(Freyja Kataliana's POV)
☆PRESENT DAY☆
Inabot kami ng halos isang oras bago tuluyang tumigil ang yateng sinakyan namin.Kung sa front place ay malamig,sariwa at mabangong hangin pati malinis na dagat ang unang bubungad sayo,ay mas maganda pa pala ang kasunod nito.
Nakatingala kong tinignan ang isang lumang kastilyo na gawa sa bato.Di pa man ako nakakalapit sa pinakagate nito ay panigurado akong maging ang gate na pinaka-daanan papasok sa palasyong iyon ay malaki din.
Sinundan ko ang mahigit 100 na bodyguards at maids.Sa di kalayuan ay tanaw ko na agad ang isang sasakyan na pinalilibutan ng mahigit 20 na bodyguards at 10 maids.At katulad ng inaasahan ko,ng makalapit kami ay nagsiyukuan silang lahat.
"Buongiorno Nostra Signora, bentornata al Palazzo di Montefalcos"sabay-sabay nilang saad.
Tanging yuko lang din ang isinagot ko sa kanila at nauna ng sumakay sa kotse.
Higit-kumulang 30 minutes pa ang binyahe namin bago kami nakarating sa kulay itim na itim na malaking gate na kanina'y tinatanaw ko lang sa di kalayuan.
Habang dahan-dahang binubuksan ng mga tao ang malaking gate na iyon ay muli akong sumulyap sa likuran.Napakataas ng mga puno dito sa Verona.Kulay berdeng-berde ang mga halaman dito.Talagang makakalimutan mo ang problema dito.
Habang papasok kami ay nagsipagyukuan lahat ng mga taong madadaanan namin.At hindi na ako maninibago,unti-unti na akong nasasanay.
At mula sa loob ng kotse ay tanaw ko na ang buong paligid sa likod ng malaking itim na gate.Akala ko kastilyo lang ang naroon ngunit nagulat ako dahil para palang isang subdibisyon ang nasa likuran ng gate na iyon.At halos lahat ng nadadaanan namin ay nagsisipagyukong lahat.
Parang isang exclusive subdivision ang mga bahay dito.Ang mga bahay dito ay may dalawang palapag at may mga nakatayong puno sa bawat gilid nito.Bawat isa din ay may mga mamahalin at kilalang sasakyan.
"Young Madam,this place was called "Il posto del popolo" or "The People's Place.Those houses were owned by our Old Master Montefalco,and those families who lived there were also our people."
"People?"
"Yes Young Madam.They were working exclusively on Familia Montefalcos.And until they die,they will always be our people."
"So may pabahay si Gurang!"anang isip ko.
Napailing na lang ako sa naisip.
Maya-maya lang din ay saglit na tumigil ang sasakyan na kinaroroonan ko.At ng alamin kung ano ito ay nagulat ako ng makitang isa pang malaking gate.Ngunit ito ay kulay maroon naman.At sa gilid ng malaking gate na ito ay nakatayo ang mataas na mga pader na animo itinayo noong panahon ng giyera.Ang mga pader ay may mga nakasabit na mga ligaw na halaman.
Ng tuluyan ng bumukas ang gate ay muling umandar ang sasakyan.At mula sa loob kung nasaan ako ay halos mapanganga ako.Sa bawat gilid ay may mga malalaking halaman na halatang maze.Habang sa gitna ay matatagpuan ang isang kulay puting fountain na nagbubuga ng marami at malinis na tubig.
Saglit na umikot ang aming sasakyan hanggang sa tumigil kami sa mismong tapat ng napakalaking kastilyo.
Mas malaki pala ito ng malapitan.
Kaagad akong pinagbuksan ni Mr.Balzano ng pintuan.At ng makababa ay mangha ko pa ring pinagmasdan ang kastilyong nasa harapan ko na.
"Benvenuta a casa nel quartiere principale, la nostra giovane signora."pagbati nila sa akin.
Dahan-dahan at kabado akong naglakad papasok sa nakabukas na kulay maroon na double door.At ng bumukas ay isang mahabang pasilyo ang bumungad sa aking mga mata.
"Buon giorno Young Madam.My name is Javier D'Angelo.I am the Head Leader of the Affari esterni al castello.The Old Master and the Young Masters are at the living room.They're already waiting for you.Come this way Young Madam."
Lumiko kami at nilagpasan ang tatlong pintuan na magkakatapat bago kami tumigil sa isang pintuan na nasa gitna.Mula sa labas ng pintuan ay nakatayo roon ang anim na bodyguards at 10 maids.Saglit na nagyukuan sila bago nila binuksan ang pintuan.At ng makapasok ay nakita kong muli ang lalaking minsan kong kinamuhian ng husto.Katabi nito ang apat na lalaking may madidilim na awra.Kaagad itong tumayo at lumapit sa akin.
"Welcome back to the family Mia Figlia.Welcome to the real world."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
(Yella's POV)
☆AFTER 2 YEARS☆
"Ano na?"atat nyang saad sa akin.
"Teka lang naman Ruiz,napaka-atat mo eh."iritable kong sagot sa kanya.
"Gusto ko na kasing malaman."aniya ulit sabay lapit sa akin."Ano may laman na ba?"
"O tignan mo para manahimik ka na."ako sabay abot sa kanya ng p.t na kanina ko pa hawak-hawak.Ng maibigay ay kaagad akong umupo at pumangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana."O bakit nanahimik ka?Wala pa rin diba?Sabi ko naman sayo na hindi pa natin p-----"
"Anong katangahan pinagsasabi mo?Anong wala?Tinignan mo ba talaga to bago mo iabot sakin?"
Dahil sa sinabi nya ay kunot-noo ko syang tinitigan ulit.
"Ruiz wag mong sabihin----"
"Sabi ko naman sayo e!Malakas semilya ko kaya panigurado mabubuntis na kita.Kita mo na,may laman na yang tiyan mo.Sa wakas magkakaanak na ako sayo hahaha"mala-demonyo ngunit masaya nyang saad.
Kaagad akong tumayo at hinablot sa kanya ang p.t.At tama nga sya.Two red lines.
"Pero kanina--"
"Di mo kasi ata hinintay eh."
"Buntis na nga ako."
"Oo nga,nalamanan na kita sa wakas---aray puta!"
"May nakakatuwa don?"
"Bakit galit ka?Masaya lang ako padaba"
"Hindi saya yang nararamdaman mo,laman-laman ka dyan?So pinakasalan mo lang pala ako para anakan lang ganun?"
"Hindi no.Syempre pinakasalan kita kasi mahal na mahal kita.Kaya nga sobrang saya ko nung nakita kong positibo ka kasi magiging isang pamilya na tayo.Diba pangarap natin yon matagal na.At ngayon matutupad na."
"Sure ka?"
"Oo naman.Bakit ayaw mong maniwala?"
"E kasi naman e----"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong hinila.
"Teka saan tayo pupunta?"
"Sa kwarto"
"Bakit?"taka kong tanong.
"Patutunayan ko sayo yung pagmamahal ko sayo."
Oo.Natuloy ang pagtatanan namin ni Ruiz.At oo,sobrang hirap ng dinanas namin bago kami matanggap ng lahat at maikasal.
Hindi natuloy ang kasuhan nila dahil nakaligtas yung bata mula sa sakit.At simula noon,nangako yung babae na hindi na nya kami guguluhin ni Ruiz.Nagkasundo na rin sila tungkol sa bata.
Last year lang kami naikasal.At aaminin ko,sobrang saya ng naging pagsasama namin.Kaya ngayong buntis na ako ay masasabi kong perpekto na lahat para sa aming dalawa.At sisiguraduhin kong mas patitibayin pa namin ang aming relasyon para sa magiging anak namin.
☆AFTER A YEAR☆
Tahimik kong hinehele si Reiza habang naglalatag naman ng higaan si Ruiz.
"Padaba,ihiga mo na dito si Iza."ani Ruiz .
Kaagad kong inilapag ng dahan-dahan ang aming munting prinsesa.At ng masigurong maayos na ang kanyang pagkakahiga ay tahimik namin syang pinagmasdan.
Ligtas at normal kong naisilang ang aming panganay na anak.Sa ngayon ay apat na buwan na si Reiza.Reiza Selene ang naisip naming ipangalan sa kanya.Reiza na pinaghalong pangalan namin ni Ruiz at Selene na nangangahulugang Moon Goddess.Nung buntis kasi ako sa kanya ay lagi akong nakatanaw sa buwan.Kaya naisip kong dagdagan ang pangalan nya na may koneksyon sa buwan.
Mas lalong naging masaya ang pagsasama namin ni Ruiz lalo na ng dumating si Reiza sa aming buhay.Ngunit lahat pala ng kasiyahan ay biglang maglalaho sa hindi mo inaasahang pagkakataon.