u s a

2212 Words
The Writer's POV Medyo hilo pa nang bumangon si Cristina. Umaga na, at wala na sa tabi niya ang asawa. Kaagad siyang bumaba at nakita ang mga katulong na abalang-abala. "Gising ka na pala." Sabi ni Grant, ang asawa niya. Wala nang naisagot sa kanya si Cris. Umupo na lang siya sa tabi ni Grant at pinaghainan na siya ng mga katulong. Sila lang namang mag-asawa ang nakatira sa bahay, ngunit mayroon silang limang kasambahay. Iba pa ang hardinero, at ang maintenance. Maiintindihan niya pa siguro kung mayroon na silang anak, ngunit hindi. Hindi niya ma gets kung bakit. Kung bakit umagang-umaga pa pero crowded na ang bahay nila. At mas lalong hindi niya ma gets kung bakit kinakailangan siya pagsilbihan. "Utos po ni sir Grant ma'am na ito po yung isuot niyo." "Hala, utos po ni Sir ma'am na ito po yung kakainin ninyo." "Ma'am, kami na po magsasandok ng pagkain. Sabihin niyo na lang po kung gusto niyo po ng tubig o juice." Maya-maya ay nag bell bigla ang phone ni Grant. Kaagad niya naman itong binuksan. "Oh shoot, aalis na ako." Sabi ni Grant at dali-daling hinalikan sa ulo si Cris. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng taong to. Ansarap-sarap basagin ng pagmumukha at nang makahiram na siya ng mukha sa aso. Galit na sabi ni Cris sa utak. Sabagay, mas talo niya pa ang aso kung makahabol sa babaeng yun. Bahala na nga sila. Tss. Bubulong-bulong at nang-iismid niya pang sabi. Umagang-umaga pa pero pumipintig na ang ugat sa utak niya. At dahil sa nangyari, nawalan na siya ng ganang kumain. "Ma'am, hindi po kayo kakain? Naku, kabilin-bilinan pa naman po ni Sir na pakainin kayo." Sabi ng isa sa mga katulong. Sabihin niyo sa kanya, Mama niya kain! Letse siya. "Pakisabi, nahihilo pa ako." Ito. Ito ang totoong sinabi niya sa katulong at umakyat na. Lantad na lantad sa sala nila ang mga larawan nilang mag irog. Sa sala ay nakasabit ang pinakamalaking larawan nila. Ito ay kinunan matapos silang ikasal. Nakaupo si Grant sa upoan at nakaupo naman sa sahig si Cris na nakasandal sa binti ni Grant at naka fierce. Para silang mga modelo sa kanilang larawan. Lakas maka mayaman. At iba't-ibang pictures rin ang nakalagay sa mga mamahaling frames. Nakasabit din ang picture nung kinasal sila. Nakapag travel na rin sila sa buong Europe at Asia. Plano nila sa susunod ay South America o di kaya'y Australia naman. Masayang-masaya ang mag-asawa sa litrato. Masaya nga ba? Binuksan ni Cris ang shower. Napakalamig ng tubig. Kasing lamig ang tubig nung minsang bumagyo at naligo sila ni Grant sa putikan noong bata pa sila. Naalala lang ni Cris ang nakaraan. Magkababata silang dalawa ni Grant. Pareho din silang nagmula sa putikan. Magkatabi ang mga palayan at bahay nila. Parehong magsasaka ang mga ama, at magkaibigan rin. Kalaunan, lumaki ang negosyo nila ni Grant at binili ang lupain nila Cris. Nagtayo sila ng Hacienda, at napaaral sa prestihiyosong paaralan si Grant. Ang ama naman ni Cris ay naging tagapamahala na at hindi na isang magsasaka. Kaya napag-aral si Cris. Magkasama sila mula pa noong nakababad sila sa hirap hanggang ngayon na masaya na sila. Mahal na mahal ni Cris si Grant, at ganun din si Grant. Umalis na si Cris ng bahay. Pinahinto na siya ni Grant sa pagtatrabaho bilang isang Flight Attendant kaya buong araw lang siyang nasa labas at nilulustay ang pera ng kanyang asawa. Saan siya pupunta? Sa lugar na inaraw-araw niya. Ang mall. Saktong naipark na niya ang sasakyan sa basement ng mall nang may narinig siyang hagikik at yapak ng heels. Nagtago muna siya at nagmasid. Nakita niya ang asawa niya at ang babae nito. "Ahh, sila lang pala. Akala ko kung sino." Kaswal na kaswal niyang sabi sa sarili. Sanay na si Cris sa ganitong sitwasyon. Iba't-ibang babae na ang nahuhuli na niyang kasama ng kanyang asawa. Masakit nung una, pero naisip naman niyang, wag nalang komprontahin ang asawa. "Para san pa? Para mag sorry? Uulit-ulitin rin naman niya. Tsaka, yung sorry na yan, hindi mawawala ang sakit na ginawa niya. Masaya naman siya eh. So okay lang." Palagi niyang sabi sa sarili. Bumaba na siya ng sasakyan at nagtungo ng elevator. Minabuti niyang hindi talaga siya makita ng kanyang asawa. "Basta babe ha, hindi ko naman talaga to kailangan eh. Ikaw naman talaga ang kailangan ko. Hehe." Sabi nung babae. "Hindi daw kailangan pero ikatlong shopping niya na yan sa buwang to." "Told you, babe. Basta ikaw." Reply ni Grant. Natahimik siya. Wala siyang maipintas kay Grant. Oh well, isang buwan lang naman yang babaeng yan tas isusuka na naman yan ni Grant. Iyan ang obserbasyon ni Cris sa kanya. Namili siya ng namili ng gamit at damit kahit hindi niya naman talaga kailangan. Kahit ano lang na maganda at kumikinang sa mata niya, kinukuha niya. Ito rin naman ang kabayaran ni Grant sa pambabae, at pagbabayarin siya ni Cris ng malaki. Malaking-malaki. Dala-dala niya ang mga napamili niya ng nakipagtagpo siya sa kaibigan niya sa isang sikat na donut shop. "Ano ba kakainin ko ngayon? Hmmm." Pamimili ng kanyang kaibigan sa estante habang nakapila sila."Ako na bahala, Corl." Sabi ni Cris. "2 donuts of all flavors." Napanganga ang katabi niyang si Corl. "Nagtatae ba to ng pera? Parang ginto nga ang harina ng ang isang donut dito." Sabi niya sa sarili. "Anong coffee mo bis?" Tanong ni Cris. At kahit walang ka alam-alam, Chocolate Frappucino na lang ang inorder ni Corl. Nakuha na nila ang mga inorder at hindi malaman ni Corl kung anong flavor ng donut ang uunahin niya. Tagda-dalawang donut kasi ang inorder sa isang flavor. Bali, 20 flavors yung nasa estante at 40 donuts ang nasa harapan nila ngayon. "Ang yaman mo na bes ha. Grabe, napakaswerte mo talaga sa asawa mo." Napahinto sa pag ngiti si Cris. Napabusangot siya. Sino ba naman kasi ang susuwertihin sa isang taong mayaman nga kaso naglolokohan naman kayo. "HAHAHAHHAHAHAH." halakhak ni Cris. Mapait ang tawang yun, pero para kay Corl, tawang tagumpay iyon. Tagumpay sa pag-ibig, tagumpay sa Buhay, tagumpay sa lahat.Tagumpay. Pero ang puso ni Cris ay iba ang sinasabi. Palihim niyang sinasabi na wag hahangaan ang buhay niya. Dahil ang buhay niya ay isang comedya. "Eh kesa naman sa fiancé ko ngayon. Jusko, nagli-live in pa nga lang kami, napakapasaway na." Reklamo ni Corl. "Buti ka pa nga, fiancé mo pa lang yan. May oras ka pa para takasan at ayawan ang magiging buhay mo." Sabi sa utak ni Cris. "Yung trabaho, hindi permanente. Tapos pag nawalan ng trabaho, ayun. Maliligo sa alak ng isang linggo hanggang sa mabagok ang ulo." "Asawa ko nga. Ansarap lunorin sa alak at ibagok ang ulo." Palihim na naman niyang sagot. "Hiwalayan mo na yan bis. Mas magiging malala yan kapag nagpakasal kayo." Bumuntong hininga ito, at sinabing, "Mahal ko eh. Sobra." Kung siguro'y nasa college pa sila ni Corl, at kung siguro'y dalaga pa siya, maganda, at hinahabol-habol ng kalalakihan, baka ay pinagalitan niya na ito. Napaka tanga mo talaga. Bahala ka nga dyan, gaga. Iyan siguro ang matitikman ni Corl mula sa kanya. Pero iba na ngayon. May asawa na siya, at ngayo'y alam niya na ang pagmamahal. Magiging hipokrito lang siya kung sasabihan niya ng tanga si Corl, dahil isa rin siyang tanga. Tatanga-tanga. "Hindi ka na nga ba babalik sa pagka F.A. bes? Naghihintay kami sa iyo." Nagpapacute na sabi ni Corl. "Sayang naman kasi ang katawan mo. Oh, bata ka pa naman. 26 years old, maganda ang katawan, maganda ang mukha. Wala pang anak. Okay pa yan bes!" Dagdag pa ni Corl. Tama naman si Corl. Maganda pa rin ang katawan ni Cris kahit nangongonsumi na siya kay Grant. Hanggang ngayon, mukha pa rin siyang 20 years old. "Gusto ko ngang bumalik eh. Kaso baka pag-uwi ko, wala na akong balikan na asawa."/l Bulong niya sa sarili. "Gusto kong bumalik. Eh, kaso, itong asawa ko, namimiss kaagad ako. Gusto palagi na nasa bahay lang ako at nasa tabi niya, hehehe." Kinikilig niyang sabi. Alam niyang ang lahat na yun ay pawang kasinungalingan lang. Walang totoo sa anumang sinabi niya. Kahit ang kilig ay nagawa niyang pekein. "Ugh, ang sweet niyo talagang dalawa. Sana ol." Sabi na lang ni Corl. Halos mag iisang oras rin silang nakapag usap ni Corl. Nang matapos sila at nagpaalam na si Corl, iniwan niya lahat ng napamili niya sa sasakyan at bumalik ulit para mag gym sa katabing malaking gym ng mall. Una niyang pinuntahan ang threadmill at nakinig ng music habang tumatakbo. Nakapikit lang siya at dinadama ang pagtakbo niya. Okay lang naman ang music. Upbeat ito. Ang unang mabagal lang na takbo ni Cris ay mas pinabilis niya ng pinabilis. Na para bang may tinatakbohan siya palayo. Na para bang may gustong humabol sa kanya. Na para bang may gusto siyang layasan. Hanggang sa may tumulong luha. Binuksan niya ang mata niya at pinahid ang luha. "Letseng yan. Papatayin na talaga kita Grant, mapapatay talaga kita." Bulong ni Cris. Sa loob ng apat na taon, hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Grant sa kanya. Sweet pa rin ito, at mahal na mahal siya. Pero ganun nga ba talaga ang pagmamahal? Ganun ba talaga ang tamang pagpapakita ng pagmamahal? Ha? Binabayaran ang asawa ng pera upang magbulag-bulagan sa ka hayopang ginagawa niya? Tapos na siyang mag gym kaya naligo siya at bumalik na naman sa mall. Napagpasyahan niyang manood ng sine. Maganda ang movie, okay naman lahat. Pero naiiyak siya. Kaya nung saddest part na nung movie, dun na niya inilabas ang mga luhang kanina pa lang pinipigilan. Mag-aalas singko na nang matapos ang movie. May nakita siyang isang magandang stoll na kabubukas lang nang may biglang nag text sa kanya. "Baby where are you?" Si Grant lang pala. Alas sais umuuwi kadalasan si Grant, kaya nagtetext ito. Ang simpleng 'Hi babe' at 'Baby what are u doin?' Ay isang signal kay Cris na pauwiin na siya. Gusto ni Grant na nandun si Cris sa bahay pag umuwi siya. Yung tipong trophy wife. Nakaayos kahit nasa bahay, nakahain na ang pagkain, at nakasalubong sa kanya pag-uwi. "Letse ka, magpasalubong ka sa mga hindut mong kabit." "I'm just at home." Pagsisinungaling ni Cris at nagtungo na sa parking lot. Inilatag niya sa kwarto ang mga naipamili niya. Nakangiti siya at masaya sa naging bayad ng kanyang asawa sa kanya. Sinukat niya isa-isa ang lahat. Maganda at bagay na bagay sa katawan niya ang lahat ng napamili niya. Pati na rin ang iba't-ibang alahas na kanyang binili ng walang pagdadalawang isip. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ito. "That looks great on you." Biglang sabi ni Grant sa kanya. Nakangiti rin ito habang pinagmamasdan siya. "You think so?" Tumango tango naman si Grant at hinalikan sa pisnge si Cris. Sa kailaliman ng puso ni Grant ay naawa siya sa asawa niya. Mahal niya ito, at gusto niyang ibigay ang lahat-lahat ng nasa kanya. Gusto niyang bumawi sa lahat ng kahirapan na naranasan ni Cris noon. Kaya nga pinahinto niya ito sa pagtatrabaho at hinayaan mag shopping ng mag shopping. Pero, mahal niya rin yung isang babae. Mahal na mahal. At hindi niya kakayaning may mawala sa kanila. Ang iba nama'y wala lang. Gusto niyang magbuhay binata ulit, kung saan masaya at malaya siya. Gusto niyang maging malaya, pero hindi niya kakayaning iwanan siya ni Cris ng mag-isa. Sa ngayon, ang alam ni Grant ay walang kaalam-alam si Cris na may kinakalantari siyang iba. At masaya si Cris. Hindi lubos maisip ni Grant kung ano ang gagawin ng asawa niya pag nalaman nitong may kabit siya. Suntok, sampal, at mura ang aabutin niya. Dalawa lang ang pupwedeng kahantungan ni Cris: A. Makakapatay ito at baka habang natutulog siya ay pagsasaksakin na lang siya bigla. O B. Magpapakamatay ito. Pero sige. Sa ngayon, gusto niya lang makasama ang asawa niya. Bahala na kung ano man ang mangyari basta hinding-hindi niya bibitawan ang babaeng una at hanggang sa huli niyang mamahalin. Sa isip naman ni Cris ay pinagsasaksak niya na si Grant. Gusto niyang sampalin ang makapal na pagmumukha nito. Gusto niyang sumbatan, umiyak, sigawan at murahin ang taong katabi niyang kumakain ng haponan ngayon. Pero mas napapangiti siya pag nakikita si Grant. Sa apat na taon nilang mag-asawa, dalawang taon na niyang alam na may kabit si Grant. Alam na alam niya lahat ng pangalan, address at kung pano nagkakilala ang dalawa. Noong unang-una niyang pagkakataon na malaman na may kabit ang asawa niya, nasuka at umiyak siya ng umiyak sa loob ng kotse niya. Pero nang mag gabi'y niyakap niya ng mahigpit si Grant. Nagtaka ang kanyang mister pero ang tanging sinagot niya lang ay nalulungkot lang siya. Ang akala ni Grant ay busy siya sa pagwawaldas ng pera pero ang totoo'y sinusundan niya ang mga kabit ng kanyang asawa. Pero nakakapagod pala maging private investigator. Isang taon na simula nung hinayaan niya na lang. Sa apat na taon, 2 years lang siya nagawang mahalin ng totoo ni Grant. Yun ang 2 years na wala siyang kahati. Sa loob ng apat na taon, "I do" lang ang pinakamatinong na sabi ni Grant sa kanya. Nag dinner silang dalawa na maingay. Hindi ang kanilang bibig, kundi ang kanilang isip. Parehong nagtatanong, nangangamba, at malalim ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD