The Writer's POV
"Anong gusto mong gawin pag laki?" Tanong ni Cris sa kanya.
Sa isang iglap, ay mga bata ulit sila. Mga makukulit, maiitim at dugyot ang mga mukha, at nasa talahib nakahiga.
"Gusto kong maging sooooobrang mayaman. Yung sa sobrang yaman hindi ko na kailangan pa magtrabaho." Proud na proud na sabi ni Grant.
"Tapos, kapag mayaman na ako, isasama kita. Tapos hindi na tayo magtatrabaho. Di ba?" Tumawa naman si Cris sa sinabi ni Grant.
"Ikaw?" Bawing tanong ni Grant sa kanya. Tumingin lang ito sa mga bituin at sinabing, "Hindi ko alam."
Pero ngayon ay alam na ni Grant. At narinig niya na kung ano ang panalangin ni Cris.
"Gusto kong mabuhay ng matagal para makasama ko si Grant pag natupad niya na ang mga pangarap niya. Kasi yun din ang pangarap ko."
At sa isang pitik ay nasa harap na si Grant ng altar. Biglang bumukas ang pintuan, at nasa harapan nun si Cris.
Pero ngayo'y sila na lang dalawa. Napakaganda ni Cris, nang bigla itong nagsimulang umiyak.
"Grant....."
"Kasalanan ko ba? May nagawa ba akong mali?" Tanong nito habang umiiyak.
"Ako ba yung may kulang? Ako ba yung may mali??? Kailangan ko pa bang bagohin ulit ang sarili ko para maging bagay sayo???"
Natamaan ng malakas si Grant sa sinabi ni Cris. At ngayo'y umiiyak na naman siya sa harap niya.
Ngunit habang mas lalong lumalakas ang luha ni Grant, ay para bang mas nababasa si Cris. Na para bang sinasabuyan ito ng tubig.
"Bakit mo ko dadalhin dito kung sasaktan mo lang din naman ako?"
"Inisip mo man lang ba bago mo ko dalhin dito? Inisip mo man lang ba kung mahal mo ba talaga ako? Kasi ako oo."
"Kahit nagloloko ka. Nilulon ko lahat ng pasakit mo kasi nga, MAHAL KITA."
"Ngayon? Ayoko na, Grant. Ayoko na."
Pagkasabing iyon ni Cris ay basang-basa na ang kanyang gown. Natunaw na rin ang kanyang make-up, at nagkanda gulo-gulo.
Biglang itinapon nito kay Grant ang singsing at paatras na tumakbo.
Hahabulin sana ni Grant si Cris nang biglang nakarinig siya ng sigawan at kagulohan. Lumingon si Grant,
At bigla siyang nagising. May tumutulo pang luha sa kanyang mga mata.
Nakaupo lang si Grant sa bench at naghihintay ng susunod na biyahe. Pinahid niya ang kanyang mga luha, at nilingon ang dala-dalang maliit na backpack.
"Anong meron?" Tanong niya. "May lumubog po na barko papuntang Aklan." Sabi nung lalake.
A-Aklan???? f**k. Si Cris!!!!
Nagtatakbo siyang lumapit sa port. Mayroon nang mga nailigtas na survivor, pero yung iba'y....
Body bag na lang ang nakarating sa lupa.
May dumaan sa likod niyang dalawang lalake na pinagtutulongan na bitbitin ang body bag.
Sa di malamang dahilan, biglang tumulo ang luha ni Grant.
Mayroon siyang kakaibang naramdaman. Na para bang, ilang beses tinadtad ang puso niya.
"Sandali."
Awat niya sa dalawang lalake.
Dahan-dahan niyang binuksan ang body bag. At mas humagolgol siya ng iyak sa nakita.
Ang maputla niyang asawa na nakadilat ang mata at bahagyang nakangiti.
Niyakap niya ang basang-basa na bangkay at nakita ang kanang kamay nito na may nakasulat.
"Sana, sa susunod na buhay hindi na kita maging asawa."