Napansin ni Adrian na nabasa ko ang nasa laptop niya. Hindi pa rin niya 'yon sinasara at todo tingin pa rin sa akin. "Roxane akala ko tulog kana?" takang tanong ni Adrian. " Oo nga, napadaan lang ako." "I can explain Roxane, Eliza and I." "Okay lang talaga Adrian." Tatalikod na sana ako pero bigla akong niyakap ni Adrian mula sa likuran ko. Pilit kong inaalis ang mga kamay niyang nakayapos sa akin. "Ayos lang ako, pwede kana bumitaw," malamig kong sabi. "Please Roxane." "Ang kulit mo rin e, okay nga lang wala naman akong karapatan." Tinanggal ni Adrian ang yakap niya sa akin. Ngumiti ako sa harapan niya pagkatapos dumiretso na talaga ako sa kwarto ko. Hindi na ako nag isip ng malalim at hinayaan kong ang sarili ko na huwag na siyang isipin. Sobrang stress na ako ngayong araw mab

