gigil na wika ni Bryant.
Napatikhim naman si Cindy. "Your father...indicated that you had the evidence we need."
Napakurap-kurap si Nadiah sa pahayag ni Cindy. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Hindi ko nga alam ang tungkol kay Guevarra hanggang sa - nalaman ko nalang mula kay Bryant na siya pala yong nagpakilala sakin bilang si Jun Gonzalvo. Sinabi kasi sakin ni Jun na sabay daw kaming nadukot sa araw na yon. Hindi ko alam na siya pala si Guevarra, at wala rin akong alam sa mga pinaggagawa niya." Willing naman siyang makipagtulungan sa mga ito eh. Gusto rin kasi niyang matapos na ang bangungot na ito, ngunit wala talaga sa kanya ang sinasabi nitong ebidensya.
"Nag-iwan kasi ng suicide note ang father mo."
Ayaw na niyang makinig pa sa mga ito. At akmang tatayo na sana siya nang harangan siya ni Bryant. Napatingala naman siya rito. "Hindi ko lang nasabi sayo ang tungkol sa note." anito, saka tinaponan nito ng masamang tingin sina Cindy at Taylor. "Di ba ayaw nating ma leak yan sa media."
Kumulo tuloy ang dugo niya sa turan ni Bryant. In that instant, gusto talaga niya itong suntukin hanggang sa mamaga ang mukha nito. "Hindi ako taga media! I'm his daughter!"
"Exactly." pakli pa ni Edrian. "Sa note niya kasi nakasulat doon na nasa sayo raw ang lahat ng ebidensya. Tinago namin yan sa media, pero hindi kami sigurado kung hindi iyan malalaman ni Guevarra."
Para ng sumabog ang ulo niya sa lahat ng nalaman. Medyo sumakit na nga ang ulo niya eh. "Wala sakin ang ebidensyang hinahanap niyo. Sa katunayan, wala talaga akong maibibigay sa inyo."
"Alam naming naisip ni Guevarra na nasa sayo ang ebidensya, kung kaya't gusto ka niyang makuha ulit." ani Edrian.
"So you see now why you must have protection." napatango-tangong saad ni Cindy. "Until we recover the information we need, dahil ikaw ang target ngayon ng kalaban."
Yes, she got that. "Ano naman ang mangyayari sa buhay ko ngayon?"
"With Guevarra out there, you don't have a life." malamig na turan sa kanya ni Cindy.
"Wag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat upang mahuli siya." pangako pa sa kanya ni Bryant.
Gusto niyang maniwala rito. Ngunit nadala na siya eh sa kasinungalingan nito noon. "This protection...what does it mean?" taas-noo niyang sabi.
Napasulyap muna si Cindy kay Bryant bago siya binalingan ulit ng babae, tas nagpaliwanag ito. "Ibig sabihin na may isang NBI agent na magbabantay sayo 24/7. You'll be watched, monitored and kept alive," sabi sa kanya ni Cindy. "Ano pa ba ang kailangan mo?"
Napatingin naman si Nadiah kay Bryant. Inaanalisa niya kung ito pa ba ang Bryant na nakilala niya noon. O talagang hindi niya ito kilala. "Sinong agent ang magbabantay sakin?"
Nakita niyang napakunot ng noo si Bryant.
"Sinong agent ba?" tanong niya ulit sa mga ito.
Namayani ang panandaliang katahimikan hanggang sa magsalita si Cindy. "Given your...history with Bryant..."
Ano bang history ang tinutukoy ng mga ito? Did everyone know that she'd given already her virginity to Bryant? Her breath heaved in her chest, but Nadiah managed to speak from her clenched teeth. "There's a thing about history. Nakaraan na yon."
Napansin niyang hindi naman nag-iba ang ekspresyon ni Bryant.
"If I'm giving up my life..." Hanggang kailan? Hanggang sa mahuli nila si Guevarra? Hanggang sa kusa nalang lumitaw ang ebidensyang hinahanap nila? "Pwes kung ganon, ako ang mamimili kung sino ang magbabantay sakin."
But Bryant was already shaking his head. "Hindi ikaw ang--"
"Tapos na tayo, Bryant." paanas niyang saad dito. Saka inilipat niya ang tingin sa ibang agent. "Siya ang gusto ko." turo niya kay Taylor.
"Tragis." laglag ang balikat nito. "Alam ko kasing hindi ito madali."
Nadiah stepped towards Taylor. "Actually, all things considered, I think I'm being pretty agreeable." she forward another step. "Kung gagana nga ito, then--"
Mabilis namang hinablot ni Bryant ang kanyang braso, stilling her. "Hindi pa tayo tapos."
She saw Taylor's gaze dart from Bryant's hand and back to her face. Nadiah wondered just what he saw, because Taylor gave a little whistle. "No, I don't think you are." saad pa ni Taylor.
But then Bryant was spinning her back around. He leaned in close, and she could feel the force of his fury sorrounding her. "Time to get some things clear."
What? Ngayon na ba ito?
"I'm the team leader of this team." ipinagdiinan nitong sabi.
"Kaya nga tinawag siya namin na Alpha Boss." sabi ni Taylor mula sa likuran niya.
Eh ano naman ngayon?
"Kaya hindi ikaw ang magbibigay samin ng order," Bryant snapped at her. "kundi ako. When it comes to keeping you alive, I'm the one in charge. I'm the one who is going to stand between you and whatever hell might come." Matalim siyang tinitigan nito sa kanyang mga mata. "Hindi mo man ako gusto. Sige lang kamuhian mo lang ako, big time. Pero hindi ito tungkol sa emosyon. It's about getting a job done."
Tila tinusok ng isang matulis na punyal ang dibdib niya. Parang hindi siya makahinga sa sakit na nararamdaman niya. "At walang iba rito na may kakayahan na--"
"Ako lang ang bantay mo. Araw-gabi. Masanay ka na."
Napatiim-bagang siya. Ayaw niyang masanay sa kahit anuman nito, lalo na't si Bryant ang magdedisisyon para sa kanya. No way Jose!
"Unless you don't think you can trust yourself around me." Bryant said with a slow, sexy grin.
Panandalian naman siyang nag loading sa sinasabi nito bago pa siya nakapag react. "What?" laglag ang pangang aniya.
"Baka nga may nararamdaman ka pa para sakin." paanas nito malapit sa tenga niya. "Yan ba ang ikinakatakot mo? Na kung mapag-isa nalang tayo, gusto mong--"
"Hindi yan totoo." agad na deny ni Nadiah.
Nagbebentang man ang mga titig nito na sinungaling siya, pero never talaga siyang aamin sa antipatiko na ito.
"Then we're set. I'll be with you, making sure you're safe. We'll keep you alive."
Promises, promises...eh mapapako rin naman, gaya nalang sa ginawa nitong pagpapaasa sa kanya noon.
*****