CHAPTER 6

2577 Words
CLARISSA POV. Nang makauwi sa bahay namin. Nakita kong nasa papag ang Mama ko, katabi nito ang lalaking katipan niya habang sweet na sweet magkatabi. Deretso akong pumasok sa loob ng bahay at itinabi sa kabinet ko ang dala kong bag. Akmang lalabas na muli ng bahay ngunit nagsalita ang Mama ko. "Clarissa! Saan ka na naman pupunta?!" tanong nito.. "Pupunta ako sa bahay nila Jona,"turan ko kay Mama. "Aba'y kararating mo lang, a-alis ka naman, agad,"saad nito. "Aba! Clarissa! Dinaig mo pa ang nag o-opisina,ha!dugtong pa ni Mama. "Kayo din. Dinaig nyo pa n'yo pa ang asukal sa sobrang sweet. Ingat kayo baka langgamin kayo d'yan sa katre,"mahinang saad ko kay Mama bago umalis at lumabas sa bahay namin at nagtungo papunta sa malaking bahay nila Jona. Malapit na ako sa bahay nila Jona nang mapansin ko na bukas ang malaking gate nila, napansin ko rin ang motor ni Jhonderick na nakaparada. Siguradong andito rin si John ngayon, nakita ko ang tatlong babae lumabas sa bahay nila Jona. Biglang mayroong kung anong nagpa tigil sa akin sa papasok ng bahay nila jona. Tiningnan ko ang mga suot nila, ang gaganda nila. Pati na ang mga ayos ng buhok ng mga ito at kumikinang na mga alahas sa katawan. Doon ay , nakaramdam ako ng hiya dahil sa suot ko pa rin na pants ko at tshirt na maghapon ko pa suot nang maghanap ako ng trabaho. Nabigla ako nang lumabas si John sa gate nina Jona at nagkatinginan kami. "Riss, kanina ka pa ba nang'yan? Susunduin pa lang dapat kita"bungad ni Jhon nang makalapit. "A...e, Oo. Papasok na sana sa loob"tugon ko. "So, what are you waiting for. Tara na sa loob!"Aya ni John sa'kin. Nahihiya man ako ngunit nilakasan ko na lamang ang loob dahil kasama ko naman si John. Pumasok ako sa malaking bahay nila Jona, nakita ko ang marami n'yang bisita. Hinila ako sa isang kwarto ni Jhon at tumambad sa akin ang napakaraming bisita ni Jona. Nakaupo ang iba sa malambot na kama at ang iba nasa coach lang habang may kan'ya-kan'ya silang hawak na baso na alak. Inabutan ako ng alak ni Johnderick at nagsalita ito. "Kahit konti uminom ka, para maka sabay ka sa amin. Kalimutan mo na rin muna ang mga problema mo," wika ni Jhon at ngumiti ng tipid. Mabilis ko inubos ang alak na nasa na wine glass. Nag hiyawan ang mga bisita sa kwarto ni Jona, ng ubusin ko agad ang laman ng baso ko. Nilapitan ako ni Jona at hinawanakan at itinaas ang kamay ko. "Let's have a fun guys!" Natutuwang hiyaw nito na nagpangiti sa'kin. Ang saya, dahil kahit hindi ako kilala ng mga bisita ni Jona ay ramdam ko na maganda ang pagtanggap nila sakin, kahit na gaya ni Jona at John ay may mga sinabi din ito sa buhay. Naging masaya ang party ni Jona, Sunod-sunod ang pagtagay ko ng alak at masayang nakikipag halubilo sa kanila. Naglaro pa sila ng truth or dare na lalong nagpa ingay sa kabuan ng magandang kwarto. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-dos na pala ng gabi, doon ay bumulong ako kay John na at sinabing uuwi na ako. Habang naghihintay ako sa tugon nito at kung ihahatid ba ako nito ngunit tinitigan lang ako nito. Tahimik itong nakatitig kaya't nauna na ako nag salita. "Si...sige, kahit wag mo na ako ihatid, kaya ko naman umuwi mag isa," saad ko na lamang rito habang mataman pa rin ito nakatitig sa akin. Akmang tatayo na sana ako ngunit mabilis ako pinigilan ni Jhon, maya-maya lang ay hinila nito ang batok ko papalapit sa kan'ya. Nabigla nang Mariin akong hinalikan nito sa labi. Narinig ko ang pag tahimik ng paligid ko habang hinahalikan ako ni John. Nang nagbitiw si Jhon sa halik sa akin ay nag salita ito. "Can you…..??Can you be my girlfriend,Clarissa,"saad ni Jhon at doon malakas na naghiyawan ang mga bisita ni Jona. Sobrang ingay, nakakabingi sa tenga ang mga hiyawan nila. Tumitig muna ako sa mga mata ni Jhon bago ako sumagot rito. "Bakit, hindi John,"nakangiting tugon ko. Doon nakita ko ang magandang ngiti mula kay John. "Thank you so much Riss, i love you"wika pa nito at hinalikan ako muli. Hinatid ako ni Jhon sa bahay, angkas n'ya ako sa likuran habang nakayakap naman ako mula sa likuran niya. Nang makarating kami sa bahay ay agad ako bumaba ng motorsiklo nito. Muling humalik sa mga labi ko si John na nagpa tulala sa akin. Hindi ko alam kung gaano kasaya, Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Siya ang first boyfriend ko at ang first kiss ko. Pakiramdam ko naging buo ako ngayong gabi na ito. Nag makapagpaalam sa akin si Jhon at umalis na sa harap ko ay tulala pa rin akong pinagmamasdan habang papalayo. Hanggang sa tuluyan na nawala ito sa paningin ko. Pumasok ako ng bahay nang marinig ang pag suka ni Mama sa lababo, kaya agad ako lumapit rito. Hinagod ang likuran ni Mama at mahina nagsalita."Naiintindihan na kita Ma, naging masaya ka sa kan'ya kaya't hahayaan na lamang kita,"saad ko nang malalapit kay Mama. At batid ang tinutukoy kong lalaki na dinala n'ya sa bahay namin. Ilang sandali ay nalipat ang tingin ko mula sa lababo. Laking gulat ko nang makitang maraming dugo ang suka ni Mama mula sa lababo. Pakiramdam ko nawala ang kalasingan at nabuhusan ng malamig na tubig. "Ma! Bakit ka sumusuka ng dugo?"gulat kong saad. Agad ko kinuhaan at inabutan ng tubig si Mama. Maya-maya nag hilamos ito ng mukha at naghugas ng kamay at nang hihinang sumandal ito sa kahoy naming dingding. "Ayoko na anak.....pagod na ako lumaban, gusto ko na sumama sa Papa mo. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mama kaya't mahigpit niyakap si Mama at nagsalita. "Ma… kahit na anong gawin mo hahayaan na lang kita. Hindi na kita kokontra-hin pa! 'Wag mo lang hilingin ang bagay na 'yan at iwan kami ng mga kapatid ko!"Umiiyak ako habang sinasabi ito kay Mama at mahigpit ko siyang niyakap. "Nagiging matatag ako dahil sa inyo.. ganoon din si Lea at si Atong, paano kung mawala ka sa amin. Mahihirapan ako,Ma! Mang hihina ako! Mapipilayan ako at baka mahirapan na rin ako matulungan ang mga kapatid ko,"mahaba at lumuluhang saad kay Mama. Naramdaman ko ang pag haplos ni Mama sa buhok ko at nagsalita ito. "Nagpapasalamat ako Clarissa, dahil ikaw ang naging anak ko. 'Wala akong pinagsisihan sa buhay ko simula nang makilala ko ang papa mo. Dahil kung 'wala siya, 'wala ikaw sa buhay ko," naluluhang turan ni Mama sa akin. Doon ay tumangis ako ng pag iyak. Inalagaan ko ang Mama ko, kahit pa tumatabingi na ang lakad ko dahil sa nakainom ako. Ngunit hindi ko iyon iniinda. May sakit ang Mama ko, kaya kailangan niya ako, kailangan niya ng pag aalaga ko. 'Wala rito sa bahay ang lalaki ni Mama laya naman kahit papaano nakaka galaw ako ng maayos na hindi naiilang sa loob ng bahay. Lumipas ang mga araw ay nagsabi na ako kay Mama na dadalhin ko s'ya sa ospital ngunit tumangi ito, ayaw ni Mama mag padala sa ospital dahil nanghihinayang sa perang magagastos. Ihanda ko na lamang raw ang pera sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Aaminin ko sobra ako nanibago kay Mama, dahil hindi naman siya ganito noon. Madalas ako makipag agawan rito ng pera dahil kuwari uutangin nito ngunit 'wala nang bayaran ito at ipangsusugal lamang n'ya. Dumaan ang isang buwan napansin ko ang pagbagsak ng katawan ni Mama. Labis ako nag-alala rito, labis rin ang pag-aalala ko sa kung ano ang naging sakit ni Mama. Kinabukasan pumunta si John sa bahay. May mga dala itong prutas para kay Mama at iba pang pagkain para sa kapatid ko. "Thank you John,ha. Nag abala ka pa"wika ko. "Kamusta ang Mama mo? Dalhin na kaya na kaya natin s'ya sa ospital. Baka lumala lang ang lagay niya kung dito lang siya mananatili sa bahay at hindi nagpapagamot,"Pahayag ni John. "Ilan beses na ako nagsabi sa kan'ya John, pero ayaw n'ya talaga kahit anong pilit ko,"saad ko kay John. May isang buwan na ang relasyon namin ni John. Hindi ako pinabayaan nito, naging magaan naman ang lahat sa akin nang maging kami ni John. Madalas n'ya ako tulungan sa mga kapatid ko habang nagtatrabaho ako naman ay isang janitress sa eskwelahan. "John, pasensya ka na,ha. Kabago-bago pa lang ng relasyon natin pero hindi kita mabigyan ng panahon o oras para sa ating dalawa. "Ayos lang yun,Riss. Naiintindihan kita," saad ni Jhon at mabilis ako nito niyakap. "May gusto ka bang kainin? Lulutuin ko,"Lambing na tanong ko kay John. "H'wag mo na ako intindihin Riss. Ayos lang ako"tugon nito. "Hindi,dito ka na mag hapunan John. Siguro mga quarter to seven nakahanda na ang pagkain. Maya-maya pwede ka na umuwi pagkatapos mong kumain," mahaba kong turan rito. "Sige, ikaw ang bahala,"turan ni Jhon. "Gusto pa kita, makasama rito John. Dahil bukas, may pasok na ako sa trabaho. Tuloy-tuloy na naman ang juty ko at ikaw din. Magiging busy ka na ulit sa susunod na buwan sa mga exam mo," Mahaba kong wika kay John habang puno ng paglalambing rito. Nag umpisa na itong mag exam sa kinuha n'yang kursong pag susundalo, habang ilang buwan na lamang ay malapit na ito maging ganap sa pagsusundalo at kapag nakapasa na ito tuluyan na ito mapa-palayo sa akin hanggang maging abala na ito. "Sige na, iwan ko muna kayo rito nila Lea at Atong. Mag pupunta lang ako ng palengke,"Paalam ko sa mga ito bago ako tuluyang lumabas ng bahay namin at nagtungo sa palengke. Habang naglalakad, nakita ko ang mga chismosang kapitbahay namin. Naka abang ang mga ito sa pag daan ko sa harap nila at maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang pag bulungan nila. "Naku! Malandi rin pala 'yang anak ni Marissa! Magaling pumili ng lalaki, Si Jhonderick pa talaga ang napili nito maging karelasyon. Hindi niya alam ang ugali ng ina ni John Derick, alam ko ang ugali ng ina nito dahil naging kasambahay na ako nila Johnderick noon. Kaya alam na alam kong sobrang sama ng ugali ng Mommy ni John Derick,"mahabang kwento ng babae sa mga nasa harap na ka edadaran nito. "Akala n'ya! Nakadali na s'ya, hindi n'ya kakayin ang ugali ng Mommy ni Jhonderick,"dugtong pa nito at sabay tawanan nila. "Ginto na naging tanso pa,"sabat naman ng isang pang babae. Hindi ko iyon pinapansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad, ayos lang naman sa'kin na ako ang pag usapan nila huwag lang ang Mama ko. Nang makapamalengke ay agad akong bumalik sa bahay. Dumdretso ako sa lababo upang makapag hiwa na ako ng lulutuin. Binalingan ko naman ang gawi ni Jhon, nakaupo lamang ito at abala sa phone niya. Doon binilisan ko ang paghahanda ng pagkain para makakain na kami agad nang sabay-sabay. Habang naghihiwa ako naalala ko ang babaeng nag alok sa'kin ng trabaho kapalit nang isang milyon. Isang milyon! Sobrang laki naman, non. Ano kayang mangyayari kung pumayag agad ako sa kagustuhan ng babae. Siguradong magkaroon agad ako ng malaking pera, para akong nanalo sa lotto. Kaya lang, kailangan mag paanak ako. Ang hirap naman nun. Iiwan ako ni Jhonderick kapag nagkataon. Ilang oras lang ay sabay-sabay na kaming kumain ng mga kapatid ko at ni john. Nilapitan ko si Mama at inalalayan para makakain rin ito kasabay namin. Ngunit habang nakaupo ito sa papag ay hindi ko pa naitatayo ito ay na bumuwal na ito sa damit na suot nito. Halos maluha-luha ako sa awa sa Mama ko, nahinto sina John at mga kapatid ko sa pagkain nang makita ng mga ito si Mama. "Pa....pasensya na kayo,ha. H'wag na lang kayo tumingin, ituloy n'yo lang ang pagkain ninyo. Maagap kong tugon sa mga ito. Nagmadali naman tinapos ni Jhon ang pagkain niya at tumayo sa kina uupuan. Tinulungan ako ni Jhon dalhin si Mama sa banyo upang doon makapag linis dahil sa talsik sa damit nitong bahid ng dugo. Nang matapos ibinalik namin ni John sa papag si Mama. Mataman kong pinagmasdan si Mama habang nanghihinang dahan-dahan humina sa papag. Hanggang sa magsalita si john sa tabi ko. "Bukas. Tatawag ako kay Dad, magpapatulong akong kumuha ng doktor para gamutin ang Mama mo. Kung ayaw ng Mama mo pumunta sa ospital. Ang doktor na lang ang magpupunta sa kan'ya."Mahabang pahayag ni John. Maagap ko si John niyakap at mahina nag salita. "Salamat John, salamat talaga,"mahinang saad ko rito. "Mahal kita, alam mo 'yan Ris,"turan ni John. Nang magbitiw ako mula sa pagkaka yakap sa kan'ya. Maagap akong hinalikan nito sa labi, matagal ang halik na ginawad nito sa akin. Mabilis kami nagbitiw sa halik nang mapagtantong pinanonood pala kami ni Atong at Lea. "H'wag kayong manood sa amin! Kumain na kayong dalawa!"sikmat ko sa mga ito. Nang matapos mag hapunan si John ay agad na rin umuwi ito mula sa kanila. Kaya naman na iwan na kami ni Lea at Atong pati na ang Mama ko. Magsasara na sana ako ng pinto Bgunit nakita ko si Joey. Ang lalaki ni Mama habang papunta at palapit ito sa bahay namin. Doon mabilis ko ito sinarhan ng pinto. "Clarissa! Buksan mo ang pinto! D'yan ako matutulog!"sigaw nito mula sa labas ng pinto. "Hindi ka na pwede umuwi pa dito! Dahil may sakit ang Mama ko, tigilan mo na siya! Wala ka naman naitutulong sa kan'ya, kundi bigyan lng ng problema ang Mama ko!"mahabang pasigaw ko. Nang sa ganun marinig n'ya mula sa labas ng bahay, agad naman ito sumagot . "Kapag hindi mo binuksan ang pinto! Babae ka! Tuluyan ko nang iiwan ang Nanay mo."singhal nito. "Ano naman ang pakialam ko! Hala, sige! Simulan mo na ngayon. Maghanap ka na ng ipapalit sa Mama ko, kailangan maganda din, ha! Gaya ng Mama ko."Pang iinis ko pa rito. Maya-maya lang ay napansin ko na ang pag alis nito. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag at agad bumaling kay Mama na nakapikit lamang, hindi ko alam kung tulog ba ito o gising. Basta ay ayoko na makalapit ang lalaking 'yon kay Mama, hindi s'ya ang kailangan ng Mama ko kundi kami ng mga kapatid ko. Kinabukasan maaga akong nagising, nagpaalam ako na half-day lang akong papasok sa trabaho ko dahil may sakit ang Mama ko. Ngayong araw rin pupunta ang doktor na sinabi ni John Derick. Hinintay ko muna ang pagdating ni Jhonderick, kasama ang doktor hanggang sa dumating na nga ito sa bahay. Kasama na nito ang doktor na sinasabi niyang susuri maigi kay Mama. Lumapit sa amin dalawa ni John Derick ang doktor, bumaling ito sa akin at nagsalita . " You're mother is have a cancer. She need a chemo therapy soon as possible,"saad ng doktor. Tinulungan ako ni John Derick mapa chemo ang Mama ko, malaki ang pasasalamat ko dahil nanr'yan sa tabi ko ang nobyo ko para tulungan ako. Isang taon mahigit na rin ang nagdaan. Habang tuloy pa rin ang gamutan ng Mama ko. Nag training na din sa pagsu- sundalo si John Derick kaya naging madalang na kami magkita nito. Mis ko na si John pero 'wala ako magagawa kundi magtiis at maghintay sa kan'ya. Naging madalang na rin ang pagtawag n'ya sa akin kahit pa may kontak kami sa isa't isa. Mahal na mahal ko si Johnderick, kaya't para sa kan'ya titiisin ko ang lahat, pati ang pang aalipusta sa akin ng Mommy n'ya habang hindi n'ya alam at 'wala siya sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD