p r o l o g u e
The Writer's POV
Palubog na ang sinasakyan nilang barko. Nagkakagulo ang buong nakasakay sa barkong iyon. Kanya-kanyang ligtas sa sarili nilang buhay. Ang iba nga'y nakuha pang mag away dahil sa life jacket.
"Tumalon na ang lahat sa dagat!" Utos ng isang lalake.
Kaagad naman nagsunoran ang mga tao. Isa-isa silang tumalon. Pero may isang babae ang parang wala lang.
Nakadungaw siya sa mga taong nasa dagat na. Hindi siya nakasuot ng life vest o nag isip man lang na iligtas ang saliri niya.
Nilapitan siya ng isa sa mga tripolante sa barko. "Ma'am magsuot po kayo ng life vest. Tsaka tumalon na po kayo."
Tinignan ng babae ang lalaki at maya-maya'y tumawa bigla. Tumawa habang lumuluha na animo'y nababaliw na.
Nakatalon na ang lahat. At dahan-dahan nang nilalamon ng dagat ng ang barko.
Habang ang babae ay nasa loob lang ng barko. Tawa ng tawa sa sinapit ng kanyang mapait na buhay.
Kasama niya ang iilan pang mga tao na umiiyak. Hindi sila tumalon dahil hindi sila marunong lumangoy at takot silang malunod. Pero ngayon, sabay-sabay na silang nalulunod.
Nakakatawa talaga ang sinapit ng kanyang buhay. Isa itong comedya para sa lahat ng taong nakasubaybay sa buhay niya.
Ipinikit na niya ang kanyang mata at ngumiti.
Iyon na nga ang huli.