CLARISSA POV. Matapos balingan si Zact ay lumipat sa akin ang tingin ni Papa. "Kauusapin ko pa po si Jhon tungkol sa kasal" saad ko at narinig ang mahinang pag tawa ni Zact. "Ano nakakatawa?" pabulong kong baling rito at nakangising sinagot ako ni Zact. "Gusto mo pa ng cookies?" nakangising baling ni Zact sa akin at umirap lamang ako rito. Nang matapos ako mag almusal ay agad ako tumayo at naglakad palayo sa mga ito. Napahawak naman ako sa ibabang t'yan ko dahil sa makirot na tahi ko dulo't ng mga ginawa namin ni Zact kagabi. Doon nahinto ako sa paglalakad habang hawak ang t'yan ko. "What's wrong?" bungad sa likuran ko kaya't napalingon. "Sumasakit pa rin ba?" dugtong na tanong ni Zact. "Hindi, ayos lang ako," turan ko at nabigla nang lumuhod ito sa harap ko at itinaas ng kaunti

