(Freyja Kataliana's POV)
☆PRESENT DAY☆
Matapos bigkasin ang salitang iyon ay bigla akong nakaisip ng paraan para tuluyan ng mabuksan ang pesteng elevator na to.
"I need something sharp."
"What will you do Freyja?"anang Lieutenant .
"Don't you dare do anything stupid."anang doktor.
Hindi na ako umimik pa at muling tinitigan ang mga tauhan na kinakabahanh nakatingin sa akin.
"I need it now!"
Kaagad silang naghanap nito at saglit lang din ay bumalik ang isa sa mga ito dala-dala ang isang kitchen knife na tantiya ko ay mas matalas pa ang ngipin ko.Ng subukan kong sugatan ang sarili ko ay wala man lang sugat na nakita.Ni pamumula ay wala akong nakita.
Napairap ako sa ere ng wala sa oras.At tumitig sa lalaking nagbigay sa akin nitong walang kwentang kutsilyo na to.
"If I'm going to stab this to you,will you die easily?"
At mula sa pwesto ko ay kita ko ang kaba sa mga mata nya.
Biglang yumuko ang lalaking ito at umiiyak na nagmakaawa sa akin.
"Please Young Madam,spare my life.I have a family.Please,I promise to you,I will do my best next time.I will never disappoint you again."
Nakaramdam ako ng awa lalo na ng marinig ang salitang PAMILYA.Ngunit ng maalala ang sinabi sa akin ng kanang kamay ng tunay kong ama,tinitigan ko lang sya.
"I don't want to wait more."mahinahon ngunit seryoso kong saad.
Kaagad syang tumayo at mabilis na naglakad papalapit.Ngunit bago pa sya makalabas ay nakarinig na ako ng malakas na tatlong putok dahilan para mapatalon ako sa gulat.At ng silipin kung ano iyon ay nanlambot ako sa nakita ko. Duguang gumagapang ang lalaking kanina lang ay nagmamakaawa. Nasa tapat namin ay ang lalaking may hawak na baril at nakatutok ito sa lalaking duguang gumagapang papalapit sa akin.
"Y----Young Ma---da----m"
Galit at may halong takot at pagtataka kong tinignan ang lalaking bumaril sa kanya.At sumunod non ay ang mga tao sa loob ng kwartong to.
"Did you order that!!Did you tell him to kill this man?"
"In this place, death is the punishment for those who make mistakes."anang Engineer sa seryosong tono.
"But he didn't do that on purpose.It's just an accident."pasigaw kong saad.
"Accident or not,he still make a mistake.And that law is our tradition. That tradition cannot be broken just because of your innocence."inis na saad nung CEO.
"Wala akong pakielam sa punyeta nyong tradisyon.Kung gusto nyong pumatay ng tao,wag na wag sa harapan ko!!Dahil hindi ako kriminal katulad nyo!!"
Matapos kong bigkasin ang mga iyon ay muli kong kinuha ang kutsilyo at mabilis na sinaksak sa tagiliran ko.Ng higitin ko palabas ang kutsilyo sa aking katawan ay ang paglabas at pag-agos naman ng dugo ko.Kasabay non ay ang matinding sakit na hindi ko pa naranasan sa buhay ko.
"My child!!"
"Freyja!!"
"Kataliana!!"
"Young Madam!!"
Ngunit imbes na pansinin sila ay lumapit ako sa elevator at hinayaang doon umagos ang dugo ko.
Kahit nanlalabo na ang panigin ko at nanghihina na ako ay pinilit kong hintayin na bumukas ang elevator.Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng tunog ng makina sa kung saan at dahan-dahang bumukas ang elevator.
Dahan-dahan akong naglakad papasok ng elevator habang hawak ko ang tagiliran kong patuloy sa pagdurugo.Pagkaharap sa kanila ay masama ko silang tinitigan isa-isa.Kita ko ang takot sa mga mata nila.Sinubukan nilang lapitan ako ng magsalita ako.
"Don't you dare come near me."
"But you're bleeding---"
"Step back!!"
Kaagad kong pinindot ang button sa loob ng elevator na to.Habang dahan-dahang sumasara ang pintuan ay nakakaramdam na ako ng matindingbpagkahilo.At bago pa tuluyang magsara ang elevator ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
**********
(Yella's POV)
☆AFTER ANOTHER YEAR☆
Isang taon ng nakakulong si Ruiz.At isang taon na rin kaming nangangapa sa hustiyang hinahanap namin para sa kanya.
Anong nangyari sa USB?
Ng buksan ko iyon sa isang comshop ay nabigla ako ng iba ang makita ko.
Mga scandal nya sa iba't-ibang babae.
Ng makita ito ay kaagad kong binunot ang USB at lumabas na ng comshop.
Gustuhin ko man noon na sumbatan ang lalaking pulis na nangmolestya sa akin ngunit paano naman?Isa pa ay alam kong kasalanan ko rin naman.
Matapos kong maglinis ng bahay ay nagulat ako ng may kumatok sa aming pintuan.
"Nakakabigla ka naman Anna."
"Ay sorry nabigla pala kita."
"Ano bang kailangan mo dito?"
"Ganito kasi yon Yella."
Saglit muna syang tumigil at tila nag-iisip.
"Ano ba yon Anna?Tungkol ba saan ang ipinunta mo dito?"
"Ano Yella kasi....."
"Kasi?Ano nga?"
Ngunit hindi pa rin sya sumasagot.
"Alam mo Anna kung tsismis lang ipinunta mo dito,mamayang gabi ka na lang bumalik.Kung pera naman pasensya na,wala pa akong sahod ngayon------"
"Hindi kasi yon ang ipinunta ko dito."
"Eh ano nga?"
"Kasi......."
Medyo nakakaramdam na ako ng inis sa kanya kaya dineretso ko na sya.
"Alam mo Anna,masasabunutan na kita!!Puro ka kas,kasi,kasi!!Naiirita na ako sa kakasabi mo ng kasi!!Ano ba kasing pinunta mo rito?"
Madiin muna syang pumikit at huminga ng malalim bago malalim na nakatitig sakin.
"Mangako ka muna sakin na hindi mo sasabihin sa kanila na ako nagsabi sayo ha?"
"Ano nga kasi yon?"
"Kasi Yella....may mga dumating na pulis sa bahay ng biyenan mo---"
Ng marinig ang sinabi nya ay hindi ko na sya pinatapos at tumakbo papunta sa bahay ng pamilya ni Ruiz na di kalayuan sa amin.At bago pa ako makalapit ay narinig ko ang iyakan nilang lahat sa loob habang may mga malalaking tao namang nakasuot ng uniporme ng pulis na nakatayo.Kaagad akong lumapit sa kanila at nakita kong natigilan sila.
"Mama Gemma,Papa Rome,ano hong problema?Bakit ho kayo nag-iiyakan?May nangyari po bang masama?Bakit po nandito sila?"
"Yella anak....."
"Miss magandang hapon.Kayo ho ba ang asawa ni Ruiz Belmonte?"Anang isang pulis na nasa kanan.
"A---ako nga po.Ba---bakit po?May problema po ba kay Ru--Ruiz?"nagtataka kong tanong.
"Miss wag ho kayong mabibigla ano?Pero naparito po kami sa inyo upang ipaalam na ang inyong asawa ay nasangkot sa riot na naganap sa loob ho mismo ng kulungan."
"Ano po?Kamusta po ang asawa ko?"kabado kong tanong sa kanila.
"Miss pasensya na po,ngunit kabilang sya sa mga natagpuan naming patay na sa crime scene."
Biglang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig.
"Naparito ho kami upang ipa-identify sana ang katawang nakuha namin."
Tuluyan na akong napaupo sa sahig.
Sunud-sunod na iling ang ginawa ko.
Imposible!!Hindi maaari!!