CLARISSA POV. Nagbitiw ako kay Zact at binalingan ng tingin si Amanda na nasa tabi ko. Tipid itong ngumiti at dahan-dahan lumabas ng kuwarto ng ospital. Nararamdaman kong nasasaktan si Amanda, ngunit dahil sa matinding pagmamahal nito kay Zact ay hinayaan nitong maging masaya si Zact. Bumaling ako kay Zact na ngayon binalingan ang mga kaibigan nitong nasa harap. "Akala ko wala ka nang balak gumising," saad ni Edward. "Hindi ko alam na tatagal ako ng ganito rito sa ospital," seryosong turan ni Zact. "Tito said, Si Trixie ang may gawa sayo n'yan? This is true?" sabat na tanong ni Troy at mahina tumango si Zact. "Walang hiya talagang babae na iyon, hindi ko mapalalampas ang ginawa niya," mariin kong sambit at napangising bumaling sa akin si Zact. "Easy, Clarissa. Hayaan mo na, walang i

