CLARISSA POV. "Clarissa," tawag ni Papa sa akin. "Sumama ka sa akin bukas, ipakikilala kita sa kompanya," baling ni Papa sa akin at hindi na sumagot pa rito. Suot ang maikling itim na skirt at mataas na heels kasama ko si Papa at Amanda pumasok ng kompanya. Nilakasan ko ang loob ko para kay Zact at taas noo naglakad papasok ng kompanya. Nang makapasok sa kabuan ng komapanya at pumasok ng elevator ay hinawakan ni Amanda ang kamay ko. Doon pinilit ko mawala ang panginginig ng mga kamay ko. Para sa Ama ng anak ko, lalaban ako sa kanila kahit batid ko sa sarili kong kulang ako sa kaalaman sa kompanya ngunit gagawin ko ang lahat tigilan lamang nila si Zact. Ilang sandali ay lumabas na kami ng elevator at tinunton ang isang malawak na opisna. Bumungad sa akin ang napakahabang mesa at mara

