(Freyja Kataliana's POV)
☆PRESENT DAY☆
Bago tuluyang lumapat ang hintuturo kong daliri sa button na nasa gitna,ay nakaramdam ako ng kakaiba.
'Hindi.May mali dito'anang isip ko.
Pinakatitigan kong mabuti ang tatlong button at muling huminga ng malalim.
Walang pagdadalawang-isip kong ibinaba ang kamay ko at muling tinitigan ang button.But this time,pinaliit ko ang aking mga mata at malapitang tinitigan ang tatlong button.
'Sa unang button sa itaas ay may malilit na butas at sa bawat butas ay mayroong lumalabas na kulay itim.At pakiramdam ko ay hindi maganda ang lugar na nasa likod ng button na ito.
Hindi ito.
Ang button naman na nasa gitna ay walang butas ngunit may mga nalabas na hangin sa bawat gilid.At kakaiba ang amoy ng hangin na nalabas dito.Parang amoy gas!!
Hindi din ito.
Ano naman ang ikatlo?'anang isip ko.
Madiin kong pinakatitigan ang huling button at napaawang ang bibig ko ng may mapagtanto.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
(Yella's POV)
Ng makauwi sa bahay ay kaagad akong sinalubong nga aking byenan na babae habang buhat-buhat ang natutulog kong anak.
Agad kong kinwento sa kanya lahat ng nangyari ng araw na yon.At katulad ng dati,iyak lang ang naging sagot nya sa lahat.
**********
☆2 YEARS AGO☆
Inabot pa ng halos tatlong buwan ang pagmamakaawa ko sa mga pulis ng may lumapit na isang lalaki sakin.
Mula sa malaki nitong tiyan na akala mo ay buntis,kalbo din ang lalaking ito.Sakto lang ang tangkad nito at moreno ang kulay.Pero may itsura ang lalaking ito.
"Narinig kong gusto mong mapanood yung cctv video.Pwede kitang tulungan kung gusto mo lang.Madali ka lang naman sigurong kausap hindi ba?"
"Tu---tutulungan nyo po ako?"
"Oo naman,basta ba papayag ka sa gusto ko"
"Kahit ano po gagawin ko,tulungan nyo lang po ako."
"Sige,mamayang hapon hintayin mo ko sa may bakanteng bahay dun sa kabilang kanto.Susunduin kita doon.Hihintayin mo ako ha?"
"Pero Sir,bakit di pa ngayon?"
"Nakaduty ako diba?Tsaka isa pa,Confidential Evidence yung hinihingi mo.Kailangan ko munang kopyahin yon ng palihim para maipanood ko sayo.Kaya antayin mo ako doon."
"Hindi nyo naman po ako niloloko diba?"
"Of course hindi.Sa ganda mong yan lolokohin pa ba kita?Tsaka isa pa,alam kong kailangang-kailangan mo yun kaya tutulungan kita."
Katulad ng napag-usapan namin ay inantay ko sya sa may bakanteng bahay na nasa kabilang kanto lang.At halos inabot na ako ng ilang oras bago sya dumating.Kaagad nya akong pinasakay sa kanyang sports car na kulay asul.
Habang binabagtas namin ang byahe ay napansin kong parang napapalayo na kami.
"Saan po ba tayo pupunta Sir?Parang napakalayo naman na po nito."
"Wag kang mag-alala.Dadalhin kita sa hideout ko.Doon ko ipapakita sayo yung video."
Hindi na ako umimik at nanatiling tahimik.Sa buong byahe namin ay takot ang nararamdaman ko.
'Baka mamaya rape-in ako nito tapos patayin.'
'Paano kung niloloko lang nya ako?'
'Ano bang magiging kapalit ng pagtulong nya sakin?'
Kung anu-ano ng pumapasok sa isipan ko.Pero dinedma ko na lang yon dahil mas kailangan kong makita yung laman ng CCTV.
At matapos ang mahigit limang oras na byahe ay tumigil kami sa isang abandonadong mansyon.
Kung pagmamasdan ang itsura nito sa labas ay iisipin mong lugar ito para sa mga taong papatayin ng pasikreto.Dahil bukod sa madilim,madamo at tahimik ang lugar na ito.Nataon pang nakatapat ang mansyon na to sa gubat.
Ng makitang pababa nya sya ay bumaba na rin ako.
Mas lumakas ang takot na nararamdaman ko ng bigla syang magsalita.
"Halika na,may gagawin pa TAYO sa loob."
May mabibigat na paa kong sinundan ang lalaking ito.At habang papalapit ako sa pintuang bulok ay todo-abot ang kabang nararamdaman ko.
'Wag na kaya akong tumuloy?Tumakbo na lang kaya ako?Pero paano si Ruiz?Nangako ako sa kanya.Ayoko syang biguin.'
Ng maisip at maalala ko ang mukha nya ay buong loob kong sinundan ang lalaki.
'Para to sa pamilya ko.Para kay Ruiz.'
Ngunit ang takot na nararamdaman ko ay naglaho ng makita ko ang loob ng masyon.
'Isang bar?Paano nangyari yun?'
Lumapit sya sa isang bouncer at ipinakita ang isang card.Saglit lang din ay nakapasok kami sa loob.
Kung sa labas ay nakakatakot ang itsura nito,sa loob naman ay napakaliwanag.Ang mansyon palang ito ay isang bar sa loob.Unang sasalubong sayo pagpasok ay ang makakapal na usok,mga taong kulang na lang ay maghubad ng damit sa harapan ng katabi nila.Kabi-kabilaang hiyawan at inuman.Sa gitna naman ay may sayawang nagaganap.
Lumiko kami at pumasok sa isang eskinitang itim na kurtina lang ang takip.At mula sa aking kinatatayuan ay maririnig mo ang iba't-ibang tunog ng mga babaeng umuungol na animo'y sarap na sarap.
Muling bumalik ang kaba sa akin lalo na ng pumasok na kami sa isang kwarto.May kung anong pumipigil sakin ngunit meron naman na nagsasabing tumuloy ako.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Kaagad syang umupo sa isang king sized bed na nasa gitna at isa-isa nyang hinubad ang mga suot nya.Hinuli lang nya ang kanyqng brief at muling humarap sakin ng may nakakalokong ngiti.
"Ano pang inaantay mo?Maghubad ka na para maumpisahan na natin to.Para maibigay ko na rin ang gusto mo"
"Pero Sir----"
"Bakit?Wag mong sabihing ayaw mo?Ikaw mismo ang nagsabing gagawin mo lahat diba?Kaya maghubad ka na at umpisahan mo ng paligayahin ang katawan ko.Isang buwan din kitang pinagnasaan ng palihim.Kaya simulan na natin."
Ngunit imbes na sundin sya ay kaagad akong nagpaalam.
"Pasensya na po,pero di ko kaya"
Akma na akong aalis ng hilahin nya ang buhok ko at pwersahn nya akong tinulak papahiga sa higaan.Agad syang umibabaw sa akin.At dahil sa bigat nya ay halos hindi na ako makahinga.
"S----Sir-----"
"Bakit sa tingin mo makakaalis ka kaagad?Ikaw ang may kailangan diba?At sa tingin mo ba makakaapiska kaagad dito ng ganun-ganun na lang?Nagkakamali ka!!Hindi ka makakaalis dito hangga't di ko sinasabi!!"
Matapos nyang sabihin iyon ay walang awa nyang pinunit ang damit ko habang hinahalikan nya ng leeg ko.
Sinubukan kong sumigaw pero tinakpan lang nya ang bibig ko at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.Malapit na nyang masira ang suot kong damit ng tadyakan ko sya sa kanyang harapan dahilan para mapalayo sya sa akin.Sinakto ko ang pamimilipit nya para tumakbo ngunit di pa ako nakakailang hakbang ay nahawakan nya ang kabilang paa ko dahilan para mapasubsob ako sa sahig.Agad kong nalasahan ang dugo sa ibabang bahagi ng labi ko.Nakaramdam din ako ng pagkahilo pero isinawalang-bahala ko iyon lalo na ng maramdaman kong nakatayo na sya at papalapit sa akin.
Sinubukan kong tumayo ngunit tuluyan ng naghina ang katawan ko.Ng makalapit sya ay muli nya akong sinabunutanat pinilit itayo gamit ang aking buhok at walang pasabing sinampal ako at sinikmuraan.
"Hayop kang babae ka.Ako na nga tong mabait sayo ikaw pa tong walanghiya!!At dahil sa ginawa mo,wag mo akong sisihin sa gagawin ko sayo!!"
Muli nya akong ibinalik sa higaan at ipinagpatuloy ang kanina'y naudlot na ginagawa.Tanging pagluha na lang ang nagawa ko dahil alam kong wala na akong magagawa.At bago pa nya maipasok ang kanyang ari sa akin ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.