CLARISSA POV. Habang pinanonood si Zact ay kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay tila pinipiga sa sakit ang puso ko. Binalingan ako ni Sarah at tumabi sa akin. "Are you okay, Clarissa," tanong ni Sarah at naluluhang tipid lamang ako ngumiti rito. Nalipat ang tingin ko nang tumayo si Sarah at naupo si Zact sa tabi ko. Nakatitig lamang ako kay Zact habang ngayo'y sumi-simsim ito ng alak. Anong ibigsabihin ng lahat ng iyon Zact? Tanong ko sa isipan ko habang na kay Zact ang titig. "Hep! Bago ang lahat. Zact, susi ng sports car mo. Lapag mo!" wika ng kaibigan ni Zact at natatawang nilapag ni Zact ang susi sa mesa. "Clarissa bakit magpapakasal ka? Paano naman ang kaibigan namin?" wika ni Edward at tahimik lamang ako nakatingin rito. "Magka liwanag

