bc

Familia Montefalco Series 1:"Mi Amor Maria"

book_age18+
81
FOLLOW
1K
READ
powerful
heir/heiress
no-couple
mystery
others
crime
like
intro-logo
Blurb

Yella,isang babaeng lumaki sa isang payak na pamumuhay.Pangatlo sa pitong magkakapatid.At sa edad na 18 ay napagdesisyunan ng mag asawa.

Ang pangarap na simple,masaya at buong pamilya ay nasira ng mapagbintangan ang kanyang kinakasama at kalauna'y pinatay sa loob ng kulungan.

Hanggang saan nya dadalhin ang galit na nararamdaman?

Mailigtas kaya nya ang pamilya nya sa bingit ng kamatayan?

Mabibigyan pa kaya nya ng buong pamilya ang kanyang anak?

Ano ang matutuklasan nya mula sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
Capitolo 1:
(Freyja Kataliana's POV) ☆PRESENT DAY☆ Dahan dahan kong nililisan ang lugar na naging parte ng aking kabataan. Ang lugar na nagbigay sakin ng masasaya,malulungkot at mapapait na nakaraan. Napatigil ako sandali sa paglalakad at muling nilingon ang aking likuran. Hinding-hindi ko malilimutan lahat ng naging karanasan ko sa lugar na ito. Hinding-hindi ko kakalimutan ang lahat ng sakit na ibinigay sakin ng mga tao sa lugar na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang pagsira sa buhay ko,sa pamilya ko lalung-lalo na sa pagsira nila sa kinabukasan ng anak ko. "The plane is waiting Young Madam"anas ng bodyguard na nasa gilid ko. Pasimple ko pang pinunasan ang takas na luha sa aking pisngi bago muling itinuloy ang paglalakad. "Let's go then." ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆ (Yella's POV) ☆ YEAR 2015 ☆ "Yella" Napalingon ako sa aking likuran at nadiskubre kung sino ang tumawag sa akin. "O bakit?Akala ko ba may pasok ka?"ani ko sabay tapon ng winalis ko sa basurahan. "Tinanghali na ako ng gising eh,kaya di na ako tumuloy.Baka mapagalitan pa ako ni Bisor."sya sabay upo sa silya na nasa labas ng aming bahay."Eh ikaw ba,absent ka din?" "Hindi.Rest day ko daw sabi ni Bisor.Akala ko nga may pasok ako,nakagayak na ako nung tumawag si Bisor." "Wow naman!!Ikaw may rest day ako wala?"himutok nyang saad sabay pangalumbaba. "Paano,palagi ka kasing absent.May pahinga naman tayo twing linggo tapos ikaw pumapasok sa loob ng isang linggo ng tatlo hanggang apat na araw.Kaya malamang wala kang rest day." "Ang sabihin mo lang type ka ni Bisor!!" "Bunganga mo!Marinig ka nila Mama.Baka kung ano pa sabihin."pagsaway ko sa kanya. "Sus padeny ka pa.Totoo naman diba?Ewan ko lang kasi sayo bakit ayaw mo kay Bisor,eh kaya ka naman nyang buhayin." "Gaga ka bang talaga?Nakalimutan mo na ata na may asawa si Bisor.Ayoko namang maging kabit no!"sagot ko sa kanya. "Bakit magpapahuli ka ba?" "Bahala ka nga sa buhay mo!"kunwaring inis na saad ko sa kanya. Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.At nasa sala pa lang ako ng marinig ko ang sigawan sa itaas. "Pagsabihan mo din yang asawa mo!Masyadong mayabang!Akala mo naman kung sinong santa!!"galit na sigaw ni Ate Kaye,asawa ng pangalawa kong kuya,si Kuya Roi. "Ikaw ang manahimik dyan!Di kita ginagalaw tapos bigla mo akong babanggain,eh alam mong buntis ako!Palibhasa kasi inggit ka sakin kasi ako magkakaanak na samantalang ikaw hindi pa!"ganting sagot ni Ate Laine,asawa ng panganay naming kapatud,si Kuya Mar. "Boba!"muling saad ni Ate Kaye. "Inggitera!" "Anong sabi mo?" "Bingi kang tanga ka---" Magpapang-abot na sana sila ng biglang sumigaw si Mama ng pagkalakas-lakas "Mga punyeta!!"aniya dahilan para managimik ang lahat."Wala ng itinahimik ang bahay na to.Agang-aga,naririnig kayo ng mga kapitbahay.Hindi na kayo nahiyang mga hayop kayo." Magdadahilan pa sana si Ate Kaye ng pigilan sya ni Kuya Roi.At dahil alam kong wala rin akong magagawa ay bumaba na lang ako ulit at nag-asikaso ng umagahan. ---------- Pasado ala sais na ng hapon ng maisipan kong lumabas para bumili ng makakain.At habang naglalakad ay nakakita ako ng nag-iihaw sa kanto. Kaagad akong bumili ng tatlong isaw at isang hotdog,at ng maluto na ay bumalik na ako sa bahay namin. Habang naglalakad pabalik sa bahay ay nadadaanan ko ang mga nakalakihan ko ng mga tao dito.At katulad pa rin ng dati,hindi sila nagbabago.Katulad na lang ni Aling Maring na nakatira sa gilid ng kalsada.As usual,twing alas sais y media ng umaga at alas kwatro ng hapon ang oras ng tambay nya sa chismisan.Samantalang si Mang Ador naman nasa bilyaran twing hapon.Twing sabado naman parang may simbahan samin kasi napakatahimik ng mga tao.Habang twing linggo naman ay parang may pyesta sa lugar namin.Naglabas kasi ang asosasyon ng batas sa lugar namin kung kailan at anong oras ang kasiyahan at tsismisan.At ang mahuhuling lumabag ay may multang 50. Nagtatrabaho sa barangay ang Mama ko habang si Papa naman ay jeepney driver. Sa pitong magkakapatid,pangatlo ako sa panganay at ako ang panganay na anak na babae. Malapit na ako sa bahay namin ng tawagin ako ng kababata kong si Miguelito. "Tagay ka Yella"aniya sabay abot ng bote ng c2 sa akin. "Wala pang linggo diba?Ba't nag-iinom kayo?" "Paano mo nalaman na alak t---" "Baliw ka talaga!!Malamang pinapatagay mo ako kaya nalaman kong nag iinom kayo."ani ko sabay tawa."Itigil nyo na yan at baka maabutan kayo ng mga taga-barangay.Sayang din ang singkwenta." "Oo na oo na.Napakasungit mo naman.Nga pala Yella,balita ko may nanliligaw daw sayo doon sa pabrika ah.Kilala ko ba yon?Nagpapaligaw ka na ba talaga?" "At kanino mo naman nalaman yan?" "Dun kay Rana."aniya sabay tayo at lapit sa akin."So totoo nga?May manliligaw ka na?" "Eh ano naman ngayon kung meron?May problema ka ba don?"mataray kong saad sa kanya. "Siraulo ka!!"aniya sabay kutos sa akin. "Punyeta naman ang sakit?!Ano ba kasing problema dun?"ako sabay himas sa uli kong kinutusan nya. "Ilang taon ka pa lang ba?Alam ba to nila Ate Lara at Kuya Anjo?Eh ng mga kuya mo?Ako?Ba't ngayon ko lang to nalaman? "Ang dami mong tanong!Kakarindi ka" "Pero kasi Yella---" "Nakalimutan ko na may kailangan pa pala akong gawin sa bahay.Sige at mauuna na ako.Ingat kayo dyan ha?"ani ko sabay karipas ng takbo. Ng masigurong hindi sya nahabol ay bumalik ako sa normal na paglalakad.At ng makapasok sa bahay ay kaagad akong umakyat sa kwarto ko at doon simpleng kumain.Patapis pa lang ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko.Sa pagkabigla ay naibato ko ito at mabuti na lang ay tumama sa unan.Ng masigurong hindi na ito natunog ay muli ko itong kinuha at tinignan kubg bakit ito tumunog. Napangiti ako ng wala sa oras ng mabasa ang text. "Kita tayo bukas ng tanghali,sa ilalim ng puno.Dating gawi ha?Hihintayin kita padaba ko" Sa sobrang saya na nadarama ko ay halos mapasigaw na ako ng wala sa oras.Kaso naalala ko nandito silang lahat,baka mabisto pa ang sikreto ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.4K
bc

Daddy Granpa

read
292.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
62.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook