Capitolo 11

1116 Words
(Yella's POV) ☆FUNERAL☆ Tulala akong nakaupo sa isang upuan dito sa loob ng aming bahay habang tahimik kong pinagmamasdan ang kabaong na nasa harapan ko. Tatlong araw na simula ng mabalitaan naming lahat na napatay si Ruiz sa loob mismo ng kulungan.Sabi ng mga pulis,riot daw ang nangyari. Anong naging dahilan? Nagka-inggitan daw.Nataong nandun si Ruiz kaya pati sya nadamay. Sa dami ng tama sa mukha nya halos hindi ko na sya nakilala ng pumunta ako sa morge para ipa-identify ang katawan nya.Nalaman ko lang na sya yun dahil sa balat nya sa kanang dibdib at nunal sa kaliwang bahagi sa ibaba ng collarbone nya. Tuluyang gumuho ang mundo ko ng makita ko syang nasa loob na ng kabaong.Halos takasan ako ng katinuan lalo na ng iuwi namin sya dito sa bahay namin at nakita ng anak ko.Ramdam ko ang pagtataka sa anak ko,pero wala akong lakas pa para sabihin at ipaliwanag sa kanya ang lahat.Wala na akong lakas. Habang patuloy sa paglabas-pasok ang mga tao,lumapit sa akin si Rana. "Napatulog ko na si Bebe Iza.Magpahinga ka na rin muna.Apat na araw ka ng hindi nakakatulog ng ayos.Yung kain mo last day pa tapos kapeat tinapay lang.Baka mapaano ka pa kapag di ka nagpahinga muna kahit saglit." "Hayaan mo muna ako." Tatayo na sana sya ngunit muling umupo at hinawakan ang mga kamay ko. "Tatandaan mo,nandito lang lagi kami.Andito lang ako.At tsaka isa pa,alalahanin mo si Reiza,ngayon ka nya mas kailangan.Kapag nagkasakit ka,paano na lang si Reiza?Pwede mo namang ipaampon na lang sakin si Bebe Iza kung gusto mo.Kaya naman syang buhayin ng sugar dade ko" Gustuhin ko mang matawa sa biro nya ay hindi ko magawa. ********** Isang linggo na ang nakalipas simula ng mailibing namin si Ruiz.At isang linggo na rin akong di lumalabas ng bahay. Gabi-gabi akong umiiyak lalo na kapag naaalala ko sya.Bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala nya.Na lalong ikinaburyo ng utak ko.Mabuti na ang talaga at nakaalalay sakin at sa anak ko ang pamilya ni Ruiz at si Rana. Tuluyan lang akong bumalik sa huwisyo ko ng biglang magkasakit si Reiza.Mabuti na lang at simpleng lagnat ang dahil kung nagkataon ay hindi ko alam ang gagawin. ********** Sa loob ng anim na buwan mula ng mawala samin si Ruiz ay maraming nangyari.Nakahanap ako ng maayos at stable na trabaho dito sa bicol.Isa akong cashier sa isang supermarket dito na nasa bayan.Hindi naman kalayuan ang pinapasukan ko.At isa pa ay tinutulungan ako ng biyenan ko na si Mama Gemma sa pag-aalaga kay Reiza.Ngunit hindi ko inaasahang isang sakuna ang dadaan sa amin. Dinaanan ng bagyo ang buong bicol.At dahil nasa tapat kami ng Philippine Sea ay halos anurin na ng tubig-dagat ang mga tahanan dito,kasama na ang bahay namin.At dahil nataong pandemya ay may ilang mga tao dito sa lugar namin ang lumalapit na sa gobyerno para manghingi ng pangkain.Mabuti nangalang at may naipon ako kaya nakakaluwag pa kami ni Reiza kahit papaano. At dahil may ilang parte ng bahay namin ang nasira dahil sa malakas na uan at hangin,ay nagdesisyon akong sumama sa mga biyenan ko at pansamantalang tumigil sa cover court na ginawang evacuation center.Pagkapasok namin ay tumambad agad sa amin ang hindi bababa sa 50 pamilya.Bawat isa ay may ginawang tent na syang magiging tulugan.Naghanap ako ng magiging pwesto namin nila Reiza at Rana.Ng makahanap ay kaagad kaming gumawa ni Rana ng tent at ng matapos na namin ito ay pansamantala ko munang iniwan si Reiza kay Rana para sana bumalik sa bahay para tignan kung ano pang maaaring isalba. Makalipas ang ilang oras ay nakabalik na rin ako ng evacuation center. Kaagad kong napansin ang limang sasakyang pangmilitar at isang mamahaling kotse na kulay pula.Sa kabilang gate naman ay naroon ang tatlong malalaking truck.Makikiusyoso na sana ako ng lumaput sa akin bigla si Anna at Rana. "Relief Goods ba yan?"ani ko. "Oo,padala ata ng gobyerno sa atin."sagot ni Rana sa akin. "Last week pa yan nabalitaan ngayon lang dumating."pagsingit ni Anna. "Eh anong aasahan mo,nasa Pinas tayo eh.Bago pa natin makain ang bigas,may amag na!!"mataray na saad ni Rana sabay irap. "Tumigil na nga kayo!!"saway ko sa kanila sabay lingon kay Rana."Nasaan si Iza?Bat di mo sya kasama?" "Binigay ko kay Nanay Gemma." Lalakad na sana ako palayo ng marinig ko ang tili ni Anna dahilan para mapalingon ako. "Shet!!!Dedyo se wat ay se?"malanding saad ni Anna "Ha?" "Ano daw?" Sabay na bigkas naming dalawa dahilan para mapairap si Anna. "May gwapong bumaba sa kotseng pula na yon.At wag ka,dito agad nakatingin sa pwesto natin yung gwapo at macho na lalaking yon.Sa tingin mo sino kaya ang tinititigan nya sa atin?"ani Anna sabay kilig. "Baka nanay mo!!"mapang-asar na saad ni Rana. "Boba!!"inis na sagot ni Anna rito sabay irap. Hinayaan ko na lang sila at nauna ng naglakad.Uunahin ko na muna ang anak ko bago ang mga walang kwentang bagay. (Other's POV) Ng makita ang pakay ay kaagad na bumaba ang lalaki sa kanyang kotse at pinakatitigang mabuti ang babaeng naging dahilan ng pagbalik nya rito sa Pilipinas. "Sir"anang lalaki na lumapit sa kanya sabay saludo. Tumango lamang ang lalaki bago naunang naglakad.Habang nagalakad ay hindi pa rin nya inaalis ang paningin sa babaeng hindi man lang sya sinulyapan pabalik. Ng malapit na sya sa inalisang pwesto ng babae ay napagdesisyunan nya na lumihis ng daanan at tumungo sa isang kwarto sa evacuation center na iyon kung saan naroon ang mga tinalaga nyang tao para mamigay ng mga relief goods. Pansamantala muna silang nagmeeting bago nya napagdesisyunang ikutin ang buong court para makita ang sitwasyon ng mga lumikas at para na rin makita ang babaeng pinuntahan nya. Nakakailang lakad na sila ng mapukaw ang tingin nya sa isang batang naglalaro di kalayuan sa kanila. Mula sa mga itim at bilugin nitong mga mata ay alam na agad nya kung sino ang ina nito.Nag-iba sya ng direksyon at pinuntahan ang bata.Lumuhod sya sa harapan ng bata at nginitian nya ito.Habang takot naman ang nakita nya sa munti at inosenteng bata na nasa harapan nya.Akma na nya itong hahawakan ng bigla itong higitin ng babaeng kanina pa nya iniisip. "Pasensya na po sa gulong ginawa ng anak ko." Napangiti sya ng wala sa oras dahil sa narinig. "No need.She didn't do anything anyway.Natuwa lang ako because she's cute." Tumango-tango muna sya bago nagpaalam sa kanila. Ng malayo na ang babae ay muli syang bumalik sa kotse at may tinawagan.Saglit lang ay may nagsalita na rito. "Her daughter bears a resemblance of late Grandmother Adriana,and you wouldn't believe what I discovered.She really looks like the late Great Empress.Yes.....I know.What's the next plan?......Ok,I got it.I'll call him now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD