Pagkatapos ni Manang Linda maglaba ng uniporme ni Sophia ay kaagad na itong nag-ayos ng sarili at pumunta na kaagad ito sa palengke. Para bumili ng uulamin ni Sophia sa tanghalian. Panigurado paggising nito ay gutom na gutom na ito dahil hindi na nito nagawang mag-almusal sa sobrang pagod sa trabaho. Nang akmang lalabas na si Manang Linda para mamili ay narinig niyang nagbukas na ng pinto si Sophia. Kaya dali-dali itong bumalik sa loob para asikasuhin muna si Sophia. Pagbalik ni Manang Linda sa loob ay nagkasalubong pa sila ni Sophia sa pinto patungong kusina. Nagkatinginan ang dalawa at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Pero hindi na nakatiis si Manang Linda, siya na ang unang bumati sa kanyang alaga. "Anak, gutom ka na ba? Gusto mo na bang mag-almusal muna?" mahinahong

