CLARISSA POV.
Nalagas na din ang buhok ng Mama ko, dahil sa cancer niya sa dugo, inaalagaan kong mabuti si Mama, dahil takot ako mawala siya sa buhay ko. Kasalukuyang katabi ko si Mama ngayon, at hawak ko ngayon ang mainit na sabaw habang ipinahigop ko ito sa kanya.
"Anak, ayoko na magpa chemo. Pagod na pagod na ako,"mahinang saad ni Mama sa akin.
"Ma! H'wag kang susuko, konting tiis na lang ga-galing ka rin,"turan ko dito.
"Pagod na pagod na ako rissa, baon ka na sa utang, 'wag ka na na rin humingi ng tulong kay John Derrick. Alam ko ang ginagawa sayo ng Mommy n'ya,"saad ni Mama mula sa akin.
"Ma! Hindi ako mapapagod sayo. Titiisin ko ang lahat gumaling lang kayo,"turan ko rito habang nakikiusap ang mga matang nakabaling rito.
Maya-maya ay tumunog ang ang cellphone ko at agad ko ito sinagot.
"Hello,"sambit ko mula sa linya.
"Pumunta ka rito. May bisitang darating mamaya dito sa bahay. Linisin mong mabuti ang buong bahay! "wika nito mula sa linya, habang mataas ang tono.
"O....opo, opo Tita. Papunta na ako,"tugon ko mula sa linya.Doon dali dali akong kumilos at mabilis umalis ng bahay.
Naging katulong ang papel ko sa ina ni Jhon, hindi ako nagsumbong kay John, dahil ayoko mag away sila ng Mommy niya dahil lang sa akin. Tutal malaki naman ang utang na loob ko kay John at sa pamilya niya. Dahil sa pagtulong nito sa pagpapagamot sa Mama ko. At sa malaking perang inilabas nila, Upang makapag pachemo ang Mama ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko para kay Mama, lahat ng sinasabi ng Mommy ni John sa akin ay sinunod ko at tiniis ko. Ganito ako katapang upang harapin lahat ng pang aalipusta sa akin ng Mommy ni John, kahit alam nito na girlfriend ako ng anak niya ay tinatrato pa din ako nitong basura at hamak na katulong nito. Mabilis ako nakarating sa bahay nila John at pumasok. Nagsuot ako ng apron at hinugasan ang lahat ng hugasan na tambak sa kusina nila. Naglinis din ako sa buong kusina, wala na kasi ang ibang katulong nila, dahil tinanggal na ng Mommy ni John.
At ngayon ako na ang gumagawa ng lahat ng gawain sa malaking bahay nila John. Dahil ang sahod ng katulong ay kulang pa pambayad sa gamutan at chemotherapy ni Mama, kaya tinitiis ko ang lahat kesa sa wala akong magawa para kay Mama. Matapos ko linisin ang kusina, isinunod ko ang malawak na sala tagaktak ang pawis ko na halos, basang - basa ng pawis ang suot kong damit. Nang bigla pumasok sa sala ang Mommy ni John.
"Matagal ka pa ba?! Parating na ang mga bisita, pakibilis naman!"Utos nito sa akin.
"Patapos na po ako Tita" tugon ko.
"Bilisan!! At parating na ang mga bisita ko" dugtong pa nito.
"Bukas bumalik ka rito, labhan mo ang labahan mula sa limang kwarto kailangan walang matira!"nahaba pang turan ng Mommy ni Jhon. Napangiwi ako at mahinang sumagot sa Mommy ni John.
"Ti...tita, halos ka la-laba ko pa lang po kasi noong nakaraan araw. Tsaka, kailangan ko rin po sana alagaan ang Mama ko. Kahit isang araw lang po bigyan n'yo sana ako,"mahabang tugon ko rito,
"Hoy! ikaw! Sundin mo ang sinabi ko! wala akong pakialam sa mga dahilan mo!"Singhal nito habang bakas ang inis nito sa akin. Doon ay nag angat ako dito ng matalim na tingin, kaya maagap itong nagsalita.
"Oh, bakit?! May problema ba? gusto mo pigilan ko na ang anak ko sa pagsuporta sa Mama mong malapit na mamatay," Nagbaga ang mga mata ko sa tinuran nito.
"Oh,bakit gan'yan ka makatingin sa akin! Alalahanin mo, kung si John lang. Hindi niya kakayanin mag isa ang pagpapagamot sa Nanay mo, dahil training pa lamang siya sa pagsusundalo. Kaya sa akin pa rin galing ang lahat ng ginastos ni John mula sa pagpapagamot d'yan sa nanay mo!!Singhal nito, habang galit na galit.
Kaya't ibinaba ko na lang sa map na hawak ko ang tingin ko at nag salita.
"Sige po, tatapusin ko na po ito,"sambit ko.
"Bilisan mo!"sigaw nito, bago lumabas ng sala. Mahigpit ang hawak ko sa map habang pinasadahan ang sahig. Pinigilan ko ang sarili ko kanina, nagtitimpi ako kanina at pinipigil ang sarili. Lalo na nang sabihan n'ya si Mama na malapit na mamatay, doon nangingilid ang luha ko sa galit habang naglalampaso, naluha na lang ako sa labis na galit na hindi ko mailabas.
Habang naglalampaso nakita kong nag pasukan ang mga bisita ng Mommy ni Jhon,tinapunan ako ng mga tingin ng mga ito, at maya maya ay inutusan akong ikuha sila ng Juice at sumunod naman ako sa mga ito. Ilan minuto lamang ang nakalipas,nag utos pa muli ito ng kung ano-ano pero sinunod ko lang ang mga ito, nasa mahabang sofa silang lahat nakaupo habang nagtatawanan ang mga ito. At ako naman ay nasa gilid lamang habang nagpupunas ng pawis gamit ang suot ko lang na damit. Maya-maya natigilan ako dahil nakita kong nakatingin sa'kin si John. Mula sa pinto habang papasok ito sa gawi ng sala.
Mataman ako nito tiningnan mula ulo hanggang paa. Mabilis ito nakita ng Mommy n'ya at naglakad papalapit kay Jhon.
"Oh.. i miss you my son, hindi ka nag sabi darating ka ngayon,"untag nito.
Ngunit hindi nito pinansin ang turan sa kan'ya ng Mama niya, sa halip ay dahan-dahan s'yang lumapit sa akin at nagsalita.
"Pawis na pawis ka,"turan ni John ng maka lapit sa akin. Ngumiti lamang ako rito at sumagot.
"Nag….nag exercise kasi ako kanina doon sa kwarto mo. Pinakelaman ko ang mga gamit mo,"tugon ko rito, ngunit hindi ito umimik at hinalikan ako sa pisngi. Bahagyang tumahimik ang paligid ko nang dumating si Jhon at halikan ako nito sa pisngi, pinahid gamit ng palad nito ang noo kong pawis.
" I miss you,"turan nito habang maamo ang mga matang nakatunghay sa akin.
Nang biglang mayroong nagsalita mula sa mga bisita ng Mommy n'ya.
"Sino siya John?"tanong ng isang may edad at seksing babae.
"She's my girlfriend"mariin n'yang tugon rito, nakita ko pa ang pagsada ng mga bisita sa kabuuan ko, at sumagot naman ang babae.
" I thought that she's maid. Inutos-utusan lang kasi namin kanina."Nabigla ako sa sinabi ng babae
kaya agad kong binalingan ang reaksyon ng mukha ni John. Bigla naman sumabat ang isang babae, habang nakatingin rin sa gawi namin.
"So, John Derick you are lucky to have her ''saad nito.
"Napaka sipag n'ya and she such a pretty,"dugtong pa nito.
Maya-maya ay lumapit sa amin ang Mommy ni Jhon.
"Oh sya,John! Mabuti pa umakyat na kayo sa kwarto mo at doon na kayo mag usap dalawa. "Taboy ng Mommy ni John sa amin. Tinapunan lang ito ng masamang tingin ni Jhon at hinatak ako paakyat sa kwarto niya. Nang makapasok sa kwarto n'ya ay hinawakan nito ang dalawa kong kamay at nag salita.
"Im sorry Ris, 'wala akong magawa,"saad ni John sa akin.
Tinitigan ko s'ya sa mga mata niya, ibig sabihin ba ni John alam n'ya ang nangyayari at pinag gagawa sa akin ng Mommy n'ya. Doon ngumiti lamang ako at niyakap ito nang mahigpit.
"I love you John,"sambit ko habang yakap s'ya nang mahigpit kasabay ng paglandas ng luha ko.
Kasalukuyan kaming nakahiga sa malambot na kama ni Jhon, yakap ako at pinagmamasdan nito ang mga mata ko. 'Walang salita lumalabas sa mga bibig mula sa amin at nakatitig lamang sa isa't isa. Akmang babangon ako ngunit mabilis ako nito niyakap at mariin na hinalikan, dahilan para muli ako na mapahiga sa malambot na kama. Ilang oras kami nag halikan ng ibaba nito, ang mga kamay nito sa pang upo ko, at doon hinimas ni John gamit ang isang kamay Inilipat n'ya sa harapan ko mula sa pagitan ng magkabilang hita ko. Doon ay napaliyad ako sa init na nararamdaman, ngunit nang ipapasok na niya ang kamay sa loob ng suot kong pants ay mabilis kong pinigilan ang kamay nito at nagsalita.
"Kai.. kailangan ko na umuwi,"mabilis kong saad rito. Bumangon ako at inayos ko ang sarili ko, itinali ko ang magulo kong buhok at saka inayos ko ang damit ko.
"Uuwi ka na ba talaga! Pero kakarating ko lang." Nilingon ko ito at binalingan.
"Kailangan na ako ni Mama,"tugon ko rito at akmang lalabas na ng kwarto ngunit biglang nagsalita ito.
"H'wag ka muna umalis, "pigil nitong saad sa akin. Doon ay humarap sa akin ito at muli ako nito hinalikan ng mariin. Hiniga ako nito sa malambot na kama at nagsalita ito.
"Let me do this Clarissa,"bulong nitong saad na tila alam ko na ang ibig nito ipahatid.
"Jo.....Jhon. Mga bata pa tayo,"turan ko rito, sumagot naman ito.
"Hindi na tayo mga bata, Clarissa. Huwag ka mag-alala, hindi kita pababayaan,"mahabang turan nito bago dahan-dahan hinubad ang suot n'yang damit at pilit rin nito hinubad ang suot kong damit. At maya-maya ay tumambad rito ang malusog kong dibdib at mariin itong sinibasib ng halik pataas sa leeg ko. Ilang sandali ay mahina ko ito tinulak palayo sa akin at nagsalita.
"Hi....hindi pa ako handa John. Hindi pa ako handa sa ganitong bagay, mahabang saad ko rito.
"So...sorry,"dugtong ko pa. Agad ko dinampot ang damit ko at ikinabit ko ulit sa likuran ko ang bra na hawak ko. Bumaba ako ng kama ngunit mayroong sinabi si John na nag patigil sa akin at nilingon ito.
" Clarissa, kapag lumabas ka ng pinto na 'yan kalimutan mo na ako,"aniya
Nilingon ko ito at tumitig kay John"Ano...anong ibig mong sabihin?"
mahinang tanong ko na buong pagtataka at bumaling ito sa akin.
"Maghiwalay na tayo, Clarissa,"turan nito.
"Kaya h'uwag kang umalis, samahan mo ako rito kahit ilang oras lang" saad pa muli nito. Ramdam ko ang pag kumbinsi nito sa akin upang pumayag sa gusto nitong mangyari sa amin, doon ay napailing ako at nangilid ang luha sa mga mata ko at nagsalita.
"Kung mahal mo ako John. Maghihintay ka.."garalgar kong tugon dito.
"Fu*k! Hindi ko na kayang maghintay Ris. Lalaki ako meron din akong pangangailangan,"Biglang pag taas ng boses nito.
"Ayoko na!"dugtong pa nito. Napatingin ako rito at kumawala ang mga luha ko mula sa mga mata, ngunit buong tapang año lamang tinalikuran ito at mabilis akong lumabas ng kwarto.
Lumabas ako ng bahay nila John, sandali ko pang nilingon ito at pinagmasdan ang malaking bahay nila, bago ako tuluyan mag lakad papalayo.
Hindi ko kaya ibigay ang gusto ni John. Hindi ko alam pero may parte ng isip ko ang nag sasabi na 'wag ko muna ibigay ang p********e. Marami akong rason. Una sa lahat ay ang Mama ni Jhon, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi ko kaya kahit gustuhin pa ng katawan ko. Pangarap ko makasal at doon ko lamang ibibigay ang sarili ko, gusto ko alukin muna ako ng kasal ni Jhon. Ayokong magaya sa iba kongg kaibigan na mas matagal ang bilang ng taon sa ng relasyon kumpara sa amin, ngunit ngayon ay dalagang ina. Hindi sa 'wala akong tiwaka kay Jhon, kung ibabase ko ang mga nagawa nito sa akin ay isa na ako sa mga swerteng babae na kinaloka ng gaya ni John. Kaya bakit ako mag mamadali, kung pwede naman mangyari ang pakasalan muna ako ni Jhon bago ko ibigay ang sarili ko rito.
Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay namin at pinagmamasdan habang natutulog ang Mama ko. Dinampot ko ang kumot at kinumutan ko ito ng maayos, nakaramdam ako ng kaba na baka totohanin ni John at hiwalayan ako nito. Hindi naman siguro at baka mainit lang ang ulo ni Jhon kanina. Nabitin lang 'yun malamang, pagkukunbinsi ko sa sarili ko. Pero paano nga kung hiwalayan niya ako? Paano kung totoo ang sinasabi niya kanina at hindi dala ng pagod at init ng ulo. Paano ang gamutan at chemo ni Mama, saan ako kukuha ng pera para sa gamutan nito. Matagal akong hindi makatulog, nakaupo lamang ako sa higaan at malalim ang iniisip, nang biglang tumunog ang phone ko.
aNakita ko sa phone screen ang tumatawag, ang Mommy ni John Derick ito agad ko naman sinagot.
"Tita,"sambit ko sa linya ng cellphone ko.
"Bumalik ka rito sa bahay, mayroon akong supresa sayo,"mahinang saad nito sa kabilang linya.
"Ano po 'yon?"tanong ko
"Listen to me okay, ipapasundo kita sa driver ko, bumalik ka rito at bilisan mo!"mahabang turan nito at agad pinatay na ang linya ng phone.
"Pe....pero tita nag papahinga na pi ako,"habol ko pang saad ngunit pinutol na pala nito ang linya.
Makalipaas ang kalahating oras ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan sa labas ng bahay namin, agad ako lumabas at doon nabungaran ko ang driver nina John. Sumakay ako sa loob ng sasakyan hanggang sa nakarating kami sa bahay nila John Derick.
Mabilis ako pumasok sa loob ng malaking bahay at doon, nakita ko ang Mommy n'ya mag isa naka upo sa sala. Mayroon itong hawak na wine glass at dahan-dahan ako lumapit rito.
"Bakit po ninyo ako pinabalik?"tanong ko rito.
"Umakyat ka sa kwarto ni John. Meron akong supresa sayo, buksan mo ang kwarto niya,"wika nito.
"Heto! Ang susi,"dugtong pa nito at agad inaabot sa akin ang susi ng kwarto ni John Derick.
Dahan-dahan ko iyon tinanggap, nagtataka man ngunit kailangan ko sumunod sa sinabi nito kung hindi ay magagalit na naman ito. Kaya naman umakyat ako sa kwarto niya at nang marating ang harap ng pinto ng kwarto ni John ay mayroon kaba akong biglang naramdaman. Puno ako ng pagtataka kung ano ang surpresa na sinasabi ng Mommy ni John.
Maya-maya lang ay ipinasok ko na ang susi sa knornob at pinihit ko ito para buksan ang pinto ng kwarto. Na tulala at nanlaki ang mata ko sa nabungaran ko. Nakita kong nakapatong si John sa babaeng pamilyar sa akin, nakilala ko ito at walang iba kundi si Jona. Pareho ang mga itong walang suot na saplot at balot ng puting kumot habang nag nagtatalik. Nanigas ako sa kinatatayuan ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at tanging pangalan lang n'ya ang nabigkas ko.
"Jo...John,"garalgal sa pag iyak kong tawag sa pangalan nito.
Nakita ko ang pagkagulat nila nang maramdaman ang presensya ko mula sa pintong kinatatayuan. Maagap silang nag layo at tumakbo ako palabas ng kwarto habang nagmadaling tumungo pababa sa hagdan. Malabo ang paningin dahil sa 'walang patid na mga luhang namumuo sa mga mata ko.
Nang makababa ako ng hagdan bumungad sa akin sa sala ang Mommy ni John, nakaupo ito sa sofa hanggang sa mag salita ito.
"Nakita mo na ba? Ang supresa ko sayo,"saad nito habang nakatitig sa akin.
Ngumiti pa ito habang ako naman ay basang-basa ang pisngi ng luha ko.
Matalim lang akong nakatingin rito
hanggang sa marinig ko mula sa likuran ko ang pag tawag sa pangalan ko.
"Clarissa!"tawag ni John sa akin. Nilingon ko ito at dahan-dahang nilapitan ko ito, marahan kong hinawakan ang mga pisngi niya. Muling tumulo ang luha ko at ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at nagsalita.
"Sana naghintay ka muna Jhon,"saad ko rito habang tuloy-tuloy ang pag agos ng mga luha ko.
"I'm sorry,"tanging sambit nito.
Doon ay tinalikuran ko ito at nagtungo palabas ng bahay nila. Nang makalabas ako ng bahay nila John, tumatakbo ako ng tumakbo habang hagulgol na umiiyak. Pasado alas-dyes na ng gabi habang palabas na ako ng subdivision.
Tuloy-tuloy ang pag iyak ko hanggang magpasya akong maupo muna sa gilid ng kalsada upang doon magpatuloy umiiyak.
"John! Bakit! Bakit mo 'to ginawa sa'kin! Ang sabi mo, mahal mo ako! Pero ano 'tong ginawa mo!"garalgar sa pag iyak kong sambit.
"Sabi mo mahal mo ako!!"dugtong ko pa at hagulgol sa pag iyak.
Nang mapansin ko ang itim na sasakyang huminto sa harapan ko, nag angat ako ng tingin mula sa kotseng nasa harap ko. Hindi nagbubukas ang
bintana nito dahilan upang hindi ko makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Ngunit habang pinagmamasdan ang sasakyan ay pamilyar sa'kin ang Ferrari sports car na ito. Kung hindi ako nagkakamali ito ang sasakyang muntik na makabangga sa akin noon. Padabog ako tumayo at nag desisyon maglakad palayo sa sasakyan habang pinupunasan ang mga basang pisngi gamit ang mga palad ko.