(Freyja Kataliana's POV)
Matapos kong makilala ang lima kong kapatid na lalaki ay naisipan ko ng magpahinga.
"Can I see my room now?I want to rest."
"Oh sure.I'll take you there."
Hindi na ako sumagot pa at nauna ng naglakad.Habang naglalakad ako ay sinusuri kong mabuti ang paligid.Papalapit pa lang ako sa pintuan ng magsalita sya.
"That's not the way to your room My Child.This way."
Habang sinusundan sya ay naisip ko kung gaano kalaki ang mansyon at lugar na to.
"I wanted to take you around the whole mansion but I noticed you were tired so let’s just do it tomorrow."
Hindi pa rin ako umimik.
Ang unang palapag ng mansyon na ito ay tinatawag nilang La sala dei passanti o"The Passerby Hall".Ito ay may limang kwarto.Ang unang kwarto sa kanan ay tinatawag na Sala interrogatori o Interrogation Room.Dito daw iniinterview ang mga unang pasok sa lugar na to.Ang ikalawa naman ay tinatawag na Registration Room o Sala registrazioni.Dito naman nakalagay lahat ng mga taong nakatira,nagtatrabaho at nasa pangangalaga ng tunay kong ama.Ang dalawa namang kwarto sa kaliwang bahagi ay tinatawag na Camera di sicurezza 1 e 2 o Security Room 1 and 2.Ang salang pinanggalingan ko ay hindi pala ang pinakasala ng bahay na ito.Ang lugar na iyon pala ang pinaka-main entrace ng mansyon.Huli ko lang napansin na may mga body scanner sa magkabilaan.Sa unang tingin ay mukha lang itong poste sa magkabilaan ngunit kung tititigan mong maiigi ay mapapansin mo ang pag-iiba nito ng kulay.Sa kwartong yon pala ay malalaman agad kung ang papasok ay isang kalaban.
Napansin ko na hindi kami lumabas sa kwartong ito bagkus ay dumiretso kami at tumigil sa harap ng fireplace na kulay puti.Sa itaas ng fireplace ay may sampung vase nay may iba't-ibang kulay at may nakadikit naman na simpleng painting sa pader.Saglit nyang hinawakan ang pinakamaliit na vase na nasa gitna at nagulat ako ng biglang umilaw yon ng kulay maroon.Matapos masaksihan ang pangyayaring iyon ay mas nagulat ako ng biglang mahati sa gitna ang fireplace at ang painting.
'May sikretong kwarto sa likod ng pader na to?Buti hindi nasunog!'anang isip ko.
Nakatanga pa rin ako ng muling magsalita ang matandang nasa harapan ko.
"Did I scare you?Don't worry,I'll tell you about this mansion by myself.Just like what I did to your brothers."
Ng sabihin nya iyon ay lumingon ako sa likuran ko at nakitang nakangiti yung apat na lalaki maliban sa lalaking nagpakilala na Liam.
'Gwapo sana napakasungit lang!Baka pinaglihi ng nanay nya sa sama ng loob kasi pakboy yung nakabuntis sa kanya.'
Napalunok ako dahil sa naisip ko.
Muling bumalik ang isip ko sa realidad ng tumabi sa akin yung General.
"Let's go Imōto,we'll take you to your place."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
(Yella's POV)
Sinubukan kong pakiusapan yung pulis na ipasilip sakin ang CCTV na sinasabi nilang ebidensya laban kay Ruiz pero wala akong nahita.Naglumuhod na ako at umiyak ng umiyak pero di nila ako pinagbigyan.Confidential daw ang ebidensya at makikita ko lang daw yun kung may abogado akong dala.
Pero saan ako kukuha ng private attorney?
May nakuha kaming attorney,pero sa PAO.Sinubukan ko na ring humingi ng tulong sa kanya pero wala rin.Marami daw syang inaasikasong kaso kaya hindi nya ako mapagbibigyan.Gusto ko ng sumuko pero sa twing naiisip ko kung ano ang nasa CCTV ay bumabalik ang kumpyansa at pag-asa ko.Nasa video na yon ang kinabukasan namin,nasa video na yon ang katotohanan at nasa video na yon nakasalalay ang kalayaan ni Ruiz.
Ngunit ilang oras na akong nakikiusap pero wala pa rin. Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa.At dahil sa nararamdamang pagod at gutom ay nanghihina akong lumabas ng police station.Sa labas ng police station ay umupo ako at yumuko.At mula sa pwesto ko ay naramdaman ko ang patak ng ulan.
Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagtulo ng aking mga luha.
Tumingala ako at pinagmasdan ang paligid.
Habang nagtatakbuhan ang mga tao ay patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.
Mapait akong napangiti.
Anong bang naging pinakamalaking kasalanan ko?Bakit sa akin pa nangyari to?Bakit sa pamilya ko pa?
Ito na ba ang kabayaran sa pagiging walang utang na loob kong anak?
Hanggang saan ko to dadalhin?Hanggang kailan ko to dadanasin?Ayoko namang lumapit sa mga magulang ko dahil panigurado ako na sisisihin nila ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko.
Muli akong yumuko at di na pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.Hindi ko na nga alam kung ulan pa ba o luhaang nasa mukha ko.Basta ang alam ko lang,umiiyak ako kasi masakit na talaga.
Umuulan pa rin ng malakas ng maisipan kong umalis.Wala pa ako sa kalahati papauwi sa aking bahay ng makaramdam ako ng hilo.At dahil sa nararamdamang pagod at gutom ay tuluyan na akong natumba at napahiga sa sahig.Susubukan ko pa lang sanang tumayo ng mapansin kong may tumigil na mamahaling sasakyan sa harapan ko.Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay pinilit kong titigan ang lalaking pahangos na bumaba at lumapit sa akin.
"Stay awake La mia sorellina,I'll take you to the hospital."