Nang makapagpahinga na si Sophia ay bumalik na kaagad ito sa kanyang pwesto para makapag breaktime naman ang dalawa pa nitong kasama. Habang nagpupunas ito ng counter bar ay napansin niyang wala nasa lamesa ang babaeng customer na nangungulit sa kanya. Marahil ay umuwi na ito. "Pero papaanong nakauwi iyon?" bulong ni Sophia sa sarili habang abala sa pagpupunas. Nang mapadaan ang kasamahan nitong waiter sa pwesto niya ay tinawag niya ito para tanungin kung papaano nakauwi si Karla ang babaeng customer na lasing na lasing. Umiling lang ang waiter dahil hindi rin daw nito napansin ang paglabas nito. Hindi mapakali si Sophia kaya pinuntahan naman nito ang guard na nakaduty sa labas. Pero pareho lang ang sagot ng waiter at ng guard. Parehong hindi nila alam. Nagpaalam na si Sophia sa guard at

