Pagpasok na pagpasok sa pinto, tanging kalansing lang ng susi ang maririnig niya. Pabagsak na umupo si Adrian sa may sofa at ako dumiretso agad sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Bawat lunok nya parang may kasamang bara sa lalamunan ko. Narinig kong nag ring ang cellphone ni Adrian pati ang vibrate nito kumikiskis sa table. Hindi siya agad sumagot pero ng makita niya kung sino napaayos siya ng upo. “Hello Pa,” sabi ni Adrian na biglang sumeryoso ang boses niya. “What?? As in now na darating si Grandpa?” Parang nanigas ang buo kong katawan si Mr. Allistair Blackwood isang matandang naniniwala na ang kasal ay sagrado at hindi dapat niloloko ang nasa itaas. Napa ismid ako hindi ko alam paano ko haharapin ang lolo ni Adrian. “Yes po, will be here in an hour.” Pinatay na ni Adrian a

