(Freyja Kataliana's POV)
☆PRESENT DAY☆
Habang binabagtas namin ang daan papunta sa sinasabi nilang Quartiere principale ay pinagmamasdan ko ang bawat madadaanan namin.Medyo nalibang ako lalo na ng madaanan namin ang sikat daw dito na market na Via Mazzini.
"Young Madam,this Via Mazinni is one of the tourist spots here in Verona.Via Mazinni has lots of good shopping malls that I'm very sure you'll like.This place runs through the heart of the Centro Storico. The marble pavement of this pedestrianized street is worn by centuries of feet, and the buildings at either side house Verona's most elegant shops. Display windows show the latest in Italian and international fashions, with a mix of trendy names and local boutiques.So everytime people came here,they have wide smiles on their faces.But Via Mazinni becomes more beautiful when the night comes."ani Mr.Balzano.
Isa-isa pa nyang ipinaliwanag sa akin ang bawat madadaanan namin.At dahil sa pagkaaliw ay hindi ko na napansin na nasa tapat na kami ng daungan ng mga bangka.
Pagkababa sa sinakyan kong Mercedes G63 Armored Limousine ay malamig at sariwang hangin ang yumakap sa akin,habang nakakamanghang tanawin naman ang bumungad sa akin.Napakagandang dagat ang nasa harapan ko ngayon.
"Buona giornata signorina, benvenuta in prima fila, sono Augustino Costa, e sono il capo capo del CSL o Linee di navi da crociera. Il vecchio maestro Montefalco mi ha incaricato di portarvi al Quartiere Principale.Da questa parte la signorina"
At dahil wala akong naintindihan ay sumulyap ako kay Mr.Balzano.
"Oh,I'm sorry Young Madam.I'll translate it to you.Mr.Augustino Costa"aniya sabay turo sa lalaking nasa harapan ko at muling sumulyap sa akin." is the head leader of CSL or Cruise Ship Lines or in Italian word,Linee di navi da crociera.Old Master Montefalco instructed him to take you to the Main Quarter where the Familia Montefalcos are waiting for you.And this place is called front place."aniya ng may ngiti sa labi.
"Front Place?"ani ko na naguguluhan
"Yes Young Madam."
"Is this already our house?"
"No Young Madam.But Front Place or Prima Fila is just the entrance of our Main Quarter.
"Just an entrance?You mean----"
"You will see it later Young Madam."
"How 'bout this person?What was he talking about?"
"Well,Young Madam,Old Master Montefalco has lots of businesses here and everywhere.From lands,to air and to the sea.Mr.Costa and I are the leaders of Land businesses and Sea businesses.You'll meet the rest later Young Madam."
"Rest?"
"Yes Young Madam."
Pinilit kong intindihin ang sinasabi nya.Ngunit hanggang ngayon ay walang pumapasok sa isipan ko.
Masyadong mahiwaga ang pamilyang kinabibilangan ko.
"Young Madam,the Old Master is already in the mansion.He's waiting for you now."
"Alright."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
(Yella's POV)
☆YEAR 2016☆
"Okay lang sa akin Padaba ko.Unahin mo na muna mga anak mo.Kailangan ka nila."
"Ayoko.Gusto ko sumama ka."
"Pero padaba--"
"Padaba,alam mo naman kung bakit ayokong makita yung babaeng yun diba?Tsaka isa pa,ayokong mag-isip ka ng di maganda sa akin.Kaya mas maganda kung sasama ka na sakin pauwing bicol.Para habang maaga makilala ka ng mga anak ko."
"Pero kasi---"
"Wag mong sabihing di ka pa rin sigurado sakin?"
"Hindi sa ganun Padaba."
"Pwes sumama ka na sakin."
"Pero padaba,18 lang ako.Kapag nagtanan agad tayo,baka ipakulong ka ni Papa."
"Mahal mo ba talaga ako Yella?"
"Ano bang klaseng tanong yan padaba?Syempre oo per----"
"Pwes magsama na tayo.Doon tayo sa bicol maninirahan.Malayo sa mga taong kagaya ng mama mo,malayo sa gulo,malayo sa lahat."
"Pero Ruiz---"
"Bibigyan pa kita ng pagkakataong mag-isip.Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo.Hihintayin ko sagot mo."
Yun ang huli naming pag-uusap ni Ruiz.Halos isang linggo din ang nakalipas ng huli kaming magkita.Hindi ko tuloy alam kung anong nasa isip nya at kung paano ko sya kakausapin.
Sobrang mahal na mahal ko si Ruiz.Simula ng maging kami,halos sa kanya na umikot ang mundo ko.
Sa totoo lang,gusto ko ng pumayag sa alok nya.Pero natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin sa bicol.Hindi ko kilala ang mga tao doon,hindi ko alam ang lugar na yon.At isa pa,ayoko pang iwanan sila papa,lalo na sa sitwasyon namin ngayon.
Namatay kasi ang anak nila Kuya Mar at Ate Laine tapos may sakit pa yung bunso kong kapatid na si Kiana.Kaya sobrang nai-stress talaga ako.Tapos ngayon nadagdagan pa dahil sa nangyayaring gulo kay Ruiz at sa una nyang asawa.
Naospital kasi yung bunso nyang anak dahil sa komplikasyon sa buto.Kinakailangan daw maoperahan yung bata kaya ginugulo ng babae si Ruiz.At simula non,nagsumbatan na sila tungkol sa pagpapabaya sa bata at umabot pa sa demandahan ang away nila.Kapag daw hindi nagbigay ng pera si Ruiz ay ipapakulong nya ito,pero kung ayaw daw ni Ruiz na umabot sa korte ay pwede naman daw nila pag-usapan yon.At ng malaman ko yon,naunawaan ko na kaagad ang gusto nung babae.
Gusto nyang bumalik si Ruiz sa kanya.
May tiwala ako kay Ruiz pero dun sa babae wala.
Kaya pinapapili ako ni Ruiz kung sasama ako o hindi sa kanya.
Pagkapasok ko sa bahay ay tawanan agad ang narinig ko sa aming sala.At naabutan ko doon ang isang ginang na kaedad lang ni Mama at sa tabi nito ay lalaking mas mukhang matanda sa papa ko.Nasa kabilang silya naman ang isang binatilyo na tantiya ko ay kaedad lang ng aking kuya Roi.
"Yella andyan ka na pala."
"Sino sila?"
"Si Rosana,dati naming kaibigan ng papa mo."
"Hello po."
"Anak mo din ba to Lara?"
"Oo Osang.Pangatlo ko,panganay sa babae."
"Napakacute na bata.Ilang taon ka na ba nak?"
"Kaka-18 ko lang ho last month."magalang kong sagot sa kanya.
"Naku,pwede ka na pala.Sakto naghahanap kami ng mapapangasawa nitong anak kong si Jerald."diretsa nitong saad.
Nagulat ako dahil sa narinig ko at napasulyap sa lalaking nasa gilid ko.
"Mi naman.Binigla mo agad si Yella."
"Naku kunwari ka pa.Diba noon crush mo si Yella?"
"Mami!"
"Naku,totoo yon Lara.Crush nitong Jerald ko ang yong anak.At ngayong nakita ko si Yella,naramdaman ko kaagad na bagay sila nitong Jerald ko."
"Naku Osang,masyado pang maaga,pero wag kang mag-alala,kapag nasa hustong edad na si Yella,eh bakit hindi?Mukha namang mabait anak mo."ani Mama dahilan para makaramdam ako ng inis.
"Mabait talaga yang si Jerald ko Lara.Napakasipag at matalino pa.Kaya nga bagay sila ng anak mo."pagbibida pa nito sa anak nya.
At dahil hindi ko na matagalan ang pinag-uusapan nipa ay walang paalam akong umalis.
Kinagabihan din ng gabing yon ay nagtalo kami ni Mama.
Akala ko tapos na ang gulong iyon pero hindi pala dahil simula non,araw-araw ng napunta yung Jerald sa amin.At huli ko na lang nalaman na nanliligaw na pala ito kay Mama at Papa.At ipinagkalat pa ni Mama sa mga kapitbahay namin na manliligaw ko daw ito.
Kaya sa galit na nararamdaman ko ay harapan kong sinabi kay Jerald na may nobyo na ako pero hindi sya naniwala.At pinagpilitan pa din nya ang gusto nya.
Matitiis ko pa sana ang gnung bagay pero yung ipagkalat nila sa lahat na ipakakasal nila ako kay Jerald kapag nasa hustong edad na ako ay hindi ko na matiis.At dahil doon ay nagdesisyon na ako.
Kaagad kong tinawagan si Ruiz.Makailang ring pa ang naririnig ko ng sagutin nya ito.
"Ruiz handa na ako.Magkita tayo sa puno,sasama na ako sayo sa Bicol."