d u h a

1429 Words
The Writer's POV Kabababa lang ni Cris mula sa sasakyan niya. Konting walking distance lang ang pinagpark-kan niya malapit sa spa. Pupunta siya ng Spa sa araw na to. Gusto niyang ipatanggal ang mga blackheads sa ilong niya at kailangan niya na rin mag relax bago siya atakihin sa puso dahil sa kanyang asawa. Napalingon siya sa isang brunch Café sa tawid ng malawak na kalsada at nakita sa glass wall na may iba na naman kasama ang kanyang mister. Kung kahapon, ang kasama nito'y isang stripper, ngayon naman, isang hairstylist ang kasama nito. Alam na alam na ni Cris lahat ng kagaguhan ng kanyang asawa at dahil rin kay Grant, natuto siyang bumasa ng mga babae na mula sa iba't-ibang estado. Tamang-tama talaga. Kailangan na kailangan niyang mag relax dahil sa nakita niya. Yumuko siya upang hindi na maka distorbo sa asawa niya. Pero hindi pa nga siya nakakalayo ay nag ring ang phone niya. Tinignan niya ito at number pala ni Grant ang tumatawag. Lumingon ulit siya, at nasa labas na ng shop ang asawa. Hindi siya napansin nito, buti naman. Sinagot niya ang tawag. "Hey babe. Napatawag ka." Una niyang sabi. "Hon, asan ka?" "Nasa uh-spa? Bakit?" "May I take you to a date?" Napanganga si Cris. Nagde-date pa rin naman sila ni Grant pero hindi ganito. "Sa wakas, nakayanan mo na rin iwanan yang hindot na yan para sa akin." Pagpupunyagi niya sa utak niya. "S-sige. San ba?" Nakatitig niyang sabi kay Grant sa tawid ng highway. "Sa MOA. Sakay tayo ng Ferris wheel?" Yaya ni Grant. "Hmm. Okay." Sabi ni Cris at pinatayan kaagad ang asawa. "I-I love--" Samantala, may sasabihin pa sana si Grant nang p*****n siya bigla ni Cris. Kasama niya ngayon si Shaina, isa sa kanyang mga babae, at kabaliktaran ito ni Cris. Makulay ang buhok nito, malaya, at palaging masaya sa buhay. Kumbaga, Liberated. Ngunit bigla itong nag-iba. Nagsimula na itong magdamit kagaya ni Cris, magsalita at gumalaw ng mahinhin at malambing. "Babe, do you think you'll like it if I dye my hair to brown?" Caramel. Caramel brown ang buhok ni Cris. Kaka-pakulay lang din nito, at gustong-gusto ni Grant ang kulay nito. Wala pang halos isang buwan nang manghingi ito ng pera pampakulay ng buhok. Sabi niya, favorite niya daw ang fuscia at purple, kaya iyon ang pinili niyang kulay. At ngayon..... Ngayon ay handa itong sirain at patayin ang buhok niyang hindi pa nakaka recover magaya lang si Cris. "W-What the f**k do you think you're doing???" Inis na sabi ni Grant kanina. "Babe, please don't be mad." kalmado nitong sabi. "Gusto ko lang naman magpakulay ng brown." Sabi ni Shaina sa tono ni Cris. "Well, I don't like it. Bakit mo ginagaya si Cris???" "I'm not." "Yes, you are." Sa bawat pang-gagaya ni Shaina ay nakikita niya si Cris. Pero sa ibang babae. Sa babaeng pinagtataksilan niya. Sa bawat pang-gagaya ni Shaina kay Cris ay nakikita niya ang kanyang asawang umiiyak, at nagdadalamhati. Para nitong ipinapamukha kay Grant ang kalokohan niya kay Cris. Kaya kaagad siyang lumabas at tinawagan si Cris. Akmang ibabalik niya na ang phone niya nang makita sa tawid si Cris. Naglalakad ito pabalik sa sasakyan niya na tapat na tapat lang sa pinagkakainan niya at ng babae niya. Nanginginig si Grant. Bakit din naman kasi hindi niya man lang napansin. Na kada dalawang linggo ay nagpapa spa si Cris. At ang pinili pa talagang kainan ni Shaina ay sa tapat nito. Hindi niya alam kung tatawag ba siya ulit kay Cris o baka hindi sila nakita. Naihulog niya ang cellphone na hawak-hawak. Pero ba't ganun? Bakit hindi nagalit si Cris? Siguro oras na talaga para sabihin ang totoo sa kanya. "Just for one last time. Maipasyal ko ulit ang babaeng iniharap ko sa altar bago niya ako pandirian. Maging asawa man lang sana ako ngayong araw na to." Sabi niya sa utak niya. Nung araw ngang iyon ay naging masaya silang dalawa ni Cris. Naglaro sila, sumakay ng rides at kumain sa mga stalls. Sandali. Masaya nga ba si Cris? Pakinggan nga natin ang utak niya. "Hon, hindi naman matamis yung ice cream nila. Hanap na lang tayo ng iba." Reklamo niya. Natikman na ito ni Cris, at pang vegan kasi ang ice cream nila. Jusko, ano pa ang kwenta ng pagve-vegan-vegan at healthy living na yan kung mamatay din naman ako sa atake sa puso ng lalaking to??? "Matamis kaya. Baka nasanay ka lang sa sweetness ko." Hirit naman ni Grant at Tumawa si Cris. "Ayyyiiiee." Tukso niya sa asawa. 'Ahh. Di ako na inform na ganun pala ang way of being sweetness mo. Ang hayaan mo kong mag shopping mag-isa habang lumalandi ka sa ibang anak ni Eba, hayop ka.' Nage-enjoy naman si Cris na kasama si Grant. At thankful siya. Alam niyo kung bakit? Kasi bibihira lang ang ganitong pagkakataon na nakipag date ng biglaan si Grant. Pag nagde-date kasi sila, usually mga 3 days ahead para makapag pa reserve si Grant ng magandang restaurant, isang surprise, o di kaya makapag check in sa isang 5 star hotel. Tapos maka-cancel pala ang plano nila ng last minute ng dahil sa isang napakawalang kwentang dahilan. Sumakay sila ni Grant sa isang ferris wheel, kung saan nag komento pa ito ng, "Wow, ang ganda. Nakikita ko lahat." "Parang ako, hehehe." Sagot ni Cris. "Syempre, ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Mas maganda ka pa sa Ferris wheel." "Hindi, tanga." Sagot ni Cris sa utak. "Kasing ganda ko ang Ferris wheel." Tanaw ang lahat kahit sa malayo. Kitang-kita ko ang mga kagagohan mo. At isa pa, maganda kahit pinapaikot-ikot lang. Alam ni Cris na baka alam na ni Grant na may alam na siya tungkol sa dapat niyang alam sa mga kabit ni Grant at ang alam naman ni Grant walang kaalam-alam si Cris. Nang maghapon ay umupo sila sa sea wall at tinignan lang ang papalubog na na araw. "Naalala mo pa dati? Pag ganito na yung kulay ng ulap, nagtatago tayo para hindi tayo pauwiin ng maaga nina nanay at tatay?" Sabi ni Cris. "Tas hahanapin natin yung pintuan na papunta sa mundo ng engkanto kasi gusto natin kaining yung sinasabi nilang itim na kanin." Sagot ni Grant. Tumawa lang si Cris. Dati pa yun. "Ang tagal na nun. Di na nga ako naniniwala sa mga engkanto engkanto na yan." Ani niya. "Pati sayo." Matagal niya nang binitawan si Grant. Matagal niyang binitawan ang paniniwalang pwede pa. Na kaya pa. Matagal niya nang ibinaon sa kailaliman ang luha niya, pati na rin ang sakit at puot. Napahinto si Grant. Tama nga. Alam na ni Cris. Pero casual pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. "I-I've been cheating on you for 2 years. I-I'm so sorry. I'm so so so s-sorry." "Alam ko." Sabi ni Cris at ngumiti. Napaluha si Grant. Napatingin si Cris kay Grant pero wala siyang nararamdamang sakit o kahit ano. Ang nararamdaman niya lang ay manhid. Sanay na kasi siya. "Pero okay lang." Nagtaka si Grant sa sinabi ni Cris , kaya dinagdadagan niya ito. "Promise, okay lang." Niyakap ni Grant ang kanyang asawa at dun na ipinatulo ang kanyang mga luha sa balikat ng babaeng niloko niya. Pero hindi yun okay. Hindi talaga yun okay. "Nandidiri ako sayo, Grant. Nandidiri ako kapag tinatawag mo ko sa pangalang tinatawag mo rin ang mga kabit mo. Nandidiri ako sa tuwing tatabi ka sa akin sa gabi habang nakikita kitang nakikipagtalik din sa ibang babae. Ayoko na sayo, please, ayoko na. Palayain mo na lang ako." Umiiyak na sabi ni Cris sa sarili. Pero alam niyang hindi iyon mangyayari. Hiding-hindi papayag si Grant. Pagkatapos ng umiyak ni Grant ay kaswal silang umuwi. At nakauwi na sila mula sa pamamasyal. "Grant, gusto ko sana pumunta sa Aklan. May ticket na ako, tsaka malapit na ang kasal ni Jeck, yung highschool bestfriend ko. Andun rin si Corl." Pagpapaalam ni Cris. Okay na ang lahat at nakahinga na ng maluwag si Grant. Akala niya yun na ang araw na masasampal siya pero hindi. "Oh sige. Mag-iingat ka ha?" Paalala ni Grant. Ganito na lang ba talaga ang buhay ni Cris? Lahat ng galaw at desisyon ay kailangang pinapaalam? Lahat kontrolado? Pero palihim na nagpasalamat si Cris na hindi ito sumama sa kanya. Ayaw niyang binubuntotan siya, lalo na sa trip na ito papuntang Aklan. Kaya noong gabing yun ay nag-impake na si Cris. Dinala niya ang mga bago niyang napamili at ang konti niyang alahas. 7:30 A.M. ay nakasakay na si Cris ng barko patungong Aklan. At umalis siyang may mabigat na dalahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD