Nakatingin lang ako kay Adrian, nangingilid na ang luha sa kanyang mata. Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas para harapin ang sakit na nararamdaman niya. “Hindi Adrian,” naiiling kong sabi sa kanya. “Then explain Roxane, why? Why?” tanong ni Adrian na hindi na napigilan ang pagbagsak ng luha. Humakbang siya palapit, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang hinahawakan ako. “Bakit kailangang mong ilihim ang anak ko. Karapatan ko siyang makilala." “Natatakot ako, Adrian! Natatakot ako na kapag nalaman mo, kukunin mo ang anak natin. Na sa oras na pumasok ka sa buhay namin ay magbabago ang lahat." “Anong tingin mo sa akin may gagawing masama sa anak ko. Isang magnanakaw ng bata?” garalgal ang boses niya. “Roxane, kahit kailan hindi ko magagawang ilayo ang anak ko sa ina niy

