(Freyja Kataliana's POV)
☆PRESENT DAY☆
After more than 14 hours of flight,ligtas naman kaming nakarating sa Italy.
Kaagad na sumalubong sa akin ang mahigit 50 bodyguards at 10 maids na halos nakasuot lahat ng itim na damit.
Bigla ko tuloy naalala yung unang araw na dumating sila sa bahay namin.
Bumalik ako sa realidad ng magsalita silang lahat.
"Buongiorno signorina, bentornata in Italia"liriko nilang saad sabay yuko.
Saglit pa akong natulala at pinakiramdaman ang paligid. At nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay nakayuko pa din sila.
Patuloy lang ako sa pagtitingin sa kanila ng may lumapit sa akin na isang lalaking tantiya ko ay nasa edad kwarenta na.Tuwid na tuwid ang tindig nito habang may ngiting nakapaskil sa kanyang mukha.Ngunit hindi maikakaila ang pagkamasungit nito dahil sa makapal nitong kilay.Nakasuot ito ng kulay itim na american tuxedo,itim din na slack at itim na itim din at makintab na leather shoes.Halos makita ko na nga ang sarili ko sa sapatos nya dahil sa sobrang kintab.
'Baka mayaman sila sa kiwi?!'anang isip ko.
Napailing ako dahil na naisip kong iyon.
"Good morning Young Madam,welcome back to Quartiere principale.My name is Kelvin Balzano,and I'm the head leader of MSC.Señor Montefalco instructed me to take care of you."
Pinakatitigan kong mabuti ang nagpakilalang si Mr.Balzano.At napansin ko ang kaba sa mga mata nya.
"Young Madam,i know that you're still upset,but I'll assure you that I am th-----"
"Where is he?"seryoso kong saad dahilan para mapatigil sya sa pagsasalita.
"Señor Montefalco is in the meeting as of now.But he said he'll be home first before us.And he said he's waiting for your return."magalang nyang saad sakin.
"How 'bout the others?"
"They're also waiting for your return Young Madam."
Napatango akong tahimik bago muling tinitigan ang mga taong hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.
"Shall we go?"ani ko habang nakatingin pa din sa mga taong nakayuko.
"Yes Young Madam.This way please."aniya sabay lahad ng kanyang dalawang kamay at naunang maglakad.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid.
Gustuhin ko mang malibang dahil napakaganda pala talaga dito sa Italy ay hindi ko magawa.
Muling sumariwa sa isipan ko ang mapapait kong nakaraan.
Labing-apat na oras pa lang ang nakakalipas mula ng lisanin ko ang Pilipinas ngunit bakit pakiramdam ko'y parang isang dekada na agad ang lumipas.
Mapait akong napangiti ng maalala lahat ng nangyari sa buhay ko sa Pilipinas.
Natupad man ang pangarap kong makarating sa ganitong bansa ay may kulang naman.Dahil sa pangarap kong yon,ako lang ang mag-isang tumupad.Ako na lang ang mag-isang nakatupad.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
(Yella's POV)
☆YEAR 2015☆
Ng mapansing lunchbreak na ay kaagad akong lumabas ng pabrika at patakbong tinawid ang kalsada.
Ng makarating sa lugar ay kaagad kong pinuntahan ang isa sa pinaka-paborito kong lugar.
"Ruiz"
"Padaba."pagtatama nya.
"Oo nga pala.Padaba ko."ani ko sabay ngiti sa kanya.
Kaagad akong umupo sa tabi nya at inumpisahan na naming kumain.
"Nga pala padaba"aniya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Ano yon padaba ko?"
"Gusto kang makilala ni Cris."
Bigla kong naibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi nya.At pagkatapos non ay umubo ako.
"Padaba,dahan-dahan ka naman.O tubig,uminom ka muna."aniya sabay abot sakin ng tumbler habang hinihimas ang likod ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro kong ininom ang tubig.At ng masigurong wala ng natirang pagkain ay lumingon ako sa kanya.
"Nakakagulat naman kasi yung sinabi mo.Sana pinatapos mo man lang muna ako sa pagkain bago ka nagsabi.Sayang tuloy yung pagkain."
"Sorry naman padaba ko.Di ko naman aakalain na magugulat ka ng ganyan."aniya sabay balik sa pagkain."Eh bakit ka ba kasi nagulat?Hindi ka naman papatayin ni Cris eh."
"Alam ko naman kaya lang alam mong di ako sanay.Ilang taon na ba tayong magsyota?Bakit ngayon mo lang naisipan na ipakilala ako sa isa sa mga kapatid mo?"
"Alam mo namang kumplikado pa sitwasyon ko noon diba?Ayoko namang madamay ka sa gulong pinasok ko noon.Kaya ngayon lang kita maipapakilala kasi naayos na yung nakaraan ko."seryoso ngunit mahinahon nyang saad.
Ng marinig ang sinabi nya ay may naalala akong sabihin sa kanya.
"Tungkol nga pala sa mga bata,anong plano mo?Ano bang naging kasunduan nyo?"
"Hmmm.Susustentuhan ko sila.Kalahati ng sahod ko mapupunta sa kanila.Tapos twing sabado't-linggo sakin sila."
"Buti pumayag yung ina."ani ko sabay subo ng baboy.
"Wala naman syang choice.Kilala na ako ng panganay ko kaya kahit gustuhin nyang ilayo sakin yung dalawang bata,pipigil si Andrea dahil alam nyang Papa nila ako."
Napatango na lang ako sa sinabi nya.
Almost 3 years na kaming magkasintahan ni Ruiz.Nakilala ko lang sya thru facebook.Sa totoo lang talaga ay si Rana dapat ang magiging nobya nya pero nung araw ng meet up nila ay biglang nawala si Rana.Nagpasama kasi sya sakin noon at sinabi nyang may bibilhin lang daw sya sa mall para sa project nila kaya pumayag ako.Ngunit hindi ko naman inaasahang meet up pala ang pinuntahan ng gaga.
Kaya nung nalaman ko na may kameet up si Rana ay huli na.At huli ko lang din nalaman na kaya sya nawala ng araw na yun ay dahil may isa pa pala syang kameet up at iyon ang inuna nya.Kaya ang ending ng araw na yon ay kami ni Ruiz ang nagkakilala.At dun na nagsimula ang love story namin.
5 years ang tanda sa akin ni Ruiz.13 lang ako nung naging kami habang sya ay 18.At sa edad na 16 ay nakabuntis daw sya kaya may una na syang pamilya.
Kwento nya sakin noon,kaya sila nagkahiwalay nung babae dahil daw una,ayaw sa kanya ng pamilya ng babae at pangalawa naman ay nagloko daw yung babae.
Tubong Bicol kasi si Ruiz.Sya ang pinaka-panganay sa kanilang sampung magkakapatid.Kaya ng malaman ng pamilya nya na nakabuntis sya sa edad na 16 ay halos patayin daw sya ng tatay nya.
Masaya naman kami ni Ruiz.Hindi sya super gwapo pero di din naman pangit.Matangkad na lalaki si Ruiz,nasa 5'9 ang height nya.May matangos na ilong,malalaki at biluging mga mata,makapal at mahabang buhok,katamtamang laki at medyo brownish na labi at payat na lalaki si Ruiz.Ngunit hindi ko maikakaila na kahit payat sya ay napakalakas nya.Isang bagay na higit kong hinahangaan sa kanya ay ang pagiging madiskarte nya sa buhay.Madali kasi syang nakakagawa ng paraan para makahanap ng pera.
Kung alam ba ng pamilya ko ang tungkol sa kanya?
Hindi,kasi alam kong magagalit sila dahil nga napakabata ko pa.
Pangatlo si Ruiz sa mga lalaking dumating sa buhay ko at naging parte ng buhay ko.
Kung may nangyari na sa amin ni Ruiz?
Oo,yung unang beses ay nung nag-15 ako,at nitong taon na to ng mangyari yon at yun ang unang beses na may nangyari samin.Kaya ng malaman nyang sya ang unang lalaki na nakagalaw sa akin ay ipinangako nya na hinding-hindi nya ako iiwan at magiging masaya kami sa piling ng isa't-isa.At pinanghahawakan ko yon.
Halos limang buwan din nya akong niligawan noon bago ko sya sinagot.At sa ngayon,masasabi kong masaya kami sa isa't-isa at alam kong mahal nya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Pero ang kasiyahang nararanasan ko sa piling nya ay maglalaho lang palang bigla dahil sa isang balitang hindi ko napaghandaan.