“Prepare yourself. We’re going out tonight.”
Napalingon ako kay Adrian na nakatayo sa may pintuan ng dining area habang tahimik na umiinom ng kape.
“Going out?” ulit ko na medyo nag-aalinlangan.
Nakita kong tumango siya.
“Business dinner.”
“Tonight agad?” tanong ko.
“Yes.”
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi ako handa," mahinang sabi ko.
“Hindi mo kailangang maging handa,” sagot niya.
“Kailangan mo lang sumabay.”
“Hindi ganoon kadali,” sagot ko.
Doon lang siya tumingin sa akin.
“Ha? Ano ba ang mahirap?” tanong niya.
“Lahat,” diretso kong sagot.
“Yung lugar, yung mga tao pati ikaw.”
Bahagya siyang natahimik.
“Hindi mo kailangang makisabay sa kanila,” sabi niya. “Makisabay ka lang sa akin.”
“Paano kung hindi ko makaya?” tanong ko.
“Then I’ll handle it.”
Napakunot ang noo ko. “Ganun?”
“Ganun.”
“Parang wala kang tiwala sa’kin.”
“Tama,” sagot niya.
Natigilan ako.
“Pero hindi rin kita pababayaan,” dagdag niya.
Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.
Ilang oras ang lumipas nasa harap pa rin ako ng salamin habang inaayusan ng stylist.
“Relax lang po Ma’am,” sabi nito.
“Hindi ako sanay sa ganito,” nakangiti kong wika.
“Halata naman po,” biro niya.
Napangiti ako nang kaunti.
“Masasanay ka rin,” dagdag niya.
Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ko na makilala ang simpleng Roxane ngayon, para bang ibang tao na.
“Okay na po,” sabi ng stylist.
“Sigurado?” tanong ko.
“Opo.”
Huminga ako nang malalim. “Salamat.”
Paglabas ko ng kwarto nandoon na si Adrian sa sala.
Naka-itim na suit. Yung suit nanaman na itim ang suot. Hindi naman halatang paborito niya eh!
Napatingin siya sa akin na parang tumigil ang mundo.
“Ayos lang ba?” tanong ko.
“May mali ba?” ulit ko.
Umiling siya.
“Wala.”
“Sigurado?”
“Hmm.”
Napataas ang kilay ko. “Yun na ‘yon?”
“Don’t get used to compliments,” sagot niya.
Napailing ako. “Ang hirap mong kausap.”
“At sumasagot ka pa,” balik niya.
Sa loob ng sasakyan tahimik lang kami. Hanggang sa siya ang nagsalita.
“Roxane.”
“Ano?”
“Pagdating natin doon,” sabi niya.
“Hindi kita tuturuan sa harap ng iba.”
“Meaning?” tanong ko.
“Kung may mali kang gawin ikaw ang bahala.”
Nanlaki ang mata ko.
“Grabe ka naman, Bakit naman naisip mo 'yon.”
“Totoo lang.”
“Eh paano kung mawala ako?” biro ko.
“Hindi ka mawawala.”
“Paano ka naka sure?”
Saglit siyang tumingin sa akin.
“Because you won’t leave my side.”
Tumingin ako sa kanya. May kakaibang bigat sa sinabi niya. Pagdating namin sa venue, napahigpit ang hawak ko sa clutch ko.
“Ang laki ng venue,” bulong ko.
“Stay close,” sabi niya.
“Oo naman.”
Pagbukas ng pinto ng sasakyan agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.
“Adrian hindi ako sanay dito.”
“Sanayin mo,” sagot niya.
“Hindi gano’n 'yon.”
Bahagya siyang lumapit.
“Trust me.”
Napatingin ako sa kanya.
“At least tonight.”
Pagpasok namin sa loob, maraming mata ang napunta sa amin.
“Adrian!”
May lumapit na lalaki.
“Good to see you.”
“Likewise,” sagot ni Adrian.
Napatingin ang lalaki sa akin.
“And this is…?”
Sandaling tumigil si Adrian.
“And this is my wife.”
Parang may kumabog sa dibdib ko.
“Roxane,” pakilala ko.
“Didn’t know you were married,” sabi ng lalaki.
“I prefer privacy,” sagot ni Adrian.
Habang tumatagal ang gabi mas lalo akong naiilang.
“Adrian,” bulong ko.
“What?”
“Parang hindi ako bagay dito.”
“Who told you that?” tanong niya.
“Lahat ng nakatingin.”
“Let them look,” sagot niya. “Hindi sila importante.”
“Eh ikaw?” tanong ko.
Tumingin siya sa akin.
“Ako ang dahilan kung bakit ka nandito.”
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa ng mas mahigpit.
“Relax,” bulong niya.
“Hindi ako maka reelaxed.”
“Halata ka.”
“Sorry.”
“Stop apologizing.”
“Adrian.”
Isang boses ang sumingit kaya napalingon kami. Isang magandang babae. Maganda Pero may aura na hindi ko maipaliwanag.
“Long time no see,” sabi niya.
“You’re back,” sagot ni Adrian.
Malamig ang aircon, Napatingin siya sa akin.
“At sino siya?” tanong niya.
Mas humigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ko.
“Wife.”
Isang salita pero ramdam ko ang bigat. Napakunot ang noo ng babae.
“Wife?” ulit niya.
“At kailan pa?”
“Recently.”
“Ang bilis naman,” sabi niya.
“I don’t see the problem,” sagot ni Adrian.
Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Parang may hinahanap at may naaalala.
“Have we met?” tanong niya.
Napakurap ako.
“H-hindi ko po alam.”
“Sigurado ka?” tanong niya.
“Opo.”
Pero kahit sinasabi ko ‘yon may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
“Interesting… hindi ka lang pala simpleng babae.”
Bahagyang umangat ang labi niya.
“Enough,” sabi ni Adrian.
Pero hindi siya umatras mas lalo lang siyang tumingin sa akin. Hanggang sa sa tiyan ko.
“A month ago," sabi niya.
Parang may kumurot sa dibdib ko.
“Hotel.”
Napahigpit ang hawak ko sa damit ko.
“I saw you.”
Nanigas ako at hindi ako makagalaw. Nahirapan huminga.
“So it’s true.” dagdag niya.
“Hindi lang pala asawa…”
Tumigil siya sandali at ngumiti ulit.
“Stop,” malamig na sabi ni Adrian.
“Why?” sagot niya.
“Did I lie?”
Hindi nagsalita si Adrian at doon ako mas kinabahan. Napatingin ang babae kay Adrian.
“At ikaw,” mahina niyang sabi.
“Hanggang saan mo balak panindigan ‘to?”
Napatingin si Adrian sa akin.
Diretso na parang ayaw magptalo.
“Roxane, look at me.”
Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya
“Sabihin mo sa kanya na walang mali sa ginawa natin.”
Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang hindi lang para sa babae.
Pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko kayang sabihin alam kong hindi pa sapat ang pagpapanggap.
At doon ko na realize wala na akong kontrol sa kung ano ang totoo.