Hindi ako komportable. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko mapigilan ang kakaibang paninikip sa dibdib ko habang nakatitig sa babaeng nasa harap namin. Parang bawat segundo na lumilipas ay mas lalo akong nauubusan ng hangin. Maganda siya hindi lang basta maganda yung tipo ng ganda na hindi kailangang ipilit. Yung kahit tahimik lang siya, alam mong may something sila ni Adrian. Yung tipong hindi na kailangang magpakilala dahil ramdam na ramdam mo kung gaano siya ka-importante. At ako naka base lang sa kontrata. “Hindi mo man lang ako ininform Adrian,” sabi niya, naka-cross ang arms habang nakatingin sa kanya. “Hindi ko kailangang mag-report sa’yo,” malamig na sagot ni Adrian. Diretso ang tingin at walang emosyon. Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa

