Capitoto 5

1171 Words
☆PRESENT DAY☆ Mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ng nagpakilalang tunay kong ama,si Adolfo Montefalco. "I'm really glad you made the right choice my child.Don't worry,I'll give everything you want.I will support to anything you want to do." Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Anyway,I want you to meet your 5 elder brothers." Isa-isa silang naglapitan sa akin.At ang kabang naramdaman kong makita ko sila ay naglahong bigla ng yakapin nila akong bigla. "Watashi wa anata ni au koto wa nai to omotte imashita. Fureiya-ka ni yōkoso. Watashi wa anata no 2-banme no ani, montefaruko ichizoku no 2-banme no wakai masutā, watashinonamaeha sheikusupiagaburieru kūgun chūidesu."anang lalaking may kasingkitan at kulay berde ang mata na naka-army cut. Napatanga akong bigla dahil sa pagsasalita nya. "Oh sorry.I'm Air Force Lieutenant General Shakespeare Gabriel,the 2nd Young Master and your 2nd eldest brother.I'm half Japanese half Italian and half Filipino." "Ik ben procureur Andrew Everett, uw 5e oudste broer en de vijfde jonge meester van deze familie.In English,I'm Attorney Andrew Everett,the 5th Young Master.And I'm half Dutch."anang lalaki naman na may kalakihan ang kulay tsokolateng mga mata.Naka-undercut ang style ng buhok nya. "Engineer Hensley Luke.3rd Young Master.Half Portuguese. Prazer em finalmente conhecê-lo, Alteza."anang lalaki sabay yuko.Ito naman ay may itim na itim na kulot na kulot na buhok.Kulay abo ang mga mata naman nito. "Doctor Ethan Armstrong.4th Young Master.Tanıştığıma memnun oldum küçük kız kardeşim.Im half Turkish."anang lalaking kulay blue ang mata na nakasuot ng salamin. Katulad kanina ay yuko lang din ang itinugon ko sa kanila.At napasulyap ako sa isang lalaki matalim at salubong ang mga makakapal na kilay na nakatitig sa akin. "Figlio mio, cosa c'è che non va? Non vuoi incontrarla?"anang matanda. "Papà, forse il fratello è solo un po' timido, ma so che è felice."anang Hensley Luke sabay lingon sa lalaking nakasimangot at biglang tumawa. "Stai zitto."inis na saad naman nung lalaking nakasimangot. "Allora vieni qui, incontra la nostra sorellina."saad naman nung nagpakilalang Lieutenant General. Saglit na huminga ng malalim yung lalaki bago malalaking hakbang na lumapit sa akin.Pinakatitigan nya muna akong mabuti bago nya inilahad ang kanyang kamay sa akin. "Pervyy molodoy master i general'nyy direktor Dzhovann Liam. Rad vas videt.Half Russian." ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆ ☆REIZA'S 1ST BIRTHDAY & CHRISTENING☆ Habang busy ako sa pag-aasikaso ng mga bisita ay nagulat ako ng lumapit sa akin ang biyenan kong lalaki. "Bakit po Papa Rom?" "Ang agom mo,andito ba?" "Nasa likod po sya,kainuman po yung mga kumpare nya.Bakit po,may problema po ba?" Ngunit hindi na ito sumagot at dumiretso sa aming likod bahay.At dahil may napasin akong kakaiba ay sinundan ko ito at naabutan ko na lang mula sa aking kinatatayuan ang asawa ko na nakaupo sa sahig. Akmang susuntok si Papa Rome ng takbuhin ko sila at pinigilan sila. "Papa Romeo,ano po bang problema?Araw po ngayon ni Reiza,hindi po ba pwedeng pag-usapan muna natin yan sa loob mamaya pagkaalis ng mga bisita?" "Mamaya?Bakit sa akala mo ba makakausap pa natin ang asawa mo mamaya?"galit nyang saad sa akin. "Hindi naman po maglalasing si Ruiz Pap----" "Galing ako sa barangay dahil may natanggap akong tawag kay Kapitan.May mga dumating daw na pulis at hinahanap ang hayop na yan!"aniya sabay turo kay Ruiz. Lahat kami ay gulat na napatingin sa aking biyenan. "Pulis.Bakit may pulis?Anong tungkol sa pulis Papa Romeo?Ruiz?"ani ko sabay salit ng tingin sa kanilang dalawa "Hindi ko alam Padaba.Maniwala ka sakin----" Hindi na naituloy ni Ruiz ang sasabihin nya ng patqkbong lumapit sa amin ang bunsong kapatid ni Ruiz na si Yong. "Kuya Isong,may mga pulis na naghahanap sayo." "Pu---pulis?B---bakit daw?" "Hindi ko din alam ate.Pasensya na." Ilang segundo lang din ang lumipas ng may lumapit sa amin na limang lalaking nakasout ng unipormeng pang-pulis. "Sino ho dito si Ruiz Belmonte?"anang nasa unahan. "Ako ho Ser.Bakit po?" "Amin po kayong inaaresto sa salang pagpatay kay Jerome Bichoso noong August 25,last year.Kayo ho ay may karapatang kumuha ng attorney........."anang pulis habang yung apat ay lumapit kay Ruiz at nilagyan sya ng posas sa kamay. At dahil sa narinig ay bigla akong nanghina at ng makitang pinoposasan nila si Ruiz ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Ng magising ako ay ang mugtong mata ng biyenan kong babae ang bumungad sa akin.Sa mga bisig nya ay naroon si Reiza,mahimbing at mapayapang natutulog. "Mama Gemma,si Ruiz po.Asan po sya?" "Ang sabi ng Papa Rome mo,iniinterview daw nila si Ruiz.Yella ang anak ko,imposibleng magawa nya yon" "Ano ho bang sinasabi nilang pinatay.Sino ho pinatay ng asawa ko?" "Jerome ata pangalan nun.Sabi ng Papa Rome mo,may ebidensya na nagpapatunay ng pagpatay ni Ruiz dun sa lalaki.Yella anak,natatakot ako para kay Ruiz.Kilala ko ang anak ko,hinding-hindi nya yon magagawa.Hindi sya ganung tao.Hindi sya kriminal." "Alam ko ho Mama Gemma.Wag po kayong mag-alala,may awa ang Diyos sa atin.Sigurado po ako,makakalabas din po agad si Ruiz .Gagawa po tayo ng paraan Mama Gemma." Ngunit akala namin ganun nga kadali pero nagkamali kami.Dahil inabot pa ng halos tatlong buwan si Ruiz sa kulungan.At aaminin ko,sobra akong nahihirapan aa twing dadalawin ko sya sa kulungan.Dahil sa twing pupunta ako doon upang bisitahin sya ay puro sugat at pasa ang una mong makikita sa kanya.Di man sya nagsasalita pero kitang-kita ko sa mga mata nya yung pagod at hirap na dinadanas nya sa loob. "Ano na daw balita?Makakalaya naman ako diba?Padaba makinig ka.Wala akong alam sa pagkakapatay sa lalaking yon,ni hindi ko nga yun kilala." "Alam ko" "Pero ipinipilit nila na may ebidensya daw na ako ang pumatay." "Ruiz....."paos kong saad. "Padaba" "Nung araw na yon,saan ka galing?Bakit madaling araw ka na nakauwi nun?Bakit nung umuwi ka sa bahay nun,ba----bakit may dugo ka sa damit?"nahihirapan kong saad. Sagit syang natigil at tila nag-iisip. "Ruiz---" "Andun ako nung gabing yon." "Ruiz paanong----" "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na naabutan ko na lang sya doon na naghihingalo na?" "Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin nung gabing yon?Paano ka nagkaroon ng dugo sa damit---" "Sinubukan ko syang itakbo sa ospital,itinayo ko pa sya noon pero hindi na nya kinaya.Nung gabing yon,ayaw ko syang iwan pero nung nakita kong may mga papalapit na tao,Yella natakot ako.Natakot ako na baka ako ang pagbintangan nila----" "Pero bakit nga di mo sinabi sakin?Eh di sana nagawan natin ng paraan noon diba?" "Dahil ayokong mag-alala ka sakin.Ayokong ma-stress ka dahil kapapanganak mo lang non kay Iza.Ayokong maapektuhan kayo sa nangyaring yon." "Pero Ruiz...." "Sinabi nila may cctv dun sa lugar.Subukan mong humingi ng kopya o kaya humingi ka ng tulong para mapanood mo yon.Wala talaga akong kasalanan Yella.Mamatay man ako dito ngayon mismo sa loob ng kulungan,hinding-hindi ko gagawin yon." "Oo Ruiz,gagawa ako ng paraan.Pero mangako ka sakin ha?Ingatan mo sarilo mo dito.Habang ginagawa namin parte namin sa labas,mangako ka na wala kang gagawing bagay na makakasama sayo dito ha?Kailangan ka pa namin ni Reiza okay?" "Mahal na mahal ko kayo ni Reiza padaba." "Mahal na mahal ka din namin padaba.Mahal na mahal kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD