Cris' POV
Nakarinig ako ng sigaw mula sa isang lalake. "Tumalon na ang lahat!"
Sa buong biyaheng ito, ilang beses kong tinangkang magpakamatay.
At ngayon, hindi ko na kailangan pang gawin ang ganun kalaking kasalanan dahil kinakatok na ako ni kamatayan.
Napangiti ako sa sinabi niya. Kaagad akong dumungaw sa lugar na tinatalunan nila. Napaka asul ng dagat at para silang mga isda na gustong-gusto mabuhay.
Bakit pa nila gustong mabuhay eh araw-araw na nga sila pinapatay? They're all saving the life they once cursed and took for ganted.
Alam niyo ba kung ano talaga ang gusto kong gawin sa Aklan? Tatakas sana ako papuntang Mindanao at palabas ng Pilipinas.
Pero alam niyo ba kung ilang beses kong tinangkang isipin na tumalon?
O di kaya'y pagdating ko sa Aklan ay iiwan ko ang mga gamit ko at pepekeing naglaho ako?
Pero ang totoo'y nagpakamatay na pala ako sa lupaing hindi ko kinalakihan.
"Ma'am magsuot po kayo ng life vest. Tsaka tumalon na po kayo." Sabi nung isang tripolante ng barko.
Tinignan ko siya at tinawanan. Natatawa ako.
Hindi araw-araw na may isang tao ang handa akong iligtas para hindi mamatay.
Kasi nung hindi pa dumating ang panahong ito, walang nakakarinig sa paghingi ko ng tulong.
"Away mag-asawa lang yan."
"Alam mo namang hindi mo pupwedeng hiwalayan si Grant, di ba? Siya ang umahon sa atin sa kahirapan."
"Maging mabuting asawa ka palagi sa anak ko, ha?"
At kahit pa sinabi ko sa sarili kong huwag nang umasa at kalimutan na lang ang lahat, hindi ko kaya.
Masyado akong naging mapagpanggap. Mapagpanggap at isang assumera.
Mapagpanggap na okay lang ako. Na okay kami ng asawa ko. Nagpapanggap na masayang-masaya ako kasi ayaw kong malungkot sila. Kaya kailangan kong ngumiti.
Simula noong bata pa ako hanggang ngayon. Sa panahong wala na kaming makain, sinabi ni Nanay na lumabas ako ng bahay at sabihing 'busog ako' kapag niyaya ako ni Grant ng pagkain. Kasi nakakahiya daw. Kasi hindi daw pwede.
Pinakasalan ko ang taong na kasama ko sa lahat ng sakit na dinanas namin. Naging masaya kami sa gitna ng sakit.
Pero ngayon? hahaha. Kung kelan masaya na dapat kami, bakit malungkot ako?
Bakit malungkot ako sa gitna ng kasiyahan?
Umasa at masyado akong nanalig na baka balang araw, magiging okay ako. Magiging okay kami. Kaya naghintay at naghintay ako.
Hanggang sa lumubog na nga ang relasyon naming mag-asawa.
Tama ang lalake. Magsuot ng life vest at iligtas ang sarili. Tumalon. Kahit nakakatakot. Kahit malunod ka.
Natawa ako. Lahat ng kabayaran ni Grant sa pambababae niya ay wala ng kwenta ngayon. Mamatay na ako.
Mamatay akong hindi man lang nasampal ang isa sa mga kabit niya. Ni hindi ko man lang napaalam sa kanya na nasaktan at nasasaktan ako.
I am not okay. Hindi yun okay.
Hindi niya ako minahal. Gusto niya lang na kasama ako. Na para bang aso.
Marami pa kami dito sa itaas ng barko. At sa di malamang dahilan, marami pa rin ang nandito.
Mayroong namatay dahil sa stampede. May namatay sa atake sa puso. May sanggol na naapak-apakan.
At may mga ibang tao ring kasama ko na iniiyakan ang mahal nila sa buhay. Na para bang mabubuhay ito sa luha nila.
May iba ding nandito lang, umiiyak. Takot silang tumalon dahil hindi sila marunong lumangoy.
Pero mamatay na rin naman sila sa pagkalunod.
Nakakita ako ng lumulutang na pentel pen. Kinuha ko ito at may isinulat sa kanang braso ko.
Humalakhak ako. Napakaganda ng istorya ng buhay ko. Sana'y natuwa kayo sa ginawa ninyong panloloko at pangga-gago sa akin.
"HAHAHAHAHAHHA."
Ipinikit ko ang aking mga mata bago tuloyang mawalan ng malay. At saka ko lang nakita ulit si Grant.